“Yes. Pero huwag kayong mag-alala, may mga ipinakikita na siyang sign na babalik na siya. Paminsan-minsan ay gumagalaw ang mga daliri at talukap ng kanyang mata. Aside from that, minsan ay bumibilis ang tibok ng kanyang puso kapag kinakausap ninyo, hindi ba Señora Isabelle?”
“O-oho,” pasikot na tugon ng ginang.
“And it's a good sign na naririnig niya ang mga nag-uusap sa kanyang paligid.”
Gustong kumalma ni Isabelle sa narinig.
“ Dok, kumusta naman ho ang papa ko? untag ni Lander dito.
Bahagyang kumulimlim ang mukha ni Doctor Sarmiento. Pagkuwa'y saglit niyang sinulyapan si Saling na tulalang nakatitig sa nakaratay na asawa.
Gusto nilang magkasama sa isang maluwang na silid ang magkapatid upang kahit paano ay pare-pareho lumakas ang kanilang loob.
“Well, sabagay ay alam na rin ito ng mama mo. Nasa kritikal pa rin si Señor Augusto. Kahit nauna siyang nagkamalay, mas malubha ang mga tama niya ng bala.
Oo nga't nakuha na namin ang ilang bala sa kanyang katawan, still, under observation pa rin siya. Bigla nalang kasing bumaba ang kanyang BP at humihina ang tibok ng kanyang puso.”
“Oh God” Napatutop sa noo si Lander at napasulyap sa ina. “ Pero ginawa namin ang lahat, Hijo.”
Napatango na lang ang binata at humakbang palapit sa ina.
“ ma... ”
“A-anak...” pahikbing bumaling si Saling sa kanya. “A-ang papa mo...” Saka tuluyang yumakap sa kanya.
“I know Ma, don't worry, he can make it.
Tumawag na sina kuya Lorenzo at Philip, pauwi na dula. Si Regine ay nasa ospital at bagong panganak kaya hindi namin masabi nang husto ang lagay ni papa.
Baka mabinat. Dumating na si Angelo at patungo na raw siya rito.”
“ H-huwag mo muna akong iiwan, anak, ha? H-hindi ko ito kaya,” paiyak na wika ni Saling.
“Don't worry, Ma, I'm always here.”
“P-pero mamaya ay pupunta ka na naman sa istasyon para magbalita, hindi ba?”
“Ma, sandali lang `yon. Isa pa, darating naman si Angelo mamaya.”
Hindi na kumibo di Saling at muling yumakap sa anak na tanging nasa yabi nito sa mga sandaling iyon.
“Kumusta na rito?” tanong nang papasok na si Jake.
“Jake, Hijo,” bigla na namang naiyak si Isabelle nang makita ang pamangkin na anak ni Zoren. “ Hindi mo paba makontak ang papa mo?” pahikbing tanong nito.
“Hindi pa ho, eh. Huwag na kayong umiyak,” nag-aalalang niyakap ni jake ang tiyahin.“P-paano akong hindi iiyak, tignan mo naman ang kalagayan ng Uncle Clarence mo.”
“Tita Isabelle, please calm down,”
masuyong wika ni Jake sa tiyahin habang hinihimas ang likod nito.
“H-how could I? Nasa kritikal na kondisyon ang Uncle Clarence mo!” kandabuhol ang hininga sa kaiiyak na wika ni Isabelle. “A-at ang sabi ng doctor ay hindi pa alam kung kailan siya magkakamalay.”
“ Tita, huwag kayong mag-alala, kaya `yan ni Uncle Clarence. He will survive,” pagbibigay-lakas-loob naman ni Lander na saglit na iniwan ang ina.
Minsan pang napasigok si Isabelle.
“P-paano mo nassasabi ` yan, kung ang mama mo nga ay nanghihina rin ang loob dahil ooperahan uli ang papa mo?”
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments
Armin Arlert
Author, you can't leave me hanging like this. Please update soon!
2024-01-09
0