(Heavy rain and lightning)
10:49 PM August 27, 2029
"Ano ba Rica?! Ano bang problema?!" Malakas na sigaw nya sa'kin habang kami ay nasa labas ng aming bahay.
"Itigil na natin to! Ayoko na! Nasasaktan lang ako, ikaw, wala nang rason pa para ipagpatuloy pa natin ito, kaya tama na!" Tuloy ang aking pag-iyak at pag-mamakaawa na itigil na namin ang relasyon naming dalawa.
10:50 na ng gabi, wala ring tigil ang pag-iyak ni Zedric at pag-mamakaawa na 'wag ko syang iwan. Gusto ko man manatili, ngunit mali na.
"We've been together for five years Zedric, five years, pero sa limang taon na yun, puro nalang tayo ganito, away, sagutan, sakitan, tampuhan, ni hindi ko na rin maramdaman yung pagmamahal na galing sa'yo" Tinitigan ko sya at nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.
"Yes, we've been together for five years. But rica, minahal kita at seryoso ako sa nararamdaman ko sa'yo. Hindi lang din ikaw yung nasasaktan dito, ako rin! Sa tingin mo ba madali lahat nang 'to?! sa tingin mo rin ba nararamdaman ko pang mahal mo ako?!" Dama ko ang nginig at sakit sa boses ni Zedric.
Wala pa ring tigil ang kanyang pag-iyak at ramdam ko rin ang diin ng kanyang kamay sa akin.
"Kaya nga itigil na natin to, wala nang rason pa para ituloy natin to. Busy na rin tayo sa mga trabaho natin and both of us are just hurt. Just leave." Tinutulak ko sya papalayo sa akin para umalis na sya ngunit nakatayo lamang sya na parang hinihintay nya akong matapos magsalita.
Tumalikod na lamang ako at nagbabalak nang pumasok sa loob ng bahay, hindi ko na rin kinakaya dahil sa lakas ng ulan at kidlat.
"Do you regret it?"
Napahinto ako sa aking paglalakad nang marinig ang boses na galing sa kanya.
"What do you mean? Regret?" Naguguluhan kong tanong at humarap muli ako sa kanya.
"Na nakilala mo ako, na ako yung nakatuluyan at minahal mo?" Patuloy lang syang nakatayo habang nakatingin sa'kin, nakita ko rin ang mga pagpatak ng luha nya at lungkot sa mukha.
"I don't regret it because I love you truly and I am happy with you. But.." lumapit ako sa kanya at tinitigan ko sya sa mga mata.
"..I wish we could go back to a time when we didn't know each other." Because if I only knew that we would be like this, it would be better if we didn't meet than to see you hurting.
Nagpatuloy na muli ako sa aking paglalakad at iniwan syang mag isa sa labas ng aming bahay.
ZEDRIC'S POV
"That's it? did I hurt you so much that you could bear to see me like this and leave me here.."
We love each other and we're each other's first love, but it's been hard for us. May mga oras na hindi kami magkasundo at may mga bagay rin na hindi namin maintindihan ang isa't isa. It's true that in five years there hasn't been a day na hindi kami okay. May mga tampuhan, galit at sakit ang nangyayari sa'min and I wasn't there by her side when she needs me, but she also wasn't there when I needed her.
We failed to understand each other because we chose to keep quiet and didn't listen to each other's feelings.
"I promise you that my heart will still look for you even if we go back to the past where I didn't know you."
(Heavy rain stops)
ZEDRIC'S POV
(Heavy rain stops)
Nagulat ako nang tumigil ang ulan na parang tumigil din ang oras. Tumingin ako sa paligid at wala akong nakitang iba, kundi ako lang. Nakakita ako ng liwanag sa gitna ng daan, hugis bilog ito at napakalaki na kayang humigop ng isang tao.
Lumapit ako dahil nacurious ako sa kung anong meron sa bilog na 'to, nang iabot ko ang aking kamay sa loob, may isang kamay ang humatak sa'kin papasok sa isang weird na bilog or pasukan.
RICA'S POV
Nakapasok na ako sa loob ng bahay at napaupo sa sahig sa sobrang panghihina dahil sa nangyari. Tuloy pa rin ang hagulgol ko at sakit na nararamdaman ko sa aking dibdib, we were each other's first love, why did it end like this?
Habang nakayuko ako ay nakaramdam ako ng malakas na hangin mula sa aking harapan at napansin ko ang lumiliwanag na bilog na napakalaki. Nadala ako sa pagkacurious ko kaya naman naisipan kong pumasok sa loob.
