Bumalik Ka Pero Masaya Nako Sa Iba
Hindi ko mapigilan mapangiti ng mapait habang nakatingin sa bahay ng taong minahal at iniwan ko.
Malaki ang pagbabago ng bahay nila, mas lalo itong lumaki at gumanda.
Kamusta na kaya s'ya?
Hindi ko mapigilan ang kabahan. Malaki ang kasalanan na nagawa ko para sa kaniya at alam kong nasaktan s'ya sa pag iwan ko ng hindi nag papaalam sa kaniya, sa kanila.
Nu'ng nasa ibang bansa ako ay nabalitaan kong hinahanap n'ya ako at halos daw mabaliw s'ya kakahanap saakin at 'yun din ang araw na gusto kong umuwi ng pilipinas pero hindi p'wede dahil sa kasunduan.
Napa pikit at napahinga nalang ako ng malalim bago ko pag pasyahan maglakad papunta sa gate nila upang mag door bell.
Akma na sana ako mag dodoor bell nang marinig ko ang busina ng sasakyan.
Hindi ko alam kung bakit hindi ko maigalaw ang katawan ko na parang na istatwa nalang ako sa kinatatayuan ko.
"Miss? What are you doing here?" Tila nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa pamilyar na boses na narinig ko.
Why I do miss so much.
"Miss?" Seryosong tawag n'ya saakin na parang halatang naiirita s'ya dahil siguro hindi ako sumagot at lumingon sa kaniya.
"Hon, who is she?" Pero ganun nalang ang gulat ko ng marinig ko ang boses babae na hindi pamilyar saakin.
Tila parang may kung anong tumusok sa dibdib ko ng marinig ko ang sunod n'yang sinabi.
"I don't know, maybe she's a person finding a job."
Napatikhim nalang ako at napatayo ng maayos na hindi lumilingon sa kinaroroonan nila.
Bumigat ang paghinga ko at nararamdaman kong unti-unting nag iinit ang magkabilang gilad ng mga mata ko at anumang segundo ay may luha na ang magsisibagsakan.
Kahit hindi ko pa lingunin kung sino ang taong nasa likod ko ay alam na alam ko na kung sino ito.
"Miss?"
Nanginginig akong umalis sa harap ng gate at agad na naglakad paalis habang hila-hila ko ang maleta ko at hindi nag abalang lingunin sila.
"She's weird." Rinig ko pang turan ng babae.
Kinagabihan ay muli ulit akong bumalik sa bahay nila. Pero this time ay naabutan n'ya akong nasa labas ng bahay nila.
"N-nica?" Nagulat pa ako at huli na ng mapagtanto ko na nakita n'ya na ako.
Gulat s'yang nakatingin saakin. Napatulala ako sa kaniya, sobrang lake ng pagbabago n'ya. Mas lalong lumaki ang pangangatawan n'ya at lalo rin s'yang tumangkad at higit sa lahat ay mas lalo s'yang gumwapo.
Mabilis nawala ang gulat sa kaniyang mukha at seryoso at malamig n'ya akong tinitigan.
"What are you doing here?" Malamig n'yang tanong dahilan para hindi kaagad ako makasagot. Hindi ako sanay na gan'to s'ya pero ano magagawa ko.
"A-ahm... C-can we talk chan?"
"For what? About sa pag iiwan mo saakin?" Natahimik naman ako dahil sa sinabi n'ya. Nakailang lunok ako habang hindi makatingin sa kaniya, tsaka lang ako napatingin nang mag salita ulit s'ya.
"You know what nic iniwan mo 'ko kung kailan kailangan na kailangan kita." Malamig at walang ka emo-emosyong sabi.
Hindi ko naman mapigilan ang makonsensya at napayuko nalang ako.
"S-sorry." Mapakla s'yang tumawa.
"Sorry? Ganun-ganun nalang? Pagkatapos mo 'kong iwan ng hindi ko alam mag sosorry kalang? iniwan mo 'ko nic kahit may tayo pa. Hinanap kita kung nasaan ka man, halos mabaliw ako kakahanap sa 'yo nic, hindi ko magawang isipin na baka may nangyaring masama sa 'yo dahil ayokong isipin 'yon! Isang taon, isang taon kita hinanap nic! Kaya kung iniisip mo na mapapatawad kita, sorry but i can't, hindi kita kayang patawarin sa lahat ng ginawa mo saakin."
Hindi ko mapigilan ang mapaluha sa harap n'ya. Sinubukan kong lumapit sa kaniya pero agad s'yang lumayo saakin at malamig n'ya lang akong tinignan.
"I-i'm really sorry chan, s-sorry sa mga nagawa ko, sorry sa pang iiwan ko sa 'yo, chan g-gusto ko lang linawin na—"
"I don't need your explanation and you can leave now." Inilingan ko naman s'ya dahilan para mag kasalubong ang dalawang kilay n'ya.
"Please, listen to me chan, I can explain kung bakit ko 'yon ginawa, kaya please."
"Ano pang silbi ng pag papaliwanag mo nic. Kung kailan naka move on na ako sa 'yo at kung kailan nakalimutan na kita. Bakit ka pa bumalik?" Natuod nalang ako sa kinatatayuan ko at mas lalong nag sinlandasan ang aking mga luha. Sobrang bigat ng nararamdaman ko, sobrang sakit pero alam ko na mas masakit 'yong naramdaman n'ya ng iwan ko s'ya.
Agad akong lumuhod sa harap n'ya upang mag makaawa.
"P-patawarin mo 'ko, g-gagawin ko ang lahat p-para lang bumalik tayo sa dati."
"So you just came back for me, but it's already too late nic, you came back for a feeling that already died." Pag kasabi n'ya niyon ay agad n'ya akong iniwan na nakatulala at ng tuluyan na s'yang mawala sa paningin ko ay tsaka na ako napahagulhol.
" I'm sorry for leaving you, I j-just did that because I was raped, I was scared to tell you that I have the rapist child in me," Halos pabulong na sabi ko sa kawalan at kasabay ng pag pikit ng aking mga mata
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments