"AAAAHHHHHH!!!"
Ano ba yan bakit ang ingay?
May sunog ba? Inaantok pa ako.
Unti unti kong minulat ang mata ko nakita ko si Andrea na may hawak na isang tsinelas nakasampa ito sa gilid ng kama at takot na takot.
"Ano ba yan Andrea? Ang aga aga naman ng bunganga mong iyan kitang may natutulog pa" iyamot na sabi ni Clay.
Habang si Rap naman ay tulog pa rin. Sarap ng tulog naka nganga pa.
"M-merong, merong..." nanginginig na sabi ni Andrea.
"Merong ano?" sabi ko sa paos na boses habang naka dapa pa rin.
Tiningnan ko sya at halata sa muka ang takot kaya kahit ayaw ko pang bumangon pinilit ko dahil sa itsura nito ngayon mukang hihimatayin na.
"Ano ba yan?" tanong ko sa kanya habang sinusuot ang bunny slippers ko.
Nang tinangnan ko ang tinitingnan ni Andrea ay napa irap na lang ako sa kawalan. Ano ba yan ito lang pala pero muka na siyang hihimatayin.
Isang Ipis?.
"C-Claish help me" sabi ni Andrea na nanginginig.
"Hay Andrea ipis lang masyado kang takot. Mas malaki ka sa kanya -"
"But hindi ako lumilipad" putol niya sa sasabihin ko.
Huh? May hangover pa ata ito.
"Oh anong connect non Andrea?" sabat naman ni Clay.
"Of course that insect can fly at kapag lumipad yan may possibility na lumapit yan sakin at dumapo. That's gross" sabi niya sa pandidiring itsura parang kanina lang takot na takot ito.
Ito na naman ang pagiging maarte niya hay ewan kinuha ko na lang ang hawak niyang tsinelas na useless naman pagdating sa kanya. Pinalo ko ito gamit ang tsinelas at lumabas ng kwarto para kumuha ng dustpan at tambo.
RIP sayo Ipis bakit kasi nagpakita ka pa kay Andrea? Masyado yung takot sa mga kagaya mo.
Pagkatapos kong ialis sa kwarto ay tinapon ko na ito sa basurahan.
"Okay na" sabi ko at bumalik na sa room ni Andrea dito na kami natulog kagabi dahil trip din nila malaki naman ang room ni Andrea kasya kami sa kama niya, yung dalawa namang baklita ay sa sofa.
Nasa kusina na kaming apat at ang tatlo ay naka upo na at naghihintay ng makakain habang ako naman ay nagpiprito ng itlog at bacon, isinangag ko na rin ang natirang kanin kagabi. Nagmumuka tuloy akong katulong nila. Gandang katulong ko naman nito.
"Baka gusto ka lang noon isurpresa bakla kasi diba birthday mo ngayon" ani Clay sa pang aasar na tono.
"HAHAHA. Baka naman ibibigay niya lang yung gift niya sayo" sabi ni Rap habang tumatawa.
"Just shut up you two!. Wala ako sa mood para sa pakikipag biruan nyo" sabi ni Andrea habang tinitingnan ng masama ang dalawa.
Pero ito namang dalawa ay tawa pa rin ng tawa at hindi pa nakuntento si Clay at ginaya pa talaga ang sigaw ni Andrea kanina.
Mga Baliw.
"Tumigil na nga kayo dyan. Here egg and bacon with fried rice kain na" I said to them.
"Galitin nyo pa ako ngayon. I'm not gonna invite you on my party" Andrea said in a bitchy sound.
"Andrea calm down. Okay titigil na, birthday mo ngayon kaya ienjoy mo wag kang moody hindi maganda yan sa may birthday" Rap said.
"Okay hindi na. By the way where's my gift?" sabi ni Andrea at ang kamay nito ay nakabuka na sa harap namin.
"So ayon hinintay mo. Bruhang ito" sabi ni Clay na may paghawi pa ng buhok.
"Makakapaghihintay kaba mamaya?. Mamaya pa celebration ng birthday mo babae" Rap said.
"Advance?" Andrea said.
Clark chuckled. "Later. Bigyan kita ng Papy" he said.
"A puppy? But I have one" Andrea said wearing her innocent face.
"Gaga Papy. "PAPY" hindi "PUPPY" I mean Daddy. Ayon ibibigay ko sa iyo" Clark said.
"Seriously? Ano naman gagawin ko doon?" Andrea ask.
"Mumukbangin" Rap said while laughing.
Like What the Hell. Muntik na akong masamid sa sinabi ng baklitang ito buti naka inom agad ako ng tubig.
"HAHAHAHA. Andrea and her innocent side" ani Rap habang hindi pa rin matigil sa pag tawa.
"One" Andrea said in a serious tone.
