Gising pa ang karamihan sa mga kasambahay nila Zenon at hindi manlang iyun binigyang pansin ng binata at tuloy-tuloy lang sa paglalakad patungo sa kanyang silid.
Alam ni Zenon na nagulat ang mga taong nasa kanilang bahay dahil hindi naman sya dumadala ng babae sa bahay ng kanyang ina pero wala syang pake.
Nang nasa harap na sila ng silid ni Zenon ay agad na nilabas ng binata ang kanyang susi at binuksan iyun.
Ipina-upo nya ang dalaga sa kama at tinignan nya ang dalaga dahil hindi ito nagsasalita.
"Anong gusto mo? nagugutom kaba?" hindi alam ni Zenon kong bakit para syang kinakabahan ng hindi sya kinibo ng dalaga.
Lumuhod sya sa harapan nito at iniangat nya unti ang ulo ng dalaga para magkapantay sila ng tingin sa isat-isa.
"What do you want?" natanong nya uli. Binigyan sya ng maliit na ngati ng dalaga bago ito nagsalita.
"Pwedi bang iminom tayo uli?" tanong ng dalaga. Alam nyang gusto lang nitong makalimot kahit kunti kaya tumango sya at nginitian ito.
"Kukuha lang ako sa baba." Hindi na inantay ni Zenon ang sagot ng dalaga at agad itong lumabas ng silid.
Naiwan ang dalaga sa loob ng isang magarang kwarto at alam nyang mamahalin ang mga gamit na nasa loob nito dahil miroon din sya nun sa bahay nya.
Maganda ang pagkaka-ayus ng mga gamit at malinis ang kwarto. Hindi mo aakalaing lalaki ang may-ari ng kwarto dahil malinis iyun.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok na si Zenon at may dala itong maraming alak at inilagay iyun ni Zenon sa maliit na lamesa na kinuha nya sa ilalim ng kanyang kama.
Binuksan ni Zenon ang mga alak at binigyan nya ng isang bote ng alak ang dalaga at nauna na syang uminom dito.
Kanina pa mainit ang kanyang ulo dahil sa mga sinabi ng dalaga sa kanya at kweninto.
Naka ilang boting alak na si Zenon at masasabi nyang malapit na syang malasing at nakikita nyang mapupungay narin ang mga mata ng dalaga habang naka tingin ito sa kanya.
Tumayo na si Zenon at humiga na sa kama dahil pakiramdam nya ay imiikot na ang kanyang paningin pero nasa katinuan parin naman sya at kaya nya pang tumayo pero pinili nyang magpahinga kahit konti lang.
Naramdaman ni Zenon na lumapit si Lorena sa kanya kaya naman iminulat nya ang kanyang mga mata at nakita nyang napaka lapit ng mukha ng dalaga sa kanyang mukha. Gahibla nalang ang pagitan niyun.
"Kiss me." alok ni Lorena kay Zenon habang bahagya pa nitong hinahaplos ang pisngi ni Zenon gamit ang malambot na kamay ni Lorena.
Hindi alam ni Zenon ang gagawin nya, dala lang siguro ng alak kong bakit ganito si Lorena sa kanya at sigurado syang hindi nito iyun sasabihin kong nasa tama itong pag-iisip at walang implowensya ng alak sa katawan.
"Stop it!" Mariing sabi ni Zenon ng maramdaman nya ang kamay ni Lorena sa kanyang dibdib at marahan iyung hinahaplos na para bang inaarok sya nito.
"Please kiss me. Gusto ko lang naman na maramdaman na may lalaking magpapahalaga saakin kahit hindi totoo. Kahit ngayun lang." mangiyak-ngiyak na sabi ni Lorena at pilit na pinapalinaw nito ang boses dahil kunti nalang ay bibigay na iyun.
Pilit na bumabangon si Zenon sa kama ngunit pumaibabaw sa kanya si Lorena at siniil sya ng mapusok na halik.
Nung una ay pilit paring nilalabanan ni Zenon ang sensasyun na kanyang nararamdaman ngunit hindi nagpatinag si Lorena at mas pinag-igihan pa ang pag halik sa kanya.
Lalaki lang sya at minsan mahirap labanan ang sensasyun kaya naman walang ibang nagawa si Zenon kundi halikan pabalik si Lorena at pinag-igihan nya ang paghalik dito.
Hindi nya gusto ang ideyang may ibang lalaking gumagawa nito sa dalaga kaya naman ginalingan talaga niya at sisiguradohin nyang magaling na magaling sya para hindi na makuha pang maghanap ng iba ni Lorena.
Napatigil sa pag tugon sa halikan nila si Zenon dahil sa kanyang naisip. Hindi naman pu-pweding mainlove sya taong ngayun nya lang nakilala at mas lalong hindi nya pweding angkinin ang dalaga dahil wala namang namamagitan sa kanilang dalawa.
"Bakit? ayaw mo ba saakin?" parang batang tanong ni Lorena kay Zenon. Umiling si Zenon at inayus ang Pagkaka-upo nya sa kama at timikhim at itinuro ang pintuan na hindi naman kalayuan mula sa kanyang kama.
Nakita ni Zenon na bumalatay ang sakit sa mga mata ng dalaga kaya agad syang nagpaliwanag. "Maligo ka muna at pagkatapos mo saka mo uli sabihin saking gusto mo 'to." sabi ni Zenon at humiga na sa kama at ipinikit ang kanyang mata.
kanina pa umiikot ang kanyang paningin kaya ipinahinga nya muna ang kanyang katawan.
Naramdaman ni Zenon na umalis sa kama si Lorena at narinig nyang bumukas ang pintuan ng kanyang banyo.
Ilang minuto bago lumabas sa banyo ang dalaga ay bumangon si Zenon at pumunta sa kanyang Walk-in closet at kumuha sya ng isa sa kanyang mga T-shirt at isang boxer na hindi pa nya nagagamit at ng makita nya ang dalagang naka dungaw sa may pinto at ulo lang ang naka labas at agad syang lumapit dito at iniabot ang mga damit.
"Gamitin mo yung isang towel na nasa kaliwa. Hindi pa yun nagagamit kaya pwedi mo yung gamitin.
Binigyan sya ng isang malapad na ngiti ng dalaga at Isinara na uli ng dalaga ang pinto. Hinilot ni Zenon ang kanyang sentido ng maalalang ayaw ng kanyang ama na dumala sya dito ng kahit sinong babae.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 33 Episodes
Comments
LOBO
ganda😍
2022-03-29
0