Chapter 4

Chapter 4: Family dinner

Niella's POV

Matapos ang pag-iyak ko ay sinigurado ko muna na hindi halata ang pag-iyak ko. Lumabas na ako at dumiretso sa room. Pagka-upo ko pa lang ay tinadtad na agad ako ng mga tanong ng tatlo.

"Where have you been?"-Iah

"Ok ka lang ba?"-Vie

"Wag mo na intindihin sinabi nun"-Kaye

"Wag  kayong mag-alala okay lang ako" nakangiti kong wika sa kanila at nakinig na lamang sa teacher.

Natapos ang araw ng ganun na lang. Hindi pumasok sa buong araw sina Kyle. Siguro ay nahiya yung mga yun sa nangyari kanina. Papunta na kaming apat sa PR (short for Private Room) upang mag-antay ng susundo sa amin.

Wala pa kaming mga sasakyan kung meron man ay wala pa kaming driver's license pero marunong kaming mag-drive. Seventeen palang kasi kami kaya hindi pa pwede.

Pagkapasok namin ay pabagsak kaming umupo. Dala na din kasi ng pagod. Tiningna ko muna ang cellphone ko kung may update sa Tierra Allegra App (TA App).

Nandito lahat ng mga news kung ano ang nagyayari sa academy. Mga IT students ang nag-aasikaso dito siyempre hindi lang sila lagi nakatutok sa App kailangan din nila mag-aral kaya may shifting sila.

Nagulat na lang kami nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang habol hiningang magba-barkada at may pasa pa.

Taka kong tiningnan ang apat. Kaya naman pala hindi pumasok ang apat, nakipag-bugbugan.

"Anong nangyari sa inyo?" nag aalalang tanong ni Iah sa kanila habang kinuha ni Vie ang first aid kit at inalalayan sila ni Kaye.

"Long story" sagot ni Lucas.

Isa-isang kumuha ng tatlo ng pang-gamot habang ako ay wala lang. Napailing na lang ako, first day pa lang nila it pero ganito na agad ang nangyari paano pa kaya sa susunod na araw. Hayyys...

Dahil na din sa awa ay kumuha na din ako ng bulak at ginamot so Kyle. Kung hindi ko lag it pinsan ay hindi ko ito ginagamot baka dinadagdagan ko pa ito.

Nang matapos kami ay bumalik na ako sa pagse-cellphone. Ngunit hindi ako makapag-concentrate dahil pakiramdam ko ay may pares ng mata na nakatingin sa akin. Tama nga ako dahil nakatingin sa akin si Kyle kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Anong kailangan mo?"

"Pwede bang huwag mong sabihin kay Papa na napasama na naman ako sa gulo?" pagsusumamo niya.

"Kahit naman hindi ko na sabihin malalaman at malalaman niya pa din" wika ko sa kanya. "Pero okay sige hindi ko sasabihin"

"Thank you!" hindi pa nakuntento at yumakap pa siya. Kaya napataas ang kilay ko sa kanya dahilan upang humiwalay siya.

"Let's just pretend it didn't happen" nangingiti niyan wika at umupo nang muli.

Nag-text na si ate kaya nagpaalam na ako sa kanila. Pagdating ko sa parking lot ay nandoon na si ate na nakasandal sa kotse niya habang pinapaikot ang susi sa kamay.

Nang makita niya ako ay ngumiti siya.

"Halika na ate uwi na tayo" pag-aaya ko at sumakay na sa loob si ate at pinaandar ang sasakyan.

Napapikit na lang ako ng mata ang daming nangyari ngayong araw. I should get ready for the next days. Madami pang mangyayari.

...***___***...

Naghahanda na ako para sa mangyayaring family dinner sa restaurant ni Tita. I wore a simple white dress. Hinayaan kong bagsak ang mahaba kong buhok at naglagay din ako ng kaunting lip gloss. At nagsuot ng flat shoes.

Nang okay na ako ay bumaba na ako at duon ko nakita si kuya na nakasuot ng tuxedo. Bumagay sa kanya ang porma niya dahil guwaponaman talaga siya. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Ganda naman talaga ng kapatid ko" pambobola niya kaya naman natawa ako. Kahit kailan talaga hindi nagbabago si Kuya.

Pumunta na ako sa labas at dumiretso ng kotse ni Kuya. Magkasama sa isang kotse sina Mom at Dad pati ng kambal habang kami ni ate sa kotse ni kuya.

Naging maayos ang biyahe namin maliban na lang nung parang nakikipag-karera si Kuya. Pagkadating namin sa restaurant ay hinanap agad namin sina Tita. Kumaway naman sila sa amin ng makita nila kami.

Pagka-upo ay tinanong agad kami ni Tito. "Kamusta biyahe?"

"Ayos lang naman po" sagot ni Ate.

Nagkwentuhan muna sila Mom at Tita habang hinihintay si Kyle at kami naman tatlo ay nag-cellphone at yung kambal ay may kung anong binabasang libro.

Ilang minuto ang lumipas at dumating din si Kyle. Ang pinagtaka ko lang ay hindi halata ang mga sugat niya sa mukha. Bumati muna siya sa amin bago umupo.

Tinuloy lang nila ang pagku-kwentuhan nila pero may ikina-pukaw ng atensyon ko. "Kyle handa na ba gamit mo para sa paglipat mo kina Tita mo?"

"Lilipat po siya sa amin?" tanong ko kay Tito at tinuro ang pinsan ko.

"Hindi ba nabanggit sa'yo ng mama mo?" umiling ako bilang sagot. "Panandalian lang naman sa bahay muna kasi magi-stay yung pamangkin ko and since lagi silang nag-aaway ay naisipan kong sa inyo muna siya"

"Pero alam niyo naman po na mag-kaaway din kami niyan" pangangatwiran ko.

"Nagkikita din naman kayo sa school hindi ba?" si Tita naman ang nagsalita. May point si Tita magkaklase nga kami.

"Sige po"

Wala na din naman akong magagawa dahil paniguradong handa na ang gamit ni Kyle. Sana lang walang gulong mangyari sa bahay.

Natapos ang family dinner ng matiwasay. Nasa kwarto na ako ngayon at ginagawa ang mga assignment namin. Si Kyle? Nasa isang guest room doon daw muna kwarto niya. Natigilan ako sa paggawa ng assignment nang maalala ko ang sinabi ni Mom kanina.

"Oo nga pala Ren, ikaw na bahala sa mga kapatid mo ha. Aalis kasi kami ng Dad mo next week para sa business trip namin. Siguro mga tatlong buwan din iyo."

Sanay na kami na wala sina Mom at Dad dahil lagi silang pumupunta sa mga businesses trip. Pero malungkot lang ngayon kasi wala si Dad para sa father's day. Tuwing father's day kasi ay lagi kaming magkakapatid may pakulo pero ngayon siguro wala.

Nang matapos ko ang mga assignment ko ay nahiga na agad ako sa kama. Masyadong nakakapagod ang araw na ito.

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play