NovelToon NovelToon

Kiss & Say Goodbye

Chapter 1

Marahang pinahid ni selina ang mga luhang nalaglag sa kanyang mga mata.

Sa tuwing makikita niya ang bunsong kapatid na si Bert sa nakalulunos nitong kalagayan, hindi niya maiwasang mapaiyakdahil sa awa dito.

Na mamanas na ang maliliit na binti ng batang anim na taong gulang pa lang, ang gwapo sana nitong mukha ay namamaga na rin at bakas ang paghihirap.

Lalo na kapag dumadaing sa sakit ng

balakang at mga tuhod.

Congenital ang sakit sa bato ng bata na nahihirapan mag-function kay namamanas ito.

Operasyon ang kaylangan upang kahit paano ay humaba pa ang buhay nito ngunit napakalaking halaga ang kailangan.

Kailangan din sana ng regular na dialisis.

“ Anak sige na, pumasok ka na, ” wika ni Aling Miriam.

“ Ako na ang bahala kay Bert, ” pagtataboy sa kanya ng ina.

“P-pero Inay, paano ho 'yan, iyak nang iyak si Bert? Talagang kailangang maoperahan na siya.”

“Alam ko, Selena. kaya lang, wala talaga tayong magawang paraan. ”

Napabuntong-hininga na lang siya.

Mula't sapul, ganito na ang katwiran ng ina.

Kung walang magagawa para isalba ang isang buhay, ipag pasa-Diyos na lang.

kagaya rin nang magkasakit ang tatay niya noon sa baga.

Namatay itong walang lunas dahil walang ginawa ang kanyang ina

Sabagay ano ba naman ang magagawa nito? Garde six lang ang natapos ang natapos ng babae, labandera at plantsadora lang ang alam nitong trabaho.

Bukod doon, wala naman silang kamag-anak na narito sa lungsod.

Lahat ay nasa probinsya. Pero kinse anyos pa siya noong mamatay ang tatay niya at siya mismo ay walang magawang paraan dahil wala pa siyang gaanong alam sa mundo.

Pero ngayon, may isip na siya katunayan ay naka gawa siya ng paraan na makapagtapos ng Nursing Cours kahit pa gumapang siya sa hirap. nag-aral siya sa gabi at nagtatrabaho sa araw. Kahit ano, pinasok niya makaipon lang nga pera para makapag-enroll.

At sa malas, siya ang mapipilitang gumawa ng paraan ngayon para maisalba ang buhay ng kaisa-isang kapatid.

Ngunit wala rin naman syang maisip na paraan upang magkapera ng malaki.

Ngunit wala rin naman siyang maisip na paraan upang magkapera ng malaki.

Pero hindi ako papayag na mamatay na walang lunas si Bert.

Kahit ano, gagawin ko, sumpa niya sa sarili bago sinulyapang muli ang kapatid na nakahiga sa katre.

“Aalis na ho ako, Inay,” paalam ni selina sa ina

“Sige, anak”

“HE'S STILL in coma,” wika ng doktor na tumitingin kay Clarence.

“God!” Nakuyom ni Lander ang kamao nang marinig ang sinabing iyon ng doktor.

“P-pero Dok, mag-iisang linggo na siyang ganyan, hindi ba?” umiiyak na wika ni Isabelle na mababakas na sa mukha ang hindi matatawarang hirap ng kalooban at hirap ng katawan sa ilang araw na pagbabantay sa asawa.

Chapter 2

“Yes. Pero huwag kayong mag-alala, may mga ipinakikita na siyang sign na babalik na siya. Paminsan-minsan ay gumagalaw ang mga daliri at talukap ng kanyang mata. Aside from that, minsan ay bumibilis ang tibok ng kanyang puso kapag kinakausap ninyo, hindi ba Señora Isabelle?”

“O-oho,” pasikot na tugon ng ginang.

“And it's a good sign na naririnig niya ang mga nag-uusap sa kanyang paligid.”

Gustong kumalma ni Isabelle sa narinig.

“ Dok, kumusta naman ho ang papa ko? untag ni Lander dito.

Bahagyang kumulimlim ang mukha ni Doctor Sarmiento. Pagkuwa'y saglit niyang sinulyapan si Saling na tulalang nakatitig sa nakaratay na asawa.

Gusto nilang magkasama sa isang maluwang na silid ang magkapatid upang kahit paano ay pare-pareho lumakas ang kanilang loob.

“Well, sabagay ay alam na rin ito ng mama mo. Nasa kritikal pa rin si Señor Augusto. Kahit nauna siyang nagkamalay, mas malubha ang mga tama niya ng bala.

Oo nga't nakuha na namin ang ilang bala sa kanyang katawan, still, under observation pa rin siya. Bigla nalang kasing bumaba ang kanyang BP at humihina ang tibok ng kanyang puso.”

“Oh God” Napatutop sa noo si Lander at napasulyap sa ina. “ Pero ginawa namin ang lahat, Hijo.”

Napatango na lang ang binata at humakbang palapit sa ina.

“ ma... ”

“A-anak...” pahikbing bumaling si Saling sa kanya. “A-ang papa mo...” Saka tuluyang yumakap sa kanya.

“I know Ma, don't worry, he can make it.

Tumawag na sina kuya Lorenzo at Philip, pauwi na dula. Si Regine ay nasa ospital at bagong panganak kaya hindi namin masabi nang husto ang lagay ni papa.

Baka mabinat. Dumating na si Angelo at patungo na raw siya rito.”

“ H-huwag mo muna akong iiwan, anak, ha? H-hindi ko ito kaya,” paiyak na wika ni Saling.

“Don't worry, Ma, I'm always here.”

“P-pero mamaya ay pupunta ka na naman sa istasyon para magbalita, hindi ba?”

“Ma, sandali lang `yon. Isa pa, darating naman si Angelo mamaya.”

Hindi na kumibo di Saling at muling yumakap sa anak na tanging nasa yabi nito sa mga sandaling iyon.

“Kumusta na rito?” tanong nang papasok na si Jake.

“Jake, Hijo,” bigla na namang naiyak si Isabelle nang makita ang pamangkin na anak ni Zoren. “ Hindi mo paba makontak ang papa mo?” pahikbing tanong nito.

“Hindi pa ho, eh. Huwag na kayong umiyak,” nag-aalalang niyakap ni jake ang tiyahin.“P-paano akong hindi iiyak, tignan mo naman ang kalagayan ng Uncle Clarence mo.”

“Tita Isabelle, please calm down,”

masuyong wika ni Jake sa tiyahin habang hinihimas ang likod nito.

“H-how could I? Nasa kritikal na kondisyon ang Uncle Clarence mo!” kandabuhol ang hininga sa kaiiyak na wika ni Isabelle. “A-at ang sabi ng doctor ay hindi pa alam kung kailan siya magkakamalay.”

“ Tita, huwag kayong mag-alala, kaya `yan ni Uncle Clarence. He will survive,” pagbibigay-lakas-loob naman ni Lander na saglit na iniwan ang ina.

Minsan pang napasigok si Isabelle.

“P-paano mo nassasabi ` yan, kung ang mama mo nga ay nanghihina rin ang loob dahil ooperahan uli ang papa mo?”

Download NovelToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play