HINDI pa rin maalis sa isip ko ang nakita ko kagabi sa bar. Argh! Nakakainis bakit hindi ko pa rin iyon makalimutan? I can't focus on our discussion terror pa naman itong prof namin sa Business Calculus.
"Okay do you understand class?" Ms. Faz said.
"Yes Ma'am" my classmates said with confidence.
"Okay let see" sabi ni Ms. Faz at tumitingin sa amin kung sino ang sasagot sa unahan.
"Mr. Ferand solve this on the board" ani Ma'am Faz.
Agad na na alarma si Rap matapos banggitin ang surename niya. Tumayo naman ito agad at tumingin sa akin sabay sabing "help me" na pabulong syempre dahil nakakatakot nga ang teacher namin sa subject na ito.
Hindi ko alam kung matutulungan ko sya ngayon. Agad naman akong tumingin sa white board para tingan ang equations para sa problem na sasagutan I get it madali lang naman yung i-compute at na recall na rin ito ni Ma'am dati. Dahil medyo malapit naman ako sa board kaya na ig-guide ko sya sa pag sosolve ng problem ng hindi nalalaman ni Ma'am terror.
"Hay finally natapos din klase natin doon akala ko magigisa na naman ako ng matandang dalaga na iyon. Napapansin ko din lagi na lang ako yung tinatawag" reklamo ni Rap.
"By the way salamat nga pala sa tulong ni Miss Smarty Girl" dagdag pa ni Rap
Nandito kami sa paborito naming kainan at tambayan ang 'Karinderya ni Aling Loleng' that's the name of this karinderya at si Aling Loleng yung may ari nito.
"Baka naman bet ka non bakla" pang aasar pa ni Andrea.
"Ewww so gross hot papa din hanap ko no" sabi ni Rap na may halong pandidiri.
"Ehem. Oy babaita bakit ang tahimik mo ngayon? Hindi ka naman ganan at hindi bagay sayo" Clay said to me.
"Yah kanina pa iyan eh actually nung gabi pa yan ng hinatid natin sa condo" sabat naman ni Rap.
"Huh? May problema ba Margaret?" may pag aalalang tanong ni Drea sa akin.
"Ahh wal-"
"Oww I get it , it's about Clark" may pang aasar na sabi ni Clay.
𝑊ℎ𝑎𝑡 𝑡ℎ𝑒 ℎ𝑒𝑐𝑘
"Really?. You like Clark, Claish Margaret?" gatong naman ni Andrea.
"Hindi , wala lang talaga ako sa mood" I said.
"Oh umorder na ako include ko na rin yung lagi mong inoorder. Ikain mo na lang iyan para maayos mood mo oh ito adobo that's your favorite right? and here pineapple juice" Andrea said.
"Thanks" sabi at akmang sasandok pa lang ako ng adobo ng may sinabi si Andrea.
"Anong thanks? May bayad yan" ani Andrea.
"Okay. Nang alok ka pa ako din naman yung magbabayad" ani ko na sinakyan na lang trip niya.
Alam ko na man kasing libre niya ito hindi naman sa parati na lang akong asa but she insist so hinayaan ko na lang binabawi ko naman sa pagluluto ng agahan at hapunan namin.
"Ito naman kailan kita pinagbayad? Libre ko yan" si Andrea.
Sa dami ng magagandang restaurant ay dito ang napili naming kainan masarap kasi ang mga pagkain dito hindi naman maaarte itong mga kasama ko lalo na si Andrea I know her parents marami itong business, hotel, spa at supermarket at laki syang nasusunod ang gusto pero okay lang sa kaniya ang kumain sa ganitong kainan at ang dalawang bakla naman ay okay lang din sa kanila hindi naman sila katulad ni Andrea na malaki ang business ng pamilya but Rap's family has laundry shop and flower shop kay Clay naman ay clothing line tinanong ko dati si Clay kung bakit business tinake niyang course, bakit hindi na lang siya mag take ng course na pang designer which is magaling naman sya mag design and when it comes to drawing he's so talented, at sabi pa niya parents niya ang may gusto nito kasi sya na daw ang mag papatakbo ng business nila kapag nakagraduate na siya.
Natapos ang isang araw kong okay lang pero hindi na tulad ng dati na payapa. Bwisit kasi yon bakit hindi ko makalimutan? Lagi kong naiisip what if mag meet kami ng lalaking yon kakahiya yun sobra.
