TILL MY HEARTACHES END (Filipino/Tagalog)
Aaaaaaaaaaaaaaaah!!!!
Isang malakas na tili ang yumanig sa bahay ng pamilya ng mga Dela Cruz. Dali dali silang umakyat papuntang kwarto ni Val kung saan nila narinig ang tili ng anak. Agad nilang binuksan ang pinto para macheck kung anong nangyayari.
Mang Gimo: "Val, anak! Bakit? Anong nangyari sayo?" Nagaalalang tanong ng ama.
Val: "Taaaaaay, Naaaaay, meron na akong ticket sa concert ng SBX! Nanalo ako sa pagive away nila sa Twitter...Yiiiiiiiiiiiii!!!..Grabe! Di ako makapaniwala!!."
Patalon talon at masayang sagot ni Val sa magulang.
Aling Madi: Umayos ka nga Val! Akala namin kung ano na ang nangyari sayo, kulang nalang mahimatay ako sa nerbiyos! Galit na sabi ni Aling Madi sa anak habang hinahabol pa ang paghinga.
Val: Naaaay, once in a lifetime lang kasi tong mangyari oh. Libre yan. Diba ako na ang pinakaswerteng tao sa balat ng Lupa?
Pagyayabang sa magulang.
Aling Madi: Val, kesa yan ang unahin mo ngayong umaga, hala, bumaba ka na at tulungan mo ako, maghiwa ka ng mga sahog na ititinda kong ulam. Mag aalas dyes na! Tigil tigilan mo na ang kaka SBX na yan. Tigilan mo na din yang si Ken.. Halos tatlong taon ka na nagpapaka martir dyan...
Val: Nay, ok na..wag mo na ituloy...bababa na ako. Dinadanamay mo naman ang tao.
Pagkasarang pagkasara ng pintuan ng kwarto, nagtatatalon at pagulong gulong sa tuwa si Val sa kanyang kama.
Val! Whoooo! Makikita na din kita uli sa personal Ken! Salamat Lord! Ang lakas ko talaga sayo! Sabay flying kiss sa Altar na nasa gilid ng kuwarto nya.
..........
Si Ken ay boyfriend ni Val simula high school hanggang college. Magkababata sila. Naging magkaklase mula sa elementarya hanggang mag College. Nagumpisang madevelop ang kanilang feelings nang maging teenager na sila. Parehong nahilig sila sa music. Lagi silang may bitbit na gitara sa school at magkasamang nag jajaming. Si Ken ay magaling talagang sumayaw at kasama naman sya isang grupo na nag rerepresent sa school nila at sumasali sa ibat ibang competition. Na scout si Ken sa isang programa kaya ngayon ay nasa SBX na siya. Simula nang maging miyembro ng SBX ang nobyo, hindi na rin masyadong ginagalaw ni Val ang gitara at keyboard dahil nalulungkot lamang sya lalo dahil napalayo sa kanya ang kasintahan.
Nag iisang anak nila Mang Gimo at Aling Madi si Val. Simple lang ang buhay nila sa Batangas. May maliit silang kainan at sari sari store. Nagtapos ng MassCom si Val sa isang University sa Batangas. Kung hindi sana tumigil si Ken sa pag-aaral, tapos na din siya ng College ngayon at isa nang Engineer. Parehong 22 years old ang dalawa. 19 years old si Ken nang magsimula siyang mag training. Nagpaalam si Ken kay Val na pupunta sya sa Manila para sa training at nangako kay Val lagi syang tatawagan at dadalawin at hindi siya iiwan. Lumipas ang taon at nabawasan ang pagtawag o pangangamusta ni Ken kay Val hanggang sa naputol na ang kanilang communication. Ilang beses na nagpadala ng letter si Val sa company ng SBX pero hindi siya nakakatanggap ng reply. Pati lahat ng social media accounts ng SBX, naka follow sya. Hindi nya alam na dummy account lang pala ni Ken ang lagi nyang pinadadalhan ng DM. Naka ilang message narin siya doon pero hindi sya nakakatanggap ng reply. Umabot nga na sumama na ang loob nya kay Ken dahil sa hindi sya nito pinapansin sa FB at Twitter at doon lumabas ang balitang wala talagang accout si Ken na sarili dahil mas gusto nitong maging pribado ang buhay. Natanggalan ng tinik ang puso ni Val nang malaman iyon. Umasa nalang sya sa pangako ni Ken na siya lang ang babae sa buhay nito. Tanging ang Twitter at FB ang naging sandalan nya para makakuha ng balita at updates sa nobyo. Dahil nasa Manila si Ken at gusto nyang mas mapalapit dito, naisip niya na doon din makahanap ng trabaho. Gusto din nya na mapuntahan ang mga shows at events ng SBX at madali lang nyang magawa iyon pag nasa Manila sya. Pinagiipunan at pinaghahandaan pa nya ang pangluwas sa Manila dahil wala silang kamag anak o kakilala doon na pwede nyang tirahan. Ayaw man ng kanyang magulang, ngunit kailangan din naman ni Val na matutong mabuhay at tumayo sa sarili nyang mga paa.
Isa sa pinakasikat na grupo ang SBX sa Pilipinas kaya't madaming humahanga sa kanila. Hindi lang kabataan ang nahuhumaling sa kanila, maging ang mga nasa Generation X ay napapahanga nila. Kanya kanya sila ng personality at mga multi talented. Mula sa pagkanta at pagsayaw, makikitang iba ang "swag" na ipinapakita nila. Walang araw na hindi nag tetrending ang grupo sa mga social media platforms. Kaliwa't kanan ang mga nominations nila. Lumalaki na din ang fanbases nila sa loob at labas ng bansa na tinawag nilang "Hypers". Muntik na rin silang maghiwahiwalay dahil halos isang taon silang walang project at mga guestings. Nang lumabas ang pangalawang album nila, mas nagfocus ang company nila sa social media para mag promote. Doon na unti unting nakilala ang SBX. Gumawa din sila ng kanya kanyang social media accounts at ginamit ito para makahatak pa ng mas maraming fans. Isa lang talaga ang walang social media accout sa kanila. Ito ay si Ken. Tanggap naman ng mga fans nila na may sariling mundo si Ken at masyadong misteryoso.
Hindi basta basta ang pinagsimulan ng SBX. Naranasan ng ibang miyembro na magutom at mapuyat during training days nila. Minsan doon na natutulog sa office ang iba para tipid sa pamasahe. Kapag may show, very limited lang ang wardrobe nila. Mga ilang beses na nilang inuulit ulit ang mga damit sa mga guestings at TV appearances. Hindi sila sumuko hanggang sa marating nila ngayon ang kasikatan. Sa ngayon, sila ang pinaka kilalang boy group sa bansa at nakikilala na din sa ibat ibang parte ng mundo.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 46 Episodes
Comments