#MAPANGANIB

   Nung araw na matapos ang pulong sa unang bulwagan ay lihim na nag tungo ang punong ministro sa silid ng prinsipeng si HAGAN.

   "Kamahalan narito po ang punong ministro"(wika ng isa sa taga pag bantay ng prinsipe)

"Papasukin mo,"(tipid na tugon ni prinsipe Hagan). At sa silid nga ng prinsipe ay naabutan nya itong nakaupo sa upuang yari sa yantok na Kung saan ay binalutan ng mamahaling tela na kinalakal nuong unang anihan, at habang nakaupo ay umiinom ito ng mamahaling alak

"Mahal na prinsipe"(at mag bibigay pugay)

"Tingnan mo nga naman, ang punong ministro ng konseho ay naririto sa aking silid... Sabihin mo, anong sadya mo't naririto ka!?"(tanong ng Prinsipe na nuoy umiinom ng alak)

"Kamahalan, bakit tila nag lalango kayo sa alak na iyan? Wag nyo sabihing may bumabagabag na naman sa inyo?".(nagugulumihanang tugon ng punong ministro habang bahagyang napa upo sa upuang kaharap ng prinsipe).

"Isang malaking dagok para sa akin ang mga ibinatong salita ng Hari, tila ba may nalalaman sya sa mga nangyayari". (Nag-aalalang wika ng Prinsipe)

"Kamahalan, huminahon lamang po kayo dahil natitiyak kong wala syang nalalaman na kahit na anu,patungkol sa pagkamatay ng inyong kapatid ?"(tugon naman ng punong ministro)

"Hindi tayo nakakasiguro dyan punong ministro"(wika naman ng Prinsipe habang lumalagok ng alak na kinalakal pa sa ibang lalawigan).

" At sino naman sa tingin nyong magsisiwalat nito kamahalan, sa pag kakaalam ko tanging tayo lamang ang nakakaalam ng lihim na iyon at isa pa ipinapaslang mo na rin ang mga bayarang bandido hindi ba!?(napapatawang tugon ng punong ministro)

"Tama ka nga, subalit nababagabag parin ako sa pagtatakda kay shattu."(puno naman ng Prinsipe)

"Kamahalan Kung nanaisin nyong mawala sa landas nyo ang itinakda kahit sa anung uri ng paraan ay magagawa nyo yon."(sulsol naman ng punong ministro)

"Punong ministro. Ibig mo bang sabihin, ay gawin ko rin sa itinakda ang ginawa ko nuon sa aking kapatid ganun ba?Huh!!?(padiin nyang sagot habang bakas ang inis sa kanyang muka).

"Bakit hindi kamahalan!!, hindi bat nagawa nyo na nga yan nuon!?(pag hahamon nyang tugon sa prinsipe)

"Pinatatawa mo ba ako ministro mengue!?(naiinis nyang sagot).

Si shattu mapag masid siya sa paligid, palagi nyang iniiwasan ang makatawag pansin sa mga tao pero napapansin parin ang kahit na maliit na kakayahan nya. At isa pa pinuno sya ng sandatahan sa palasyo, kaya sa tingin mo ba sing hina sya ng kapatid ko huh!!?(mahaba nyang paliwanag)

"Kung ganun mahihirapan pala tayong pasunurin ang bagong itinakda?? (Tugon naman ng punong ministro)

"Tama ka, kaya kailangan natin ng konting panahon. Sa ngayon ang nais ko ay patatagin ang mga kapanalig natin upang sa takdang araw ay maisagawa natin ang ating mga balak ng walang sino mang naghihinala. Kaya naman siguraduhin mong wala ni isa sa kapanalig natin ang lilipat sa kahit na kaninong angkan sa palasyo at kung sakali mang may mag tangka,nais kong supilin mo ang mga ito.

Alamo naman sigurong mahirap supilin ang mga ligaw na damo lalo na kapag nag ugat na ang mga ito. kaya habang wala pang binabadyang kataksilan ay putulin at bunutin mo na agad, maliwanag ba!?(nag aalab na tugon ng prinsipe)

"Masusunod mahal na prinsipe"(naka ngiti nyang tugon kasabay ng pag yuko tanda ng pag galang)

"Sya nga pala, bago ang lahat nais kung siguraduhin mo na isa sa kapanalig natin ang mapipili ng itinakda upang hiranging reyna"(dagdag na utos ng prinsipe)

"Ah....subalit kamahalan hindi po natin hawak ang pag-iisip ng prinsipe kaya paano po natin yon malalaman!?"(nangangambang tugon ng punong ministro)

"Kung ganun gumawa ka ng paraan para dyan, dahil hindi ako papayag na muling mawala sakin ang trono. Naiintindihan mo ba!?"(Pasigaw at galit na wika ng prinsipe)

"Wag kayong mabahala mahal na prinsipe dahil hindi ko rin naman ninanais na maging Hari si prinsipe shattu kaya magiging  kapanalig nyo ako hanggang sa huli...........

   At matapos ang araw na yon ay isinagawa nga ng punong ministro ang pinag uutos sa kanya ng kanyang kamahalan.

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play