ESCAPE TO YOU (DOCTOR SERIES #1)
"MY GOSH! Claish hindi kaba na boboring dito? Look at you hindi mo manlang maiwan iwanan yang libro at laptop, it's sunday mag rest ka naman kahit konti" sabi ng kaibigan kong si Andrea na may pag flip pa ng buhok niya.
Kaibigan ko si Andrea since First Year College at masasabi ko na masaya siyang kasama marami din kaming na pagkakasunduan sa maraming bagay kaya mabilis kaming naging close sa isa't - isa actually she is the first who introduce herself to me transferee ako that time nakapasa ako sa entrance exam at nakakuha ng scholarship kaya lumuwas ako ng Maynila para mag aral kaya naiwan ko sa probinsya namin sa palawan si Mama pero kasama naman niya si Tiya Gladyz doon kaya hindi na ako masyadong nababahala.
Namatay si Papa ng hindi ko manlang ito nakikita sabi sa akin ni Mama ay sanggol pa lang ako ng mamatay si Papa kaya kaming dalawa na lang ni Mama ang magkasama, mas pinagbubutihan ko ang pag aaral ko dito para kay Mama she's my life at inspirasyon ko kung bakit ko ito ginagawa.
"Andrea Viana Zanses scholar ako kaya hindi ko dapat ito binabaliwala" sabi ko at tumingin ulit sa librong binabasa.
"Hmmp! So OA hindi ko naman sinabi na wag ka na mag aral everyday right? I said magliwaliw ka naman minsan hindi yung pinapaamag mo rito ang sarili mo" sabi niya at lumapit sa akin at umupo na rin sa mat na inuupuan ko malapit sa sofa.
Nang maging close kami lalo sa isa't isa ay naisip niya na tumira na lang din ako sa condo unit niya pero hindi ako pumayag nung una dahil kaya ko naman gumastos para sa apartment na tinutuluyan ko dahil medyo malaki naman ang nakukuha ko sa scholarship at sapat na din ito para may maipadala ako kay mama sa probinsya pero sobrang kulit ni Andrea at sinabing magbayad na lang daw ako or hati kami sa mga gastusin namin katulad ng pagkain kung doon ako mas komportable at ako na din ang nagluluto para sa aming dalawa tuwing umaga bago kami pumasok sa school mas makakamura daw ako kung sa kanya ako tutuloy kaya sa huli pumayag na din ako at ang condo na tinutuluyan ko ngayon ay pagmamay ari ng mga magulang ni Andrea and they are kind. Sinabi na din nilang kay Andrea na lang ako tumuloy.
"Pretty please" aniya at may kasama pang pagpapacute niya.
"Andoon na sina Rap at Clay so please sama kana ang tagal na nung huli hindi ka naman papagalitan ni Tita if mag bar tayo right? Promise hindi kana makakakuha ng mababang score sa quiz matalino ka kaya mo iyon. Just text Tita later" she said.
"Hay fine" sabi ko at ibinaba na ang librong binabasa.
"For real sasama ka na?" tanong niya sakin at lumapit ulit at hinipo ang aking noo. "Hindi ka naman mainit" aniya.
"Sasama na nga ang dami mo pang sinasabi. Okay hindi na lang ako sasama" sabi ko sabay tayo papuntang kwarto.
"Wait" sabi niya sabay higit ng kanan kong braso.
"Ito naman hindi mabiro nagulat lang naman ako kasi sobrang tagal na kitang kinukulit dati ngayon ka na lang ulit pumayag" aniya.
"Alam mo naman kung bakit diba?" sabi ko.
"Oo I know nag sorry na nga ako about doon eh, kami ni Rap and Clay" ani Andrea.
"Nah okay na yon sa akin naka move on na ako doon hindi na iyon mauulit talaga" sabi ko at parehas kaming na patawa.
"One week from now birthday mo na anong gusto mong iregalo ko ulit sayo? " sabi ko.
"Owss na isingit mo pa birthday ko, something na pinaghirapan mo I'm happy if you work for it kahit simple lamang Claish I'm not materialistic gusto ko ang bracelet na ginawa mo noon"
"Totoo?"
"Yes"
"Sige"
"Tita Claridad is so lucky to have a daughter like you Claish" she said.
"No mas swerte ako dahil nagkaroon ako ng magulang na katulad niya na maalaga" I said to her.
"Okay cut the drama dahil magpeprepare pa tayo for tonight let's go" aniya at hinigit na ako papuntang room nya dahil siya naman palagi ang nag aayos sakin kapag may mga ganitong pupuntuhan.
Pagkatapos naming mag ayos ay pumunta na kaming bar I'm wearing black dress with black ankle strap heels the dress I wearing have slit near my leg kaya naka expose ang isa kong hita same with my cleavage hindi nga ako komportable dito panay ang baba ko sa hem ng dress na ito. Mas matangkad ako ng konti kay Andrea kaya mas umiksi pa sa akin ang dress na ito.
"Claish stop that you look ewan" ani Andrea at tinampal ang kamay kong nakalagay sa hem ng dress.
"I'm not comfortable with this kind of dress Drea"
"You look good and sexy" she said wearing her seductive face.
"By the way let's go Clay and Rap is here they're waiting.
Hinigit na niya ako at para pumasok na sa bar. Good thing I like the ambiance it's freaking high class bar! If I'm not mistaken this is my first time to come in this high class bar parati kasi sa ibang bar kami pumupunta nina Drea, Rap and Clay especially if may pasok kami kinabukasan dahil iyon lang ang pinakamalapit na bar sa condo na tinitirahan namin.
"Hoy babaita ang tagal mo namang dumating, ano ilang patong pa ng foundation inaplay mo sa mukha mo? Akala ko hindi kana dadating hindi ka naman nalelate dati " Rap said .
"Wooah look who's here? Ang babaeng hindi mo manlang mayaya sa gimikan pero ngayon nandito sa bar bakla" sabi ni Rap at lumapit kay Clay at hinampas ito sa braso may kausap na namang lalaki.
"Aray ko naman pesteng balyenang ito can't you see? I'm talking to this handsome Daddy" gigil na sabi ni Clay kay Rap at tingnan ulit ang kaninang kausap na lalaki at may sinabi ito hindi ko na nalaman dahil pabulong lang itong sinabi ang bakla napaka landi.
"Oh wow! Ang babaeng maganda pero KJ sa galaan anong nakain mo 'te?" sabi nito na may pagkrus pa ng mga braso sa harap ko.
"Gusto ata madiligan. HAHAAHA. Biro lang" sabat naman ni Clay.
"Ewan ko sa inyo pinilit lang naman ako ni Drea kaya sumama na ako" sabi ko sa kanila.
"Really Claish?? sabi ni Rap ng may pagdududa sa mga tingin nito.
Tumingin ako sa kanya at itinaas ko ang kaliwa kong kilay.
"Hay nako kaya wala kang Papi dahil sa mga tingin mong yan let's go may papakilala ako sayong hot Papa" sabi ni Rap sa malanding boses.
Gwapo itong dalawang ito sayang nga lang dahil gwapo din ang hanap. They are my best friend since First Year kami sa College Accountancy ang course namin at masaya kami na nakilala namin ang isa't - isa at komportable so mas naging close pa kami, now we were in third year magkaklase pa rin kami at ayon naman ang gusto ko.
"Hi Guys!" ani Rap.
"I just wanna introduce my best friend Claish Margaret Natividad and my classmate also, Claish mga friend ko nakilala ko sila dito" ani Rap.
"Hi" I said.
"So you are Claish you're so pretty nice to meet you by the way I'm Kazy" she said and offer her right hand.
"Hi, nice to meet you too" I said her.
"I'm Lala" sagot naman ng babaeng maputi na may pagka singkit ang mata at nginitian niya ako.
Ngiti ang naging respond ko sa kanya.
"Hi I'm Cristoff" aniya.
I nod and smile.
"And I'm Clark baby. Are you single?" he said wearing his sexy smile.
Yak!
"Ahm-"
"Hey Clark wag ito masyado pa itong inosente para sayo. Nako hindi kayo bagay nitong si Margaret" sabat naman ni Clay na pinutol agad ang sasabihin ko.
"Clay" sabi ko sa kanya ng may pagbabanta.
"Why bebe that's true naman- aray!" sabi niya.
Sa sobrang inis ko kinurot ko siya sa tagiliran.
Buti nga.
"That's my type Clay. Innocent" sabi niya sabay tingin sa akin.
Like what the heck! Yeah he's handsome but not my type. Tantanan mo ako.
"But playboy ka Clark ayokong masaktan ang bebe Claish namin no" sabi pa ni Rap.
"Me play boy? I'm not" ani ni Clark.
