NovelToon NovelToon

New Light!

Chapter 0 [ Prologue ]

Earth

Isang klase ng mundo na ang science ay yumayabong at kapayapaan ay nangingibabaw pagkatapos ng ilang daang taon na digmaan sa mundo dahil sa galit, poot, pag hihiganti, kasakiman sa kapangyarihan at lupain, at iba pang mga rason na kagagawan din ng magkaparehong uri ng nilalang, mga Tao.

Pilipinas

Isang kapuluan na binubuo ng 7,641 na isla na kung saan matatagpuan ang tila walang hanggang dalampasigan, masisigla at magagandang lungsod, umuusok na bulkang tanawin na nakakaaya sa mata, at mga kamanga-manghang lugar sa ilalim ng dagat na nag hihintay na madiskubre ng mga tao.

Isa din itong bansa na mayaman sa mga tuntunin ng kasaysayan, kwentong bayan, urban legends at mitolohiya na naipapasa sa bawat henerasyon mula sa kanilang mga ninuno sa iba-ibang parte ng bansa.

"Isn't it interesting? Ung history ng bansa natin i mean."

Masayang banggit ni White sa kanyang mga kaklase habang focus sya sa kanyang binabasang libro na ang pamagat ay [History of the Philippines i guess?] na isinulat ng isang hindi kilalang Author.

"What's interesting about it? hindi ba lahat ng yan ay nakaraan na? wala narin namang punto para basahin at pag-aralan pa yan."

mareklamong sagot ng isang kaklase nya habang ninunguya ung kinakain nya habang nakaupo sa likurang banda.

"Oo nga, oo nga." Singit na sagot ni Niel

"By the way White, anong rank kana pala ngayon?" Biglang tanong ni Blaster

"Nasa Diamond 1 parin ako" Sagot ni White habang tila nalilito sa biglaang tanong ni Blaster sa kanya.

"Bat mo naman biglang natanong?"

"Wala, natanong ko lang. Magaling ka naman sa laro at alam naman nating lahat na kaya mo pang paangatin rank mo, tapos ini scout ka pa nung mga Pro teams dyan pero lagi mo nalang silang tinatanggihan. Tsk tsk." sagot ni Blaster.

White Alyan, isang gamer, magaling sa academics at isang atleta sa kanilang paaralan. Isa syang popular at campus crush dahil dito and good-looking din naman sya.

Matangkad sya, Semi-long hair na umaabot hanggang balikat, black top and white-gray hued color at the tip of his hair, added with sharp deep-blue eyes na for sure na aakit sa atensyon ng mga makakaita dito.

"Oo nga! lagi nalang nasasayang ung opportunity na binibigay sayo na makita ka sa TV at i representa ung bansa natin sa gaming scene!" dagdag naman ng isa pa nyang kaklase.

'Hindi naman sa ayoko. Sino ba naman ayaw maging isang kilalang gamer gaya ni F*ker or kung sino man pero, hindi ko makita na nag e-enjoy ako sa ganong klasing stage or scene.'

bulong ni White sa kanyang isipan

"Pwede bang tigil-tigilan nyo si kuya sa bagay na yan? Ilang beses nyo na syang tinatanong at kinukulit sa bagay na yan e!" sigaw ng isang babae na biglang pumasok sa classroom nila.

"Oh shit! Andito na ung maldita! Magsialis na tayo dito bago pa tayo pag papaluin nyan! HAHAHAHA!" Sigaw ni Blaster sa mga kasama nya nung nakita nila ito.

Zia Alyan, White's Sister.

Matangkad din na halos kasing tangkad ng kuya nya. May mahabang buhok na umaabot hanggang bewang. White-grey hued top and black color till the tip of her hair. Added with a light-grey colored ribbon at the back of her hair.

She has cute blue-colored round eyes which are eye-candy sa lahat ng makakakita dito.

Isa ding campus crush at isang Cheerleader sa iskwelahan nila. Good at her academics at takot ang mga lalake sa kanya salamat sa mala maldita nyang ugali.

"Maldita ba kamo? Mahuli lang talaga kitang Blaster ka! Hoy wag mokong takbuhan dyan!"

Sigaw ni Zia habang tumatakbo papunta sa kabilang pintuan ang mga lalakeng kaklase ni White para maiwasan ang kapatid nya.

Nilagyan ni White ng red bookmark kung saan sya nag stop sa libro na kanyang binabasa at lumingon sya sa dereksyon ni Zia para tanungin ito.

"Anong ginagawa mo dito? diba sa kabilang building ung classroom mo?"

"I'm just checking on you. Bawal ba yon?" pareklamong sagot ni Zia.

"At nakalimutan mo yata na ako pinadala mo neto?" mabilisan nyang inabot ang libro na hawak nya.

[Ancient Myths, Legends, and Folklores of the Philippines I guess?] eto ung title ng libro na ipinasa ng kapatid nya sa kanya.

"Oo nga pala sori sori" mahinhing sagot ni White kasi nakalimutan nya na sinabi nya pala yon sa kanya kanina.

"Bat ba ako pinadala mo ng libro mo na yan? Meron ka naman sariling bag." pareklamong tanong ni Zia

"Alam mo naman na palaging puno ung bag ko kanina dahil sa mga kagamitan at pampalit na damit ko diba?" medyo walang-kibong sagot ni White

'Equiptment my ***. Alam naman nating dalawa na PsP at mp3 player mo lang naman ang laman ng bag mo na yan!' ang gusto sanang sabihin ni Zia sa kanya pero pinigilan nya sarili nyang sabihin ito.

"Haysss. Anyways bilhan moko nung ice cream kauwi no? ung usual. Balik nako sa classroom ko" sabi ni Zia habang naglalakad palabas ng classroom.

"Sure sure. And please, wag mo nang habulin ung mga yon. You scared them enough already." sagot ni White na ngayon ay bumalik sa pagbabasa sa librong hawak nya.

• • •

'Wha- What's this?'

Tanong ni White sa kanyang sarili habang nakatingin sa kakaibang tanawin sa harap nya.

Isang malamig na lugar na tila imposible para sa normal na tao na mamuhay rito.

Lugar na tila isinumpa ng Dyos upang walang ni anumang nilalang ang mabubuhay dito.

Nang di nya namamalayan, bigla nalang syang nahila at naipasok sa katawan ng lalake na nasa tuktok ng iceberg at ang pananaw ng lalakeng iyon ay ipinapakita sa kanya.

[The mysterious man's perspective]

'Bakit ba kasi nagsimula ang lahat ng to…'

Marahang umiihip ang malamig na hangin habang nakaupo siya sa tuktok ng iceberg, habang ang mga malalayong ala-ala ng nakaraan ay biglang bumalik sa kanyang isipan.

Mga memoryang mahirap makalimutan at masasakit na pangyayare ay dumadaloy ngayon sa kanyang isipan.

"Hintayin nyo lang ako dyan, you damn bastard Gods above!" sabi ng lalake habang tumatayo sya ng biglang may lumabas na floating panel sa kanyang harapan na nag sasabing

•[ Attention! [EwrHRiToER], ihanda mo na ang iyong sarili sa pag labas sa palapag na ito. ]•

Maraming katanungan ang bumabalot sa kanyang isipan na hanggang ngayon ay wala paring kasagutan.

'Until I grab and raze those Deities neck to the ground, I'll play along nicely in this game they laid upon in front of me.'

Nalula si White sa hindi inaasahang pangyayare na nagaganap sa harapan nya. Isa na din ang matinding emosyon ng lalake na sa di maipaliwanag na dahilan, ay kanya ding naramdaman.

Habang sinusubukan nyang intindihin ang mga nangyayare, isang pitch-black smoke na hugis kamay ang biglang humablot sa kanya at hinila sya pababa sa kadiliman na kung saan nagmula ang kamay na iyon.

• • •

Dahan-dahang sumikat ang magandang araw.

Ang tunog ng tilaok ng mga manok at magagandang huni ng mga ibon ay maririnig kahit mula sa malayo. Eto ang bumungad at maririnig ng mga tao paggising sa umaga.

Bigla na lamang tumalon si White mula sa kanyang pagkakahiga na tila ba tulala habang sinusubukan nyang alalahanin ang napanaginipan nya kagabi.

Nang dahil sa biglaang pag talon nya, aksidente nya ding na untog ang ulo nya sa uluhang banda ng kanilang bunker bed.

"What was that dream? Bat pakiramdam ko importante yun pero… ni isang parte ng panaginip is wala akong maalala.. Aray.."

Hinilot nya ang kanyang noo dahil sa sakit ng pagka-untog.

Nang dahil din sa ingay at paggalaw ng higaan mula pagkaka-utog ay nagising ang kapatid nya na nakahiga sa itaaang banda ng higaan.

"Uggghhnn. Ano bang problema mo kuya? Ang aga-aga pa oh!" Pasigaw na sabi ni Zia dahil sa irita sa biglaang pagkakagising.

"Sori Sori, binangungut kasi ako bigla, pero hindi ko matandaan kung ano yon." sagot ni White habang binbaba nya ang sarili sa kama.

"Tsk. Bili ka nga don ng pandisal sa labas at gawan moko kape bago ko basagin yang ulo mo dahil sa paggising mo sakin!" Inis nyang pag utos sa kanyang kuya habang bumalik sya sa kanyang pag higa.

"Sure sure. Gisingin nalang kita ulit pag ready na." sagot naman White habang palabas na ng kwarto.

Dahan-dahan syang bumaba sa hagdan habang sinasabi sya sa isip nya na

'Looks like it's that time of the month again'

Huminga sya ng malalim matapos humikab habang kinuha nya ung pera sa taas ng TV.

"Oh, nak, ang aga mo yatang nagising ngayon?"

Binati sya ng kanyang ina na nakita syang nag lalakad palabas ng pintuan habang dinidiligan neto ang kanyang mga halaman.

"Hi ma. Binangungot lang ako kaya nagising ako ng maaga ngayon." Nilapitan ni White ang kanyang ina at nag mano sya.

"Ganun ba. Naku dika siguro natulog ng maaga no?" pabirong sabi ng kanyang ina.

"Oh, San ka pala nyan pupunta ngayong kaaga-aga pa?" dagdag na tanong ng kanyang ina.

"Bibili lang po ng pandesal at kape dun sa tindahan." sagot nya

"at saka, parang nagsisimula na yata ung buwan ni Zia" dagdag pa nya

Tumawa ng marahan ang kanyang ina ng narinig nya ito.

"Ok sige sige wag kang mag alala, bibili ako nyan mamaya din. Kunin mo nadin ito para panagdag pambili ng kape since pauwi na ung tatay mo."

"Okay Ma, Balik din ako agad." Sagot ni White pagkaabot ng pera sa kanya.

• • •

Habang nag hihintay si White na maiabot ang kanyang binibili, nakita nya ung news report na ibinabalita ngayon sa telebisyon sa harap ng tindahan.

[Nang anunsyo ng nakakabahalang prediksyon ang Sikat na Mystic fortune teller ngayong taon! Paniniwalaan ba natin ang prediksyon na ito?]

"Sikat na fortune teller? sinasabi na guguho na mundo sa katapusan ng taon? anong klasing kalokohan yan." sabi ng tindero ng marinig nya ang binalita sa telebisyon.

'Yeah. I don't think that will happen anytime soon anyways.' sabi ni White sa isip nya habang tinatanggap ang kanyang binili.

"Salamat! Balik ka ulit!" Masayang pasigaw ng may-ari ng tindahan habang naglalakad na paalis si White.

Puno ang daan ng mga abalang tricycles at Jeepney habang nag lalakad sya pauwi sa kanilang tahanan.

Sa kalagitnaan ng kanyang pag lalakad ay hindi sya mapalagay dahil sa news na nakita nya sa TV kanina sa tindahan.

'Alam ko naman sa sarili ko na imposibleng mangyare yun pero… bat parang kinakabahan ako sa balitang yun?'

Binalewala nya nalang ang naiisip nyang yon at nagmadali syang naglakad deretso sa kanilang bahay.

Chapter 1 [ Chaos Descent ]

Dalawang buwan na ang nakalipas ng inilabas ang balitang iyon sa buong mundo.

Nagkagulo ang mga tao sa mundo nung inilabas na ang kumpletong detalye ng prediction.

Ang summary ng prediction ay, sa katapusan ng 2012, mababalot ang mundo ng kalamidad na higit pa sa kung ano ang makakayang lampasan ng sangkatauhan at maaring maging marka at simula ng "Katapusan ng Mundo".

Takot, pagkataranta, at pagkabalisa habang nagkagulo ang mga tao sa buong mundo nang narinig ang prediksyon na ito. Ngunit, ung iba ay hindi naniniwala ng lubusan dito.

Hindi alam ni White kung saang posisyon nya ilulugar ang kanyang sarili.

Though, gusto nyang ilagay ang sarili nya sa mga taong hindi naniniwala sa prediction nang fortune teller, there's something within him that tells him that the revelation of that Fortune teller was real. Adding the fact na 80 to 90 percent nang kanyang predictions ay nagkatotoo.

December 12, 2012

Nag deklara ng Cristmas break and kanilang iskwelahan kaya hawak na ni White ang kanyang oras. Oras na gagamitin nya para namnamin at enjoyin ang kanyang limitadong kalayaan sa labas ng school days nila.

Pumupunta sya sa malapit na gym to stay fit. Nag lalaro ng online games kasama ang mga kaibigan nya sa internet shop at bago mag gabi ay umuuwi na sya sa kanilang bahay.

Bago din matulog ay ginagawa nya ang paburito nyang gawin which is mag basa ng mga libro tungkol sa History ng Pinas, Mga Mythologies at iba pang kakaibang babasahin habang nakikinig ng music sa mp3 bago matulog.

• • •

Dumating na ang araw ng Cristmas at masaganang sinalubong ito ng buong mundo. Especially sa Alyan family na relihiyoso.

"Merry Christmas!"

Sigaw ng pamilya saktong pagpatak ng orasan sa 12:00 A.M

"Uuummmnnn!! as expected sa luto mo Kuya! I really love this!"

masayang sabi ni Zia habang sarap na sarap nyang ninunguya ang pagkain na niluto ni White para sa kanila.

"Ayyy, so mas love mo luto ng kuya mo kaysa sarili mong Nanay?" sabi naman ng kanilang ina habang ito'y nakasimangot.

"Syempre, mas masarap at mas love ko parin luto ng the best kong Nanay! walang makakapantay sa mga niluluto mo!" ika ni Zia na may halong matatamis na salita habang ninunguya nya parin ang pagkain sa kanyang bibig.

meanwhile

May napansin si White na dumaan sa kanilang bintana. Dali-dali syang lumabas para i-check kung ano o sino yun pero nung tiningnan nya ang paligid ay wala syang nakita.

'I guess I was too tired from cooking foods non-stop'

Nawala ang kaba nya at huminga sya ng maluwag. Bumalik na sya sa mesa kung saan masayang kumakain at nag ce-celebrate sila ng Cristmas.

• • •

Lingid sa kaalaman ng mga tao, ang kapalaran ng mundong kinagagalawan nila ay nagsisimulang umikot muli.

Makikita sa isang sulok ng maliit na tila kwarto ang anyo ng isang babae na ang mukha ay nakabalot ng magandang maskara.

[Kailangan ba talaga nating gawin to?]

tanong ng babae na ang boses ay napakalambot at malambing pakinggan.

[Kung uupo lang tayo dito at walang gagawin, ang mundong pinangako nating po-protektahan ng ilang milyong libong taon ay magugunaw!]

Pagalit na batid ng anyong lalake na nasa kabilang sulok ng kwarto.

[Ngunit!]

Habang sinusubukan nyang ipahayag ang kanyang pag aalala at subukang pigilan ang kung ano man ang pinaplanong gawin ng kanyang kinakasama

[Batid ko kung ano ang nais mong ipahayag ngunit, kung hindi tayo kikilos ngayon, kailan?]

Maharan na sagot ng lalake

Nagkaroon ng isang minutong katahimikan bago magsalita ulit ang babae ng kanyang pag-aalala sa mga tao.

[Sana ay malampasan nila itong mga pagsubok na kanilang haharapin.]

Habang nakatitig sila sa tila walang katapusang kawalan sa isang sulok ng kalawakan, ibinulong nila ang kaninalang hangarin para sa kaligtasan ng sangkatauhan.

• • •

December 31, 2012

Habang humuhupa na ang kanilang takot sa prediction ay tuloy-tuloy namang lumakas ang kanilang pagkasabik sa New Year.

Si White Alyan, na plinano na mag New Year sa computer shop kasama ang mga kaibigan nya, ay biglang nakatanggap ng tawag mula sa kanyang kapatid na pinapauwi sya ng kanilang ina para tulungan syang mag luto ng pagkain at desserts para sa kanilang New Year Celebration.

'Hays, Sinabihan kona si mama kanina e. Next year na nga lang'

Sabi nya sa sarili nya habang nag lalakad sya sa masiglang daan na may mga nakalatag na paputok na kaliwa't kanan ding pinapaputukan habang sya ay papunta sa kanilang tahanan.

Habang papalapit na syang makauwi sa kanilang tahanan, nakakita si White ng isang maliit na anyo na mala anino malapit sa isang puno sa harap ng kanilang bahay.

"Huh?"

Bigla syang natuliro ng dahil sa kakaibang pangyayare na kanyang nakikita ngayon.

Kinusot nya nang ilang beses ang kanyang mata at nang binuksan nya ulit ito ay hindi nya na makita ang kakaibang anyo na nakita nya kani-kanina lamang.

"I guess this is the effect of me playing too many video games. Ngayon ay paulit ulit na akong nakakita ng mga weirdong bagay nato."

With a sigh of relief, White then walks and enters their home.

• • •

Isang oras nalang ang natitira bago dumating ang New year.

Ihinahanda na ng mga tao ang mga pagkain sa kani-kanilang hapagkainan, pinamimigay na ang torotot isa isa, inilalatag na din ang mga paputok sa daan. Ang mga bata ay nag sisimula nag mag ingay gamit ng mga torotot na ipinamigay sa kanila at ang tunog at musika ng karaoke ay maririnig sa bawat kanto ng kanilang lansangan.

"One hour left before the year ends. Bagong taon at bagong impyernong klase nanaman next week. Damn. Hindi ko pa na e-enjoy ung bakasyon ko!"

Sigaw ni White habang nakatingin sya sa magagandang fireworks na sinisindihan at pumuputok sa taas ng kalangitan.

"Imbis na mag reklamo ka dyan, tulungan mo kami mag handa netong mga desserts!" Sigaw naman ng kanyang ina

"Yes yes, sure ma papunta nako dyan!" Sagot ni White habang nagmadaling maglakad papuntang kusina.

Ilang sandali lamang ay nag salita na ang broadcaster sa telebisyon.

[ Samahan nyo kami mag countdown habang sabay sabay nating salubungin ang bagong taon!]

sigaw ng broadcaster sa telebisyon.

Sabay sabay nagsitinginan ang pamilyang Alyan habang sila ay sumabay sa pag countdown sa pagsalubong ng bagong taon.

[10!]

Sabay-sabay na nagsigawan ang mga tao pagkasimula ang countdown.

[9!]

masisilayan sa paligid ang mga batang nag sisitalunan habang ang iba ay hinihipan na ang kanilang mga torotot.

[8!]

Ang nakakabinging tunog ng mga jeep at motor ay nagsisimula nang marinig sa bawat sulok ng daan.

[7!]

Ang tanawin at tunog ng mga paputok ay makikita nang at maririnig na sa paligid.

[6!]

Ang amoy ng mga paputok, jeep at motor ay nag hahalo na at dahan-dahang kumakalat sa buong lugar.

[5!]

Mga taong nag sisipaghanda nang sindihan ang kanilang mga fireworks ay matatanaw sa bawat paligid ng kalye.

[4!]

Ang tunong nang mga musika sa paligid ay dahan-dahang lumalakas.

[3!]

Isa-isang sindihan ng mga tao ang nakahanda nilang mga fireworks.

[2!]

At ang tunong ng mga sasakyan, motor, at musika ng mga karaoke ay palakas na ng palakas habang papalapit na ang katapusan ng countdown.

[1!]

Sabay-sabay na nag hihiyawan at nag tatatalon ang mga tao sa tuwa at kilig sa pag salubong ng bagong taon lalo na ang mga bata na para bang katapusan na ng mundo.

[HAPPY NEW YEAR!!!]

Sigaw ng broadcaster sa television. Sabay sabay sumigaw at tumingin ang mga tao sa magandang kalangitan sa gabi, para makita ang kahanga-hanga at mala nobelang fireworks show na kanila dapat masisilayan.

Ngunit, imbis na magagandang fireworks na mala work of arts sa mata ng lahat, ang nakita at sumalubong sa kanilang mga mata ay nakakasilaw na liwanag.

Liwanag na bumulag sa kanilang mga paningin ng ilang sigundo.

Habang nanunumbalik na ang kanilang paningin mula sa nakakasilaw na liwanag, ngayon ay sinalubong naman sila ng kakaibang pangyayare sa kalangitan. Kalangitan na tila na hahati sa dalawa.

Sa gitna ng nahating kalangitan ay may namumuong parang daan na nagmula sa kawalan.

Mula dito ay may kakaiba at nakakatakot na tunog na maririnig habang nangyayare ang lahat ng ito.

Tunong na nakakakilabot pakinggan.

Ugong na para bang may nilalang na tuwang-tuwa dahil sa piging na malapit nang mangyayare

Hagulgol na para bang nagdusa sila sa mahabang panahon na pagkakakulong at gutom.

Lahat ay natahimik.

Ang mga tao na nakatingin sa sa kalangitan ay natulala, hindi makagalaw sa sindak dahil sa kakaibang pangyayareng kanilang nasulyapan.

'Wh- What's happening?'

Natulala si White sa kababalaghang nakikita at nangyayare sa harapan nya ngayon.

Kahit sino namang nasa tamang pag-iisip ay magtatanong ng parehong tanong, diba?

Ang tila hindi makatotohanang sitwasyon na makikita at mapapanood mo lang sa mga pelikula o anime o kahit sa mga panaginip ay nangyayari na ngayon sa kanilang reyalidad.

Isang pares ng kamay ang biglang gumapang palabaas mula sa lagusan sa kalangitan at tila binabanat ang lagusan upang mas lumaki pa ito.

Dahil sa paglaki ng lagusan ay paisa-isang nagsibabaan ang mga misteryosong nilalang sa tila gutay-gutay na na kalangitan.

Nang dahil sa biglaang paglitaw ng mga misteryosong nilalang sa kalangitan ay nagising ang mga tao sa kanilang pagka tulala nilang kondisyon.

Although, nagising nga sila sa kanilang pagka tulala, napalitan naman ito ng takot, takot sa hindi nila maipaliwanag na mga pangyayare at nakikita ng kanilang mga mata.

Matapos ang mahabang katahimikan, ang masayang pagdiriwang ng bagong taon na dapat nilang ipinagdiriwang ay napalitan nang mala-apocalyptic na kaganapan.

Nang makalapag na ang mga misteryosong nilalang sa kalupaan, isinigaw nila ang kauna-unahan nilang ungol sa mundo at isa-isang inatake ang lahat sa kanilang paligid at saka dahan-dahang pinupunit at ninunguya ang mga laman at buto ng kanilang biktima.

'A…Am I Dreaming?' White was too stunned to speak.

