004 : THE MISTAKE

004 : THE MISTAKE

One night, lumabas ng cottage nila si Ica dahil hindi ito makatulog. Uupo lang sana siya sa coff ee table sa gilid ng cottage nila nang sa gitna ng madilim na paligid ay may nahagilap ang kanyang mga mata na isang ilaw mula sa kalayuan.

Kumunot ang noo niya at nagtaka kung ano at kung bakit may ganun kaya kahit na kinakabahan ay naglakad siya papalapit dun.

Dahan dahan, na para bang isang maliit na pusa para hindi niya makuha ang atensyon ng kung ano o sino mang pinanggagalingan ng ilaw na iyon.

Ilang hakbang nalang ay malapit na si Ica ng biglang nawala sa kanyang paningin ang ilaw. Nagpalinga linga siya sa paligid at pilit na hinahanap iyon pero wala siyang nakita.

Maya maya pa ay napasigaw ng napakalakas si Ica dahil sa biglang paglabas ni Ivan mula sa malalabong at matataas na halaman na nakatuon ang ilaw ng flashlight sa mukha nito.

" Ivan naman eh! ", sita nito kay Ivan habang hawak hawak ang dibdib sa sobrang kabog nito at dahil narin sa sobrang kaba.

Napatawa naman si Ivan at hinahaplos ng marahan ang likod ni Ica para pakalmahin ito.

" Ica sorry, hindi ko naman kasi inaasahan na susundan mo ako dito. Akala ko tulog ka na ",

" Hindi ako makatulog, naiinggit nga ako kila Mama at Kuya ang hihimbing ng mga tulog nila ",

Napatingin naman sa kanya si Ivan saka yumuko at umiwas ng tingin. " Ako din, pareho tayo ",

" San ka ba pupunta? Hindi ka ba takot libutin ang buong resort ng ikaw lang? At sa madaling araw pa talaga? ",

" Hindi, minsan lang to. Sinusulit ko lang ang time na napaka-tahimik ng buong paligid at walang ibang tao. Tsaka minsan, mas maganda ang ibang lugar kapag gabi ",

Sagot ni Ivan tsaka umakyat sa swinging bridge. Nagulat naman si Ica sa kanya kasi hindi nito namalayan na nasa bridge na pala sila. Mahaba ang bridge at gawa lamang ito sa malalaking pisi na itinali at sa baba nito ay ang malakas na agos ng tubig.

" Sama ka? ",

" Saan? ", nag-aalangang tanong ni Ica kasi kahit kailan man ay hindi pa nito nararating ang ganitong bahagi ng resort kahit na ang kabilang parte nito. At hindi pa nito nasusubukang dumaan sa bridge, natatakot kasi ito na baka mahulog.

" May isa pang falls dito sa resort kaso hindi na siya nito under ng property, sure akong magugustuhan mo din dun ",

Napayuko si Ica para pag-isipan ang gagawin. Gusto niyang makita ang falls na tinutukoy ni Ivan, kaso nag-aalangan ito.

Wala naman siguro dibang mangyayaring masama? Tanong nito sa sarili.

Napaangat siya ng tingin at nakitang nakangiting naghihintay si Ivan sa magiging desisyon niya.

Inabot ni Ica ang kamay ni Ivan at tinulungan siya nitong maka-akyat sa bridge. Mula sa malamig na mga kamay at nanginginig na mga tuhod ay buong tapang na tinahak ni Ica ang maugang bridge. Nakaalalay naman sa kanya si Ivan na kahit nauuna itong maglakad ay nakahawak ito sa likod ni Ica na mahigpit na nakahawak sa tulay.

Makalipas ang ilang minuto, narating na nga nila ang falls. Sobrang lakas ng tunog ng paghampas ng tubig nito mula sa taas sa mga bato at natatalsikan nito sila Ica at Ivan.

Napangiti naman si Ica at nakanga-ngang nakatingin sa buong paligid.

" Sabi sayo magugustuhan mo, upo tayo dito ",

Tumango sa kanya si Ica at pumunta sa tabi niya. " Dahan dahan baka madulas ka ", sabi nito kay Ica sabay hawak sa dalawang kamay nito at tinulungan na makaupo.

Napabuntong hininga si Ivan dahil sa magandang tanawin at sa masarap na pakiramdam na hatid nito sa kanya, lalo na sa saya na ngayon ay kasama niya ngayon rito si Ica.

Tahimik lang silang dalawa habang pinapanuod ang pagbuhos ng tubig mula sa falls. Kahit na natatalsikan sila ng alon ay hindi nila ito pansin.

" Ang ganda ", bulong ni Ica na hindi pa rin inaalis ang ngiti at tingin sa falls.

Napalingon naman sa kanya si Ivan at napangiti, tahimik na pinagmamasdan ang magandang mukha ni Ica habang manghang mangha ito. Kahit na madilim, ay hindi nito natatago ang kagandahan ni Ica, nagmistula siyang lumiliwanag sa mga mata ni Ivan.

" ... Parang ikaw ", sambit ni Ivan out of nowhere. Narinig iyon ni Ica kaya agad itong napatingin sa kanya dahil sa sobrang gulat. Napaiwas naman agad ng tingin si Ivan, pero bago pa man ito umiwas ay nakita na ni Ica itong nakangiti.

