#MENSAHENGHARI

        Nuong gabing nagkaroon ng piging ang palasyo ay nag patawag naman ng mang gagamot ang taga pag bantay ng hari at sa silid kung saan nag papahinga ay isiniwalat ng mang gagamot ang malubhang sakit ng kaniyang kamahalan kung kaya't ipinatawag ng hari sa kanyang tagapag bantay ang mahal na reyna at ang punong taga pagpayo ng palasyo.

"Anu ang lagay ng mahal na hari" (ang nag aalalang bungad ng reyna at tagapag-payo sa manggagamot.) " Mahal na reyna ikinalulungkot ko pong sabihing malubha na po ang karamdaman ng kamahalan, napansin ko na hindi pang karaniwan ang tibok ng kanyang pulso kasabay nitoy natutuyo ang kanyang mga labi at nahihirapan syang huminga, isa po itong sintomas na mayroon siyang sakit sa puso kaya naman napaka delikado para sakanya ang pag-aalala at pag-iisip ng sobra, kung kayat kailangan nya ng mas maiging pahinga." (Sunod-sunod naman na paliwanag ng manggagamot.)

"Makakaalis kana at kung maaari nais ng palasyo na ilihim mo ang pag susuri sa kamahalan upang masigurado ang kanyang kaligtasan, maliwanag ba???"(pautos na tugon ng tagapag-payo ng hari)

Kaya naman tuluyan ngang umalis ng tahimik ang manggagamot sa silid ng mahal na hari.

" Mahal na reyna,kung maaariy wala sanang makaalam ng karamdaman ng kamahalan hanggat hindi pa naipapasa ang kanyang trono. Sa ngayon kailangan ng kaunting pag iingat." (Pag-papaalala naman ng tagapag-payo ng hari).

"Aking taga payong akil, nais kung sunduin mo ang aking kapatid na si pitan, nag sasagawa sya ng pag aalay sa bundok ng kuhom, pamadaliin mo sya at sabihing pumarito."(utos naman ng mahal na hari sa kanyang tagapag-payo). "Masusunod kamahalan"(tipid na sagot ng tagapag -payo sabay ng pag yuko bilang tanda ng pag galang at kasabay nitoy tuluyan na nga siyang lumisan upang tupdin ang kahilingan ng mahal na hari.)

"Mahal na reyna, nais kung mag sagawa ng pag pupulong sa unang bulwagan upang  maipabatid ang bagong itatakdang hari na papalit sa aking trono, at kaakibat nitoy isang matinding hidwaan, "(nag aalalang sagot ng Mahal na hari).

" Wag Kang mabahala Mahal ko, Ang nais koy mag pahinga ka kamahalan upang manumbalik ang iyong lakas."(sagot naman ng Reyna na bakas din Ang pag-aalala) Ang gabi Ng pagdiriwang ay napuno ng  pag-aalala at pangamba para sa angkan ng Hari.

  Ikalawang buwan ng taong 1941, ay nag padala ng mensahe sa ibat-ibang lugar ang Mahal na hari,ang mensaheng naglalaman ng isang sagradong paanyaya, at ayon sa mensahe

ay inaanyayahan ang tapat na angkan, maharlikang angkan at ang sagradong angkan na dumalo sa pag pupulong upang maging saksi sa magaganap na pagtatakda sa Principeng hihirangin bilang taga pagmana ng corona. Ayon sa parehong araw na pagtanggap ng mensahe ay nagkaroon naman ng mga pagpupulong ang panig ng bawat angkan, nangyayari ito upang hindi malihis ang mga kagustuhan nila at maging isa ang kani-kanilang suporta.

   Bago mag dapit hapon ay nakabalik na ng palasyo ang mensaherong si mathaman na dala-dala nuon ang mga kasagutan ng bawat angkan na silay dadalo sa magaganap na pagpupulong sa sinabing bulwagan, at nakatala din duon ang listahan ng mga angkang dadalo sa araw ng pagtatakda.

  Sa kabilang banda naman ay pinasundo ng tagapayong si akil ang kapatid ng haring si General pitan na sa kasalukuyay nagsasagawa ng pag-aalay sa bundok ng kuhom.

 

 

    

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play