Timeless promise part 3
Biglang napabangon si Seb sa kanyang kama at sumigaw ng Nicolas.
“Ano ba ang ingay mo, natutulog pa ang tao eh.” Sabi ni Nico
“Sorry Big bro nananaginip lang ata ako.” Sabi ni Seb
“Sino ba yang Nicolas na yan, nandito naman ako Nico, ang pogi mong Big bro.” tanong at pagyayabang ni Nico
“Sinong Nicolas?” balik na tanong ni Seb
“Edi yung sinigaw mong pangalan.” Sagot ni Nico
“Di ko maalala, hayaan mo na yun.” Sabi ni Seb
“Umaga na pala, ang sarap matulog lalo na pagkatabi mo ang Baby bro mo.” Sabi ni Nico sabay kiliti sa kilikili at tagiliran ni Seb
“Haha,ha … tumigil ka nga Big bro ano ba.” Pag saway ni Seb kay Nico
“Hindi mo ba namiss to yung pangingiliti ko sa’yo? Tanong ni Nico
“Ano ba, ang kulit parang bata.” Sabi ni Seb
Patuloy ang pangingiliti ni Nico kay Seb at dahil dito ay nahulog sila sa kama pumaibabaw si Nico kay Seb, muntik ng maglapat ang kanilang mga labi, nakatitig lamang si Nico kay Seb na nangungusap ang mga mata at si Seb naman ay umiiwas ng tingin.
“Tumayo ka na nga dyan, papasok pa ako ng school, magkita na lang tayo mamaya pag-uwi ko.” Sabi ni Seb sabay tulak kay Nico.
“Breakfast muna tayo, sabayan mo ako.” Sabi ni Nico sabay yakap kay Seb mula sa likuran.
“Oo na sige na.” Sabi ni Seb
“Yehey, liligo lang ako ha.” Sabi ni Nico.
Sabay silang nag almusal at inihatid ni Nico si Seb sa gate ng bahay, nang biglang tumakbo si Seb pabalik sa kanyang kwarto, pagbaba niya ay tinanong siya ni Nico anong nangyari.
“Nakalimutan ko kasi to eh.” Sabi ni Seb sabay pakita ng isang kwintas.
“Nasa iyo pa pala yan?” Tanong ni Nico
“Oo naman bigay mo ‘to eh.” Sagot ni Seb.
“Akin na ako ang magsusuot sa’yo.” Sabi ni Nico
“Kahit na nabili lang natin to sa antique shop at 2nd hand na pinapahalagahan ko to.” Sabi ni Seb.
“Symbol of infinity ang meaning ng pendant di ba sabi ng pinagbilhan natin? Tanong ni Nico
“Oo, ewan ko nga eh sa dami ng mga bagay na nandun sa shop ito yung nagustuhan natin parehas.” Sagot ni Seb
“O sya sige na baka malate ka, sunduin kita mamaya ha.” Sabi ni Nico
“Sige Big bro.” Pag-sang ayon ni Seb
Hinalikan ni Nico si Seb sa noo bago ito tuluyang umalis papunta ng school. Nagkita sa school si Seb at Marvin, at naikwento nya na napanaginipan na naman nya yung lalaki at mas elaborate na yung naaalala nya sa panaginip nya.
“Baka naman kasi narerelate mo lang yung sarili mo tapos nagbabasa ka pa ng mga lumang kwento kaya ayun napapanaginipan mo.” Sabi ni Marvin.
“Ewan ko ba parang totoong totoo kasi eh.” Sabi ni Seb
“Ano reincarnation ang peg?” Tanong ni Marvin
“Di ko alam basta it has to do something with this necklace.” Sabi ni Seb
“Oh, ano meron sa necklace na yan?” Tanong ni Marvin.
“Sa dream ko kasi ganitong ganito yung binigay nung Nicolas kay Sebastian.” Sagot ni Seb.
“Ay taray may namesung na mga boylet, Seb naging Sebastian, Nico naging Nicolas, sa dream mo ba kasama ako, ang name ko Martina.” Pang-aasar ni Marvin
“Oo kasama ka nadeads ka nga agad eh.” Balik na pang-aasar ni Seb
“Morbid ha, bff mo ako tapos deads agad ako sa dream sequence mo.” Sabi ni Marvin.
“Samahan mo na lang ako mamaya pupunta ako sa pinagbilhan namin nito dati.” Sabi ni Seb.
“Akala ko ba susunduin ka ni kuya Nico?” Tanong ni Marvin.
“Ichat ko na lang sya sabihin ko mamaya na kami magkita sa bahay kasi may dadaanan lang ako.” Sabi ni Seb.
Pagkatapos ng kanilang klase ay dumirecho sila sa antique shop kung saan nila nabili ni Nico ang nasabing kwintas, pinakita niya ito sa may-ari, at laking gulat ng may-ari ng makita ang kwintas.
“Sa pagkakatanda ko wala naman kaming ganyang item dito.” Sabi ng may-ari ng shop.
“Po? Pero dito ko ito nabili 5 years ago.” Sabi ni Seb
“Wait lang titignan ko sa files ha kasi lahat naman ng items nasa files yun kahit matagal ng naibenta.” Sabi ng may-ari.
“Sige po paki check na lang po, para malaman ko lang saan o sino ang may-ari nito dati" sabi ni seb
“Bakit ba obsess ka malaman kung sino may-ari nyang kwintas dati?” Tanong ni Marvin
“Curious lang ako, feeling ko kasi talaga may connection yung mga panaginip ko sa necklace eh.” Sagot ni Seb
“Hijo pasensya ka na ha wala talaga sa list ng inventory yang item, baka sa iba nyo nabili yan, baka nalito ka lang, sabi mo 5 years na di ba?” Sabi ng may-ari ng shop.
“Salamat na lang po, baka nalito nga lang friedship ko.” Pasasalamat ni Marvin.
“Imposible ito lang naman ang antique shop sa lugar natin eh.” Sabi ni Seb
“Come on na, hindi nga daw dito nabili yan.” Sabi ni Marvin sabay hila palabas kay Seb
Habang naglalakad sila napadaan sila sa simbahan, hawak hawak lamang ni Seb ang kwintas at halos tulala siya, nawala na sa kanyang loob na ito ay isuot, sa kanyang pagkatulala sa paglalakad ay nabunggo nya ang isang matanda at nalaglag ang kwintas.
“Sorry po lola, ok lang po ba kayo?” Tanong ni Seb.
“Maayos lang ako paumanhin hijo.” Sabi ng matandang babae
“Naku ako po yung dapat magsorry natutulala po kasi ako.” Sabi ni Seb
“Friend ok lang ba si lola?” Tanong ni Marvin
“Maayos lang naman ako salamat.” Sabi ng matanda.
“Tulungan mo ako friend itayo natin sya.” Sabi ni Seb
“Sandali lamang nailaglag mo ata itong kwintas hijo.” Sabi ng matanda sabay abot ng kwintas kay Seb.
“Salamat po lola.” Sabi ni Seb
Biglang nahilo si Seb pagkahawak sa kamay ng matanda, tinignan pa nya ang matanda na parang maraming katanungan sa kanyang isipan bago siya nawalan ng malay.
“Handa ka na ba maging abay sa aking kasal?” Tanong ni Nicolas
“Kailan ba magiging handang magparaya ang isang pusong patuloy na umaasa?” Pabulong na tanong ni Sebastian.
“May nais ka bang iparating sa akin Sebastian?” Tanong ni Nicolas
Hindi sinagot ni Sebastian ang katanungan ni Nicolas bagkus ay niyapos lamang ng una ang huli, tumulo ang mga luha sa mga mata ni Sebastian habang yakap yakap si Nicolas.
“Sebastian???” Tanong ni Nicolas na madaming katanungan sa mga mata
“Nicolas…” Sabi ni Sebastian, na nangungusap ang mga mata.
Naglapat ang kanilang mga labi, saksi ang apat na sulok ng silid ni Sebastian, mariin, masidhi, punong puno ng panabik ang bawat halik at haplos ng kanilang mga labi at kamay. Patuloy lamang sila sa kanilang ginagawa, at patuloy din ang pag agos ng mga luha sa mata ni Sebastian gayun din ang mga mata ni Nicolas. Kanilang tinanggal ang kanilang pang itaas, at lumakad ang mga halik ni Nicolas sa leeg ni Sebastian patungo sa kanyang tenga, at muling magkikita ang kanilang mga labi, bumaba ang mga halik ni Nicolas sa dibdib ni Sebastian, ramdam niya ang mabilis na tibok ng puso ni Sebastian, ngunit ramdam din niya ang pagmamahal sa kanyang matalik na kaibigan. Naganap ang isang bagay na hindi nila inaasahang mangyayari ni sa guni-guni ay di dapat mang-yari pagkat batid nilang ito’y pagkakasala sa mga mata ng tao at ng Diyos. Kasabay ng pagluha at pagbuhos ng kanilang damdamain ay kasabay ding lumuha ang langit kasabay ng nakabibingi at nakabubulag na mga kidlat at kulog, tila baga ang langit ay naghuhumiyaw sa mga nagaganap sa mga oras na iyon. Nang matapos ang kanilang pagniniig ay humiga sila sa kama ni Sebastian na tanging puting kumot lamang ang nakabalot sa kanilang mga katawan.
“Nicolas, paumanhin hindi dapat ito nangyari.” Paghingi ng paumanhin ni Sebastian
“Pareho nating ginusto ang mga nangyari, wala kang dapat ihingi ng despensa.” Sabi ni Nicolas
“Ngunit labag ito sa mga kasulatan at turo ng simbahan.” Sabi ni Sebastian
“Ikaw ba’y nagsisisi sa ating nagawa?” Tanong ni Nicolas
“Naririnig mo ba ang langit, tila pati ang langit ay di sang-ayon sa mga naganap.” Naluluhang sinambit ni Sebastian
“Sinisinta kita Sebastian, kung alam mo lamang ang pangungulila ko sa’yo noong mga panahaong hindi mo sinasagot ang aking mga liham, tila baga ilang patalim ang sumasaksak sa aking puso.” Bulalas ni Nicolas
“Ngunit wala akong natatanggap na liham, ikaw ang hindi sumasagot sa mga liham ko, sa aking pagkakaunawa.” Naguguluhang sinambit ni Sebastian.
“Sa aking hinuha ay may humadlang sa ating palitan ng telegrama kaya hindi natin nakuhang mabasa ang mga ito.” Sabi ni Nicolas
“Subalit huli na ang lahat, ika’y makikipag isang dibdib na kay Juliana at kung hindi man ay, sinong tatanggap sa pag-ibig na tutol ang langit.” Lumuluhang sinambit ni Sebastian.
“Iyo lamang sabihin, hindi ko itutuloy ang kasalan, kung iyong nais ay lumayo tayo, kung saan walang makakakilala sa’tin.” Mungkahi ni Nicolas.
“Makapangyarihan ang iyong pamilya, sa iyong hinuha hindi ba nila matutukoy kung saan man tayo paroroon.” Pagsalungat ni Sebastian
“Ngunit di ko nais mapalayo sa piling ng aking irog.” Naluluhang sinambit ni Nicolas
“Sinisinta kita subalit hindi sapat ang pagmamahal na ito upang suungin ang galit ng langit, ito ang hagupit ng tadhana sa ating kapalaluan.” Sabi ni Sebastian.
“Buong buhay kong pinangarap ang mga sandaling ito, hindi ito isang guni-guni o panaginip, ngunit tila isang bangungot na patuloy na sumasakal sa akin.” Sabi ni Nicolas
“Nicolas ito na ang una’t huling pagkakataon na pag-uusapan natin ito, mabuting tao si Juliana huwag mo syang hiyain at ang kanyang pamilya sa harapan ng altar.” Pakiusap ni Sebastian.
“Irog ko, pakiusap ayokong malayo pa sa iyo.” Tumatangis na sinabi ni Nicolas
“Pero ito ang nararapat.” Sabi ni Sebastian.
“Hindi ako magiging lubusang maligaya sa piling ni Juliana.” Sabi ni Nicolas
“Pangako, hindi ako mawawala sa tabi mo, kunin man ng Maykapal ang aking buhay ay hahanapin ng aking dungan ay iyong puso, makailang beses mang kitlin ang aking buhay, ilang siglo man ang magdaan pangako ng walang hanggan magkikita tayong muli baka sakaling sa panahoong iyon nararapat na ang ating pagmamahalan.” Sabi ni Sebastian
-itutuloy
-AKI LEE ZHOU-
Please leave your comments
Maayos ba ang pagkakasulat?
May dapat bang baguhin?
May dapat bang idagdag?
Salamat
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments