CHAPTER 11

ANGEL

Andito na kami ngayon sa room katabi ko ngayon si Zack dahil nakipagpalit siya ng pwesto kay Lexa so si Lexa ngayon katabi niya si James kaya hindi siya masyadong maingay...Napatigil ang lahat ng pumasok na ang prof. namin pero may kasama siyang babae medyo maganda din siya kaso puno nga lang ng make up ang pagmumuka niya.

"Owkey class may bago kayong classmate, miss jenny please introduce yourself" Saad ng guro namin sa kanya...What? Jenny? Hindi kaya siya ang ex ni Zack?

"Good morning, I'm Jenny Riñeda , The one and only Zack's ex girlfriend" pagpapakilala niya...woww ah proud pa siya na ex siya ni zack! Ba't parang bigla akong nakaramdam ng inis at galit.

"Owkey jenny pwede ka ng maupo sa vacant chair" Sambit ni ma'am

Bigla na lamang siyang naglakad papunta sa pwesto namin ni zack..liningon ko sa likod namin kase akala ko may vacant sit pa kaso wala naman eh..Yung mga kaibigan ko naman nakakunot ang ang mga noo nila.

Magsasalita na sana ako ng bigla siyang nagsalita.

"Pwede ka bang lumipat ng upuan?" Wow ah ako pa ngayon mag-aadjust para sa kanya? Ano siya sinuswerte? Akala niya haayaan kong makatabi niya si Zack? No way manigas siya jan!

"Hindi mo ba ako naririnig? Sabi ko pwede-----" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng bigla akong tumayo dahilan para mapalingon si Zack sa akin at nagtatakang tumingin naman ang mga kaibigan ko... Tsk Ito namang si bruha nakangiti akala siguro niya susundin ko gusto niya hahaha nagkakamali siya.

"Ang tagal naman kanina pa ako naiinip dito" pagmamaktol niya

"Ms. Angel and Jenny may problema ba?" Tanong ng prof namin.

" Ah wala po" pagpapalusot ko tsaka niya binaling ang tuon niya sa ginagawa niya.

"FYI! Hindi ako tumayo dito para ipaubaya sayo ang pwesto ko" pagbaling ko sa Jenny na ito.

"Eh diyan gusto kong pwesto eh" pagrereklamo niya

Sasagot na sana ako ng biglang tumayo si Zack,pinulot niya ang bag naming dalawa.

"San ka pupunta Zack?" Malanding tanong ni jenny

"Eh diba diyan ang gusto mong pwesto?" Tanong niya

"Hmm oo Zack pwede ba?"Jenny.

"Pwede!"

"Yun naman pala eh sige na alis na diyan..tsaka Zack tabi tayo" pagyayaya pa niya ngunit bigla akong hinila ni Zack papunta sa kabilang pwesto na may dalawang vacanct sit... Kita naman sa mukha ni jenny ang pagkainis, binalingan ko naman ng tingin ang dalawang kaibigan ko na ngayon ay nagpipigil ng tawa... Andito kami ngayon sa likuran nina James at Lexa.

Hahahah buti nga sayo Jenny.

Naiinis ako sa kanya ngunit nakakaramdam din ako ng kilig dahil sa mga kinikilos ni zack.

"Owkey.. listen students! May gagawin kayong activities pero ito ay by partner" Pagkuha ni ma'am sa attention naming lahat.

" Hmmm ma'am" Jenny

"Yes Ms. Jenny? May problema ba tayo?" Tanong ng guro namin sa kanya

" Diba po by partner? So si Zack po ang pipiliin kong partner" nakangiting sambit ni sa guro namin, bigla akong nakaramdam ng inis dahil sa sinabi niya... Tatayo na sana si Zack ngunit nagsalita ulit ang guro namin

"Sorry Ms. Jenny pero naka ready na ang mga partners niyo at hindi na ito pwedeng baguhin" sagot ng prof namin... Dahil sa narinig ko ay biglang gumaan ang pakiramdam ko.

"So ibibigay ko na ngayon ang mga pangalan ng mga partners niyo para makapag ready na kayo sa mga activities na gagawin niyo... Sasabihin ko sa group chat natin ang kailangang gawin. Kailangan niyong sundin ang mga instructions." Pagpapatuloy niya

*So Lexa and James.

*Alisha and Allison.

*Jenny and Alfard.

*Joza and Triztan.

*Aira and Zyrone.

*Angel and Zack

Biglang bumaling ang tingin ni Jenny sa amin dahil sa kanyang narinig...bwahahaha Inggit na naman ito tsk! Buti nga sayo.

Binigay pa ng prof namin ang mga partners ng iba tsaka na siya nagsimula sa lesson namin

Discuss

Discuss

Discuss

Discuss

Class dismissed.

Goodbye class.

Buti na lng natapos na...nakakapagod din kase..Nakakabagot makinig kase yung utak ko parang tinatangay na ng hangin.

Maglalakad na sana ako ng bigla akong harangan ni jenny

"Akin lang dapat si zack, Hindi siya pwedeng mapunta sayo dahil pangit ka" sigaw niya sa akin

Bigla namang nagsilapitan ang mga kaibigan namin tsaka tumayo na din ang katabi kong kanina pa tahimik

"Pwede ba Jenny tumigil kana! Tigilan mo na'ko/kami... Dahil wala na akong pakialam sayo! Hinding hindi na ako magkakagusto sayo! Don't be obsessed sa taong hindi ka naman gusto... Huwag mong ipagpilitan yang sarili mo dahil hinding hindi na kita mamahalin pa! Si angel na ang laman ng puso ko" dahil sa mga binitawang salita ni Zack ay hindi pa nagsisink sa utak ko lahat ng narinig ko..Kinaladkad na ako ni Zack palabas sa room namin at naiwang tulala si Jenny.. nakasunod naman ang mga kaibigan namin sa amin

Totoo ba ang sinabi niya? Ako ang laman ng puso niya? O sinabi lang niya iyon para hindi na siya gulohin ni Jenny.. aysssttttt angel! Ano ba, huwag ka magpadalos dalos dahil sa nararamdaman mo... Hindi mo alam baka pinagtritripan ka lang niya (Yan na lamang ang nasa isip ko).

Andito na kami ngayon sa parking lot ngunit walang ibang ingay ang naririnig kundi ang mga yapak lang ng aming mga paa.

"Oh pano pre mauuna na kami hahatid ko pa kase si joza" pagputol ni Triztan sa katahimikan.

" Oh siya sige pre mag-iingat kayo" walang ganang sagot ni zack... Kumaway na si joza sa akin tsaka kumaway din ako pabalik sa kanya! Sunod sunod na silang umalis ngunit kami ni Zack ay andito parin sa parking lot

"Owkey ka lang ba?" Nag-aalalang tanong niya..dahil sa nagiging reaction niya ay bigla atang namula ang mga pisngi ko

"Hmm owkey lang naman ako eh Wala akong nararamdamang masakit" sagot ko

" Angel may gusto sana akong sabihin sayo" biglang sambit niya

" Ahhh ano yun?" Nahihiyang tanong ko sa kanya ngunit nag-iba ang expression ng kanyang mukha,bigla itong naging seryoso...ngayon ko lang ulit siya nakitang naging ganito kaya medyo nakaramdam ako ng pagtataka.

"Narinig mo naman siguro yung sinabi ko kanina diba? " sambit niya

"Ginawa ko 'yon para tigilan na ako ni Jenny, pasensiya na kung dinamay pa kita." Sambit niya! Parang may tumusok sa aking puso dahil sa aking narinig mula sa kanya.

" Sana kapag dumating na ang tamang panahon ay mapatawad mo ako."

Anong sabi niya? Kapag dumating ang tamang panahon? Mapapatawad ko siya? Ano bang sinasabi niya? Bakit ang gulo naman yata.

"Ano bang sinasabi mong tamang panahon? Ano bang hindi ko alam?" Nagugulohang tanong ko

" Ah wala Tara na baka hinahanap kana sa inyo"pag-iiba niya sa usapan..sumang-ayon na lamang ako at hindi na muling nagtanong pero hindi ko maipagkakaila na nagugulohan ako dahil sa mga nasabi niya.

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play