#BULWAGAN(PAGTATAKDA)

    Nuong ikatlong linggo ng ikalimang araw at pangalawang buwan ng taong 1941 ay naganap nga ang pagtatakda sa unang bulwagan.

" Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang maitatakdang bagong taga pag mana ay hihirangin ng konseho bilang itinakdang Prinsipe."(wika ng hari)

"Paunmanhin sa aking kapangahasan kamahalan, subalit hindi kaya napaka aga pa upang mag takda ng bagong prinsipe?(nagtataka namang katanungan ng punong ministro)

"Anu ang ibig mong sabihin ministro?"(tanong naman ng isa sa maharlikang angkan)

"Hindi naman siguro maitatago ang malakas na pangangatawan ng ating kamahalan (madiin na sagot ng punong ministro sa isang maharlika) kaya papaano nyo po naisipang mag takda ng bagong prinsipe sa agarang pagpapasya?"(puno na wika ng punong ministro)

"Subalit ministro wala namang masama kung magtatakda ng bagong prinsipe ang ating kamahalan!! hindi ba mga kasama?"(tugon naman ng ikalimang ministro ng konseho) "Sang ayon ako sa sinabi ni ministro Iso, dahil mas maiging pumili ng bagong

itatakda ang ating kamahalan  habang siya ay malakas pa. Upang maiwasan din ang kaguluhan sa hinaharap, At Ng saganun ay maisagawa ang preparasyon para sa pagsasanay ng bagong itinakda."(pagsasang-ayon naman ng maharlikang nasa ikatlong lalawigan).at sa mga sandaling iyon ay nawalan na ng kakayahang tumugon ang punong ministro.

"Kamahalan, kinagagalak po naming malaman kung sino ang inyong itatakda .( wika naman ng Isa sa mga nasa tapat na angkan).

"Kamahalan, nais po naming malaman  kung sino ang tinatangi nyo bilang bagong itinakda."(Tanong naman ng ikatlong ministro ng konseho).

At ang iba naman ay nag papahayag ng kani-kanilang katapatan sa pagtakda ng bagong prinsipe.

"Kung ganun, nais kong ihain sa pulong ang prinsipeng si shattu!(sagot naman ng hari sa Buong kapulungan)

" Kamahalan,(yuyuko) ipagpaumanhin Po ninyo, subalit si prinsipe shattu ay  dalawampung taong gulang palamang kaya paano nya pamumunuan ang bayan!?(wika naman ng ikalawang anak ng Hari na si HAGAN).

"Hindi bat sa ganung gulang ko rin  napamunuan ang bayan ng Virgania?(sagot naman ng hari at tila ang lahat ng nasa bulwagan ay sumang-ayon sa sinabi nito)

"Sang-ayon po ako sa sinabi nyo kamahalan hindi maitatanggi ang inyong kagitingan bilang Hari. Gayunpaman, hindi po ako tumututol sa sinabi ni prinsipe HAGAN sa kadahilanang hindi nyo po katulad ang prinsipeng si shattu. Maaaring nakikitaan nyo po sya ng mga kakayahan subalit hindi po iyon sapat. Isa pa naririto at buhay pa ang inyong anak na si prinsipe HAGAN at hindi lingid sa kaalaman ng lahat na mahusay din sya sa pamumuno, bakit hindi nalamang sya ang inyong itakda kamahalan".(Pagpapaliwanag ng punong ministro). At ng mga sandaling iyon ay napukaw ng prinsipeng si HAGAN ang attensyon ng lahat ng nasa bulwagan atsaka bago tumango-tango ang ilan na nagpapahiwatig ng kanilang suporta sa minungkahi ng punong ministro.

"Sumasang ayon ako sa mga iminungkahi mo punong ministro.(tipid na sagot ng Hari) kaya naman palihim na napangiti ang punong ministro habang bahagya na nakatingin sa prinsipe.

"Subalit, ang pagiging Hari ay hindi lamang sa pakinabang ng iilan kundi ng buong bayan!!at hindi lahat ay ganito ang hangarin kaya nga hindi rin lahat ng prinsipe ay nakatakdang maging Hari".(matalinhagang tugon ng Mahal na Hari).

"Punong manunulat nais Kung maitala sa kasaysayan ang pagpupulong na ito,"(puno Ng Hari)

"Masusunod kamahalan".(tugon naman ng punong manunulat)

"At ngayon ipinahahayag ko sa harap ninyong lahat at sa bulwagang ito na si prinsipe shattu ay hihirangin bilang bagong itinakdang prinsipe ng palasyo, At sampung araw mula ngayon ay masasaksihan ng buong bayan ng Virgania ang kanyang nalalapit na pagpapakasal kayat sino mang maibigan ng prinsipe ay hihirangin bilang bagong Reyna".

Punong ministro, sa sandaling makapili ng irog ang mahal na prinsipe nais kung maisakatuparan mo at ng iyong mga kasama ang kautusan para sa araw ng paghirang sa prinsipe bilang bagong Hari."(pag uutos naman Ng Hari)

"Masusunod kamahalan"(tugon Ng punong ministro kasabay ng pag yuko niya at ng mga sumangguni sa bulwagan bilang tanda ng pag galang) .

At ayon nga sa kautusan ng Hari ay wala ng nagawa pa ang lahat, sa halip na sumalungat ay  sumangyon nalamang ang mga  nasa bulwagan. Subalit kasalungat din ng katotohanan ay ang hindi maiwasang pagiimbot ng kalooban.

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play