CHAPTER 4

Warning: Slight SPG Scene Below😳

"W-what? may anak kana? pano? i mean hindi halata." Hindi makapaniwalang tanong ni Zenon.

Kanina kaya nya pang magpanggap na hindi sya nagugulat pero hindi na nya napigilan ng bumalatay ang pagka gulat sa kanyang mukha.

Tumango na marahan at parang natatawa na naiiyak ang dalaga.

"Ilang taon narin kaming nagsasama at may anak na kaming seven year old, tinulongan ko syang maka alis ng bansa dahil sinabi nyang gusto nyang magtrabaho doon." sabi nito at bahagyang tumikhim na para bang may naka bara sa lalamunan nito.

Hindi alam ni Zenon kong anong gagawin o sasabihin dahil hindi naman nagda-drama ang mga tropa nya at hindi sya marunong magpagaan ng loob ng isang tao.

Ang alam lang nya ay magpainit ng katawan ng tao at sabay nilang papagaanin ang nararamdaman sa pamamagitan ng pagtatalik.

Hayup ka talaga Zenon! nakukuha mo pang mag isip ng kong ano-ano sa sitwasyung ganito?! Pagpapagalit ni Zenon sa kanyang sarili.

Lumapit sya sa dalaga at hinawakan ang kamay nito at inilapit ang ulo ng dalaga sa kanyang dibdib para doon ito mamahinga.

Bumilis nanaman ang tibok ng puso ni Zenon dahil lang sa paglalapit ng kanilang balat.

Umiling nalang si Zenon at nakinig sa mga hinanaing ng dalaga.

"Nung una nagpapadala at tumatawag sya pero lumipas ang limang buwan ay hindi na sya nagparamdam. Pina-imbestigahan ko kong ano ng nangyari sa kanya. Nalaman nilang nagpakasal na pala yung gagong yun sa iba." Kong nasa harapan nya lang ang lalaking yun paniguradong kanina pa ito naghihingalo at sigurado syang manghihiram ito ng mukha sa aso.

Bumalik sa realidad si Zenon ng maramdaman nyang unti-unting nababasa ang kanyang damit dahil sa dalaga.

"Ni minsan nung nagsasama pa kami hindi nya gustong pag-usapan ang kasal at hindi nya ako inayang magpakasal. Lagi syang hinahanap ng anak ko pero hindi ko alam kong anong isasagot ko, ayaw ko namang habulin sya don sa Canada para lang magmaka awang bumalik saamin." mariing ipinikit ni Zenon ang kanyang mga mata at pilit na sinasabihan ang sariling hindi sya pweding magalit dahil hindi dapat nyang husgahan ang kapwa nya dahil hindi nya alam ang nararamdaman nito.

Pero hindi nya mapigilang magalit ng tudo sa hayup na lalaking yun, alam nya kong gaano kahirap mag-isang buhayin ang anak at mag-alaga ng bata mag-isa.

"Gago ang lalaking yun." pilit na pinapalinaw ni Zenon ang kanyang boses para hindi mahalata ng dalaga ang panginginig dahil sa galit nya sa lalaking iniwan ang dalaga at ang anak nito.

"Gusto mona bang magpahinga?" marahang tanong ni Zenon sa dalaga at sinilip nya kong gising paba ito dahil hindi na nya naririnig ang pag-iyak nito.

Nakita nyang gising pa ang dalaga at naka tulala lang ito at halatang malalim ang iniisip.

Pinisil ni Zenon ang tungki ng ilong ng dalaga, bahagya syang natawa ng gulat na tumingin sa kanya ang dalaga.

"Gusto mona bang magpahinga?" pag-uulit ni Zenon at bahagya namang tumango ang dalaga.

Hindi naman pupweding dito nya patulogin ang dalaga dahil alam nyang maya-maya ay may kakatok nanaman sa kanya at papaalalahanang umuwi, maiisturbo lang ang dalaga.

Sa bahay nalang nya dadalhin ang dalaga, sigurado naman syang wala doon ang kanyang ama dahil nasa isang business trip nanaman ito.

Tumayo na si Zenon at inalok nya ang kanyang kamay at tinanggap naman iyun ng dalaga. Kinuha nya ang mga gamit ng dalaga at marahan iyung hinila palabas ng silid at sumalubong agad sa kanila ang malakas na tugtigin at ibat-ibang kulay ng ilaw na masakit sa mata.

Inihaharang nya ang kanyang sarili kapag napapansin nyang mababangga ang dalaga ng makakasalubong nila. Hindi naman nagreklamo ang dalaga ng makalabas na sila sa club at pumuntang parking area at nauna syang sumakay sa kanyang ducati at isinuot nya sa dalaga ang kanyang helmet.

Tinapik nya ang kanyang likodan at nakuha naman agad ng dalaga kong anong gusto nyang iparating kaya sumakay na ito sa likod at kinuha nya ang magkabilang kamay ng dalaga at ipinalibot iyun sa kanyang baywang.

Napangiti si Zenon, libreng chansing narin dahil nararamdaman nyang tumatama ang dibdib ng dalaga sa kanyang likod.

"Humawak ka ng maigi baka magulog ka." paalala ni Zenon sa dalaga at pinaandar na ang kanyang motor at tinahak ang daan patungo sa kanilang bahay.

Nang nasa tapat na sila ng kanilang gate ay nakita ni Zenon ang pagbalatay ng gulat sa mukha ni Mang Ben na syang guard nila.

Tumango lang si Zenon para iparating kay Mang Ben na papasokin na sila. Nang maka pasok ay inalalayan nya ang dalaga pababa ng motor at naglakad na sila papasok sa loob ng bahay kong matatawag ngang bahay to.

Hot

Comments

LOBO

LOBO

hihi

2022-03-29

0

See all

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play