Chapter Three

HINDI ko alam ang gagawin ko sa mga oras na ito. Nararamdaman ko ang pawis sa noo ko kahit aircon ang lugar na ito.

"It's okay hijo. Seat down. We all know naman na busy ka sa pag aaral mo" si Tita Sharlane.

"Where's your father?" tanong ni Tita Lara dito kay MUKBANG Man.

"He's busy Mom he said may kailangan siyang tapusin pero may pinadala syang gift for Andrea" aniya.

So anak ni Tita Lara itong si MUKBANG Man?

"Hay kahit kailan talaga" si Tita Lara.

"Happy Birthday Andrea" MUKBANG Man said in his baritone voice.

"Thanks" Andrea said.

Hindi ako mapakali sa inuupuan ko hindi ako makatingin sa una ko dahil nandito sya.

"Are you okay hija?" may pag aalalang sabi ni Tita Lara.

"Ahhmm I'm okay T-Tita. E-excuse me po . I'm just going to the C-Comfort Room" I said in a shaky voice.

"Are you sure hija?. You look pale" nag aalalang tanong ni Tita sa akin.

"I'm okay Tita" sabi ko at tumayo na para pumuntang Rest Room.

Tumingin sa akin si Andrea na may pag aalala sa mukha nya. "Are you sure? Samahan na kita" sabi niya. "Okay lang ako" I said to her and she nod.

"Excuse me po" I said to them.

Nang makatayo na ako ay dali dali akong pumunta ng Comfort Room medyo hinihingal na pumasok ako doon. My goodness sinasabi ko na nga ba may hindi na naman magandang mangyayari sa akin ngayon ano ng gagawin ko ngayon? Hindi ko kayang bumalik ulit doon.

So ang lalaking iyon ang nakita ko sa Hallway ay ang pinsan ni Andrea.... Okay Claish hinga base sa tingin niya nakita ko sa gilid ng aking mata na hindi ka niya naaalala baka nga hindi niya aninag ang mukha mo dahil na rin siguro sa medyo madilim nga ang kinatatayuan mo noon.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa salamin dito sa CR halata nga ang pagkabalisa ng aking itsura. "Okay Claish magpanggap ka na hindi mo alam ang nangyaring iyon. Kaya mo yan, mukang hindi ka naman niya natatandaan" sabi ko sa aking sarili.

Lumabas na ako ng CR at ganon na lang ang gulat ko ng makasalubong ko siya. Anak ng! Umiiwas nga ako tapos ganito ang mangyayari.

Sa gulat ko ay nilampasan ko ka agad si MUKBANG Man. Mukang may sasabihin siya pero hindi na tuloy dahil nilampasan ko na agad siya.

Nakarating na ako sa table kung saan ako kanina naka upo wala na sila Tito Alexander, Tita Sharlane at Tita Lara sa table.

Ang nandoon na lang ay si Andrea, and Clay pero si Rap ay hindi nahagilap ng aking paningin. Pero may nakita akong lalaking katabi ni Clay hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod ito.

Papalapit na ako sa kanila ng makita ako ni Clay agad niya akong nilapitan.

"Bakit naman ang tagal tagal mong babaita ka?. Nagbawas kaba?" tanong sa akin ni Clay.

"No medyo madami lang yung tao na nasa CR kaya medyo natagalan" pag dadahilan ko sa kanya kahit ako lang ang na sa CR kanina.

"Okay" he said.

"Wait sino yung lalaking katabi mo kanina at kausap ngayon ni Andrea? tanong ko dito.

Pupuntahan ko nasa si Andrea pero pinigilan ako ni Clay lumingon ako dito.

"Wag mo na silang puntahan may pinag uusapan sila mamaya na tayo makichika" sabi pa niya.

"Don't tell me ayun yung sinasabi mo kanina?"

"Yap. Sa nakikita ko naman nagkakasundo silang dalawa. Andrea is a dog lover right?. While Jaz is Vet Doctor" ani Clay.

Pagkatapos ng pag sasalita niya ay tumingin siya kina Andrea kasama ang lalaking ipinakilala ni Clay.

"See? Maayos ang pag uusap nila. Mukang natalo na sa pustahan si Rap"aniya.

A what?

"Pustahan?" tanong ko sa kanya.

"Hhmm. Nagpustahan kami ni Rap if magkakasundo o magugustuhan ni Andrea itong si Jaz. Eh kitang kita naman na ako na ang mananalo ngayong gabi" he said.

