NovelToon NovelToon

TILL MY HEARTACHES END (Filipino/Tagalog)

Episode 1

Aaaaaaaaaaaaaaaah!!!!

Isang malakas na tili ang yumanig sa bahay ng pamilya ng mga Dela Cruz. Dali dali silang umakyat papuntang kwarto ni Val kung saan nila narinig ang tili ng anak. Agad nilang binuksan ang pinto para macheck kung anong nangyayari.

Mang Gimo: "Val, anak! Bakit? Anong nangyari sayo?" Nagaalalang tanong ng ama.

Val: "Taaaaaay, Naaaaay, meron na akong ticket sa concert ng SBX! Nanalo ako sa pagive away nila sa Twitter...Yiiiiiiiiiiiii!!!..Grabe! Di ako makapaniwala!!."

Patalon talon at masayang sagot ni Val sa magulang.

Aling Madi: Umayos ka nga Val! Akala namin kung ano na ang nangyari sayo, kulang nalang mahimatay ako sa nerbiyos! Galit na sabi ni Aling Madi sa anak habang hinahabol pa ang paghinga.

Val: Naaaay, once in a lifetime lang kasi tong mangyari oh. Libre yan. Diba ako na ang pinakaswerteng tao sa balat ng Lupa?

Pagyayabang sa magulang.

Aling Madi: Val, kesa yan ang unahin mo ngayong umaga, hala, bumaba ka na at tulungan mo ako, maghiwa ka ng mga sahog na ititinda kong ulam. Mag aalas dyes na! Tigil tigilan mo na ang kaka SBX na yan. Tigilan mo na din yang si Ken.. Halos tatlong taon ka na nagpapaka martir dyan...

Val: Nay, ok na..wag mo na ituloy...bababa na ako. Dinadanamay mo naman ang tao.

Pagkasarang pagkasara ng pintuan ng kwarto, nagtatatalon at pagulong gulong sa tuwa si Val sa kanyang kama.

Val! Whoooo! Makikita na din kita uli sa personal Ken! Salamat Lord! Ang lakas ko talaga sayo! Sabay flying kiss sa Altar na nasa gilid ng kuwarto nya.

..........

Si Ken ay boyfriend ni Val simula high school hanggang college. Magkababata sila. Naging magkaklase mula sa elementarya hanggang mag College. Nagumpisang madevelop ang kanilang feelings nang maging teenager na sila. Parehong nahilig sila sa music. Lagi silang may bitbit na gitara sa school at magkasamang nag jajaming. Si Ken ay magaling talagang sumayaw at kasama naman sya isang grupo na nag rerepresent sa school nila at sumasali sa ibat ibang competition. Na scout si Ken sa isang programa kaya ngayon ay nasa SBX na siya. Simula nang maging miyembro ng SBX ang nobyo, hindi na rin masyadong ginagalaw ni Val ang gitara at keyboard dahil nalulungkot lamang sya lalo dahil napalayo sa kanya ang kasintahan.

Nag iisang anak nila Mang Gimo at Aling Madi si Val. Simple lang ang buhay nila sa Batangas. May maliit silang kainan at sari sari store. Nagtapos ng MassCom si Val sa isang University sa Batangas. Kung hindi sana tumigil si Ken sa pag-aaral, tapos na din siya ng College ngayon at isa nang Engineer. Parehong 22 years old ang dalawa. 19 years old si Ken nang magsimula siyang mag training. Nagpaalam si Ken kay Val na pupunta sya sa Manila para sa training at nangako kay Val lagi syang tatawagan at dadalawin at hindi siya iiwan. Lumipas ang taon at nabawasan ang pagtawag o pangangamusta ni Ken kay Val hanggang sa naputol na ang kanilang communication. Ilang beses na nagpadala ng letter si Val sa company ng SBX pero hindi siya nakakatanggap ng reply. Pati lahat ng social media accounts ng SBX, naka follow sya. Hindi nya alam na dummy account lang pala ni Ken ang lagi nyang pinadadalhan ng DM. Naka ilang message narin siya doon pero hindi sya nakakatanggap ng reply. Umabot nga na sumama na ang loob nya kay Ken dahil sa hindi sya nito pinapansin sa FB at Twitter at doon lumabas ang balitang wala talagang accout si Ken na sarili dahil mas gusto nitong maging pribado ang buhay. Natanggalan ng tinik ang puso ni Val nang malaman iyon. Umasa nalang sya sa pangako ni Ken na siya lang ang babae sa buhay nito. Tanging ang Twitter at FB ang naging sandalan nya para makakuha ng balita at updates sa nobyo. Dahil nasa Manila si Ken at gusto nyang mas mapalapit dito, naisip niya na doon din makahanap ng trabaho. Gusto din nya na mapuntahan ang mga shows at events ng SBX at madali lang nyang magawa iyon pag nasa Manila sya. Pinagiipunan at pinaghahandaan pa nya ang pangluwas sa Manila dahil wala silang kamag anak o kakilala doon na pwede nyang tirahan. Ayaw man ng kanyang magulang, ngunit kailangan din naman ni Val na matutong mabuhay at tumayo sa sarili nyang mga paa.

Isa sa pinakasikat na grupo ang SBX sa Pilipinas kaya't madaming humahanga sa kanila. Hindi lang kabataan ang nahuhumaling sa kanila, maging ang mga nasa Generation X ay napapahanga nila. Kanya kanya sila ng personality at mga multi talented. Mula sa pagkanta at pagsayaw, makikitang iba ang "swag" na ipinapakita nila. Walang araw na hindi nag tetrending ang grupo sa mga social media platforms. Kaliwa't kanan ang mga nominations nila. Lumalaki na din ang fanbases nila sa loob at labas ng bansa na tinawag nilang "Hypers". Muntik na rin silang maghiwahiwalay dahil halos isang taon silang walang project at mga guestings. Nang lumabas ang pangalawang album nila, mas nagfocus ang company nila sa social media para mag promote. Doon na unti unting nakilala ang SBX. Gumawa din sila ng kanya kanyang social media accounts at ginamit ito para makahatak pa ng mas maraming fans. Isa lang talaga ang walang social media accout sa kanila. Ito ay si Ken. Tanggap naman ng mga fans nila na may sariling mundo si Ken at masyadong misteryoso.

Hindi basta basta ang pinagsimulan ng SBX. Naranasan ng ibang miyembro na magutom at mapuyat during training days nila. Minsan doon na natutulog sa office ang iba para tipid sa pamasahe. Kapag may show, very limited lang ang wardrobe nila. Mga ilang beses na nilang inuulit ulit ang mga damit sa mga guestings at TV appearances. Hindi sila sumuko hanggang sa marating nila ngayon ang kasikatan. Sa ngayon, sila ang pinaka kilalang boy group sa bansa at nakikilala na din sa ibat ibang parte ng mundo.

Episode 2

Isa sa sikat na boygroup ang SBX sa Pilipinas. Meron silang limang miyembro. Si Kenji a.k.a. "Ken" na kababata at first love ni Val. Sila Mang Gimo, Aling Madi at Val lamang ang tumatawag sa kanya ng "Nek." Hindi sya nakapagtapos ng pag aaral dahil dumating ang opportunity na makasali sya sa SBX. Simula nang magtraining sya sa Manila, hindi na sya nakauwi pa ng batangas. Lumaki sa lola si Ken dahil apat na taon palang sya, naghiwalay na ang kanyang magulang at naiwan sya sa kanyang lola. May kanya kanya nang pamilya ang parents ni Ken. Nanirahan na sa Canada ang Mama nya. Nakapangasawa ito ng Canadian at may kambal na babae syang kapatid dito. Ang Papa naman ni Ken ay nasa Dubai, may pamilya narin at isang anak na lalaki.

Lumaki syang walang magulang. Laging tahimik at mag-isa. Dito sya napansin ni Val noong nasa Grade 1 pa lamang sila. Nang pumanaw ang kanyang lola, nagkaroon siya ng emotional stress sa murang edad. Wala ni isa sa magulang nya ang gustong kumuha sa kanya. Ayaw naman ni Ken na sa malayong kamag anak makitira dahil ni minsan ay hindi nya nakita ang mga ito. Dahil sa sitwasyon ni Ken, pansamantalang inampon nila Mang Gimo at Aling Madi si Ken hanggang sa magbinata ito.

Habang nag dadalaga si Val, lalo itong gumaganda, at madaming students ang nagkagusto sa kanya simula nang pang tungtong ng highschool. Dito na realize ni Ken na mahal nya na pala si Val dahil sobrang nag seselos sya pag may nagbibigay ng mga sulat o regalo kay Val na minsan sa kanya pa pinapaabot. Nag baka sakali at nagsabi sya ng nararamdaman kay Val. Noong una ay nag alangan si Val dahil parang kapatid na ang turing nya kay Ken ngunit nabago ito nang may ilan silang ka eskuwela na nagpapatulong naman kay Val na ireto sila kay Ken.

