chapter 5

Nang maimulat ko ang aking mga mata ay agad na tumambad saakin ang dilim.

Wala akong makita, para akong naka kulong sa isang madilim na silid. Muli kong pinikit ang mga mata ko at nang maidilat ko ay wala parin pinag bago, dilim parin ang nakikita ko.

Nag simula na akong kabahan at mag panic, wala akong alam kung nasaan ako, wala akong nakikita!

Hindi! Ayoko! Ayokong isipan na baka. . .

Muli kong sinubukan ipikit ang mga mata ko, baka sakaling makita ko ulit ang liwanag, ang paligid kung nasa'n man ako. Pero nang maidilat ko ang mga mata ko ay tuluyan na akong kinabahan.

Nanginginig kong kinapa ang kinahihigaan ko at mukhang nasa malambot na kama ako, ramdam ko rin na may kung anong nakalagay sa mag kabilang kamay ko, pati narin sa ilong ko.

Nahihirapan man gumalaw ay sinubukan kong i-angat ang kanang kamay ko at ng mag tagumpay ako ay nanginginig kong hinawakan ang mata ko at alam kong dilat na dilat ang mga mata ko.

Wala akong nakikita!

Ibig sabihin— no! Hindi puwede!

Ramdam na ramdam ko na naka dilat ang mga mata ko.

Bakit? Bakit pa ako nabuhay kung wala naman akong nakikita.

'Dapt pati buhay ko kinuha mo nalang!' Sigaw ko sa isip ko.

Pinikit ko nalang ang mga mata ko. Maya-maya lang ay narinig ko ang pag bukas ng pinto at ang mga yapak nito na papalapit sa kinaroroonan ko.

Nang idilat ko ang mga mata ko ay hindi ko makita ang taong nasa gilid ko at ramdam kong nakatingin s'ya saakin.

"M-mon," may bahid na gulat na pag tawag n'ya sa pangalan ko.

"Mon, nandito na si kuya, nandito na ako," ramdam na ramdam ko sa boses n'ya ang pagsisisi. "Mon, tumingin ka kay kuya." Tila natigilan ako sa sinabi n'ya, mukhang hindi n'ya pa alam, hindi n'ya pa alam na wala na akong nakikita.

"K-kuya," pag tawag ko sa pangalan n'ya, naramdaman ko ang pag hawak n'ya sa kamay ko. "K-kuya w-wala na akong m-makita." Naramdaman ko ang pag bitaw n'ya sa kamay ko, at kasabay niyon ay ang pag landas ng aking mga luha.

Narinig ko nalang amg pag sigaw na tawag ni kuya sa doctor.

"Doc bakit po hindi nakakakita ang kapatid ko?!" Tanong n'ya na may pag aalala sa kaniyang boses.

"The impact of his collision was so strong that there was damage to his brain and because eyes are connected to the brain, his eyes were also affected,"" Mahabang paliwanag n'ya

"Makakakita pa naman po s'ya diba doc? " Tila kinakabahang tanong n'ya.

"I'm sorry to say, but the patient's blindness is permanent." Mas lalong bumuhos ang mga luha sa aking mga mata sa sinabi ni doc.

"F*ck! Bawiin mo ang sinabi mo! Makakakita pa ang kapatid ko!"

"I'm really sorry." Kasabay niyon ay ang pag wawala n'ya kaya bago n'ya pa masaktan ang doctor ay agad ko s'yang tinawag.

"Kuya, tama na, tanggapin nalang natin na hindi na talaga ako makakakita." Naramdaman ko ang pag hawak nito sa kamay ko at kasunod niyon ay ang pag hikbi n'ya.

"Sorry, I'm really sorry mon, I'm really sorry." Paulit-ulit ang pag hingi n'ya ng 'sorry'

Hinayaan kong mag landas ang aking mga luha, "don't cry please, nandito lang ako, gagawin ni kuya ang lahat."

-

Ilang linggo ang lumipas at ngayon ay puwede na akong madischarge. Kasalukuyan akong inaalalayan ni kuya, dahan-dahan n'ya akong pina upo sa whale chair.

Bukod sa di na ako nakakakita, hindi pa ako nakakalakad. Ang sabi saamin ni doc. Ilang buwan pa bago ko maigalaw ang mga binti ko. Sa loob ng ilang linggo ay hindi ko parin maigalaw ang binti ko miski ang mga paa ko.

"Ayos ka lang ba mon?" Tanong ni kuya, siguro napansin n'ya na kanina pa ako tahimik. Tanging tango nalang na itugon ko.

Naramdaman ko ang pag tulak ni kuya sa whale chair na inuupuan ko, hanggang sa naramdaman kong naka labas na kami ng room.

Iniliko ako ni kuya sa kanan, at mukhang dito ang daan palabas. Habang tulak-tulak ako ni kuya ay ni isa saamin ay walang nag salita, hanggang sa hininto ni kuya ang pag tulak sa whale chair na ikinataka ko. Mag tatanong sana ako kay kuya, kaso bigla nalang akong natuod sa kina-uupuan ko dahil sa narinig kong pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko.

"Nic?" Hindi ko man makita s'ya, alam kong nasa harapan namin s'ya.

"Wh—" hindi n'ya na natuloy ang sasabihin n'ya dahil sa biglaang pag singit ng hindi pamilyar na boses.

Mas lalo akong natuod sa kina-uupuan ko.

"Congratulations Mr. Dion, because Ms lhea is pregnant." Kasabay niyon ang pag landas ng aking mga luha.

T*ng *na deserve ko ba talaga 'to?!

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play