Halos hindi siya makapaniwala, tama ba ang narinig niya? Parang ako? Seryoso ba si Ivan sa sinabi niya? Ngayon niya lang kasi ito narinig mula kay Ivan. Bilang isang babae na may gusto sa isang lalaki, at narinig mong sinabe yun ng taong gusto mo, diba magugulat ka din?

Mula sa pagkamangha ay napalitan ng pagkalito si Ica, hindi niya alam kung ano ang gagawin. Naguguluhan siya sa sinabi ni Ivan, maliit na bagay pero dahil dun ay sobrang bilis ng tibok ng kanyang dibdib ngayon.

Dahil dun ay parang nabuhayan siya ng loob na may pag-asa siya kay Ivan, na baka gusto din siya nito pero hindi niya lang masabi. O baka naman ngayon lang nito narealized na gusto na din siya nito.

" Ivan? ",

" Hmmm ",

" May itatanong sana ako, kung ok lang ",

Napatingin naman sa kanya si Ivan na bakas sa mukha nito ang pagtataka.

" Sure, ano yun ",

Napayuko si Ica habang pinag-iisipan kung paano ba ito sasabihin ang iniisip. Ayaw kasi nitong magmukhang obsessed or narcissist sa paningin ni Ivan.

" Sa tingin mo, may chance ba ako sayo? May chance bang maging tayo ",

Nanlaki ang mga mata ni Ivan sa sinabe ni Ica at nabalisa. Hindi kasi nito inaasahan na tatanungin siya nito, hindi siya nakapag-handa. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin, kung ano ang isasagot kay Ica. Sasabihin na ba niya kay Ica na gusto din niya ito? Ito na ba ang tamang oras?

Pano kung umamin na din siya kay Ica, ano kaya ang magiging reaction nito? Ano ang mangyayari sa kanila bukas pagkatapos nito? Magiging magkaibigan parin ba sila?

Maraming bagay at tanong ang pumapasok sa isip ni Ivan, hindi siya makapag-isip ng maayos.

" Ica, I'm sorry hindi pa kasi ako ready ",

Nabalot ng katahimikan ang buong paligid. Hindi umimik si Ica, ni hindi rin nito inangat ang ulo mula sa pagkakayuko. Ni hindi rin makatingin si Ivan sa direksyon niya.

Nagsisisi si Ivan sa mga salitang lumabas sa bibig niya. Bakit yun ang sinabe ko? Hindi yun ang gusto ko. Ica mahal kita ang daling sabihin pero bakit hindi ko magawa?

Maya maya pa ay may narinig si Ivan na mga mahihinang hikbi. Si Ica, tahimik na umiiyak. Nasaktan at nadurog ang puso nito dahil sa narinig kay Ivan. Ang maliit na pag-asang naramdaman niya kanina ngayon ay napalitan ng sakit.

Akala niya may chance na silang dalawa, akala niya gusto din siya nito, pero akala niya lang pala lahat ng iyon. Mali siya.

Sa ilang araw na magkasama sila ni Ivan sa resort nito, mabait lang pala talaga siya sa kanya at sa lahat, walang ibang ibig sabihin yun. Sinisisi niya ang sarili kasi kahit naman alam niyang impossibleng magustuhan din siya ni Ivan ay umasa pa rin siya. Kaya ngayon, naghalong sakit, hiya at pagsisisi ang nararamdaman niya.

Sana na lang pala hindi siya nagtanong. Sana pala hindi niya binigyan ng ibang meaning yung narinig kay Ivan, kundi sana hindi siya umiiyak ngayon.

" Balik na ako ", ang tanging naisip ni Ica, saka tumayo at naglakad palayo. Pero nakaka-ilang hakbang pa lamang siya ay pinigilan na siya ni Ivan at tinawag ang pangalan niya. Napatigil siya, pero hindi siya humarap kay Ivan, nakayuko habang tinatago ang mga luha na bumabagsak mula sa mga mata niya.

" I'm sorry, I didn't mean to say it I didn't mean to hurt you ",

Dahil dun, bumuhos na ang mga luha ni Ica at tumakbo na ito palayo. Walang nagawa si Ivan kundi ang manlumo sa nangyari at maiwang mag-isa sa falls. Napaupo siya at sinubutan ang sariling buhok sa sobrang inis.

Ica was not the first and only girl who confessed their love for him, but Ica was the first and only girl Ivan loved. She is different, that makes her stand out. There is nobody like her, only her.

She admired her for her courage in telling him how much she likes and loves him, that also gives him a reason to hate himself.

Bakit apaka dali lang kay Ica na sabihin sa kanya na gusto siya nito? Pero bakit hindi niya magawang sabihin kay Ica na gusto niya din ito?

San ba talaga siya natatakot? Ano ba talaga ang pumipigil sa kanya para umamin? It could be his best opportunity to tell her how much she means to him, but why waste this chance?

Ica was running back to her cottage, with tears in her eyes. Her heart hurts, her toes, her knees, her eyes. Nadapa siya along the way, got her skin scratched by the leaves. She's scared of crossing the bridge but she seems not to notice it.

All she knows is that tomorrow will be different. Everything will not be the same anymore, everything will change, Her, Ivan, them because of her mistake. She regrets asking it, she shouldn't have in the first place.

Ica didn't know that loving someone could be this painful, and could make her cry like this multiple times. So this is heartbreak?

THAT SUMMER

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play