CHAPTER TWO

"Ate Sol! Wahhh! I miss you!"

Natawa na lamang ako sa inasal ni Linsy ng pagbuksan ko siya ng pintuan.

"I miss you too, Linsy! Ang laki ng ipinayat mo!"

"Talaga? Nagd-diet ako eh, so asan na si baby? Gusto ko siyang makita!" Excited na aniya at iniabot ang dalang mga pagkain at alak bago nagmamadaling naglakad papasok.

Ngunit nahinto siya at napawi ang ngiti niya ng makita niyang bitbit ni Calvin ang bata.

Habang si Calvin naman ay napalitan ng masungit na ekspresyon ang kaninang masaya niyang mukha.

"May bisita ka pala, Ate." Tumayo ito at lumapit sa akin. "Sa kwarto ko muna ako." Dagdag niya bago maingat na ibinigay sa akin si Baby Helios.

Problema nun? Tinignan ko si Linsy na na'kay Calvin ang tingin. Hay nako, kaylan kaya sila magkaka-ayos.

Simula nung nalaman ni Calvin na ipina-abort ni Linsy ang bata, naging ganun na lang kalamig makitungo ang kapatid ko 'kay Linsy. Hindi ko masisisi si Calvin, at lalong hindi ko din masisi si Linsy.

Si Linsy at ang kapatid ko ay dating may relasyon. At umamin sa akin si Calvin na buntis si Linsy pitong buwan na ang nakakalipas. Kaya lang, naghiwalay sila dahil sa nangyaring pagpapa-abort ni Linsy.

Naiintindihan ko naman ang rason ni Linsy dahil 19 pa lang siya. Napailing na lamang ako sa naisip at tumingin 'kay Linsy.

"Kumain ka naba?"

"Hindi pa ate, dumeretso na ako dito matapos kong mag off sa work."

"Dito ka na kumain ng dinner,"

"Sige po," Aniya.

"Huwag mong alalahanin si Calvin, gusto mong bang buhatin si Baby Helios?" Nakangiting sabi ko at ibinigay sa kaniya ang aking anak.

Nang sa oras na kinarga niya ito ay hindi ko inaasahang lumuha ito.

"Uy, Linsy! Ayos ka lang? Napano ka?" Nag-aalalang tanong ko dahil sa bigla na lamang itong umiyak.

At hindi ko alam kung paano magpatahan ng isang taong umiiyak, lalo na kapag biglaan.

"Linsy? Ayos ka lang ba, bakit ka umiiyak?" Ulit ko at umiling lamang ito.

Nalungkot ako ng magka-ideya ako kung bakit siya umiiyak.

"Shh... Tahan na, Linsy! Ano ka ba! Kalimutan mo na ang nangyari, tahan na okay?" Pagpapatahan ko. Tango na lamang ang naisagot niya at yumakap sa akin.

Alam ko na pinagsisisihan niya ang naging desisyon niya. At alam kong hanggang ngayon ay nakatatak pa din sa isip niya ang mga pangyayari.

"Tahan na, tignan mo oh. Nakatingin sa'yo si baby," Aniko ng makita ang aking anak na nakatitig 'kay Linsy, na animo'y nacucurious ito. Ngumiti naman si Linsy at hinaplos ang pisngi ni Baby Helios.

"Gusto mo muna bang kumain?" Tanong ko, umiling naman ito at sumagot.

"Busog pa ako te, nga pala may dala akong beer diyan. Baka gusto mo?"

Gusto ko sana kaso walang mag-aasikaso ,'kay Baby Helios kung nakainom ako.

"Akin na si Baby Helios ate." Nagulat ako sa nag-salita sa likuran ko. "Sige lang uminom ka na, ako na bahala sa pamangkin ko."

"Ha? Sigurado ka?"

"Oo, ayos lang. Nakakahiyang hayaan ang bisita mo na uminom mag-isa." Malamig na aniya, at tumingin pa 'kay Linsy bago ibalik ang tingin sa akin.

"Ah okay sige," Sagot ko at kinuha 'kay Linsy ang bata bago maingat na ibigay 'kay Calvin.

"Tawagin mo ako kapag umiyak,"

"Opo," Aniya at naglakad na paalis habang nilalaro si Baby Helios.

