CHAPTER THREE

"Ano na naman ang ginagawa mo dito?" Kunot noong tanong ko ng pagbuksan ko ng pinto ang nag-doorbell.

Nakangiti siya sa akin at may dalang mga snacks. Tanghali na siya dumating at kasama niya ang kaniyang pinsan na si Thaddeus.

"I told you. I'll be back here again."

"Hi, Solanna. It's been a while since I last saw you!" Nakangiting bati sa akin ni Thaddeus.

Ngumiti naman ako dahil napakabait niya pa din sa akin. Matagal na din pala nung huli kaming nagkita, sa loob ng limang taon na tumira ako sa pamamahay nila Huego.

Siya parati ang nakakausap at nakaka-sama ko dahil palagi akong iniiwan ni Huego mag-isa sa bahay.

"Yes it's been a while, Thad! P-pasok kayo." Alok ko. Ayoko sanang papasukin si Huego, no choice ako dahil nandito si Thaddeus.

"Tsk!" Rinig kong bulong ni Huego kaya't sinamaan ko ito ng tingin.

Kunot noo siyang nakatingin sa akin. At mukhang badmood siya. Oh, problema niya?

"Kumusta kana? Simula nung umalis ka sa mansion, hindi ko alam kung saan ka hahanapin."

Hindi nga pala ako nakapagpaalam sa kaniya at sa mga katulong na aalis nako.

"Ahhh, nagmamadali kasi ako non. Kaya hindi ko na nagawang magpaalam pa sa inyo," Paliwanag ko at sumulyap 'kay Huego na nakikinig lang.

"Ah ganun? Next time alam ko na kung saan ka pupuntahan," Nakangiting aniya.

"At bakit mo naman siya pupuntahan?" Biglang singit ni Huego kaya't napatingin kami sa kaniya.

What's wrong with this guy? Bakit ba ang init ng ulo niya?

"Because we're friends." Sagot ni Thad na hindi pinapansin ang init ng ulo ni Huego.

"Friends? Since when? I don't remember you being close to Solanna." Nakacross arm at nakade-kwatro na sabi ni Huego.

"He's been my friends everytime I was left alone in that shitty mansion." Sagot ko na ikinatahimik niya.

"Gusto niyo ba ng snacks? Ikaw Thad, gusto mo ba ng cookies, anything you want?"

"Cookies will do, thank you!" Nakangiting sagot niya tumango naman ako at tumingin 'kay Huego.

"I'm fine thanks."

Ang sungit. Why is he even here when he's going to act like that. Tsk, stupid.

Habang nagpeprepare ako ng snacks nila, lumabas si Linsy galing sa cr at mukha itong bagong gising.

"Linsy, gising ka na pala. Kumain kana, may nakahanda diyan sa lamesa."

"Sige po Ate," Aniya at naupo na. " May bisita ka yata, ate?" Tanong niya ng makita ang hinahanda ko.

"Ah oo," Sagot ko. "Tawagin mo lang ako if ever na may kaylangan ka, nasa sala lang ako."

"Opo,"

Bitbit ang tray na bumalik ako sa sala at saktong paglabas ni Calvin sa kwarto ko kasama si Baby Helios.

Nagsimula na naman akong kabahan ng nakatingin si Thad at Huego sa bata. Ibinaba ko ang tray sa coffee table.

At mas lalong kumabog ng malakas ang dibdib ko ng tumingin sa akin si Huego. Sigurado akong hindi siya naniniwala sa isinagot ko kahapon.

"Ate, ilalabas ko lang si-" Natigil sa pagsasalita si Calvin ng makita niyang may bisita ako, at mas lalong sumama ang mukha niya ng makita niya kung sino ito.

"Sa labas lang kami," Aniya at umirap 'kay Huego bago lumabas si Calvin na bitbit ang aking anak.

Naupo ako at hindi alam ang gagawin dahil sa pananahimik nilang dalawa.

"Is that your child, Sol?" Tanong ni Thad.

"Oo," Sagot ko.

"Ilang buwan na?"

"Three months," sagot ko. At pilit na iniiwasan ang tingin ni Huego.

Dahil titig na titig ito na animo'y inoobserbahan ang reaksyon at kilos ko. Nakakailang at nakakakaba.

"Ahh," Sagot niya na nahuhulaan kung sino ang ama nito.

Ngumiti siya at naupo ng maayos. If it's Thaddeus then I'm sure na mapagkakatiwalaan ko siya.

Ilang oras pa ang nakalipas ay bumalik na sina Calvin. At ganun pa din ang naging reaksyon niya ng makitang nandito pa din ang mga bisita ko.

"Tsk," Rinig kong aniya at dinaanan lamang kami.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil ang buong akala ko ay ibibigay niya sa akin si Baby Helios na ikinakaba ko kanina.

"I should get going!" Tumango naman ako 'kay Thad ng tumayo ito at nagpaalam na.

"Okay, ingat sa byahe!"

"Yeah, yeah, what about you Huego? Hindi ka ba sasabay sa akin?"

Sumulyap ako 'kay Huego na ngayon ay nasa akin ang tingin. Ni hindi man lang lingunin ang pinsan na nagtatanong sa kaniya.

Him and his shitty attitude.

"I'm fine, you go first."

"Okay? Paano ba 'yan, I'll get going now Sol, let's meet again next time!"

Nang makaalis na si Thaddeus ay saka ko tinignan ng masama si Huego.

"Ikaw wala kang balak umuwi sa inyo? Hindi ka ba hinahanap ni Jiya?" Sarkastikong tanong ko saka nagcross arm.

Pinukulan niya ako ng masamang tingin bago magcross arm. Seriously? Ano bang problema niya. Kanina pa siya ah.

"What about Jiya? We're not together." Pagalit niyang sagot.

"Bakit galit ka?"

"I'm not."

"Ano pang gagawin mo dito?"

"Why don't you take your child here?"

Tinignan ko siya sa sinabi niya. At bakit ko naman gagawin 'yon.

"For what?"

"For me to see him." Haah. At bakit kaylangan niyang makita si Helios.

"Bakit pa, you're not even related to him." Sagot ko, pinipigilang huwag mautal. Ngumisi siya at tumingin sa akin ng deretso.

"Fine, fine... Just let me see him."

"Okay,"

Kasalukuyan akong nakaupo habang pinapanood si Huego na bitbit si Baby Helios, habang nilalaro niya ito.

"What a good boy..."

"You like me that much huh? Should I just take you home with me?"

Kinilabutan ako ng marinig ko ang sinabi niya. What the hell? Sumulyap ito sa akin at ngumisi bago tumingin 'kay Baby Helios.

"It's a shame you didn't take your Mother's look," Nakangiting aniya.

Ginapang na naman ako ng matinding kaba dahil sa sinabi niya. Is it really that too obvious for him to notice?

Ilang oras pa ang nakalipas ay nagpaalam na siyang aalis na siya.

"See you again, little angel..." Aniya sa malambot na ekspresyon habang nilalaro ang kamay ni Baby Helios saka umalis na.

I hope not to see you again, bastard.

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play