Part 4

Timeless promise part 4

Naalimpungatan si Seb siya ay nasa kama ng isang ospital, bumangon siya ngunit pinigilan siya ni Marvin, kasama pa din nila ang matandang nakabungo ni Seb sa may simbahan.

“Bakit tayo nasa hospital, what happened?” Tanong ni Seb

“Bigla kang hinimatay sa harap ng simbahan eh.” Sagot ni Marvin

“Sinong nagdala sa akin dito?” Tanong ni Seb

“Tinawagan ko agad si kuya Nico, kami ang nagdala sa’yo, kausap lang nya yung doctor.” Sabi ni Marvin

“Hijo nandito ang iyong kwintas.” Binalik ng matanda sa kamay ni Seb ang kwintas

“Salamat po lola, kayo po ba maayos lang kayo?” pasasalamat at tanong ni Seb sa matanda

“Maayos ako, huwag ka ng mag-alala.” Sagot ng matanda

“Mabuti naman po kung ganoon.” Sabi ni Seb

“Hijo puno ng sakit at pighati ang kwintas na ito.” Sabi ng matanda.

“Ano pong ibig nyong sabihin?” Sabay na tanong ni Seb at Marvin

“Ang hindi nangyari sa nakaraan ay dapat mo ng ituloy sa kasalukuyan.” Sabi muli ng matanda

“Naguguluhan po talaga ako.” Nagugulumihanang tanong ni Seb

“Ang di mo nagawang ipaglaban sa iyong kahapon ay siya mo ng dapat ipaglaban dahil kung hindi ay mauulit lamang trahedya ng nakalipas.” Sabi ng matanda.

Biglang pumasok si Nico sa kwarto para sabihing okay naman ang mga test ni Seb, maaaring sa pagod o fatigue lamang kaya siya hinimatay, maaari na rin siyang umuwi at hindi na kailangan pang iconfine.

“Uuwi na tayo, wag ka na masyado mag-iisip ha.” Sabi ni Nico

“Lola, si kuya Nico nga pala.” Pagpapakilala ni Seb kay Nico

“Huwag mo ng ulitin ang pagkakamali sa nakaraan.” Sabi ng matanda kay Nico sabay hawak sa kamay nito

“Ano ho yun lola?” Gulat na tanong ni Nico

“Tinawid ng iyong mga dungan ang panahon katulad ng iyong pangako, ngunit hindi pa din magiging madali ang lahat, kaya huwag nyong bibitawan ang kamay ng isa’t-isa.” Sabi ng matanda sabay abot ng kamay ni Seb at Nico upang maghawak

“Lola hindi po ba nabagok ang ulo ninyo?” tanong ni Marvin

“Hijo maaari mo ba akong samahan at gabi na, kailangan ko ng umuwi.” Pakiusap ng matanda kay Marvin

“Beks sige na pakisamahan si lola, wag mong hayaang di sya makasakay ng maayos ha.” Sabi ni Seb kay Marvin

“Ok fine, para may quality time kayo, ang drama pa naman nyang Big bro mo kanina.” Sabi ni Marvin bago ito lumabas sa ER kasama ng matanda.

Naiwan sa loob ng ER si Seb at Nico, may nakatakip na kurtina sa kama kung saan nakahiga si Seb kaya walang ibang nakakakita sa kanila, paglabas ni Marvin at ng matanda ay agad niyakap ni Nico si Seb ng pagkahigpit higpit.

“Natakot ako sa maaaring mangyari sa’yo.” Sabi ni Nico

“Okay na ako Big bro ano ka ba.” Sabi ni Seb na napayakap na din

“Di ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka.” Sabi ni Nico

“Ano bang pinagsasabi mo?” Tanong ni Seb

“Baby bro kita, wala akong kapatid alam mo yan, at ikaw lang ang tinuring kong kapatid.” Sagot ni Nico

“Wag ka na magdrama, uwi na tayo, gusto ko na kumain gutom na ako, mas gusto ko luto ni Manang Seña kesa sa mga fastfood.” Pag-aaya ni Seb na umuwi na.

Pag-uwi nila ay kumain lamang sila at naligo, at nagpasya na silang matulog, hindi na sila masyadong nagkwentuhan pa, di na din nasabi ni Seb ang iba pang mga sinabi ng matanda sakanya dahil maging siya man ay naguguluhan. Naunang nakatulog si Nico, napaupo sa kama si Seb, pinagmamasdaan ang nakatatandang kaibigan nang biglang sumagi sa kanyang isipan ang kanyang mga panaginip tungkol kay Sebastian at Nicolas.

“Totoo kayang ikaw si Nicolas at ako si Sebastian, totoo bang nangyari ang mga panaginip ko?” Tanong ni Seb sa kanyang isipan

“Bakit gising ka pa? Kailangan mong magpahinga.” Nagising si Nico

“Matutulog na din ako.” Sabi ni Seb

“May gumugulo ba sa isip mo?” Tanong ni Nico

“Wala don’t mind me, makakatulog din ako maya-maya.” Sagot ni Seb

Kinabukasan ay hindi pumasok si Seb sa school upang makapag pahinga, habang si Nico naman ay umalis muna may aasikasuhin lang sa Manila at gagabihin na ng uwi. Hanggang tanghali lamang ang kanilang klase ng araw na iyon kaya dinalaw ni Marvin si Seb sa kanilang bahay.

“So convince ka na, na totoo yung mga panaginip mo?” Tanong ni Marvin

“Sa totoo lang naguguluhan pa din ako.” Sagot ni Seb

“Wala ka ba balak sabihin yan sa Big bro mo?” Tanong ni Marvin

“And then what, taking the risk na masira ang pagkakaibigan naming dalawa?” balik na tanong ni Seb

“Sabi nga ni lola di ba ipaglaban ang hindi naipaglaban, paano mo ipaglalaban ang isang bagay kung from the start takot kang harapin.” Sabi ni Marvin

“Pero hindi naman ako sigurado, tsaka paano kung kami nga si Nicolas at Sebastian, paano kung nagbago na ang isip nya centuries, decades na nag nagdaan.” Agam-agam ni Seb

“Hindi mo malalaman ang sagot kung hindi mo haharapin.” Sabi ni Marvin.

“Paano kung hindi sya maniwala?” Tanong ni Seb

“Just be ready for anything, I’m here lang naman beks if you need me.” Sabi ni Marvin.

“Salamat beks, at nandyan ka for me.” Sabi ni Seb.

Hindi din nagtagal si Marvin dahil may iba pa itong lakad kasama ang mga magulang nito. Kahit binawalan si Seb na lumabas ng bahay ay lumabas siya ng bahay upang magpunta sa simbahan habang si manang Seña ay nasa palengke ay pumuslit siya.

Nagtulos siya ng kandila at pumasok sa loob ng simbahan para manalangin, ipinagdasal niya na bigyang liwanag ang kanyang isipan, at lakas ng loob upang ipagtapat kay Nico ang posibilidad na sila ay reincarnation ni Sebastian at Nicolas.

Nang matapos siyang magdasal ay lalabas na sana siya ng simbahan ng hawakan ng isang matanda ang kanyang kamay.

“Lola kayo po ulit?” Tanong ni Seb

“Sa iyong pag-uwi sa likod ng malaking puno sa tabi ng iyong silid.” Sabi ng matanda

“Ano po iyon lola?” muling tanong ni Seb

“Doon mo makikita ang kasagutan sa iyong mga agam-agam.” sagot ng matanda

“Ano pong meron sa sa likod ng puno?” Makulit na tanmong ni Seb

“Malalaman mo pag hinukay mo na ang iyong nakaraan.” Sabi ng matanda bago ito umalis.

-itutuloy

-AKI LEE ZHOU-

Please leave your comments

Maayos ba ang pagkakasulat?

May dapat bang baguhin?

May dapat bang idagdag?

Salamat

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play