"Pagkatapos naman ni Andrea. Ikaw naman. Kay Clark " sabi niya at bumaling sa akin.

Isang kalokohan.

"Tantanan mo ako sa ganan Clay. I'm not interested" I said to him.

"Huh. Parang ganan din naman ang sinabi ni Andrea. But tingnan mo sila. Maayos" sabi ni Clay.

"Nga pala nasan sina Tita at Tito?" tanong ko sa kanya.

"Ah nakikipag usap sa mga kabusiness partner nila. Ang tagal mo kasi kanina sa CR akala namin ni Rap naglalabas ka ng sama ng loob" pag papaliwanag niya.

"How about Rap?. Where is he?" tanong ko.

"Nagtatanong ka pa nanlalalaki na naman iyon" he said.

"Eh ikaw. Hindi?" tanong ko pa.

"Girl papatalo ba ako sa shoklang iyon syempre hindi. Chinecheck ko lang itong dalawa kung okay. Sa nakikita ko naman ayos lang. So may pupuntahan lang ako ha, ikaw ba maglilibot libot ka?" ani Clay.

"Sa couch muna ako" I said to him.

"Okay just text me na lang kapag may kailangan ka. Sige dyan kana.  See you later" sabi niya at umalis na.

Hindi pa rin talaga ako komportable dahil nandito pa ako sa lugar na ito, hindi ko na din nakita sina Andrea sa pwesto nila kanina baka pumunta sila ng veranda.

Ang bar kasi na ito ay malawak maraming venue ang mapupuntahan since pagmamay ari ito nila Tita Lara. May garden din sila at hanggang tatlong palapag ang bar na ito. Nasa ikatlo kami dahil ito ang tinatawag na VIP ROOM mas maganda ang view dito kumpara sa unang palapag at sa ikalawa.

Makalipas pa ang ilang minuto ay napagdesisyunan kong pumunta ng veranda para sana puntahan sina Andrea pero ng nakarating na ako doon ay walang tao sa veranda kahit isa.

Huh. Asan sila? Akala ko dito sila pumunta.

I text Andrea. Para malaman kung asan siya. She text immediately and said 𝐈𝐦 𝐡𝐞𝐫𝐞 𝐨𝐮𝐭𝐬𝐢𝐝𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐛𝐚𝐫. 𝐈𝐧 𝐭𝐡𝐞 𝐠𝐚𝐫𝐝𝐞𝐧.

So nasa garden siya ngayon inilagay ko na ang aking cell phone sa loob ng aking sling bag at tumingin sa buwan na half ngayon.

Dito muna ako bukod sa hindi masyadong maingay o hindi kinig ang mga ingay na nang gagaling sa loob dahil sa glass wall ay mahangin din. Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ang hangin na sumasalubong sa aking mukha.

I like this. Serene place..

Maya maya pa ay may narinig akong tunog ng sapatos hindi ko ito pinansin at inenjoy pa ang katahimikan ng lugar.

"Enjoying this place?. I see"

Dahil sa boses na iyon ay napamulat ako at humarap sa pinang gagalingan ng boses. Ganon na lamang ang gulat ko ng malapit pala siya sa akin. Kaya naman nagkaroon ako ng time para tingnan ko ang itsura niya sa malapitan.

His black low fade hair na mas nagpadagdag ng pagiging lalaki niya, pointed nose, his long eyelashes, thick eyebrows and red lip and his clear skin.

Ano kayang Skin care products ang ginagamit nito?. Itanong ko nga para naman maging ka clear skin din niya yung akin lagi kasing oily at minsan tinutubuan pa ng mga tagyawat pero dito kay MUKBANG Man mukang mahihiya ang mga darkspot, whiteheads at acne dito.

"Done checking my face?" he said while smirking.

"Anong skin care products gamit mo?" wala sa sarili kong tanong.

"Pardon?" he said.

"Ah ang s-sabi ko. H-hindi hindi kita tinititigan" sabi ko.

𝐶𝑙𝑎𝑖𝑠ℎ 𝑀𝑎𝑟𝑔𝑎𝑟𝑒𝑡 𝑎𝑛𝑜𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑛𝑔𝑦𝑎𝑦𝑎𝑟𝑖 𝑠𝑎𝑦𝑜?. 𝑁𝑎𝑘𝑎𝑘𝑎ℎ𝑖𝑦𝑎 𝑘𝑎.

He chuckled. "Really?" Why it's so hard to believe?"he said in a sarcasm way.

"Totoo" sabi ko sa kanya pero hindi makatingin sa mukha.

"Look at me" he said.

Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya itinuon ko na lang ang paningin ko sa ibang bagay para hindi ko siya matingnan. I can't naaalala ko lang yung eksenang nasaksihan ko nung nakaraan.

𝑁𝑎𝑘𝑎𝑘𝑎ℎ𝑖𝑦𝑎!

"I said look at me" mahinahon pa niyang sabi.

Unti unti akong tumigin sa kanya at lumapit pa siya sa akin halos mag dikit na ang aming ilong hindi ako makagalaw sa mga oras na ito. Agad niyang hinapit ang aking bewang dahilan para mapasinghap ako. Sa itsura ko ngayon ay para akong isang manikin hindi na ako makagalaw at hindi na rin halos humihinga.

"Breath baby" sabi niya sa medyo paos na boses. "I'm not gonna eat you" he chuckled. "Not now" he said again.

Sa sinabi niyang iyon ay agad akong nakigising sa pagkatulala at itinulak ko siya dahilan kung bakit siya napalayo sa akin.

"Pervert"

He chuckled.

Bwisit na MUKABANG Man ito mahangin din tulad ni Clark.

Makaaalis na nga dito ang toxic na ng hangin.

Akmang aalis na ako ng bigla siyang nagsalita.

"You are the girl in the hallway right?. Nakita mo kami sa ginagawa namin nung gabing iyon. Tama ba?. Akala mo siguro hindi kita namukaan " he chuckled. "You're wrong" he said.

Sa sinabi niyang iyon ay napatigil ako agad naman akong nakaramdam ng kaba. Narinig ko ang tunog ng sapatos niya na papalapit sa akin.

At naramdaman kong lumapit ang mukha niya sa tainga ko at may ibinulong.

"I'm sorry for that. Hindi mo dapat nakikita ang mga ganoong bagay dahil halata sa mukha mo na inosente ka pa sa mga ganon" he said to me na parang nang aasar pa sa huling sinabi. At naramdaman ko na lang ang kamay niya sa bewang ko kaya agad naman akong lumayo sa kanya.

𝑁𝑎𝑖𝑖𝑛𝑖𝑠 𝑛𝑎 𝑡𝑎𝑙𝑎𝑔𝑎 𝑎𝑘𝑜 𝑑𝑖𝑡𝑜 𝑘𝑎𝑛𝑖𝑛𝑎 𝑝𝑎.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinampal ko siya.

"Alam mo hindi ka lang mayabang bastos ka pa!" sabi ko sa kanya ang iniinda pa ang sakit ng pagsampal ko sa kaniya.

"Hindi ako katulad ng mga babae mo. Kaya hindi mo ako makukuha sa mga ganan!" sigaw ko sa kaniya at madilim na tumingin siya sa akin.

𝐻𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑚𝑜 𝑎𝑘𝑜 𝑚𝑎𝑠𝑖𝑠𝑖𝑛𝑑𝑎𝑘 𝑠𝑎 𝑚𝑔𝑎 𝑔𝑎𝑛𝑎𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑛𝑔𝑖𝑛 𝑚𝑜.

Hindi ko na hinintay na may sasabihin pa siya. Umalis na ako sa veranda at pupunta na ng couch ng makasalubong ko si Clark.

𝐻𝑎𝑦 𝑖𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑛𝑔 ℎ𝑎𝑚𝑏𝑜𝑔 𝑛𝑎 𝑏𝑎𝑏𝑎𝑒𝑟𝑜.

"Hi Claish. Kanina pa ako nandito pero hindi kita nakita kanina" aniya.

"Ahmm nasa may veranda lang ako nagpunta"

"Hmm I see. Nakita ko na din diyan si Clay and Rap sabi nila nasa couch ka lang pinuntahan kita pero hindi naman kita nakita dito. By the way drinks?" sabi niya at nag offer sa akin ng dala niyang tequila.

Tatanggapin ko na sana ang tequila na inoffer niya sa akin ngunit may ibang kamay ang kumuha non. Tiningnan ko kung sino ito.

𝑆𝑖𝑦𝑎 𝑛𝑎 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑛. 𝑁𝑎𝑘𝑢𝑘𝑢𝑙𝑎𝑛𝑔𝑎𝑛 𝑝𝑎 𝑎𝑡𝑎 𝑖𝑡𝑜 𝑠𝑎 𝑠𝑎𝑚𝑝𝑎𝑙 𝑘𝑜 𝑘𝑎𝑛𝑖𝑛𝑎.

"Mr. Savamonte" Clark said to this MUKBANG Man slash Mahangin slash Manyak.

"Nice to meet you. I'm Clark Gilbert" sabi pa ni Clark. Tiningnan lang ito ni 3M's man.

Kaya medyo napahiya si Clark dahil doon. Kaya naman nag salita na ako. "Ahmm Clark tara puntahan na natin sina Clay and Rap" sabi ko dito.

"Okay sure" Clark said.

"No" 3M's said. At hinawakan ang isa kong braso dahilan ng paghinto namin ni Clark sa paglalakad.

"Bitiwan mo ako" sabi ko sa kanya.

"No" 3M's said.

"Sabing biti-"

"Dude sabi niya bitawan mo siya" Clark said.

"Hindi ikaw ang kinakausap ko" sabat naman ni 3M.

"Bitawan mo na ako Mr. Savamonte. Nasasaktan na ako" ani ko dahil medyo mahigpit na ang pagkapit niya sa akin.

"Dude nasasaktan na siya" sabi pa ulit ni Clark kay 3M.

"Hindi ikaw ang kinakausap ko kaya manahimik ka!" 3M's said.

𝐴𝑛𝑜 𝑏𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑟𝑜𝑏𝑙𝑒𝑚𝑎 𝑛𝑔 𝑙𝑎𝑙𝑎𝑘𝑖𝑛𝑔 𝑖𝑡𝑜? 𝑁𝑎𝑠𝑜𝑏𝑟𝑎ℎ𝑎𝑛 𝑛𝑎 𝑎𝑡𝑎 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑔 𝑎𝑎𝑟𝑎𝑙 𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑡𝑜. 𝐷𝑖𝑛𝑎𝑑𝑎𝑚𝑎𝑦 𝑝𝑎 𝑘𝑎𝑚𝑖.

"Pero dude nasasaktan na si Claish" dagdag pa ni Clark.

"Bitaw" sabi ni 3M's kay Clark.

Hindi ito ginawa ni Clark at nakipag titigan pa kay 3M.

𝑀𝑎𝑦 𝑛𝑎𝑟𝑎𝑟𝑎𝑚𝑑𝑎𝑚𝑎𝑛 𝑎𝑘𝑜𝑛𝑔 𝑎𝑤𝑎𝑦 𝑛𝑔𝑎𝑦𝑜𝑛.

"Sabi ko bitaw!" sabi pa ni 3M's na halata na sa boses ang pagkairita.

"No. Hindi porke't anak ka ng may ari ng bar na ito magagawa mo na lahat ang gusto mo Mr. Savamonte" Clark said.

3M's chuckled. "Ayaw mo?". Sabi pa niya at hindi ko inaasahan ang susunod na mangyayari.

Sinuntok ni 3M's si Clark sa mukha at dahil doon ay nakuha agad ang atensyon ng mga bisita dito.

May mga sumigaw pa sa nangyayari.

"Clark stop!" 

Hindi pa rin sila tumigil hindi ko alam ang gagawin ko dahil masyado silang malakas para mapigilan ko. Agad namang dumating sina Tito Alexander, Tita Shalane at Tita Lara para awatin ang dalawa.

"Luke tumigil kana!" si Tira Lara.

May mga dumating na waiter at guard para patigilin ang dalawa. Hingal na tumigil ang dalawa.

"Luke we'll talk" Tita Lara said.

Hindi ito pinansin ni 3M's at iwinaksi ang mga kamay na kahawak sa kaniyang braso at tumingin sa akin bago umalis.

"Luke!" sigaw ni Tita Lara. "Excuse me. Sorry" sabay tingin sa akin ni tita tumango naman ako.

Pagkasabi ni Tita Lara ay agad niyang sinundan ang anak.

Dumating naman si Andrea lumapit siya sa akin.

"What happened?. Are you okay Claish?" si Andrea.

May sinasabi pa sa akin si Andrea pero hindi ko na naiintindihan dahil ang mga mata ko ay hindi pa rin maalis sa nilabasan ni Luke kanina.

𝐵𝑎𝑘𝑖𝑡 𝑛𝑖𝑦𝑎 𝑖𝑦𝑜𝑛 𝑔𝑖𝑛𝑎𝑤𝑎?

𝑀𝑎𝑦 𝑠𝑎𝑙𝑡𝑖𝑘 𝑏𝑎 𝑠𝑦𝑎?

babygummie_

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play