Isang matindi at nakapanlulumong sigaw ang maririnig mula sa isang tao na kasalukuyang nasaksak gamit ng kamay ng halimaw na humahabol sa kanya sa isang kanto ng kalye.

Nang dahil dito ay nagising si White sa kanyang pagkatulala.

Pumasok sa kanyang mga paningin ang mga taong takot na takot na tumatakbo papalayo sa mga halimaw na walang tigil na humahabol sa kanila na parang mga mababangis na hayop.

"Just what in the World…"

Bulong nya habang sumalampak ang kanyang katawan, nanginginig sa takot dahil sa hindi inaasahang sitwasyon na nangyayare sa kanyang harapan habang naririnig at nakikita nya ang mga taong tumatakbo na parang walang patutunguhan basta lamang makalayo sila sa mga halimaw pero sa huli ay isa-isa ding napapatay at kinakain ng mga ito.

Chapter 2 [ Hero? ]

Chaos has descended on the world as they know it.

Isang kaganapan na hindi mailalarawan sa mga salita lamang.

Kahit na ang mga pinakabagong scientific technology and discovery ay hindi maipaliwanag at ma i predict ang kakaibang pangyayareng ito.

Ang hindi kapanipaniwala at hindi maipaliwanag sa sangkatauhan na pangyayare ay nangyayare na sa kanilang mga harapan.

Si White, na nakasalampak parin sa lupa at nanginginig ng sobra dahil sa takot, biglang naalala ung balitang narinig nya sa TV na mangyayare sa katapusan ng taon.

'So… that prediction was true!?'

Gulong-gulo na ang kanyang pagiisip habang ang gulo sa paligid nya ay mas gumulo.

'This must be a joke right?!' this is just a Nightmare right!?'

Hindi parin sya makapaniwala sa hindi maipaliwanag na nangyayare sa harapan nya.

Habang nangyayare ang lahat ng kaguluhang ito, isang higanteng nilalang na ang ulo ay hugis kabayo at buong katawan ay hugis tao, ang masusulyapan mula sa nahating kalangitan at dahan-dahang bumaba malapit sa kinaroroonan nila White at ang kanyang pamilya.

Nang nakababa na ang misteryosong nilalang, sumigaw ito ng napakalakas na nag resulta sa isang malaki at malawakang shockwave.

Halos lahat ng buildings at mga bahay sa loob ng 1km ay nasira at nabasag na parang marupok na baso, habang ang mga tao sa paligid nito ay nagsiliparan sa lahat ng direction ng dahil sa shockwave na inilabas neto.

Kasama na dito si White at ang pamilya nya.

Maswerte nalamang ay naisaktong nilipad at tumama si White sa isang puno na may maraming sanga.

Ito ay naging unan nya mula sa shockwave na natanggap nya mula sa sigaw ng misteryosong higante.

Although, hindi parin sya makakatakas sa mararanasan nyang paglagapak sa lupa mula sa puno na iyon.

Habang bumabalik ng paunti-unti ang kanyang kamalayan mula sa shockwave at pagkabagsak sa puno, ang sumalubong sa malabong pandama nya ay ang mga taong sumisigaw sa sakit at takot, tanawin ng mga building na gumuguho na parang sandcastles, kumakalat na nagbabagang apoy, at mga halimaw na nag pe-pyesta sa mga taong kanilang nahuhuli.

Ang mala bangungot na ekena na mababasa o makikita mo lamang sa mga apocalyptic fantasy novels, anime at movies ay nangyayare na ngayon sa kanyang harapan.

"F-fuckk….KKKKkkkkkkkkkkk!!!!"

Sya ngayon ay nilamon ng takot at humiyaw ng napakalakas si White habang tumatayo mula sa pagkakadapa nya.

Kahit na nanginginig ang buong katawan nya dahil sa sakit sa pagkapagsak at takot, sinubukan nya paring pigilan ito at umalis sa kasalukuyang lokasyon.

Nag aalala sya sa kalagayan ng kanyang pamilya kaya sumusulyap sya sa bawat kalsada na nadadaanan nya habang naglalakad sya papalayo.

Sa gitna ng kanyang pag hahanap, Nakita nya ang kayang kapatid na tumatakbo papalayo sa mala-unanong nilalang na humabaol sa kanya.

Habang sumisigaw ito para humingi ng tulong, umaasa na may makarinig sa kanyang hiyaw, may isang kongkreto ang bumabagsak sa ibabaw nya mula sa gumuguhong building malapit sa kanya.

Napansin ito ng kapatid nya at maswerteng naka iwas ang kanyang ulo, ngunit natamaan naman ang kanyang mga paa sa kadahilanan na hindi naigalaw kaagad ang kanyang buong katawan.

"Nooooooooooo!"

Napasigaw si White habang nakapinta ang desperasyon sa kanyang mukha.

Sinubukan nya tumakbo papunta sa kapatid nya para tulungan sya ngunit ayaw gumalaw at hindi tumitigil sa panginginig ang kanyang mga paa.

