"Napano ka?" Tanong ng aking nakababatang kapatid na si Calvin pagkapasok ko.
"Sino 'yun? Tatay ng anak mo?" Dagdag na tanong niya kaya't sinamaan ko siya ng tingin. Isa pa ito. Ang daming tanong.
"Kalma, so tatay nga ni Helios 'yon?" Tanong ulit niya na hindi ko sinagot.
"Silence means yes. Bakit nandito ang lalaking 'yon?" Tanong ulit niya.
"Gusto niyang bumalik ako sa kaniya." Sagot ko saka sinenyasan siya na ibigay sa akin si Helios, dahil mukhang nangangalay na siya sa kabubuhat sa kaniya.
"Aba gago pala siya. Matapos ka niyang palayasin, saka siya magpupunta dito para kunin ka? Tangina niya pala eh,"
"Hayaan mo na. Hindi ko na siya babalikam pa, ibinigay ko na sa kaniya ang annulment papers, at wala na kami." Paliwanag ko.
"Oo, tama..'Wag mo nang balikan ate. May anak ka na, 'kay Helios ka na lang mag focus."
Ngumiti na lamang ako sa aking kapatid bago tumingin sa aking anak na nakatitig sa akin. I can't afford to lose this presious child.
'𝘒𝘶𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘬𝘢𝘭𝘪 𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘶𝘯𝘪𝘯 𝘬𝘢 𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘵𝘢𝘺 𝘮𝘰, 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘢𝘬𝘰 𝘬𝘰. 𝘐𝘱𝘢𝘨𝘭𝘢𝘭𝘢𝘣𝘢𝘯 𝘬𝘪𝘵𝘢. 𝘒𝘢𝘩𝘪𝘵 𝘢𝘯𝘰𝘯𝘨𝘮𝘢𝘯𝘨-𝘺𝘢𝘳𝘪.'
Sabi ko sa isip ko habang hinahaplos ang kaniyang pisngi.
"Anong oras pasok mo sa trabaho?" Tanong ko 'kay Calvin na ngayon ay tutok sa kaniyang cellphone.
"Maya-maya pang alas nuwebe, Ate." Sagot niya.
"Sabihin mo sa akin kung paalis ka na, may ibibilin ako sa'yo."
"Ah sige, sabi nga pala ni Mama nakauwi na daw ng bansa si Kuya Dylan, pinapatanong kung available ka daw ba umuwi ng probinsya next week."
Oo nga pala, si Mama. Matagal-tagal na din simula nung huli kaming magkita. Simula nung ikinasal ako ang huli naming pagkikita at hindi pa naging maganda ang kinalabasan.
Ano kaya ang magiging reaksyon ni Mama sa oras na malaman niyang hiwalay na kami ni Huego.
"Sige, sabihin mo uuwi ako sa Monday."
"Sabay na tayo, sa Monday rin ang uwi ko eh," Tumango na lamang ako.
Ng masiguro ko ng tulog na si Helios ay ihiniga ko na ito sa crib niya. At saka ako naglinis ng bahay. Wala akong trabaho ngayon dahil sabado.
Matapos maglinis ay saka ko inayos ang laman ng ref. Oo nga pala, kaylangan ko pa palang mag-grocery.
"Ate! Paalis na ako, ano na ulit 'yung ibibilin mo?"
Lumabas ako ng kusina at lumapit 'kay Calvin.
"Anong oras ang off mo sa trabaho?"
"5 pm pero kadalasan ay 6 pm," Sagot niya.
"After ng work mo daan ka ng Supermarket, ito ang listahan. 'Wag mong kakalimutan okay?" Bilin ko sa kaniya at iniabot ang listahan kasama ang pera.
"Sige ate, ingat kayo dito!"
"Salamat, ingat ka sa daan!"
Pagkasara ko ng pinto ay nagtungo ako sa kwarto upang silipin si Helios na mahimbing na natutulog. Good, makakapag-laba pa ako ng mga damit.
Nakapaglaba at nakapag-sampay na ako ng mga damit. At ngayon ay kasalukuyan akong nagpapahinga ng magring ang cellphone ko.
...[ Unknown Calling... ]...
"Hello?" Bungad ko.
"𝙃𝙚𝙡𝙡𝙤, 𝙢𝙖𝙖𝙧𝙞 𝙠𝙤𝙣𝙜 𝙩𝙖𝙣𝙪𝙣𝙜𝙞𝙣 𝙠𝙪𝙣𝙜 𝙨𝙞 𝙎𝙤𝙡 𝙗𝙖 𝙞𝙩𝙤?" Ang boses na ito. Boses ni Mama. Hindi ako maaaring magkamali!
"O-opo, ako nga po ito? Sino po sila?" Magalang na tanong ko.
"𝙎𝙤𝙡, 𝙖𝙣𝙖𝙠! 𝙆-𝙠𝙪𝙢𝙪𝙨𝙩𝙖 𝙠𝙖 𝙣𝙖?"
"Ma? Ayos lang po ako, kayo po ba kumusta na? Pasensya na po at matagal akong hindi nakatawag sa inyo," Paliwanag ko at hindi ko mapigilang hindi umiyak.
God, how I miss my mother.
