Denied Love Tagalog
"Una na muna ako sayo pre." biglang sabi ni Louie kay Zenon dahil maaga pa ang pasok nito bukas.
Tumango lang si Zenon bilang pagsang ayon kay Louie. Napadaan lang sya sa club kong saan ang kapatid ng kanyang ama ang nagmamay ari nito.
"Boss napaaga ata kayo." pansin ni Arman kay Zenon. Tumango lang si Zenon dahil hindi nya alam kong bakit wala sya sa tamang hubog ngayun para magsalita at makipag usap sa iba.
Tila napansin iyun ni Arman kaya naman ay binigyan nalang sya nito ng isang bote ng beer.
Hindi alam ni Zenon kong saan sya kukuha ng allowance nya, naubos kasi nya nakaraang araw dahil sya pala ang taya sa inuman session nila.
Akala kasi nya ay libre yun pero sya ang pinagbayad halos subra pa ata sa kalahati ng allowance nya ang nagastos nila nung gabing yun.
Kaya kahit anong isip nya ay hindi nya alam kong saan kukuha ng idadagdag nya doon.
May date panaman sya bukas at sayang din si Richel matikman lang kahit isang bisis.
Iinom na sana ng beer si Zenon ng biglang nakuha ng kanyang atensyon ng isang babaeng umupo sa katabi nyang upuan, nasa may bar counter sya naka upo kaya madali nya lang napagmasdan ang kabuoan nito.
Rip jeans at off shoulder ang suot nito at makikita mo agad ang mapuputi nitong balikat at messy bun ang pagkakatali ng buhok nito kaya lumitaw ang maputing leeg at batok na parang ang sarap tikman.
Ipinilig ni Zenon ang kanyang ulo ng mapansing kinakapos sya ng hininga.
Tinignan sya ng babae at ngumiti ito sa kanya at ibinalik ang tingin sa Counter at tinawag si arman para mag order ng alak.
Tumayo si Zenon para pumunta sa opisina ng kanyang uncle para kausapin ito ngunit tinapunan uli nya ng huling tingin ang dalaga bago tumuloy sa paglalakad.
Hindi maganda ang timpla ni Zenon pagkalabas nya ng opisina ng kanyang uncle dahil sinabihan ito ng kanyang ama na huwag syang bigyan ng pera.
Lagi syang binibigyan ng pera ng kanyang uncle ngunit ng dahil sa kanyang ama ay hindi sya binigyan nito dahil binalaan ng kanyang ama ang kanyang uncle.
Palabas na sana sya ng club ng mahagip ng kanyang mata ang kaninang babae na katabi nya na may lalaking humahawak sa pribadong parte ng katawan nito.
Hindi nya alam pero bigla nalang nyang hinila ang babae at tinapunan ng masamang tingin ang lalaking ubud ng pangit at dinala ang babae sa kwarto nya sa loob mismo ng club.
Ipinagawa ito ng kanyang uncle para sa kanya at hindi sya dumadala ng ibang tao dito kahit na kaibigan pa nya ay hindi nya pinapayagang makapasok dito sa kadahilanang hindi nya din malaman pero bakit nya dinala dito ang babaeng to?
"Ano ba! bitawan mo ako!" mahina ngunit matigas na saad ng babae ng maihiga nya ito sa kama.
Tinignan nya ito at masasabi nyang lasing na ito dahil hindi na nga ito makapag lakad ng matuwid kanina at kong saan saan na nababangga.
"Gusto ko pang uminom!!" malakas na sigaw nito at napa hilot nalang sa kanyang sentido si Zenon ng tumayo ito ngunit bigla itong nabuwal sa pagkakatayo at muntikan ng masubsub sa sahig kong hindi nya lang ito nahapit sa beywang.
Napipika na si Zenon at ilalabas nalang nya sana ang babae para pabayaan ito sa labas ng bigla itong yumakap sa kanya akala nya ay tulog na ito ngunit nabigla sya ng marinig nya umiiyak ito.
Huminga ng malalim si Zenon at binuhat ang dalaga papuntang kama at ipinahiga nya ito.
Gustong pilipitin ni Zenon ang leeg ng dalaga dahil pagka baba palang nya rito sa kama ay bigla nanaman itong bumangon at pagiwang-giwang na naglalakad na animoy may hinahap at hindi nya ito makita habang mamasa-masa parin ang mga mata at pisngi nito dahil sa pag-iyak.
"Shit! woman just fucking stay still! damn it!" Malakas na sigaw ni Zenon sa dalaga ng matumba nanaman ito.
"Gusto ko ngang uminom eh!" nagpapadyak-padyak nitong sabi na animoy batang hindi binigyan ng candy pero iba ang hinihingi, hindi candy kundi alak.
Hindi alam ni Zenon pero napangiti sya sa ginagawa ng dalaga, maganda ito at halatang mayaman ngunit parang bata kong umasta.
"Oo na, bibigyan kita pero isa lang at matulog kana." sabi ni Zenon at kinuha ang kanyang Cellphone at tinawagan si Arman para mag hatid dito ng alak.
"Okay, just wait a little bit longer. Dadalhin ni Arman dito ang alak mo pero siguradong matatagalan yun dahil maraming customers ngayun." paliwanag ni Zenon pero napa buga sya ng marahas ng makitang umiiyak habang sinasabunutan ng dalaga ang kanyang sarili.
Kinuha ni Zenon ang dalaga mula sa sahig na para bang ang gaan-gaan lang nito. Magaan lang naman talaga ang dalaga at pilit na pinipigilan ni Zenon ang dalaga mula sa pagsabunot nito sa sarili nito.
Ipinahiga na nya ang dalaga sa kama sa pangatlong pagkakataon ngunit nakapaibabaw na sya dito at inilagay ang dalawang kamay nito sa itaas ng ulo ng dalaga.
Hinawakan ni Zenon ang pulsuhan ng dalaga gamit ang isang kamay at ang isang kamay naman nya ay ginamit nya para kunin ang panyung nasa kanyang bulsa at itinali ang kamay ng dalaga.
Nagpupumiglang ang dalaga kaya natagalan sya sa pagtali sa kamay nito at pinagpapawisan na sya dahil napaka likot nito.
Matapos nya iyung gawin ay narinig nyang may kumakatok sa pinto at alam na nyang si Arman iyun.
Hinubad muna nya ang kanyang damit at pinunasan ang kanyang pawis, habang ginagawa yun ay naglakad na sya papunta sa may pinto at bunuksan na iyun.
Tumambad sa kanya si Arman na may hawak na maraming alak. Napa pikit nalang ng mariin si Zenon dahil isang bote lang ang pinapahatid nya pero isang case ang dinala ni Arman.
"Boss, sabi ni sir Lister dalhin ko daw to, gusto na daw kasi nyang magka apo. Himala daw kasing dumala kayo ng babae dito sa kwarto nyu." mahabang paliwanag ni Arman kaya wala ng nagawa si Zenon kaya tinanggap nalang nya iyun at sinarado na nya ang pinto.
Hindi naririnig sa loob ng kanyang kwarto ang ingay sa labas dahil pinasadya talaga iyun ng kanyang uncle.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 33 Episodes
Comments
LOBO
🥰🥰
2022-03-29
1