"Yes you are" ani Clay
"Sila ang lumalapit sakin Clay hindi ako, so hinahayaan ko na lang, but for Miss gorgeous hindi ko gagawin yan" he said while staring at me.
"Hey iinom na lang natin yan Clark. Matino si Claish hindi yan papatol sayo pare. Hahaha" ani Cristoff.
"Why bagay naman sila ah?" sabi pa ni Rap at tumingin sa akin na parang sinasabing 'sunggaban mo na grasya na lumalapit sayo'.
Hindi na ako nagsalita pa ulit at itinuon na lang ang atensyon ko sa mga nasayaw at nakita ng aking mga mata si Andrea na sumasayaw sa gitna ng dance floor ang babae talagang iyon lagi na lang ganito set up namin hindi ako masyadong umiinom dahil walang maghahatid sa amin ni Andrea if we're both drunk, minsan kasi ay nagpapa iwan pa ang dalawang bakla.
"Excuse me punta lang sa Comfort Room" sabi ko.
"Samahan na kita" Clark said.
"What the hell Clark you said na hindi mo gagawin yon kay Claish right?" ani Kazy.
"No. Hindi naman talaga Kazy I just want to see na safe siyang makakapunta ng Comfort Room okay wala akong gagawin baka may magloko dyan at mapahamak pa si Claish" he said.
"Clark wag na kaya ko ang sarili ko. Thanks for your concern" sabi ko sa kaniya.
"Are you sure?" sabi niya.
Ang kulit.
"Yes Clark I'm okay" I said to him.
"Okay" he said.
Dahilan ko lang na pupunta ako sa CR dahil ayoko talaga ang presence ng lalaking iyon masyadong mahangin gwapo nga sya hambog naman.
Sa huli napag desisyunan kong pumunta sa bar counter at umorder ng drink.
"One Boulevardier please" sabi ko sa bartender.
"Okay Miss. Coming" he said.
I like the ambiance of this bar so cool bihira lang akong sumama kina Drea I thought hindi na naman ito magiging maganda but I didn't regret na sumama ako ulit kay Drea, last time kasi sumama ako sa kanila then may class kami kinabukasan then we have a suprise quiz may review naman ako but leche lang talaga parang nawala ng parang bula yung na review ko dahil sa sakit pa ng ulo ko and get's what? Wala akong nakuha kahit isa nagalit ako noon kina Drea, Clay and Rap dahil sa nakuha kong score pero ang mga walanghiya ipinagmalaki pang sa wakas daw nagka pareparehas kami ng score bwisit, that's why ayoko ng niyaya nila ako sa ganito pero ngayon wala namang masyadong gawain sa school so it's okay.
"Here's your drink Ma'am. Enjoy!" the bartender said.
"Thank You" I said
Napag desisyunan kong maglibot muna matapos kong inumin ang order ko. Nandito ako sa hallway sa medyo konti lang ang tao dito sa labas.
"Hay fresh air" I said habang nakapikit ang mga mata ko at sinasalubong ang hangin.
"Aahhh faster Luke....gosh ugghh! Your so good. Like that baby" ani babae.
Bigla akong napadilat sa narinig ko do I hear right? May narinig akong babaeng umuungol....Babaeng umuungol? Ilang seconds pa akong na estatwa sa kinatatayuan ko bago may narinig pa ulit akong ungol.
"Fuck! Prisha tone down your voice they might hear us" anang lalaki.
Habang lumalapit ako sa ingay na naririnig ko ay lalo pa itong lumalakas sa pandinig ko at ganon na lamang ang gulat ko ng nakita ko ang babaeng halos hubad na at nakapikit ang mga mata at halata sa mukha na nasasarapan ito.
Oh my gosh! Totoo nga ang narinig ko jusmiyo mahabaging neptune hindi ko lang narinig nakita ko pa in live show. Nakapanood na naman ako kahit konting scene na ganito kapag nanonood kami ng movie nila Clay, Rap, at Andrea, pero iba pala talaga kapag totooong nakikita ng iyong mga mata.
Aalis na sana ako sa lugar na iyon pero ang malas dahil sa bote na nasagi ko, bwisit bakit may bote dito? Gumawa ito ng ingay sapat na ang tunog nito para marinig ng dalawang taong gumagawa ngayon ng milagro.
Hindi ko alam ngayon ang gagawin ko ng lumingon ang lalaki sa parte na kung saan ako nakatayo.