Pagkapasok ko ay nakita kong nakapalibot sa akin ang mga memories namin ni Zedric, mga nangyari sa'min mula nung nagkakilala kami sa high school at yung pinaka present ngayon. Tanda ko pa nung high school kung saan kami unang nagkakilala, wow I miss those days.
"Are you ready to forget everything you shared with this man?"
Napatalon ako sa gulat nang biglang may nagsalita sa aking likuran, hindi ko sya makita dahil sa liwanag.
"What do you mean? forget everything we shared? zedric?" tanong ko mula sa lalaking nagsalita.
"Yes, I'm ready to take you back to the past where you didn't know each other." Kinikilabutan ako sa mga salita nya, sino ba s'ya? Kaya nya ba talaga na gawin yun?
"Imposible yan, sino ka ba?" hindi nya ako sinagot at nakatayo lang sa may liwanag.
"There's no need for that, I'm asking you if you want to go back to the past where you didn't meet Zedric."
Napaisip na lamang ako. Kung makakabalik nga ako sa past, kung saan hindi pa namin kilala ang isa't isa, may chance akong baguhin ang future, sa ganun hindi sya masasaktan na nakilala nya ako.
"Kung pumayag ako sa gusto mo? Anong mangyayari sa'kin? Sa future?" nag aalala kong sinabi sa kanya.
"You will lose everything you shared together and you will also forget who the man Zedric is. You will go back to the past where you have never met each other. So now, what is your decision? will you come back or stay?"
I love him, I can't forget everything we shared together. But, Ito lang siguro yung paraan upang kalimutan lahat ng sakit na nangyari sa'min, sa ganun hindi ko rin sya makikitang nasasaktan at umiiyak na ako yung dahilan.
"Okay, I'm ready to go back in time." kinakabahan ako sa ginagawa ako, what if mamatay ako?
"All you need to do is close your eyes and take a deep breath."
Pinikit ko ang mga mata ako at sabay huminga ng malalim, handa na nga ba talaga ako na kalimutan ang lahat?
"1.."
Babalik ako kung saan hindi kami nagkakilala.
"2.."
Sana this time, tama na lahat ng gagawin ko. Sana ngayon, makita na muli kitang masaya.
"3... returning to the past has succeeded."
Zedric.
......................
(people talking)
"Hoy! Gumising ka na! Recess na, natulog ka ba buong lesson? ano natutunan mo nyan?"
"Shhh! wag ka maingay, kakagising nga lang nung tao eh, respesto naman"
Ang bigat ng ulo ko, parang nanggaling ako sa mahabang panaginip. Nang iangat ko ang ulo ko, biglang tumulo ang luha ko, huh?
"Hala! Ba't ka umiiyak? anyare? bad dreams ba yan? ayan, tulog ka kasi nang tulog." lakas talaga ng boses nitong si melmar, kahit maliit na tao lang.
"Ewan ko rin, recess na diba? tara sa canteen" tumayo na kami at lumabas ng room, papunta na kami sa cafeteria ngayon.
"Grabe no, bilis ng araw kasi akalain mo yun malapit na mag September tas pasko na" sabi ni hannah habang kumakain ng lollipop.
"Why? anong date na nga ulit ngayon?" tanong ko sa kanila.
"August 22 2023 beh, lapit na mag 2024"
Ba't parang may kakaiba? Feel ko ang tanda ko na. Hindi kaya naaadik na ako?
Nandito na kami sa cafeteria, bumibili na kami ng pagkain namin at wala pa ring tigil ang bibig ni melmar habang si hannah nasa phone naman. Iba talaga kapag first week ng class. Ang gulo.
Nang palabas kami sa cafeteria, may isang lalaking naka bunggo sa'kin.
"Sorry" mahinang pagkakasabi ng lalaki. Tumango lamang ako at nagpatuloy na kami sa paglalakad papuntang classroom.
Habang naglalakad kami, hindi matanggal sa isipan ko ang lalaki. Kaya tinanong ko kila hannah at melmar kung sino ang lalaking iyun.
"Kilala nyo ba yun? Yung lalaking nakabunggo sa'kin kanina sa cafeteria? grabe ang tangkad" sabi ko habang kumakain ng chichirya.
"Ahhh, si Zedric? kaklase natin yun, hindi mo nakilala?" inis na sinabi sa'kin ni hannah habang nakatingin sa phone nya.
"Zedric?" Huh? ba't parang narinig ko na to dati, pati mukha nya familiar.
weird.
Download MangaToon APP on App Store and Google Play