CHAPTER 2

Ano naman kayang iniisip ng kanyang uncle at bakit sya nito gustong maka buo agad? wala pa sa isip nya ang magka anak dahil nag aaral pa sya at wala pa syang trabaho at sigurado syang magugutom lang ang anak nya at ang ina nito.

Pero dahil may sapat naman syang pera sa bangko na iniwan para sa kanya ng kanyang ina nuong nabubuhay pa ito ay hindi narin masama.

Ilang beses na ipinilig ni Zenon ang kanyang ulo dahil kong ano-ano na ang kanyang iniisip.

Binalingan ni Zenon ng tingin ang dalagang naka higa sa kanyang kama at nakita nyang masama ang tingin nito sa kanya.

Kumuha sya ng isang alak at ang iba ay inilagay nalang nya sa tabi at lumapit sya sa dalaga para ibigay dito ang alak nito.

"Duh, paano ko yan iinumin kong naka gapos ako?" sarkastikong tanong ng dalaga kay Zenon.

Nakalimutan ni Zenon na naka tali pala ang mga kamay nito. Kasalanan tong lahat ng uncle nya eh! kong ano ano na tuloy ang pumapasok sa utak nya at hindi na mawala wala sa isip nya ang imahenasyun nyang wala ni isang saplot ang dalagang nasa kanyang harapan.

Biglang nanikip ang pagtalon na suot ni Zenon at hudyat iyun na may sumasaludo na sa loob ng kanyang pantalon.

Mabilis na tinanggal ni Zenon ang pagkakatali sa kamay ng dalaga at umupo sya sa pang isahang sofa na malapit sa kanyang kama at sinusubukang ikalma ang nagagalit na niyang alaga.

"Salamat." sabi ng dalaga sabay angat ng bote ng alak sa eri at tunungga na iyun na para bang tubig lang ang alak para dito.

Tumango lang si Zenon at sinusubukan paring ikalma ang kanyang kaibigan sa ibaba.

Ipinilit nya ang kanyang mga mata para kahit papaano ay hindi nya makita ang magandang mukha ng dalaga ngunit mas lalo pa syang nahirapan ng makita nanaman nya ang dalaga at sa kanyang nakikita ay unti-unti itong naghuhubad ng damit.

Kinakapos ang hiningang dumilat ng mata si Zenon at ang unang tumambad sa kanya ay ang mukha ng dalagang naka tingin sa kanyang hubad na katawan. 

Saka lang naalala ni Zenon na hinubad nya pala ang kanyang damit.

Isang mapang akit na ngiti ang gumuhit sa mapupulang labi ni Zenon at nagsalita.

"You can touch it and you can also taste it if you want." Pabirong sabi ni Zenon pero pwedi din namang totohanin kong gugustohin lang ng dalaga.

Nakita ni Zenon kong paano mamula ang pisngi ng dalaga at pilit iyung itinatago ng dalaga sa pamamagitan ng pag yuko.

Pilit na hinuhuli ni Zenon ang mga mata ng dalaga ngunit matibay ito at hindi manlang sya binigyan pa ng pansin at inabala ng dalaga ang kanyang sarili sa pag inom ng alak na malapit ng maubos.

Nang maubos na ng dalaga ang iniinom ay kasabay nun ang pag luwag ng pakiramdam ni Zenon dahil tuluyan ng humupa ang nilalagnat nyang alaga.

"Matulog kana." sabi ni Zenon sa dalaga at lumipat si Zenon sa mahabang sofa at humiga doon.

Hindi sya sanay sa ganitong higaan kaya kahit ilang minuto na ang nagdaan ay hindi parin sya nakaka hanap ng komportableng posisyun.

Napansin siguro ng dalaga na hindi sya maka tulog kaya naman umupo sa gitna ng kama ang dalaga at tinignan sya.

Wala na ang kaninang umiiyak at isip batang dalaga, mukhang nahimasmasan na ito pero napaka bilis naman nitong bumalik sa huwisyo.

Kumunot ang noo ni Zenon sa ideyang mabilis mawala ang ispirito ng alak sa katawan ng dalaga nasisiguro nyang malakas ito uminom.

"Alam mo, gwapo ka. Kaso mukha kang babaero." kumento ng dalaga ng tuluyang bumangon si Zenon at umupo nalang dahil nahihirapan sya sa sofa.

"Pano nasabing babaero ako?" hindi ipinahalata ni Zenon ang inis sa kanyang boses.

Dati-rati wala lang sa kanya kong tawagin syang babaero o kong ano-ano pero bakit iba kapag sa dalaga mismo nanggaling yun?