Shocks! Sapat na ang liwanag na ng gagaling sa ilaw na nakasabit sa may pader para makita ko ang kanyang mukha. Muka siyang anghel.
"A s-sorry po n-napadaan lang ako. Sorry po sa istorbo. H-hindi ko naman nakita lahat. Sorry ulit" ani ko sa kanila at yumuko.
Hindi ko na alam ang sinasabi ko, Margaret isip isip kung anong gagawin mo. Tinagilid niya ng lalaki ang kanyang mukha na mukang tinatandaan ang mukha ko pero parang hirap siyang aninagin ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya napagdesisyunan ko ng tumakbo. Dali dali akong pumunta sa loob gosh kinabahan ako doon. Nakita kaya niya ang mukha ko? Medyo madilim sa part kung saan ako nakatayo baka hindi naman siguro.
"Hey! Stop!" sigaw niya pero hindi ko ito pinansin.
"Oh babae saan ka galing?" ani Andrea.
"Ah diyan lang sa labas" ani ko na medyo hinihingal pa.
"Oh akala ko mag C-Cr ka lang?" ani Clay.
"A-ah eh k-kasi maganda itong lugar kaya naglibot libot muna ako" sabi ko ng kinakabahan pa hindi ko alam kung bakit pero dahil siguro sa live show na napanood ko.
"Are you okay Claish? You look shock and nervous may nangyari ba sa labas? May bumastos ba sayo doon?" ani Clark na may tunog pag aalala sakin.
May nangyayari talaga sa labas Clark live show kulang na lang pop corn.
"I'm okay Clark wala namang nambastos medyo napagod lang sa paglilibot" ani ko.
"Okay we need to go na guys past two na eh baka may magalit na naman sa amin kakatakot pa naman iyon" pabirong sabi ni Rap at lumingon sa akin.
"Next time ulit. Ingat kayo" ani Clay.
"Okay ingat din kayo bye" ani Kazy at ngumiti sa amin.
Sina Lala at Cristoff naman ay magkayakapan na magkasintahan siguro ang dalawa habang tumitingin ako sa kanila pumasok na naman yung scene na nangyari kanina yung babae may ginagawa sa kanya yung lalaki. Ano ba yan ayoko ng maalala iyon at sinampal ang sarili para hindi na maalala.
"Hoy nyare sayo babae? Okay ka lang? Gagawa mo?" ani Rap na medyo natawa sa ginawa ko.
"Konti lang naman ang na inom mo mas marami nga yung akin pero sa ating dalawa parang ikaw yung lasing" Andrea said while laughing.
"A-ah inaantok na kasi ako kaya ko sinampal yung mukha ko" sabi ko sa kanila at parang naniwala naman sila pero natatawa pa rin.
"Okay. Una na kami guys" sabi ni Rap.
"Wait hatid ko na kayo" Clark said.
"Wag na Clark dala ko ang kotse ko. Ako na maghahatid sa mga ito" Clay said.
"Kahit sa parking lot lang" sagot pa niya.
"Okay" he said sabay tingin sa akin.
Binaliwala ko na lang ang tingin niya sakin. Nandito na kami sa parking lot buti hindi gaanong lasing itong si Andrea at baka mahirapan na naman akong akayin ito dahil ang bigat.
Pinagbuksan kami ni Clark ng pintuan at pinauna ko ng pumasok si Andrea sa kotse bago ako.
"Thank you Clark" ani ko sa kanya.
"Welcome. Ingat kayo. Clay mag ingat ka sa pag da-drive mamahalin ko pa itong si Miss Gorgeous" aniya at tumingin ulit sa akin.
"Oo na ang landi" sabi ni Clay.
"Alis na kami. Bye" Rap said.
Sinarado na ni Clark ang pintuan at pinaandar na ang sasakyan. Hay buti naka alis na kami doon.
Hindi pa rin matanggal sa utak ko yung nangyari kanina. Hindi na naman kami siguro magkikita ng lalaking iyon o kaya yung babae dahil hindi naman nila ako nakita kanina.
Mukang kailangan kong dumaan bukas sa church para mapabentisyunan ko ang aking mga mata dahil sa nakita ko kanina, o ibabad ko kaya sa holy water?
Hindi pala maganda ang gabi ngayon.
A/N: Please read with respect ( Author and Story) and sorry for the typo's.
babygummie_
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 54 Episodes
Comments