Dito nabuo ang realization na gusto nya rin pala si Ken. Naalala nya na kahit na sobrang tahimik at walang kinakausap o pinapansin sa campus si Ken ay binansagan syang "crush ng bayan." Wala lang talagang makalapit sa kanya dahil sa napaka cold ng personality nya. Si Val lang lagi ang kasa kasama nya. Si Val lang ang kinakausap nya. Alam naman ng mga guro ang naging kalagayan ni Ken noong bata pa sya, kaya naiintindihan nila kung bakit ganoon kailap sa tao si Ken. Marami ang naiinggit at nag seselos kay Ken, ganun din ang nararamdaman ng mga humahanga kay Val, si Ken naman ang kanilang kinaiinggitan at napagseselosan. Di nagtagal, naging girlfriend na ni Ken si Val. Naging usap usapan sila sa campus. Hindi din madaling matanggap nila Mang Gimo ang naging relasyon nila Val at Ken dahil sa itinuring na nilang anak ang binata. Pero di kalaunan ay naintindihan na rin nila ang dalawa. Para maiwasan ang tsismisan sa kanilang lugar dahil nasa iisang bubungan lang sila Val at Ken, minabuti nila na ihiwalay na si Ken ng bahay. Tumira si Ken sa isang boarding house na malapit sa eskuwelahan. Dinadalhan nalang ni Val ng pagkain si Ken araw araw.

Simula Thrid year High School hanggang College, masaya sila sa kanilang relationship. Hindi sila nakikitang nag aaway o nag kakaroon ng tampuhan hanggang sa dumating ang time na na scout si Ken at ininvite na mag audition sa isang talent agency. Nang mapayagan nila Mang Gimo at Aling Madi si Ken na sundin ang gusto, nag drop out si Ken sa college at doon na nakipagsapalaran sa Manila. Dito na nagumpisa ang Journey ni Ken sa grupo ng SBX.

Sa Manila, nag training at nag part time sa isang call center si Ken para matustusan ang sarili dahil hindi sapat ang allowance na nakukuha nya sa company. Halos walang pahinga ang binata sa isang linggo. Nagtiis na minsan ay di kumakain sa tama at hindi nakakatulog ng mahaba para lang mapagsabay ang training at trabaho. Inilihim nya ang lahat ng paghihirap kay Val, hindi na nya nagagawang makatawag o magtext araw araw dahil sa sobrang abala nito. At nasanay si Ken na hindi na mangamusta kay Val at doon na nagsimulang dumalang ang usap at text nila sa isat isa dahil narin ayaw ni Ken na makahalata si Val sa nararanasan nyang hirap sa Manila.

Nang mag 6 na buwan na si Ken sa Manila, Lalong naputol ang communication nila ni Val nang mawala ang ginagamit na cellfone kung saan nadoon lahat ang contact number ng mga taga bulacan. Wala man ni isang numero ang kanyang naitago o naalala.

Nakalipas ang ilang buwan at nag debut ang SBX ngunit halos hindi sila pinansin ng Media. Nag release sila ng ilang kanta pero hindi man lang ito na air sa mga radio stations. Nawalan ng pag asa ang ilan sa grupo at nag decide na mag break muna. Nahihiyang umuwi si Ken sa Batangas at nag desisyon na magpaiwan sa company para mag sideline sa pag turo ng mga sayaw sa mga nag woworkshop. Lumipas ang 1 buwan na hindi nagkita kita ang grupo, pinatawag sila para sa comeback. May nag alangan na bumalik pero nakumbinsi at nagawan nila ng paraan na mabuo uli ang dating grupo ng SBX. Nag simula uli silang magtraining at sumubok ng bagong mga routine. Binigyan ng freedom ng company na sa grupo manggaling ang mga bagong kanta at hindi na galing pa sa ibang composers na hinahire nila. Mas nagkaroon ng freedom ang grupo at lumabas ang kanikanilang natatagong talento. Si Ken ang naging Main Dancer at Center sa grupo. Binago din ng company ang approach nila sa pag popromote at sa social media sila nagpadami ng fans. Naging matagumpay naman ang plano. Bago mag comeback ang SBX, mabilis na dumadami na ang kanilang fans. Kasabay nito, dumami rin ang lumalabas na pangit na balita sa grupo at sinamahan pa ng mga bashers na masasakit kung makapagsalita sa mga boys. Sa mga interview, isa si Ken ang makikitang very protective sa mga ka grupo. Sya ang may malakas ang loob na sumagot sa mga reporters na halos pahiyain na sila sa press conference. Na aamaze sila kay Ken dahil, sya ang pinakatahimik at may cold personality sa grupo pero siya pa ang unang nagtatanggol sa mga ito. Mas nabuo at tumatag ang relationship ng grupo sa isat isa. Mas inintindi nila si Ken, kahit na minsan ay hindi nila masakyan ang mga trip nito.