Siguro'y puyat lang ito at dala narin ng problema nya sa pera, bakit naman kasi kailangan nya munang mag asawa at magkaroon ng anak bago nya makuha ang ipinamana sa kanya ng kanyang ina.

"Wala lang, naisip ko lang. Kasi yung mga taong may ganyang ka gwapong mukha maraming babae at marami ng babaeng napaiyak." pano ng pait na pagkakasabi nito.

Siguro may pinagdadaanan sya at kalahi ni adan ang may gawa nun kaya ganun ito mag salita.

"FYI. Miss, hindi ako babaero. Friendly ako." sabi ni Zenon sa dalaga ngunit inungusan lang sya nito.

"Nako, friendly ngik-ngik mo. Yung mga lalaki yung habol lang nila sa mga babae ay sex then kapag nagsawa na sila iiwan na nila kami." sabi nito ay may isang butil ng luhang nahulog mula sa maganda nitong mata.

"Okay, hindi ko alam kong anong pinagdadaanan mo at kahit kailan hindi ko malalaman kong gaano kasakit at kahirap ang pinagdadaanan mo pero hindi lahat ng lalaki ay ganun. Maaring magbago ang isang tao kapag nakita na nya ang taong para sa kanya. Sinasabi ng iba na ang mga taong manloloko ay mananatiling manloloko pero people's change. Kahit ang pinaka pangit ang ugali sa buong mundo ay maaring magbago."

"Hindi ibig sabihin na ganun mo sila nakilala at ganun mo sila nakikita ay wala na silang pag-asang magbago at--" biglang natigil sa pagsasalita si Zenon ng malakas na tumawa ang dalaga na nasa gitna parin ng kama.

"Chill, Sinabi ko lang naman na mukha kang babaero eh tapos ang haba na ng sinabi mo." natatawa paring sabi ng dalaga.

Hindi alam ni Zenon kong bakit hindi manlang sya napikon ng pagtawanan sya nito dahil sya mismo ay natatawa sa sarili nya dahil hindi nya alam na may tinatago pala syang ka abnormalan.

Napaka ganda nyang tignan, yung tawa ay hindi nakaka rindi kundi ansarap pakinggan ngayun nya lang napansin na may dimples pala ito at maslalo niyung nadagdagan ang angking ganda ng dalaga.

Napangiti nalang sya at hinayaang tumawa ng tumawa ang dalaga.

"So bakit ka pala nandito sa club? ambata mo pa." nasamid si Zenon sa sarili nyang laway dahil parang matanda kong magsalita ang dalaga.

Baka mas matanda pa sya dito eh. "Huh! alam ko yan iniisip mo. Hindi lang halata pero masmatanda pa ako sayo." ngiting aso nalang ang isinagot ni Zenon dahil alam nyang mas matanda sya dito.

Graduating na sya sa kursong business administration. Sa isiping iyun ay naalala ni Zenon na may quiz pala sya bukas sa Industrial Management at isa iyun sa kanyang major subject.

Tumayo na si Zenon at aalis na sana ng maalala nyang may babae pala sa kanyang kwarto binalingan nya ito ng tingin ng nasa pintuan na sya at magpapaalam na aalis na at umuwi nalang kapag gusto na nito.

Kaso ang balak na pag alis ay napasaw ng makita nyang naka tingin ang dalaga sa kanya at mamasa masa na ang mga mata nito.

Ano bang kamalasan to at hindi sya maka alis-alis ng dahil sa dalaga? hindi naman niya iyun kargo.

"Dito ka muna. Gusto ko ng kasamang uminom at para may maka usap ako." sabi nito at natigil sya ng tingin sa mapupula at slightly pouted lip ng dalaga.

Napa buga nalang sya ng marahas at pinilit ang sariling bumalik sa pagakaka upo sa sofa.

Nakita nyang tumayo ang babae at kinuha ang isang case ng alak pero hindi nito iyun mabuhat kaya tumayo si Zenon at sya ang kumuha ng alak at inilagay nya iyun sa may paanan ng kanyang kama.

"Here. Sayo na 'to samahan mo lang ako ngayung gabi." napintig ang tainga ni Zenon dahil parang matanda na kong magsalita ang dalaga at kumunot ang noo nya ng makitang may iniaabot ang babae sa kanyang tag-iisang libo na sa tingin nya ay aabutin ng 15 to 20 thousand.

Tinulak nya pabalik ang perang ibinibigay nito, kahit na kailangan na kailangan nya ng pera ay hindi nya iyun tatanggapin dahil babae pa mismo ang bumibigay.

Hot

Comments

LOBO

LOBO

😊😊

2022-03-29

0

See all

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play