Chapter 2: Orientation
Niella's POV
Nang makarating kami sa gym ay madami nang transferees ang na andoon. Nakahiwalay ang mga transferee na first, second, third at fourth year.
Umakyat na din kami sa stage kung saan naka-upo na din ang Vice President, Treasurer, at ang dalawang miyembro ng Tierra Allegra PIO at ilang namumuno sa Tierra Allegra Executive Commitee. Kasama din nila ang Principal ng eskwelahan.
"Good Morning students. welcome to Tierra Allegra Academy." bati ng principal. "Let me introduce to you the members of our Student Council, Tierra Allegra PIO and Tierra Allegra Executive Commitee. Introduce yourselves please."
"I'm Eriniella Heratlair the President of Student Council" pakilala ko.
"Hello transferees. My name is Zera Camille Vainley your Vice President." nakangiting wika ni Camille.
"Hi everyone, I am Via Liviex your Secretary. So if you have any concerns just come and find me." wika nito at kuminfat pa. Kahit kailan talaga ginagamit niya ang charisma niya.
"Good morning students, I will be tour Treasurer for this year my name is Azico Faith Versoza"
"Hello everyone my name is Nikki Jazeiah Vertex. Ang taong nagmahal pero nasaktan din." pagpapakilala niya kaya naman napuno ng tawanan ang gym. Siya kasi ang laging humuhugot sa amin.
"God Morning students. I am Precious Rose Ocampo, your PIO representative"
"Bonjour students. In French that means Hi or Good Morning. I am Liah Kaye Miere one of the PIO representative." pakilala ni Kaye. Bagay sa kanya ang maging PIO dahil kaya niyang malaman kung totoo o hindi ang isang balita.
"Hello students. My name is Lila Light Requillo. Huwag kayong mag-alala dahil lahat ng ibabalita ko sa inyo ay hindi mga kasinungalingan."
Sumunod namang nagpakilala ang ilang miyembro ng Tierra Allegra ExeCom.
Tiningnan ako ng principal at alam ko na ang kahulugan noon. Ako naman ang pumalit sa pwesto niya. Kahit alam ko nandito ang taong pinaka ayokong makita ay tinatagan ko ang loob ko.
"Ngayon naman ay hahayaan ko ang Student Council President na i-orient kayo. And also wag kayong matakot sa kanya, she may be serious but she has a good heart. Mabait siya sa mabait at masama sa masama. So without further ado, your President."
"Muli, magandang umaga sa inyong lahat. Unang-una mraming salamat dahil sa pagpili ng eskwelahang ito. Huwag kayong mag-alala dahil sinisigurado naming Student Council pati na din ng ExeCom na magiging maganda ang pag-aaral ninyo dito." panimula ko. "First of all, let's discuss the rules. Like other school we also have detention but unlike them na kapag nakatatlovkang detention ay expelled kana, dito ay kapag naka limang detention ka expelled ka na."
"Dito wlang maya-mayaman. Pantay-pantay ang tingin. Kaya sa mga bully diyan ngayon pa lang ay binabalaan ko na kayo. Kung may nalaman kayong balita, huwag kayong mag-alinlangan na pumunta sa mga PIO natin." pagpapatuloy ko. "All of you get the folder under your chairs. Andyan ang mga rules and regulation na kailangan ninyong sundin. Pati na sa mga lalaki diyan ito ang pinaka importanteng rule. As we call it the GOLDEN RULE."
Nakangit kong tiningnan ang lahat na tila ba iniisip kung ano ang GOLDEN RULE.
"The GOLDEN RULE is all of you boys have to respect the girls. Hindi naman sa ibig sabihin nito ay mawawalan na ng karapatan ang mga lalaki na kausapin ang mga babae. Pwede naman kayong makipag-relasyon pero isa lang ang hinihiling ko sa inyo iyun ay ang respetuhin ninyo ang mga babae. That's all. Again good morning to you all. I hope you have a great day. Thank you."
Pagkatapos magsalita ay umupo na ako at napuno naman ng bulungan ang buong gym.
"Hindi na ako magtataka kung bakit siya ang President. Galing magsalita."
"Ang galing naman niya"
"Sana hanggang pag-graduate natin nandito pa din siya."
Pumalit naman sa akin ang Principal.
"Narinig niyo naman ang sinabi ng inyong Student Council President hindi ba. Just follow the rules and you won't get into detention. Maaari na kayong umalis at pumunta ng inyong mga klase. Huwag kayong mag-alala kung late na kayo sa mga klase niyo dahil maiintindihan naman iyun ng mga teacher ninyo." utos nito na agad namang sinunod ng mga estudyante.
"Nice one Niella. Once again you've did your job well." puri sa akin ng Principal.
"Salamat po Madame Principal." pasasalamat ko sa kanya.
"Halika na Niella at baka mahuli na tayo sa klase na tayo" aya ni Vie. Mahalaga talaga kay Vie ang pag-aaral.
"Sige po Madame Principal mauna na po kami." paalam ko na tinanguan naman niya.
Halos wala nang estudyante sa gym pero may tao na nakakuha ng atensyon ko. Shane and Seb.
Mukha namang napansin nina Vie ang tinitingnan konkaya hinila na nila ako palabas. Pero bago pa man ako tuluyang makalabas ay nahuli kong nakatingin sa akin ang pinsan kong si Kyle na mukhang nag-aalala.
"Are you ok?" nag-aalalang tanong ni Iah, siya talaga ang pinaka maalalahanin sa amin.
Tumango na lamang ako bilang sagot at naglakad na kami papuntang room. Pagdating namin ay naroon na ang teacher pero hindi nito alintana kung late kami o mga transferee dahil galing pa kami ng orientation maliban na lamang kung dati ka pang eatudyante dito.
Kumatok muna kami para maagaw ang pansin ng guro.
"Good morning ma'am. Sorry po late kami." paumanhin namin sa guro. Kahit alam nito na pumunta pa kami orientation ng mga transferee.
"Ayos lang hindi pa naman kami masyadong nakalalayo sa lesson. Maupo na kayo." wika nito sa amin kaya pumunta na kami sa aming upuan sa dulo.
Sana lang ay hindi ko kaklase yung pinsan ko pati na yung dalawang asungot. Nagpatuloy lang sa pag-discuss ang guro namin ngunit nahinto ito ng may kumatok ulit sa pinto.
Lahat ng atensyon namin ay napunta dito. Nagulat na lang ako ng makita ang pamilyar na mukha. Mukha namang nagulat din ang tatlo kong katabi kaya nakatinginan kami. Ang iba namang babae sa room ay mga kinilig dahil sa nakita.
"Transferee din ba kayo?" tanong ng guro sa kanila.
"Yes po mam" sabay-sabay nilang sagot.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 14 Episodes
Comments