Episode 3

Tubong Cavite si Joshua a.k.a "JC". Siya ang kuya ng grupo at ang main rapper. Siya rin ang pinakamatagal nang nag training sa talent agency bago pa man mabuo ang SBX. Hindi biro ang napag daanang niyang trials sa buhay. Hiwalay din ang magulang ni JC katulad ni Ken. May sarili nang pamilya ang tatay nya na nasa Canada. Ang Mama naman ni JC ang mag isang tumaguyod sa kanya simula nang maghiwalay ang magulang. Dahil sa hirap ng buhay at walang naging stable job ang nanay ni JC, may time na napuputulan na sila ng kuryente at tubig. Minsan ay wala silang makain buong araw. Para makatulong sa Mama nya, tumigil sa pag aaral ng highschool si JC at naghanap sya ng pagkakakitaan. Pagtrabaho bilang crew sa fast food chain at messenger ang naging trabaho ni JC. Naging outlet nya ang pagsasayaw at minsang napasali narin sa mga competition. Nang magpa audition ang company, isinama lamang sya ng isang kaibigan at suwerteng siya ang napili. Dito na nagumpisa ang training ni JC sa company. Kahit na maliit lang ang nakukuhang allowance, masaya syang nakakagamit ng studio ng company ng libre.

Taga Quezon City naman si Emman a.k.a. "Emz". Galing sa conservative na pamilya si Emz. May mas batang kapatid na babae si Emz. Di sukat akalain ng mga kaibigan at kapamilya nya na palihim pala syang nag tatraining habang pinagsabay ang pag aaral sa college. Nalaman nalang nila na kabilang na pala sya sa SBX noong nag debut sila at napanood sa isang TV show. Gulat na gulat ang magulang ni Emz, pero at the same time proud dahil napag sabay niya ang pag-aaral sa training. Nakapagtapos si Emz ng College with flying colors. Siya din ang isa sa mga composer ng mga kanta ng SBX para sa 2nd album nila. Prangka at may pagkapilosospo si Emz pero, alam nya kung hanggang saan ang limit nya. Napaka adveturous din ni Emz, mahilig sya sa mga long drive at mag trecking kasama ang mga kaibigan nya. Si Emman din ay ang taong di titigil hanggat di nya nakakuha ang gusto. Sa grupo ng SBX, sya ang leader at unang kinakausap ng mga kasama pag may hindi pagkakaintindihan sa grupo.

Mula sa Las Piñas naman si Topher a.k.a "Top" Siya ang napaka bibo na main vocalist ng SBX. Napakafriendly ni Top lalo na sa mga fans. Mahilig syang mag live para makipag interact sa mga fans. Halos kasabay nyang nagumpisa sa training si JC. Hindi nakapagtapos ng pagaaral si Top dahil din sa hirap ng buhay noon. Kapareho ni JC at Ken, pinagsasabay nya ang trabaho at training. Muntik pa syang mag quit sa grupo nang hindi sila natanggap ng masa noong nag debut sila. Pinakiusapan sya ng management na wag ituloy ang binabalak dahil gusto parin nilang original members ang SBX pag nag comeback sila. Nakumbinsi sya ng mga miyembro at nagsimula naring mag ensayo ng mga bagong kanta at sayaw sa 2nd album nila. Family oriented si Top. Mas inuuna nya ang needs ng pamilya keysa sa sarili. Siya ang pinaka sensitibo sa grupo pero siya din ang pinaka makulit.

Ang pinakabunso naman ay si Jansen a.k.a "Jah." Pabibo at pinakamaingay sa kanilang grupo. Dahil sya ang pinaka bata, sya ang apple of the eye ng mga boys. Bunso din sya sa kanilang pamilya. Nakapagtapos ng pag aaral sa isang magandang University sa Manila. Isa sya sa member ng SBX na may kaya or nakaka angat ang buhay. Napakabait ni Jah sa mga kuya nya sa SBX. Minsan sya ang sumasagot sa mga pagkain habang nasa training sila. Siya at si Ken ang mag kasundo dahil hindi sila nalalayo ng edad. Para silang magkapatid. Mas matanda lang ng ilang buwan si Ken sa kanya.

Sila ang limang miyembro nga SBX, si JC, Emz, Top, Ken at Jah. Subaybayan natin ang kwento nila kasama si Val. May katatawanan, iyakan, friendship at hindi mawawala ang love story at romance.

Download MangaToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play