Chapter 5: It's a war
Niella's POV
Pagdating ko kanina sa school ay as usual madaming bumabati sa akin. Andito ako ngayon papunta sa PR. Pagkapasok ko ay nagtaka ako dahil parang mga binagsakan ng langit at lupa si Vie.
"Anong nangari sa'yo?" tanong ko sa kanya pagka-upo.
Seryoso siyang tumingin sa akin. "Pwede bang pagsabihan mo yang pinsan mo na tigilan na ako."
Taka ko naman siyang tiningnan. "Bakit ano ba nangyari?"
"Nung umalis ka kahapon hindi tinigilan niyang pinsan mo si Vie. Pati sa bahay nila Vie sinundan siya ni Kyle. Para lang takpan yung mga sugat niya ta hindi mahalata." mahabang paliwanag ni Iah na halos kakarating lang din.
Kaya naman pala. "Huwag ka mag-alala ako bahala dun."
Galing din ni Kyle eh. Galing gumawa ng paraan. Dapat talaga sinumbong ko siya eh.
"Ang daya mo Niella, iniwan mo ako" nagulat na lang ako sa pagbungad ni Kyle. Speak of the devil.
Ano ba naman ito kararating lang ang ingay-ingay na agad.
"What does he mean by that?" tanong ni Kaye.
"Oo nga pala, sa bahay muna namin siya for the mean time" paliwanag ko at humarap naman kay Kyle. "Bakit naman kita hihintayin hindi pa nga tayo okay, 'di ba?"
"Hindi pa ba?" painosente niyang tanong kaya tiningnan ko siya ng masama "Sabi ko nga hindi pa"
Tahimik lang kami dito habang hinihintay na mag-ring ang bell nang pumasok ang isang member ng C.A.T.
"Niella may nanggugulo sa cafeteria." hinihingal na balita ni James ang Captain ng C.A.T.
"Ano ba naman 'yan, umagang-umaga may problema agad" reklamo ni Iah.
"Sige pupunta na ako" wika ko.
Palabas na ako nang makasalubong ko si Kiel. Hindi ko na sana siya papansinin ng banggain niya ang balikat ko.
"What in the world is your problem!?" galit na tanong ko sa kanya.
"My problem? Nothing. You're just getting in my way." sagot niya.
"I'll deal with you later" wika ko sa kanya at unalis na ako para puntahan ang gulo sa cafeteria.
Ilang minuto lang ay nakarating na kami dito. Pagkapasok pa lang ay kita mo na ang gulo.
Nang maramdaman nila ang presensiya namin ay agad na tumabi ang ibang estudyante pero hindi and nag-aaway.
"The two of you stop it!" sigaw ko sa kanila na sinunod naman nila. "Before I give you your punishment explain your self first"
"She started it. Siya ang may kasalanan. Bigla-bigla na lang sumusugod ng walang dahilan" wika ng isa at tinuro si Shane.
"What!? My fault!? Ikaw kaya. Tinitingnan mo ang boyfriend ko. Maybe plano mong again siya sa akin no!?" paliwanag naman ni Shane at nang tingnan ko ang mga estudyante na nakapalibot sa amin ay nandun nga siya nakatingin lang sa girlfriend niyang nakikipag-away.
At nagsimula na naman sila. Napailing na lang ako.
"STOP IT! Ms. Loraine and Ms. Domingo it's one hour detention as your punishment" wika ko sa kanila.
"What?! Bakit pati ako kasama sa punishment ha. I didn't even started the fight" reklamo ng isa.
"Kahit na, I saw you in the fight when I got here so technically kasama ka" paliwanag ko sa kanya at wala naman siyang nagawa. "At sa lahat ng estudyante na nandito pumunta na kayo sa mga room ninyo dahil malapit nang mag-ring ang bell"
Mabilis namang nag-alisan ang mga estudyante dito sa loob. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang TA App.
As a president ay may access ako sa kung nakaka-ilang detention na ang mga estudyante at maga-appear it say mga cellphone namin. I put 1 on Shane and Mia's name on the students list.
"Another job well done Niella." wika sa akin ni James nang makalapit siya. Nginitian ko lang siya. "It's just the first problem on this school. Are you ready for the others?"
"I'm always ready" malakas ang loob kong sagot.
Tama nga ako dahil nag-ring na din ang bell at nagpaalam na kami sa isa't-isa. Kung si Shane ang cause ng unang gulo pa'no pa kaya sa susunod.
***---***
As usual nandito lang kami sa PR. Kaming apat lang ang nandito dahil sa cafeteria kumakain ang mga lalaki.
"Niella kamusta nga pala yung gulo kanina?" tanong ni Iah.
Wala na kasi kaming chance para makapag-usap dahil pagdating ko kanina sa room ay kasunod ko na ang aming guro at sunod-sunod na silang dumating.
"Ayos lang naman" simple kong sagot.
"Kamusta naman ang pakikipag-usap kay Shane. We saw that you got them on detention." si Kaye naman ang nagsalita.
"I didn't talk to her. Ni hindi nga siya umangal ng bigyan ko sila ng detention as punishment eh."
Lahat naman sila ay may gulat sa mukha. Natawa ako sa reaksiyon nila. Well totoo naman.
Nag-vibrate ang cellphone ko kaya tiningnan ko ito. May nag-text. Binasa ko ito at napangiti naman ako.
"Aalis muna ako ha. May gagawin lang ako." pagpapaalam ko sa kanila.
"Mag-iingat ka" pagpapaalala nila sa akin na nginitian ko naman.
Nagmadali akong pumunta ng cafeteria. Sana naman ay hindi pa ako huli. Pagdating ko doon ay agad akong pumunta ng kitchen at nadatnan kong may kausap ang isa sa mga staff.
"Pasensiya ka na talaga iho pero wala na kami nang hinihingi mo" wika nito.
"Manang" pagtawag ko sa atensiyon nito pati na rin ng mga kausap nito.
"Nandiyan ka na pala iha" wika nito sa akin. "Sandali lang ha iha kukunin ko lang"
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Kyle.
"Does it matter?" mataray kong tanong. Napabuntong-hininga na lang siya.
"Heto na iha, as I said" wika ni manang ng makabalik siya dala-dala ang plato na may leche flan.
"Salamat po" wika ko dito at tinikman ito. Ang sarap.
"Sandali lang po, hindi ba sinabi nito ay wala na kayong dessert" protesta ni Kiel.
I guess this is what they have been talking about when I came.
"Wala na nga iho, ni-reserve ko lang ito para sa kanya since nasolusyunan niya ang gulo na nangyari dito kanina kung hindi ay baka hanggang ngayon ay magulo na itong cafeteria" paliwanag niya.
Siguro siya ang head dito sa cafeteria.
Masama akong tiningnan ni Kiel tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Not just because she stopped the fight doesn't mean that you have to do a special treatment" reklamo niya.
"It's not a special treatment. Bakit ba galit na galit ka sa akin ha?" ako naman ang nagsalita.
"Because your getting in my way." sagot niya. Oh for heaven's sake that's the same answer he gave me this morning.
"If you want a war then it's a war" nakangisi kong wika sa kanya.
"For the first time I agree with you Ms. President" wika niya at talagang in-emphasize ang salitang Ms. President.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 14 Episodes
Comments