Sya'y sobrang natatakot dahil sa sunod-sunod na kabaliwang sitwasyon na nangyayare ngayong araw, ngunit nang makita nya ang kanyang kapatid sa sitwasyon na iyon, ang isip at puso nya na puno ng pagkabalisa at takot, ngayon ay napupuno na ng galit.

"C'mon! Anything!"

Dali-dali nyang sinuri ang paligid nya at nakakita sya ang sanga ng puno malapit sa kanya.

Nilakasan nya ang kanyang loob at sinaksak ang kanyang binti gamit nito.

"Aaaaaaarrrrrrghhhhhhhhhhh!!!!!!"

Napasigaw si White sa sakit ngunit tiniis nya ito. Thankfully, natigil na ang panginginig ng kanyang binti.

Dali-dali syang sumugod papunta sa halimaw na ngayon ay naghahanda nang hiwain ang kanyang kapatid.

"Get the hell away from my Sister!!!"

Binulag ng kanyang galit at takot na mawala ang kanyang kapatid,

Pinag hahampas ni White ang halimaw sa likod ng ulo habang naka focus ito sa kapatid nya.

Hindi nito napansin si White at nagulat ito at natalisod.

Nang natumba na ang halimaw ay inapakan nya ng malakas ang mga kamay neto habang hinawakan ng mahigpit ang sanga na nasa kamay nya.

"RAAAAAAAAAAAAAAGGGGHHHHHHH!!!!!!!!"

Malakas nyang sigaw habang pinagsasak-sak paulit-ulit ang mukha ng halimaw.

Dugo

Napakadaming dugo ang tumalsik at dumikit sa mukha at damit ni White habang walang tigil nyang pagsasak-sakin ang halimaw.

Hindi nya ito tinigilan hanggang sa tuluyan nang nawalan ng lakas gumalaw at basag-basag na ang pagmumukha ng unanong muntik nang makapatay sa kapatid nya.

Nang bumabalik na ang kanyang ulirat ay dahan-dahan syang naglakad papunta sa kapatid nyang nakahiga na walang malay.

Inilagay nya ang kanyang dalawang daliri sa pulsuhan, sa leeg at malapit sa ilong para i check ang kanyang pulso at paghinga.

Nakahinga sya ng maluwag at kumalma matapos makumpirma na buhay pa sya.

"Mukhang nahimatay sya dahil sa gulat at pagtama ng kongreto sa kanya. Buti nalang nakarating ako sa oras."

matapos neto ay dahan-dahan nyang inalis ang mga kongkreto na tumama sa paa ng kapatid nya.

Habang dahan-dahang inaangkas ni White sa likuran ang kapatid nya ay biglang may floating panel na lumitaw sa kanyang harapan na nagsasabing

•[ ??? na nagmula sa lupang sinilangan. Ang iyong tapang ay nagbigay sa iyo ng kwalipikasyon na mabigyan ng kapangyarihan upang mapuksa ang masasamang nilalang na sumasalakay sa inyong mundo! ]•

"Pota ano to?"

Bigla syang nanigas sa kinatatayuan nya at nalito sa biglaang pagyayare sa paningin nya.

Although, gusto nyang i check kung ano man ang nilalaman ng panel na yun, mas inuna nya ang pagalis sa kasalukuyan nilang lugar.

"Growwwwwwwrrrrrrrlllllll"

Ito ang naririnig ni White habang palihim syang nagpapalipat-lipat ng bahay para hindi sila makita, marinig at masundan ng mga misteryosong nilalang habang naglalakad sya sa isang partikular na direksyon.

"Huff..Aghh…."

Isang lugar na mala kagubatan na sa dami ng puno, may isang binatilyo na karga ang kapatid nya sa kanyang likuran.

Nakahawak sa pintuan ng isang maliit na kubo habang pagod na pagod at nanginginig ang binti na nagdurugo.

"Diko na imagine na isang araw, babalik ako sa lugar na to sa gantong klaseng sitwasyon."

Bulong ni White habang dahan-dahan nyang binuksan ang pintuan.

Hinay-hinay nyang inilapag ang kapatid nya sa higaan ng kubo.

"Pagkakatanda ko may first aid kit dito. Sa may cabinet yata un banda."

Dahan-dahan nyang hinalungkat ang cabinet upang kunin ung first aid kit.

Nang makita nya ito, hinubad nya ang kanyang damit at kinuha nya ang planggana na nasa gilid at lumabas ng kubo.

Kahit na sobrang pagod sya dahil sa mga pangyayare, ginamit nya parin ang poso para makakuha ng tubig.

Tubig na gagamitin nya para linisin ang mga sugat sa paa ng kapatid nya.

Pagkatapos nun ay pinunit at binabad nya ang damit sa tubig at ginamit na pamunas sa mga hiwa at sugat ng kapatid nya.

