PROLOUGE

"I heard you left the house." Tinignan ko siya ng walang ekspresyon.

"What are you doing here? Huego." Malamig na tanong ko.

What is this punk doing here? Paano niyang nalaman kung saan ako nakatira?

"Who knows?" Kibit balikat na tanong niya. Imbis na sagutin ang tanong ko ay binalewala lang niya.

"Okay, umalis kana kung wala kang sasabihin." Malamig na tugon ko at akmang isasara na ang pinto ng iharang niya ang kaniyang kamay.

Dahilan upang maipit ang kaniyang kamay sa pinto. What the fuck is wrong with this guy.

"That hurts. Can't you atleast let me in?" Kunot noong aniya na animo'y naiirita na at pumasok ng walang pahintulot mula sa akin, the nerve of this.

Wala akong nagawa kundi ang paupuin siya. Hindi na siya nagbago. He does whatever he wants like his old self, is what I hated the most from him.

"Anong kaylangan mo sa'kin?" Tanong ko at binigyan siya ng maiinom.

Ngunit imbis na saguting muli ang aking tanong ay inilibot niya lamang ang tingin sa kabuo-han aking bahay.

Tumigil ang tingin nito sa dining table na puno ng mga bote ng alak na wala ng laman kasama ang basong may laman ng alak.

Shit! Ang sabi ko 'kay Calvin iligpit niya ang mga kalat niya. Ang batang 'yun talaga oh.

"I see you've been drinking early in the morning." Malamig na aniya bago tumingin sa akin ng nanlilisik.

Hindi ko siya sinagot. Ano bang pakialam niya. Tsk. We're done from the moment he told me to get lost. At nag-uwi pa siya ng kabit niya.

"Pack your things and let's go home," Napatingin ako sa sinabi niya.

May sira na ba ang utak niya? The last time I've checked, he wants me to get lost. At ngayon gusto niya akong pabalikin sa shitty house na iyon? Nauulol na siya.

"Ayoko." Matigas na sabi ko bago tumayo at lumapit sa drawer upang kunin ang envelop na binigay niya sa akin bago ako magdesisyon na umalis.

"Take this and leave." Malamig na ani ko at ibinigay sa kaniya ito.

"What is this?" Tanong niya na animo'y nahuhulaan niya na ang laman nito.

Of course he'll know. Dahil siya mismo ang walang hiyang nag-bigay sa akin ng annulment paper 'yon.

"Pinirmahan ko na 'yan, nilagay ko na din 'yung wedding ring sa loob. We're done, alright?"

Wala siyang naging reaksyon sa ginawa ko. Na tila ba ay hindi siya naniniwala sa pinapakita ko.

"Solanna, stop the tantrums and let's go home." Pagod na aniya.

"Sinabi ko na sa'yo, Huego. Tapos na tayo. Pinirmahan ko na 'yang annulment paper na matagal mo ng gustong mapirmahan. Ano pa bang kaylangan mo?"

"You're just drunk. Come on, and let's go home." Makulit na sabi niya at tumayo upang hilain ako palabas ng bahay ko.

"Hindi ako umiinom, alam mo 'yan. Umalis ka na."

"No, you'll leave with me. Come on." Pilit niya.

"Ano ba, Huego? Hindi ka ba makaintindi?" Nauubusan ng pasensya na sabi ko, "Ang sabi ko tapos na tayo! Okay!? We're done! Tapos na! Kaya't 'wag ka ng mang-gulo pa dito at umalis kana." Dagdag ko upang matauhan siya. Hindi ba siya makaintindi ng isang salita, at gusto pa ay ulit ulitin ko sa kaniya?

"Stop being so stubborn. I know you are just mad at me for some reasons, that's why you're doing this. I'm sorry, let's go home okay?" Pamimilit niya habang hawak ang aking pulsuhan.

Ano daw, for some reasons? Haah. I can't believe this guy. Matapos ang isang taon saka lang siya maghahabol.  You must be kidding me.

"Umalis ako sa bahay na 'yon dahil ikaw ang may gusto nun! Hindi kung anong dahilan lang, Huego! Umalis ako kasi pinaalis mo ako!" Sigaw ko sa kaniya, dahil hindi na siya nakakapag-isip ng tama.

Nanlumo ang mga mata niya at nararantang tumingin sa akin. And for some reason, naiinis ako sa reaksyon niya.

Why does he have to look so depressed. Why does he have to look sad to the words I've said. It's not like he loves me.

"I'm sorry... Forgive me please go back home with me," Malambing ang boses niyang lumapit sa akin upang yakapin ako ngunit umiwas ako.

Dahilan ng panlulumo niya. Hindi ganun kadaling magpatawad, Huego. Hindi.

"Umuwi ka mag-isa mo, ayos na ako dito."

"Fine... If that's what you want then. I'll be here again early in the morning." Aniya at tumalikod na.

"Okay." Tanging nasabi ko na lamang at sinundan siya palabas.

Ngunit napahinto ako ng nakita ko siyang nakatayo at nakatingin sa aking kapatid na lalaki na bitbit ang aking tatlong buwan gulang na anak. Binalot ako ng matinding kaba ng mga oras na iyon.

"Ate, nagugutom na yata si baby Helios. Kanina pa iyak ng iyak, ayaw tumahan." Aniya at pinapatahan si Helios. "Tama na ang iyak baby, andito na si Mommy oh," Dagdag niya at tila ba naubusan ako ng dugo sa mukha at hindi malaman ang gagawin.

Nanatili ang tingin ni Huego sa bata. Ni kumurap ay hindi niya nagawa at nakatitig lamang 'kay Helios. Curious kung sino ang batang ito.

Oh my god! Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, ang tanging naririnig ko lamang ay ang malakas na pagkabog ng aking dibdib. Bakit ngayon pa! Shit! Paano na? Don't panic, Solanna. Kalma lang.

"Solanna..." Rinig kong mahinang tawag ni Huego sa aking pangalan.

"Ate?" Tanong ni Calvin ng makitang tulala at namumutla ako.

"Calvin, ipasok mo na si Helios sa loob." Utos ko na siya naman sinunod niya.

Hindi pa din tumitigil ang pagkabog ng dibdib ko, sa sobrang lakas ay rinig na rinig ko ito.

"Who was... Who's child was that, Solanna?" Tanong niya, na nahuhulaan na kung kaninong anak ito.

"Obviously, it was mine." Matapang na sagot ko.

"Then... W-was it mine?" Tanong niyang muli.

"No." Mabilis kong sagot, alam kong hindi naging normal ang sagot kong iyon. Ngunit wala na akong ibang magawa kundi ang magsinungaling.

Hanggat maari ay ayoko nang magkaroon pa ng ugnayan sa kaniya at ayoko na malaman niya ang totoo.

Dahil sa oras na malaman niyang kaniya ang bata ay mas lalo niyang ipagpipilitan ang pagbalik ko sa pamamahay niya, na ayaw na ayaw kong mangyari ulit.

Ang tumira kasama siya ay parang impyerno. Puro pasakit at hirap ang dinanas ko sa kaniya. Nabulag ako sa pagmamahal ko sa kaniya, tama na ang limang taon na kasama ko siya.

Isang taon na ang nakalipas at nagawa kong kalimutan ang mga hindi magagandang ala-ala ko sa kaniya.

"O-okay, then. I'll be on my way. I'll see you tomorrow." Paalam niya at sumakay na sa kaniyang kotse.

Nang masiguro kong nakaalis na siya ay saka ako pumasok sa loob upang asikasuhin ang aking anak.

Even if I rot in hell for lying. If it's for me and my son, I'll lie for the rest of my life.

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play