CHAPTER 6

ANGEL

Maaga akong nagising ngayon kase maaga akong susunduin ni zack...Panibagong kilig na naman ang mararamdaman ko nakuuuu!

As usual ginawa ko na naman ang morning routines ko kase syempre panibagong araw na naman ang dumating diba?

Kasalukuyan akong nag-aayos ng biglang may kumatok sa pinto

"Pasok bukas yan" sigaw ko

Akala ko si kuya si mommy lang pala

"Ah mom bakit po? May sasabihin ka po bang importante?" Tanong ko sa kanya

" Ah wala naman baby pero ikaw yata ang may hindi sinasabi sa amin ah" with matching nakakalokong ngiti

" Wala naman po mom..Ano po bang tinutukoy niyo?"

" Eh nag-aantay na yung gwapong susundo sayo eh(^^) Manliligaw mo ba yun baby?" Tanong ni mom dahilan para mapaiwas ako ng tingin kase alam kong namumula na naman ako

"Mom hindi ko po siya manliligaw, classmate ko lang po siya"sagot ko pero itong si mom talaga may nalalaman pang pasundot sundot sa tagiliran ko, siya pa yung kinikilig eh

"Oh siya sige na nga bilisan mo na diyan para makakain na tayo"

" Owkey mom sunod na lang po ako sa inyo aayusin ko pa mga gamit ko" nakangiting sagot ko sa kanya

_____

Kasalukuyan kaming kumakain katabi ko ngayon si zack

"Ikaw ba ang manliligaw ng baby girl namin?" Biglang tanong ni dad kay Zack halata naman sa mukha ni zack ang pagkagulat

"Actually hindi pa po, kaya po ako nandito ngayon para humingi sana ng permission na kung pwede ko bang ligawan ang anak niyo" sagot niya.... Huh? Ang ultimate crush ko manliligaw sa'kin? Totoo ba ito or panaginip lang? Kung panaginip ito ayoko ng magising pa

"Owkey lang naman sa akin pero yun ay kung owkey kay angel"sambit ni dad

" Basta huwag mong sasaktan yan ah? Kapag nalaman kong sinasaktan mo yan uupakan talaga kita" natatawang sulpot ni kuya sa usapan namin

"Magsitigil na nga kayo kumain na tayo, at kayong dalawa hindi masama ang magmahalan ngunit huwag na huwag niyong papabayaan ang pag-aaral ninyo....Ang kailangan sa isang relasyon ay ang matured na pag-iisip! Kailangan ng malawak na pag-unawa..Kung talagang Mahal niyo ang isa't-isa kailangan niyo din na unawain ang isa't-isa para hindi masira ang relasyon niyo...Hindi yung may kaunting tampohan bibigay na yung Isa!" Sermon ni mom samin

" Tsaka ang hindi mawawala sa isang relasyon ay ang mga selos at tampohan...Diyan masusubok ang katatagan niyo kung pareho kayong iintindihin ang isa't-isa! Kumbaga mga pagsubok lang yan para sa inyo..Hindi masama ang pagseselos, dahil ang pagseselos hindi dahil sa wala kang tiwala sa partner mo kundi gusto mo lang iparamdam sa kanya na importante siya sa buhay mo! Ayaw mong may kahati ka! Ayaw mong napapalapit sa ibang babae/lalaki ang partner mo....Gusto mo na sayo lang dapat siya! Ayaw kong mapunta siya sa iba kaya ganon kana lang kaseloso/selosa...Diyan mo malalaman na Mahal ka ng isang tao kapag seloso/selosa siya! Huwag mong pagsawaan yung taong sobrang seloso/selosa...Kase bakit siya magseselos kung hindi ka niya Mahal diba? Napaka immature mo naman siguro kapag PINAGSAWAAN mo yung taong sobrang nagmamahal sayo!Kaya minsan matuto tayong pahalagahan ang mga taong nagmamahal sa atin^_^ Hindi yung sarili lang natin ang inaalala natin..Matuto tayong isipin kung ano ang pwedeng maging resulta ng mga bagay bagay." dagdag na pangaral ni mom sa'min

Dahil sa mga sinabi ni mom ay bigla akong napaisip, ganon pala ang love noh? Kailangan malawak ang pag-intindi mo.

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play