Inapply ang first aid, binalot ang sugatang bahagi ng paa gamit ng punit na damit para matigil ang pagdurugo, at ginawa ang parehong bagay sa kanyang sarili.

Nakahinga na siya ng maluwag at umupo sa tabi ng kama.

"Phew. " He murmured.

Nakatingin sya sa bintana ng kubo habang nagpapahina at kinakalma ang sarili, kinokolekta ang kalat-kalat na pagiisip nya at sinubukang i assess ang lahat nang nangyayare ngayon.

Napunit na kalangitan, mga misteryosong nilalang na nagsilabasan mula dito, mga taong namamatay at kinakain, mga gumuguhong bahay at building at iba pa.

Akala nya ay binabangungot lang sya dahil sa sitwasyon na sakto ding nangyare sa mismong oras at araw ng New year.

Kahit na hindi kapanipaniwala, kung iisipin ng mabuti, ang accuracy ng fortune teller na yun at ung ibinalita sa TV, hindi imposibleng hindi mangyare ang prediction nya na iyon.

Bigla nyang naalala mga magulang nya.

"San kaya banda nahiwalay sila Mama at Papa? Sana nakaalis sila ng maayos at ligtas."

Mariing hiling niya na sana ligtas at maayos ang kanyang mga magulang.

Ngayon naman ay pinansin nya ang kanina pang lumulutang sa kanyang paningin.

"Ngayon na wala nakong iniisip, anong meron dito na lumulutang sa harap ko mula pa kanina?"

Observing this floating panel, halos magkasingtulad to sa mga panel sa mga larong nilalaro nya.

In curiosity, sinubukan nyang pindutin ang floating panel sa harapan nya

[ • Gusto mo bang magpatuloy sa affinity test upang malaman ang iyong aptitude at awakening? • ]

"Sheesh, I guess I'm the main character now huh? Joke lang ~"

He chuckled

Dina sya dalawang isip pa at pinindot agad ang [•Yes•] button.

Nagulat sya sa biglang lakas na agos ng liwanag na bumulag sa kanyang mga paningin at misteryosong pakiramdam na tila ang kanyang kaluluwa ay sinipsip sa isang kakaibang dimensyon.

Matapos ang ilang sandali ay dahan-dahang nawawala ang nakakabulag na liwanag at ang pumalit sa kanyang mga paningin ay ang napakaganda at mabituing langit sa kalawakan.

"Wow…"

Walang syang masabi sa sobrang ganda ng kalangitan at kalawakan na kanya ngayon ay nasisilayan

'Totoo ba to? kung ito'y panaginip lamang ay sana wag na akong magising'

[ • Initiating process • • • • ]

'Muntik ko nang makalimutan na andito ako para sa affinity test.. pusang gala'

Ni ready nya ang kanyang sarili.

[ • Start! • ]

Nang masabi ang salitang Start! ay agarang naramdaman ni White ang kakaibang pakiramdam na para bang pinupunit ang kanyang buong katawan ng paulit ulit.

sa lahat ng dereksyon ay makikita ang mala puting laser na tila hinahati sya ng paulit-ulit.

White's soul, na kanina ay isang semi-transparent na hugis tao, ngayon ay parang nakakalat na maliliit na puting apoy na lamang.

'Aa.A..AAAarrg……..hhhhhhh!!!!!!!!!'

Sya ngayon ay sinasalakay ng napakalakas na damdamin na hindi mailarawan ng mga salita lamang.

'Ahhgggh..Para akong mamamatay at mawawalan ng malay in any second..'

Sinusubukan nyang ibaling ang focus nya sa sakit at sa di maipaliwanag na pakiramdam na nararamdaman nya ngayon.

'Aggh….Aaa…ghhhhhhhhh'

Sinusubukan nyang mag isip at bumuo ng mga salita sa isipan pero mas nangingibabaw ang kasalukuyang nararamdaman na hindi maipaliwanag na sakit.

Parang walang hanggang sakit ang naramdaman nya sa mga oras na iyon pero sa totoo ay umabot lamang ang prosesong ito ng 30 seconds.

Ang nakakalat na maliliit na apoy na kaluluwa ay hinay-hinay nabuo at bumalik sa pagiging hugis tao.

Ilang minuto ang nakalipas pagkatapos ng test process, dahan-dahang bumalik ang kanyang malay.

"Ugh..Fucking hell! para akong ipinasok sa malaking shredder machine tapos binuhay at pinapatay paulit-ulit!"

Pagalit na sigaw nya nang biglang lumabas ang notification panel sa harapan nya.

[ •Congratulations! Isa kanang ganap na Player!• ]

Nakakunot ang noo ni White habang tinititigan nya ang panel na parang isang character window at nagulat sya sa kanyang nakita.

"Hero…?"

Download MangaToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play