Kiss & Say Goodbye

Kiss & Say Goodbye

Chapter 1

Marahang pinahid ni selina ang mga luhang nalaglag sa kanyang mga mata.

Sa tuwing makikita niya ang bunsong kapatid na si Bert sa nakalulunos nitong kalagayan, hindi niya maiwasang mapaiyakdahil sa awa dito.

Na mamanas na ang maliliit na binti ng batang anim na taong gulang pa lang, ang gwapo sana nitong mukha ay namamaga na rin at bakas ang paghihirap.

Lalo na kapag dumadaing sa sakit ng

balakang at mga tuhod.

Congenital ang sakit sa bato ng bata na nahihirapan mag-function kay namamanas ito.

Operasyon ang kaylangan upang kahit paano ay humaba pa ang buhay nito ngunit napakalaking halaga ang kailangan.

Kailangan din sana ng regular na dialisis.

“ Anak sige na, pumasok ka na, ” wika ni Aling Miriam.

“ Ako na ang bahala kay Bert, ” pagtataboy sa kanya ng ina.

“P-pero Inay, paano ho 'yan, iyak nang iyak si Bert? Talagang kailangang maoperahan na siya.”

“Alam ko, Selena. kaya lang, wala talaga tayong magawang paraan. ”

Napabuntong-hininga na lang siya.

Mula't sapul, ganito na ang katwiran ng ina.

Kung walang magagawa para isalba ang isang buhay, ipag pasa-Diyos na lang.

kagaya rin nang magkasakit ang tatay niya noon sa baga.

Namatay itong walang lunas dahil walang ginawa ang kanyang ina

Sabagay ano ba naman ang magagawa nito? Garde six lang ang natapos ang natapos ng babae, labandera at plantsadora lang ang alam nitong trabaho.

Bukod doon, wala naman silang kamag-anak na narito sa lungsod.

Lahat ay nasa probinsya. Pero kinse anyos pa siya noong mamatay ang tatay niya at siya mismo ay walang magawang paraan dahil wala pa siyang gaanong alam sa mundo.

Pero ngayon, may isip na siya katunayan ay naka gawa siya ng paraan na makapagtapos ng Nursing Cours kahit pa gumapang siya sa hirap. nag-aral siya sa gabi at nagtatrabaho sa araw. Kahit ano, pinasok niya makaipon lang nga pera para makapag-enroll.

At sa malas, siya ang mapipilitang gumawa ng paraan ngayon para maisalba ang buhay ng kaisa-isang kapatid.

Ngunit wala rin naman syang maisip na paraan upang magkapera ng malaki.

Ngunit wala rin naman siyang maisip na paraan upang magkapera ng malaki.

Pero hindi ako papayag na mamatay na walang lunas si Bert.

Kahit ano, gagawin ko, sumpa niya sa sarili bago sinulyapang muli ang kapatid na nakahiga sa katre.

“Aalis na ho ako, Inay,” paalam ni selina sa ina

“Sige, anak”

“HE'S STILL in coma,” wika ng doktor na tumitingin kay Clarence.

“God!” Nakuyom ni Lander ang kamao nang marinig ang sinabing iyon ng doktor.

“P-pero Dok, mag-iisang linggo na siyang ganyan, hindi ba?” umiiyak na wika ni Isabelle na mababakas na sa mukha ang hindi matatawarang hirap ng kalooban at hirap ng katawan sa ilang araw na pagbabantay sa asawa.

Episodes
Episodes

Updated 2 Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play