Humiga ako at tinabon ko ang mukha ko sa kama at ilang segundong ipinikit ang mga mata ng may maramdaman akong nagvivibrate kinapa ko ang aking cell phone sa bulsa at nakitang si Mama ang nasa caller sinagot ko ito.
"Hello Ma" ani ko.
"Oh kamusta naman ang maganda kong anak dyan? Maayos ba kayong nakauwi ni Andrea?" si Mama.
"Opo nama Ma kayo dyan ni Tiya? Baka puro tuyo lang ulam niyo diyan ha nag papadala ako Ma" sabi ko alam ko kasing ayon palagi ang inuulam nila, namin hindi dahil sa iyon lang ang kaya namin kundi masarap naman talaga ito lalo na pag may kamatis na kasama.
"Hindi anak ano kaba bumibili kami ng mga gulay ng Tiya mo sa talipapa wag mo na kaming masyadong intindihin dito ayos lang kami dito anak pagtuunan mo na lang ang pag aaral mo dyan para may CPA na ako at nga pala yung pinapadala mo sa aking pera ay pwede mo naman iyong bawasan baka wala ka ng pang budget dyan at lahat mo na ipinadadala dito" ani Mama na mimiss ko na talaga sya pati ang pag aalaga niya.
"Ma okay lang may sobra pa nga sa pang sarili ko dito. Miss ko na po kayo dyan miss ko na din luto mo Ma kahit na niluluto ko dito yung favorite kong adobo gusto ko pa rin yung luto mo" sabi ko habang pinupunasan ang aking pisngi na may pumapatak na palang luha.
"Teka umiiyak kaba?" ani Mama.
"Hindi Ma may pumasok lang sa ilong ko kaya napapasinghot ako dito" pag dadahilan ko.
"Hay nakong bata ka hindi mo ako maloloko kahit amoy ng utot mo'y alam ko na, kahit kailan napaka iyakin mo pa rin pumupunta ka rin naman dito tuwing bakasyon mo dyan kaya wag ka ng umiyak maayos lang kami ng Tiya Gladyz mo dito" ani Mama.
"Asan po pala si Tiya? Wala po ba diyan sa bahay?" tanong ko.
"Ang tiyahin mo ay nasa talipapa pa at namimili ng mga kulang na sahog sa lulutuin naming gulay na laing na ilalako namin para bukas" ani Mama.
"Ang sarap naman po niyan bigla tuloy akong nagutom" sabi ko at biglang na alalang hindi pa pala ako kumakain ng hapunan.
"Teka nga muna Margaret ikaw ba'y kumakain dyan sa tamang oras? Baka naman ay pinababayaan mo ang sarili mo dyan ay nako Margaret makukurot ko talaga yang singit mo pag naka uwi kana dito sa atin" sabi ni Mama ng may konting gigil sa kanyang boses.
"Naman si Mama hindi po araw araw nga ako nagluluto dito ng umagahan bago kami pumasok ni Andrea sa school" ani ko.
"Mabuti naman kung ganon oh sya baka ikaw ay may gagawin pa bukas na lang ulit tayo mag usap . Mag iingat ka dyan Margaret ha kumain ka sige na ibaba ko na" ani Mama.
"Sige po Ma ingat din po kayo dyan ni Tiya love you po" sabi ko at ibinaba na ang cell phone.
Ano na kayang ginagawa ng babaeng iyon sa baba?. Makaligo nga muna at para makapagluto na rin ng hapunan.
Pagbaba ko ng hagdan ay narinig ko ang boses ni Andrea na may kausap sa phone niya.
"Yes Luke I already ask Mum about that. Okay I'll update you if she have a respond okay, bye" ani Andrea na nakaupo sa barstool chair sa kusina.
"Sinong kausap mo?" pag tatanong ko sa kanya .
"Ah si Luke my cousin hindi mo pa pala na mimeet iyon he ask me if tuloy yung pagcecelebrate ko ng birthday sa bar nila para maayos yung schedule, yung pinuntahan natin nung nakaraan" pagpapaliwanag niya.
That bar. What if nandoon din yung lalaking nakita ko sa bar na iyon?. Hindi naman siguro baka regular customer lang din iyon.
"Okay by the way anong gustomo sa dinner natin?" tanong ko.
"Hmmm I like tinola" she said.
"Okay just wait a minute" I respond to her.
"The best ka talaga pasa kana sa pag aasawa . How about ipakilala kaya kita sa pinsan ko si Luke he's single hmm medyo masungit yon but mahilig naman iyon kumain magaling kang magluto bagay kayo" sabi niya ng may paghampas pa sa braso ko.
"Ewan Drea hindi dyan ang focus ko pass muna ako dyan" nasabi ko na lang sa kanya at nag hahanap ng ingredients sa fridge para sa lulutuin kong tinola.
"Lagi ka na mang ganyan remember Harold? Sya yung engineering student na binasted mo Claish dean lister iyon then Bryan law student, handsome man and topnotcher, Lowel a model and famous on our school then pagdating sayo sa panliligaw nila wala pa rin basted pa din ewan ko ba sayo lahat sila handsome, smart, famous and rich as well pero isa sa kanila wala kang napili"
"Andrea alam mo na naman kung bakit ako nandito sa Manila atsaka kahit naman na sa kanila na yung dream guy ng isang babae sa hindi ko pa rin gusto basta hindi ko sila feel" I said.
"Seriously? Hindi mo feel okay fine baka sa cousin ko ma feel mo na Luke is talented and a serious man kaya lang I heard some gossip that he's a playboy but if maging kayo baka magbago sya edi mas maganda diba? And by the way Psychology Student yon graduating na rin" sabi niya.
Sa sinabi ni Andrea bigla akong kinabahan ng konti ewan ko ba baka gutom lang ito kaya sinimulan ko na din ang pagluluto ko.
I'm done doing household chores I'm tired. It's 4:30 pm I open the curtain here in my room to see the sunset I always like to see sunset. It's friday half day lang kami dahil may meeting na kailangan daluhan ang mga guro kaya naglinis muna ako sa kwarto ko. Tomorrow is Andrea's birthday kaya pupunta ako mamaya sa mall para bumili ng pang regalo sa kanya.
What should I buy?
Nandito na ako ngayon sa mall ano kaya ulit ireregalo ko doon? Last year kasi ginawan ko sya ng bracelet na gawa sa shells dati kasi ayon yung pampalipas oras ko noong nasa probinsya pa ako. Nagustuhan naman niya at napaka talented ko daw, sa huli na pag pasyahan ko na lang na pumunta sa brazilian shop para bumili ng pabango.
Pagpasok ko ay may lumapit agad sa aking sales lady.
"Hi Ma'am Good Afternoon. What scent are you looking for?. We have new product here you want to see Ma'am ?" she said.
"Ahhm I'm looking for a sweet scent" I said to her.
"Okay Ma'am just wait here kukunin ko lang po yung perfume" she said.
"Okay" I respond to her.
Habang naghihintay ako ay tumitingin din ako ng ibang pabango hindi naman masyadong mahal ang presyo at sapat lang ito para sa naipon kong pangregalo kay Andrea wala na naman akong oras sa paggawa ng bracelet siguro ay sa susunod naman iyon. Wala si Andrea sa condo dahil siya ay dumaan kina Tito at Tita para bisitahin si Ophie ang baby niyang pomeranian ang breed kaya ako lang ang nasa condo kanina pero babalik siya dahil wala daw akong makakasama mamayang gabi.
Pagkatapos kong bayaran yung perfume na binili ko ay pumunta akong National Book Store para tumingin ng mga libro mahilig akong magbasa lalo na sa mga Accountancy Business Management Books o Fundamental Accountancy Business Management.
Minsan kasi pagpumupunta ako ng library sa school ay wala doon ang hinahanap ko kaya minsan ay pumupunta pa ako ng ibang library para mahanap yung librong wala sa library sa school minsan naman ay bumibili ako sa book store kapag may nakikita ako.
Tumitingin ako ng mga libro sa shelf ng tumunog ang cell phone ko kinuha ko ang cell phone sa aking bulsa at tiningnan kung sino ang tumatawag. Si Andrea kaya agad ko itong sinagot.
"Hello" ani ko.
"Hello Claish. Where are you?" she said.
"Mall" I respond.
"Okay. Nandyan ka naman na sa mall bili ka ng pizza mag m-movie marathon tayo nandito na sina Rap and Clay. We will wait for you" she said.
"Okay meron pa ba?" I ask.
"Clai bili ka na rin soju apat!" sigaw ni Rap sa kabilang linya.
"Samahan mo na rin ng chips wala na pala kayong stock dito" pahabol pa ni Clay.
"Ay wow! akala nyo may mga patago kayo sakin" sabi ko sa kanila.
Kagagaling ng mga ito akala ata nila sa akin nagtatae ng pera.
"Don't worry Clai we will pay you" Clay said in a girly sound.
"Dapat lang dahil hindi ako nagtatae ng pera" sabi ko.
"Oo na bilisan mo na lang dyan bakla para makapag start na tayo" sabi ni clay na halata sa boses ang excitement.
"Yes po bibili na ako" sabi ko "Sige na ibaba ko na"
"Okay. Ingat Bye" Andrea said.
Pinatay ko na ang tawag at bibili na ng pinabibili ng mga iyon.
Pumasok na ako sa isang pizza shop at nakita ko si Clark na nasa counter liliko na sana ako sa kabilang side ng counter pero nakita na niya ako.
Ano ba naman ito.
"Claish. Hi" Clark said.
"Hi" I said to him.
"Ikaw lang mag isa?" he ask.
"Oo bibili lang ng pizza for our movie marathon"
He nod.
"How about you may kasama ka?"
Tanong ko sa kanya para naman hindi ako mag mukang masungit sa paningin nito.
"Kanina oo pero ngayon na wala umuwi na kasi yung date ko" he said.
Tsk play boy nga.
"Oh I know what your thinking. It's a friendly date" aniya.
"Wala naman akong sinasabi" ani ko at tumingin sa menu.
"Wala nga pero madaling basahin ang facial expression mo"
"Excuse me Sir here's your order" the lady in counter said.
"Oh okay thanks" Clark said and smile to the lady.
At ang babae naman ay hindi mo na malaman kung kinikilig ba o natatae na.
"Ahm Miss sakin one Margherita and two Pepperoni Pizza" sabi ko sa babae na hanggang ay kinikilig pa rin.
"Miss?" sabi ko ulit dahil hindi ako narinig na tulala na ata sa ngiti lang ng playboy na hambog na ito.
"Ah s-sorry Ma'am ano nga po ulit?" sabi niya ng may alanganing ngiti
Hay nako ang landi kasi.
"I said one Margherita and two Pepperoni Pizza" sabi ko sa chill pa na boses.
"Sorry Ma'am. Just wait for a minute" she said.
"Anong next mo pagkatapos nito?" he said.
"Bibili ako ng drinks namin"
"Iinom kayo?. Diba birthday naman ni Andrea bukas?" he said.
"Iinom lang konti. Ganon ginagawa namin pag nag momovie marathon kami and yes tomorrow birthday ni Andrea, bukas pa naman ng gabi yon" I said to him.
"Here's your order Ma'am" anang babae.
"Thank You" I respond to her.
Pagkatapos kong bumili ng pizza ay sinamahan ako ni Clark para bumili ng drinks sinabi ko na kahit wag na akong samahan pero makulit sya eh kaya wala na akong nagawa.
"Hatid na kita" he said.
"Okay lang kahit wag na baka may gawin ka pa" sabi ko.
"Wala naman akong gagawin ngayon kaya okay lang" he said.
"Sure?" I ask.
"Oo" he said "So tara na naghihintay na yung mga yon" he added.
Nang nakarating na kami sa condo ay nagpasalamat ako ako kay Clark at umalis na din sya dahil may tumawag sa kanya at sinabing may kailangan na syang gawin ngayon.
Hay salamat at naka uwi narin.
"Hoy bruha akala ko natabunan kana ng pizza at soju. Tagal" pag rereklamo ni Rap.
"I'm hungry" sabi naman ni Andrea na nakahawak na sa tiyan.
"Ito na nga diba nakarating na buti naka tipid pa ako ng pamasahe kasi naki sabay na ako kay Clark" sabi ko.
"Ayon kaya naman pala. Nakipag date" sabi ni Clay.
"Baliw hindi nagkita lang kami sa pizza shop" sabi ko sa kanya.
Mukang ayaw pang maniwala ni bakla.
"Oh siya ayusin na natin yan at para makapag simula na tayo" sabi ni Rap.
Hay mukang 3 am na naman kami matutulog nito. Okay lang wala naman kaming pasok bukas.
babygummie_
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 54 Episodes
Comments