Mahabang oras ang hinintay ni Val. Umalis na sya sa Coffee shop pagkatapos nyang kumain at uminom ng frappe. Naglakad lakad sya sa labas ng Araneta. Padami ng padami ang mga fans na dumadating. May mga grupo ng kalalakihan at kababaihan na nagtumpukan, pa picture dito at pa picture doon. Nakita nya ang full body poster ni Ken sa isang gilid malapit sa pasukan ng manonood ng concert. Unti unting gumilid ang luha ni Val. Tinignan nya dahan dahan mula ulo hanggan paa ang picture ni Ken
Val: " ( Ken, makikita na din kita. Sana magkita na tayo. Gusto kitang makausap. Miss na miss na kita.) " pabulong na sabi ni Val.
Habang tumatakbo ang oras. Di umalis si Val sa harap ng poster ni Ken. Saktong alas tres ng hapon, pinapasok na ang mga tao sa loob ng venue. Nasa general admission ang ticket ni Val kaya mahaba ang pinilahan nya paakyat. Napakaraming tao. Punong puno ang Araneta. Maraming sumisigaw sa pangalan ng SBX. May mga dala pa silang malalaking banner at light sticks.
Val: "Grabe, ganito na pala talaga kasikat ang SBX at ang Babe ko" manghang manhang sabi ni Val
Nagbukas ang ilaw ng ledwall at isa isang pinakita ang pictures ng SBX at mga sponsors. Pagflash sa screen ng led wall ng lirato ni Ken, nakisigaw si Val sa mga tao.
Val: I LOVE YOU!!! I MISS YOU!!!!
May nagpakilalang isang fan kay Val, na katabi nya sa general admission.
G: Hi ate, mag isa ka lang?
Val: Oo, napanalunan ko lang ang ticket kaya nandito ako ngayon.
G: Wow ang swerte mo naman!
Val: ikaw? Mag isa ka lang ba?
G: "Hindi po ate, isang barangay kami" sabay turo sa mga kasamahan
Val: Wow, ang galing naman..
Napangiti si Val at masayang nakita na napakadami na talaga ng supporters ng grupo
Val: Excuse me, saan pala yung CR?
G1: Doon sa left side ate, Daan ka lang sa gilid para di ka maipit ng mga nag aakyat baba. Akong bahala sa upuan mo. Bilisan mo ate, baka di mo maumpisahan ang concert. Malamang maraming nakapila don.
Val: Thank you. Ikaw na muna bahala sa upuan ko ha.
Bumaba si Val papuntang CR. Napakahaba nga ng pila. Ihing ihi na sya. Narinig nya na tumutugtog na ang mga kanta ng SBX at napupuno ng sigawan ng fans ang loob ng venue. Tinignan nya ang orasan at nakita nyang 4:30pm na pala.
Val: Naku po, kung kelan naman. Naparami ata ang inom ko ng kape. Konting tiis Val, konting tiis. Malapit na tayo makarating sa pinto ng CR.
P.A.: "Excuse me Miss?" Sabay tingin sa cellfone at sa mukha ni Val.
P.A.: "Ikaw nga ito. Ang tagal po kitang hinahanap dito. Kanina pa pong 3pm.
Val: Ako ba? Bakit po?
P.A.: "Sumama po kayo sa akin sa backstage."
Val: Backstage? Teka Miss, anong backstage po. Pasensya na pero naiihi na po ako sobra. Wait lang...mahaba pa ang pila e.
P.A.: Doon po sa dressing room may CR. Doon nalang po kayo gumamit ng CR.
Sa sobrang pakiramdam ni Val na puputok na ang pantog nya, sumama siya sa P.A. hanggang sa marating nila ang Dressing room A. Itinuto ng P.A. ang CR at dali daling tumakbo si Val papasok at di na pinansin kung sino man ang tao na nandoon.
Sa loob ng CR, habang nakaupo, bigla syang napaisip...
Val: Teka, bakit nga ba ako nasa Dressing Room? Bakit ako dinala dito sa Backstage?
Pagkatapos ni Val gumamit ng CR. Unti unti nyang binuksan ang pintuan. Sinilip nya kung sino ang mga tao na nandoon. Nakita nyang may mga makeup artist at maraming mga damit. Unti unti nang kinabahan si Val sa mga nakikita.
Val: Anong nangyayari?
Sumilip uli si Val sa nakaawang na pinto. Nakita nya ang isang member ng SBX na tumayo at uminom ng tubig.
Val: Teka, totoo ba ang nakikita ko? Si Top ba yon?
Sumilip sya uli para malaman kung totoo ba ang
nakita.
P.A.: "Miss tapos na po ba kayo?"
Nagulat si Val ng marinig ang boses ng babaeng sumundo sa kanya. Hinatak nya ito papasok ng CR.
Val: Miss bakit ako nandito?
P.A.: "Di nyo po ba naalala ang usapan nyo ni Emz sa Coffee shop?"
Val: Emz? Miss di ko nakausap si Emz sa Coffee Shop. Promise. Baka iba po yon.
P.A.: "Ikaw po ito e." Sabay abot ng cellphone kay Val para ipakita ang stolen shot ni Emz sa kanya.
Val: (Ako nga ito!!...Si Emman pala talaga ang nakausap ko kanina!) Sabi sa sarili ng dalaga habang tinitignan ang photo sa cellfone ng P.A.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 46 Episodes
Comments