"𝘼𝙮𝙤𝙨 𝙣𝙖𝙢𝙖𝙣 𝙠𝙖𝙢𝙞. 𝘼𝙣𝙤 𝙠𝙖 𝙗𝙖 𝙎𝙤𝙡, 𝙖𝙮𝙤𝙨 𝙡𝙖𝙣𝙜! 𝙉𝙖𝙞𝙞𝙣𝙩𝙞𝙣𝙙𝙞𝙝𝙖𝙣 𝙠𝙤! 𝘿𝙪𝙢𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙖𝙣𝙜 𝙆𝙪𝙮𝙖 𝘿𝙮𝙡𝙖𝙣 𝙢𝙤, 𝙨𝙞𝙣𝙖𝙗𝙞 𝙣𝙖 𝙗𝙖 𝙣𝙞 𝘾𝙖𝙡𝙫𝙞𝙣 𝙨𝙖'𝙮𝙤?"
"Opo ma, sa Monday po uuwi kami. I miss you Ma!" Emosyonal na aniko.
"𝙄 𝙢𝙞𝙨𝙨 𝙮𝙤𝙪 𝙩𝙤𝙤 𝙖𝙣𝙖𝙠, 𝙤𝙝 𝙨𝙞𝙮𝙖 𝙨𝙞𝙜𝙚 𝙝𝙞𝙝𝙞𝙣𝙩𝙖𝙮𝙞𝙣 𝙠𝙞𝙩𝙖!"
"Opo ma, ingat po! See you in monday! I love you!"
"𝙄 𝙡𝙤𝙫𝙚 𝙮𝙤𝙪 𝙩𝙤𝙤!"
...[ The Call Ended. ]...
Ibinaba ko na ang cellphone ko matapos ang tawag. Halos mabunutan ako ng tinik ng malaman kong hindi galit si Mama. Ang akala ko kasi ay galit siya sa akin.
Wala na akong ibang gagawin, tapos ko na ang lahat ng gawaing bahay. At mahimbing na natutulog si Helios.
Nahiga ako sa couch at tumutok sa aking cellphone. Nang magtext ang kaibigan kong si Linsy na mas bata sa akin ng tatlong taon.
...• • •...
Linsy: 𝘛𝘦, 𝘣𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢 𝘬𝘰 𝘯𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯𝘢𝘬 𝘬𝘢𝘯𝘢?
Me: 𝘖𝘰.
Me: 𝘚𝘢𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘨𝘢 𝘢𝘵 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘬𝘢 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘨𝘱𝘶𝘱𝘶𝘯𝘵𝘢 𝘥𝘪𝘵𝘰.
Linsy: 𝘕𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘴𝘺 𝘬𝘢𝘴𝘪 𝘢𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘴𝘩𝘰𝘱. Linsy: 𝘋𝘢𝘥𝘢𝘢𝘯 𝘢𝘬𝘰 𝘮𝘢𝘮𝘢𝘺𝘢 𝘥𝘪𝘺𝘢𝘯:)
Linsy: 𝘒𝘢𝘺𝘭𝘢𝘯 𝘬𝘢 𝘯𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯𝘢𝘬?
Me: 𝘕𝘶𝘯𝘨 𝘴𝘦𝘱𝘵𝘦𝘮𝘣𝘦𝘳 𝘱𝘢.
Me: 𝘚𝘪𝘨𝘦!
Linsy: 𝘕𝘢𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘬𝘰 𝘯𝘨𝘢 𝘱𝘢𝘭𝘢 '𝘺𝘶𝘯𝘨 𝘢𝘴𝘢𝘸𝘢 𝘮𝘰 𝘥𝘪𝘵𝘰 𝘴𝘢 𝘴𝘩𝘰𝘱.
Linsy: 𝘒𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘴𝘪 𝘑𝘪𝘺𝘢, '𝘺𝘶𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘣𝘪𝘵 𝘯𝘪𝘺𝘢.
Me: 𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘬𝘰 𝘯𝘢 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘢𝘴𝘢𝘸𝘢.
Linsy: 𝘏𝘪𝘸𝘢𝘭𝘢𝘺 𝘯𝘢 𝘬𝘢𝘺𝘰?
Linsy: 𝘒𝘢𝘺𝘭𝘢𝘯 𝘱𝘢?
Me: 𝘒𝘶𝘸𝘦𝘯𝘵𝘰 𝘬𝘰 𝘮𝘢𝘮𝘢𝘺𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘥𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘰:)
Linsy: 𝘖𝘬𝘢𝘺 𝘴𝘪𝘨𝘦! 𝘒𝘪𝘵𝘢𝘬𝘪𝘵𝘴 𝘯𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘮𝘢𝘺𝘢.
Linsy: 𝘞𝘰𝘳𝘬 𝘮𝘶𝘯𝘢 𝘢𝘬𝘰!
Linsy: 𝘚𝘦𝘦 𝘺𝘰𝘶!
Me: 𝘚𝘪𝘨𝘦 𝘪𝘯𝘨𝘢𝘵!
Linsy: 𝘐𝘬𝘢𝘸 𝘳𝘪𝘯, 𝘵𝘦:)
...• • •...
Hindi na ako nag-reply, at ibinaba na lamang ang aking phone saka bumuntong hininga.
So sila pa din ni Jiya. Then why the hell is he here, begging me to come back home when he literally don't need me there. What a real asshole he is.
Nevermind. Wala na akong pakialam sa kaniya, at kung anong ganap sa buhay niya.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments