Back To The Past
(Heavy rain and lightning)
10:49 PM August 27, 2029
"Ano ba Rica?! Ano bang problema?!" Malakas na sigaw nya sa'kin habang kami ay nasa labas ng aming bahay.
"Itigil na natin to! Ayoko na! Nasasaktan lang ako, ikaw, wala nang rason pa para ipagpatuloy pa natin ito, kaya tama na!" Tuloy ang aking pag-iyak at pag-mamakaawa na itigil na namin ang relasyon naming dalawa.
10:50 na ng gabi, wala ring tigil ang pag-iyak ni Zedric at pag-mamakaawa na 'wag ko syang iwan. Gusto ko man manatili, ngunit mali na.
"We've been together for five years Zedric, five years, pero sa limang taon na yun, puro nalang tayo ganito, away, sagutan, sakitan, tampuhan, ni hindi ko na rin maramdaman yung pagmamahal na galing sa'yo" Tinitigan ko sya at nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.
"Yes, we've been together for five years. But rica, minahal kita at seryoso ako sa nararamdaman ko sa'yo. Hindi lang din ikaw yung nasasaktan dito, ako rin! Sa tingin mo ba madali lahat nang 'to?! sa tingin mo rin ba nararamdaman ko pang mahal mo ako?!" Dama ko ang nginig at sakit sa boses ni Zedric.
Wala pa ring tigil ang kanyang pag-iyak at ramdam ko rin ang diin ng kanyang kamay sa akin.
"Kaya nga itigil na natin to, wala nang rason pa para ituloy natin to. Busy na rin tayo sa mga trabaho natin and both of us are just hurt. Just leave." Tinutulak ko sya papalayo sa akin para umalis na sya ngunit nakatayo lamang sya na parang hinihintay nya akong matapos magsalita.
Tumalikod na lamang ako at nagbabalak nang pumasok sa loob ng bahay, hindi ko na rin kinakaya dahil sa lakas ng ulan at kidlat.
"Do you regret it?"
Napahinto ako sa aking paglalakad nang marinig ang boses na galing sa kanya.
"What do you mean? Regret?" Naguguluhan kong tanong at humarap muli ako sa kanya.
"Na nakilala mo ako, na ako yung nakatuluyan at minahal mo?" Patuloy lang syang nakatayo habang nakatingin sa'kin, nakita ko rin ang mga pagpatak ng luha nya at lungkot sa mukha.
"I don't regret it because I love you truly and I am happy with you. But.." lumapit ako sa kanya at tinitigan ko sya sa mga mata.
"..I wish we could go back to a time when we didn't know each other." Because if I only knew that we would be like this, it would be better if we didn't meet than to see you hurting.
Nagpatuloy na muli ako sa aking paglalakad at iniwan syang mag isa sa labas ng aming bahay.
ZEDRIC'S POV
"That's it? did I hurt you so much that you could bear to see me like this and leave me here.."
We love each other and we're each other's first love, but it's been hard for us. May mga oras na hindi kami magkasundo at may mga bagay rin na hindi namin maintindihan ang isa't isa. It's true that in five years there hasn't been a day na hindi kami okay. May mga tampuhan, galit at sakit ang nangyayari sa'min and I wasn't there by her side when she needs me, but she also wasn't there when I needed her.
We failed to understand each other because we chose to keep quiet and didn't listen to each other's feelings.
"I promise you that my heart will still look for you even if we go back to the past where I didn't know you."
(Heavy rain stops)
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments