Episode 4

D-Day

Ito na ang araw na pinaka hinintay ni Val. Concert na ng SBX, maagang lumuwas ng Batangas si Val para makapunta sa Araneta kung saan doon gagawin ang Concert. Excited na excited sya dahil personal nyang makikita ang boyfriend sa malapit man o malayo . 9am sya nakarating sa venue.

Val: Naku napakaaga ko dito, pero ang dami nang tao. Tatambay muna ako dito sa coffee shop, at least malapit lang sa Venue.

Naghanap ng mauupuan si Val dahil marami ding mga nakaupo at naghihintay ng oras para sa concert. Nakakita sya ng isang bakanteng upuan sa pinaka sulok ng lugar at dali daling umupo at baka maunahan pa sya. Nang tuluyang makaupo, nakahinga ng maluwag si Val at isinandal ang likod sa upuan. Inikot nya ang mga mata sa loob ng coffee shop.

Val: Grabe, ang dami nang tao pero mamaya pa naman ang concert. Lahat ata ng nandito, manonood ng concert ng SBX e.

Sa katabing lamesa, narinig nyang naguusap ang grupo ng mga kababaihan.

G1: Nakuuu, excited na ako!

G2: Oy walang agawan ng Bias ha, basta ako si Ken ang gusto ko!

G1: Hoy! nauna ako sayo. Kung hindi ko pinanood sayo ang video nila sa Youtube baka di mo nakilala si Ken!

G2: Grabe naman kasi, ang gwapo gwapo naman ni Ken at Jah tapos ang ganda pa ng mga boses! Ang sarap yakapin!

Naghagikhikan ang mga kababaihan habang inilalabas ang mga pictures at merch ng SBX.

Napangiti ng konti si Val sa narinig. Proud na proud sya na maraming humahanga sa kasintahan.

"Hmmm Excuse me miss, I think this is my table."

Val: Huh? Wala pong tao dito nung umupo ako kaya dito ako umupo.

"Pwedeng pashare nalang kasi wala nang bakanteng upuan"

Val: O sige, akala ko papaalisin mo ako dito.

"Ang sungit naman." Bulong ng lalaki sabay baba ng kape at umupo sa harap ni Val.

Habang umiinom ng kape ang binata, tinitigan ito ni Val.

Val: (Grabe naman to, ang init init naka hoodie tapos naka shades pa. Mukhang di pa naliligo. Baka holduper to ah tapos palinga linga pa ng tingin sa tao. May tinataguan ba ito?)

"Wag mo akong titigan, baka mapaso ako sa kapeng iniinom ko" sambit ng lalaki

Val: Hala, di kita tinititigan. Napatingin lang ako sayo dahil ang init ng suot mo. Di ka ba pinagpapawisan? Ako kasi ang parang naiinitan para sayo.

"Hahahahaha! Joke lang, ikaw naman. Pinagpapawisan ako syempre, mainit kasi ang kape." sagot ng lalaki

Val: Yun nga! bakit ka kasi nakabalot? Pwede mo naman ata tanggalin muna yan habang nagkakape ka.

"Wala lang, gusto ko lang. Pangporma lang...." sabi ng lalaki sabay higop sa kape.

Val: Manonood ka din ba ng concert ng SBX?

"Hindi ah! Ang papangit naman ng mga yon. Mga mukhang tatay!"

Val: Grabe to! Ang sama mo! Basher ka ba?

"Hahahhaa, mga mukhang tindero sa palengke" pahabol pa nito

Val: Hoy tumigil ka sa pinagsasabi mo, baka palipatin kita ng upuan!

"Ikaw ba, manonood ka ba ng concert?" tanong ng lalaki.

Val: Oo, manunood ako. Lumuwas pa ako galing sa Batangas para dito kaya wag kang mang badtrip.

"Batangas pa? Ang layo naman ng pinanggalingan mo, Idol mo ba sila?" nagulat na sambit ng binata.

Val: Hmmmm, oo..magagaling kasi silang lima.

"Ahhhh, sino ang bias mo sa kanila?" tanong ng lalaki

Val: Bakit ko sasabihin sayo? Di naman kita kilala tapos basher ka pa!

"Hahahahahha. Sorry na." natatawang sagot kay Val.

Biglang tumunog ang cellfone ng binata at kinausap ang nasa kabilang linya..

"Hello?

Hanna...

Nandito lang ako sa coffee shop.

Bakit?

Sige.. Ok...

Ok papunta na ako.

Ang kulit! "

Nagpabuntong hininga ang binata sabay baba ng cellfone.

"Pwede ba malaman ang pangalan mo?" mabilis na tanong ng lalaki kay Val

Val: "( Ayos din to, wala pang 30 minutes pangalan ko na agad ang hinihigi. Bolahin mo lelang mo)" nasabi ni Val sa isip habang nakatingin ng masama sa lalaki.

"Ganito nalang, mamaya bago mag start ang concert, pumunta ka sa CR sa left side ng 3pm. May kakausap sayo. Hintayin mo ha. Malulungkot ako pag di ka pumunta" Sabay kuha ng picture ni Val, at tumayo bitbit ang kape.

Kinuha ng lalaki ang black na face mask sa bulsa at isinuot ng mabilis. Hinatak ang hood ng jacket para matabunan ang mukha at lumakad na ito palabas. Hindi namalayan ni Val na nakuhaan sya ng picture ng lalaki dahil napatingin siya sa bagong pasok na customer sa coffee shop. Habang palayo ang lalaki, narinig ni Val ang ibang grupo ng kababaihan na nagbubulungan.

G1: Hoy, si Emz ba yon?

G2: Gagi, bakit naman pupunta yon dito?

G3: Si Emz ata yon, ayyy grabe naman. Bakit di natin sya napansin.

Nilapitan si Val ng isang babae.

G1: Ate, si Emz ba ang kausap mo kanina?

Val: huh? Si Emman ng SBX? ang layo naman. Naki share lang ng table sa akin yon.

G1: Ah ok..salamat. Akala kasi namin si Emz, yung tindig kasi e kapareho ng kay Emz.

Val: Ahhh...naku malayong mangyari yon. Basher yung lalaki na yun.

G1: Talaga? Buti hindi namin narinig yung mga sinasabi nya.

Nagpasalamat at naglakad pabalik sa kinauupuan ang babae.

Val: "(Emz? Luh, ang layo ah. mukhang madungis nga yung lalaking yon. Ano ba yung sinabi nya sa akin kanina? Hay naku, bahala sya, pwede ba, bakit ako susunod sa sinasabi nya. Di ko naman sya kilala)" bulong nito sa sarili.

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play