Sa sinabi ni Andrea ay na nahimik na ang dalawang bakla.
Natapos ang agahan namin ng puro tawanan dahil sa dalawang ito. Ewan ko ba madalas nilang inaasar si Andrea sa pagiging inosente nito sa ibang bagay.
IT'S 5:30 in the afternoon at nandito kami ngayon ni Andrea sa salon. Umuwi na sina Clay and Rap dahil maghahanda pa daw sila sa outfit nila mamaya sa birthday party ni Andrea.
"Trim ko lang po ng konti yung buhok niyo Ma'am para mas magpantay" sabi ni Ate na nag aayos sa akin ngayon.
"Sige po" sabi ko.
"Black color Celine" Andrea said to the girl who manicure her nails.
Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa panonood kay Ate sa ginagawa niya sa akin. Tinitingnan ko siya sa salamin.
While Andrea busy on her phone I think she's texting someone.
Nagpatuloy pa ang pagmumunimuni ko ng marinig ko ang ringtone na nagmumula sa cell phone ni Andrea.
"Hello Mum" Andrea said. "Yes. Hindi pa kami tapos. Okay Mum See you later Bye"
Nandito na kami ngayon sa Bar kung saan kami pumunta ni Andrea at kung saan ko nasaksihan ang "MUKBANG" scene. Habang palapit kami ng palalapit ay may nararamdaman akong kaba sa dibdib. Meron bang mangyayari ngayon sakin na hindi maganda?. Ipinilig ko na lang ang aking ulo.
𝑊𝑎𝑔 𝑚𝑜 𝑛𝑎 𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑠𝑖𝑝𝑖𝑛 𝑦𝑜𝑛 𝑀𝑎𝑟𝑔𝑎𝑟𝑒𝑡 𝑘𝑎𝑙𝑖𝑚𝑢𝑡𝑎𝑚 𝑚𝑜 𝑛𝑎 𝑦𝑜𝑛. 𝐻𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑛𝑎 𝑘𝑎𝑦𝑜 𝑚𝑎𝑔𝑘𝑖𝑘𝑖𝑡𝑎 𝑛𝑔 𝑙𝑎𝑙𝑎𝑘𝑖𝑛𝑔 𝑖𝑦𝑜𝑛.
Teka nga bakit ko ba iyon iniisip pa. Hay never mind.
Nakapasok na kami sa bar at nakita ko si Tita Sharlene na may kausap na babae. I think she's in the mid 40 's she look sophisticated woman.
"Mum" Andrea said to Tita Sharlane.
"Oh hija you're here, how's my baby princess?. Happy Birthday" ani Tita Sharlene at nakipagbeso kay Andrea.
"Happy Birthday hija" ani ng babaeng kausap ni Tita kanina.
"Thanks Tita" Andrea said.
"I'm fine. Thanks Mum" Andrea.
Pagkatapos batiin ni Tita si Andrea ay sa akin naman niya itinuon ang atensyon. Lumapit ito sa akin.
"It's nice to see you again hija. How are you?" Tita Sharlane said wearing her affiliative smile.
"I'm okay Tita" I said.
"Really? Hindi kaba binibigyan ng sakit ng ulo nitong prinsesa ko?" ani Tita Sharlane sabay tingin kay Andrea.
"No. Mum" angil ni Andrea.
"Minsan Tita" I chuckled.
"So Sharlane who is she?" sabi ng babaeng kausap kanina ni tita.
"Andrea's friend. Lara" Tita Sharlane said.
"Oh I see. Nice to meet you hija. Ang ganda mo" she said to me.
"Me too. Ma'am. Thank You" I said to her.
"Ma'am?. Call me Tita. Tulad ng tawag mo kay Sharlane" she said.
"Ahhm. Okay po T-Tita" I said to her.
"By the way where's Luke hindi ko pa sya nakikita?" Tita Sharlane.
"Malelate ng konti si Luke because of his OJT" si Tita Lara.
"May Doctor ka na" Tita said.
Lumipas pa ang ilang minuto. Nagpaalam muna kami ni Andrea kina Tita Sharlane at Tita Lara na pupunta lang kami sa Bar counter. Nilibot ko ang paningin sa buong bar ng makita ko na sina Rap and Clay I look to their outfit halatang pinagplanuhan ang suot.
Nakita din ito ni Andrea kaya itinaas nito ang kanang kamay para makita sila ng dalawang bakla. Agad namang nakita ito ng dalawa kaya lumapit na ito kung nasaan kami ngayon.
"Hi. Happy Birthday" Rap said to Andrea.
"Bakit ngayon lang kayo?" I said to them.
"Hay nako girl ito kasing baklang ito nakipaglandian muna doon sa labas. Ang harot" pagpapaliwang ni Clay.
"Hoy bakla parang hindi ka din nakisali kanina ah" sabat naman ni Rap.
"Itigil nyo na iyan" sabi ko sa kanila.
Naalala ko ang ibibigay kong gift kay Andrea. Agad kong kinuha ang maliit na paper bag sa aking dalang Red Black Sling bag na pinaglalagyan ng perfume na binili ko para sa kanya.
"My gift Andrea. Happy Birthday" ani ko.
"Thank You Claish" she said to me.
"Sa akin ito. Happy Birthday" Rap said.
"Thanks Rap" Andrea.
"What about you?" Andrea said to Clay.
"Later. Hindi pa sya dumadating. Baka melelate" Clay said habang may kinakalikot sa cell phone niya.
"Sya?. So seryoso ka doon?" ani Andrea na hindi makapaniwala sa sinabi ni Clay.
"Yes girl. I'm serious" ani Clay sabay tingin kay Andrea.
"Whatever. Hindi ko tatanggapin yan" sabi pa ni Andrea.
"It's your choice baka pagnakita mo yon mag iba ihip ng hangin" Clay said.
"Duh. Let's see" paghahamon ni Andrea.
Nagsimula na ang selebrasyon ng kaarawan ni Andrea pero hindi ito ka wild tulad ng pumunta kami nung una, ngayon kasi ay medyo calm ang paligid dahil na rin siguro nandito ang parents ni Andrea at mga kabusiness partner nito. Nandito na kami sa iisang table kasama sina Tita Sharlane, Tito Alexander and Tita Lara.
"So how's your studies? May mga naiisip na ba kayong idea or plan sa future nyo? Last Year nyo na lang sa College ga-graduate na kayo"
"Doing good Tito. Siguro po tutulong muna ako sa business ng parents then bago ako gagawa ng sarili kong business" paliwanag ni Clay.
"That's good. By the way bakit hindi nakadalo ngayon si Ronand at si Lia? tanong ni Tito kay Clay.
"They are busy Tito alam nyo naman po sila pero may gift po sila kay Andrea" si Clay.
"Hindi pa rin talaga nagbabago si Ronand masyado pa ring masipag pagdating sa trabaho" sabi ni Tito. Pagkatapos naman ay tumingin ito sa akin.
"How about you Claish any plan?" Tito said to me.
"Ahhmm siguro po mag aaplay muna ng trabaho sa isang company para po matulungan si Mama then pag okay na naman po saka po ako magtetake ng CPA Exam to become a licensed CPA" I said.
"Well that's good" Tito said while nodding.
"Kung gusto mo hija sa company ka namin magtrabaho dahil base on your look and the way you speak masasabi ko ng magaling ka" Tita Lara said.
"Yeah right. She's always on top pagdating sa mga academics masipag na bata itong si Claish" Tita Sharlane said.
Tumango si Tita Lara sa sinabi ni Tita Sharlane.
Lumipas pa ang ilang minutong pagkukwentuhan nina Tita at Tito. Habang kami naman nina Andrea, Rap and Clay ay medyo nakikinig din sa kanila pinag uusapan din nila ang mga pwede pa naming gawin pagnaka graduate kami. Maya maya ay may mga dumating na waiter upang ilagay na ang mga pagkain sa hapag.
Habang sina Rap at Clay naman ay parang nasisilihan ang mga pwet sa pagpapa cute sa mga waiter.
"Guys be formal mamaya na yan nandito pa sina Tita at Tito" bulong ko sa kanila.
"Why? Sa ang gwa-gwapo at bakit ngayon lang namin ito na kita?. Bakit ikaw ba Claish hindi kaba naga-gwapuhan sa kanila?" tanong ni Clay sakin.
"Tsk. Ewan"
"Ay ewan ko din sayo. Look nakatingin sayo yung isang waiter oh" sabi niya sa akin at tiningnan ang tinuturo ng nguso niya.
Nakatingin nga dito sa pwesto namin. Pero I'm not sure katabi ko din kasi si Andrea.
"Oh see? Iba talaga ang ganda ng isang Claish Margaret Natividad" sabi niya na feel na feel pa ang pag sabi ng pangalan ko ngunit mahina lang dahil kasama namin dito ang parents ni Andrea.
"Aiishh kailangan talaga complete name?" sabi ko sa kanya.
Siniko ako ni Andrea kaya na patingin ako sa kanya.
"Anong pinag uusapan nyo?" sabi ni Andrea.
Sasagutin ko na sana ang tanong niya ng may dumating sa table namin.
"Sorry Mom, Tita Sharlane, Tito Alexander. I'm late"
Agad naman akong kinabahan sa boses na iyon. Pamilyar ito sa akin.
THAT VOICE.......
babygummie_
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 54 Episodes
Comments