Nilingon ko si Linsy na nakatingin sa dereksyon na pinuntahan ni Calvin. Nakangiti ngunit may bahid ng lungkot ang kaniyang mga mata.

"Huy, ano? Dito na tayo or sa kusina na?"

Nabalik ang tingin niya sa akin ng hawakan ko ang balikat niya at ngumiti.

"Dito na tayo te, para kapag tinawag ka ni Calvin maririnig mo agad," Aniya.

Tumango naman ako at tumayo upang kumuha ng ice cubes sa ref. Matapos ay bumalik ako sa living room.

Sa kalagitnaan ng pag-iinom namin ay hindi ko namamalayan na nakatulog na pala ako.

Naalimpungatan ako ng may mumunting boses akong naririnig, aya't nagmulat ako.

Nakakumot na ako at si Linsy ay hindi ko makita. Ngunit nandito pa ang wallet at phone niya.

Saan kaya nagpunta iyon? Bumangon ako upang hanapin siya, ngunit nahinto ako ng makita kong nag-uusap sila ni Calvin sa kusina.

Mukhang malalim ang pinag-uusapan nila kaya't hindi na ako tumuloy at nagtungo na lamang sa cr upang maghilamos.

'𝘔𝘢𝘣𝘶𝘵𝘪 '𝘺𝘢𝘯 𝘢𝘵 𝘯𝘢𝘨-𝘶𝘶𝘴𝘢𝘱 𝘴𝘪𝘭𝘢. 𝘒𝘢𝘺𝘭𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘭𝘢 '𝘺𝘢𝘯 𝘶𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘬𝘢-𝘢𝘺𝘰𝘴 𝘴𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘭𝘢𝘸𝘢.'

Aniko sa isip ko bago magpunas ng mukha at magtungo sa kwarto ko kung nasaan natutulog na ng mahimbing ang aking anak.

Inayos ko pa ang pagkakakumot sa kaniya bago lumabas ng maramdaman kong tapos na sila mag-usap.

"Linsy, dito ka na magpalipas ng gabi. Late na oh. Baka mapano ka pa sa daan."

Nagkamot siya ng batok at nahihiyang tumingin sa akin.

"Ayos lang ba ate?"

Tumingin ako 'kay Calvin na nakapamulsang naglakad pabalik sa kwarto niya.

"Oo naman, dun ka na sa kwarto ko matulog." Saad ko.

"Naku! Dun na lang ako sa couch te, nakakahiya naman," Pagtanggi niya at akmang maglalakad patungo sa living ng pigilan ko siya.

Kahit kaylan talaga mahiyain itong si Linsy. Kaya minsan nahihirapan ako kung paano siya aasikasuhin eh, palaging nahihiya.

"I insist. Ano ka ba, ayos lang 'no, hali—" Hindi ko natapos ang sasabihin ng lumabas si Calvin sa kwarto niya bitbit ang isang unan at isang kumot.

"Dun kana sa kwarto ko matulog, dun na muna ako sa kwarto ni Ate." Aniya at naglakad na patungo sa kwarto ko.

"Pero—"

"Sige na 'wag kanang mahiya, dun ka na sa kwarto ni Calvin matulog Linsy!"

Matagal bago ko napa-payag si Linsy, at pagbalik ko sa aking kwarto ay nakalatag na ang comforter na paghihigaan ni Calvin, habang si Calvin ay nakatayo ay hinehele si Baby Helios.

Nanlambot ang ekspresyon ko dahil nakikita ko ang lungkot sa mga mata ng aking kapatid. Walang minuto na hindi niya inaalagaan si Baby Helios.

At obvious sa ikinikilos niya na nais niyang maging ama sa ipinagbubuntis noon ni Linsy na hindi niya magawa ngayon dahil sa ginawa ni Linsy.

Sa totoo lang ay nadisappoint ako ng malaman ko mula sa kapatid ko ang pagpapa-abort ni Linsy.

Lumapit ako sa aking kapatid at tinapik ang kaniyang balikat.

"Magpahinga kana Calvin, ako nang bahala 'kay baby Helios." Nakangiti at sinserong aniko na tinanguan niya bago mahiga.

"Good'night,"

"Yes, good'night!"

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play