CHAPTER 5

...BoysLoveStories||B.L.S...

ELCY POINT OF VIEW

"ARYS SANDALI ARYS" Tawag ko dito pero parang wala itong naririnig tuloy tuloy lang itong nag lakad.Hanggang sa makapunta kami sa pinaka parteng tahimik nitong school ang graden.

Naupo ito sa ilalim ng puno agad naman akong tumabi dito.Hindi muna ako nag salita dahil baka pag nag salita ako ay mas lalo lang itong magalit ayaw nya kasi ng maingay o may nag sasalita kapag mainit ang ulo nya.

Nakatitig lang ito sa mga halaman at puno na ngayon ay parang nag sa sayawan dahil sa hangin.

Pumikit ito tsaka sumandal sa gilid ng puno.Pag ganito ay kinakalma nya ang sarili nya.

Maya maya ay nag salita na ako ng mapansin kong hindi na naka kunot ang nuo nito.

"Pasensya na arys ikaw lang naman din kasi ang iniisip ko alam kung gusto mo ng tahimik na buhay at naiintindihan kona masyado talagang mainitin ang ulo mo kaya hindi mo maiwasan na pumatol din pero sana bawasan mo kasi ikaw lang din ang iniisip ko pano kung makick-out ka sa school na to sayang ang scholar mo" Pag papaintindi ko dito.wala akong sagot na natanggap sa kanya kaya napahinga na lang ako ng malalim at napatitig sa maamo nyan muka.

Kelan nya kaya mapapansin na hindi lang talaga kaibigan ang pag tingin ko sa kanya.Kelan kaya ako mag kakalakas ng loob na sabihin na may gusto ako sa kanya.Lagi na lang ba ako aasa na isang araw ay mapapansin nya at mararamdaman nya na hindi lang kaibigan ang pag tingin ko sa kanya.Na mara-ramdaman nya din ang nararamdaman ko sa kanya

Maya maya ay narinig ko na itong humihilik.Napangiti na lang ako dito dahil medyo malakas din ang hilik nya na pakagwapo nya talaga ang mahahaba nyang pilik mata makakapal na kilay mapupulang labi ano kayang pakiramdam ang mahalikan ng labi nya.

Napakagat na lang ako ng pang ibabang labi sa aking iniisip kasabay ng sunod sunod na pag iling.

Hindi ko alam kung ano ang nag tulak sakin para subukan na hawakan ang kanyang muka ng malapit na ang aking kamay ay syang tunog naman ng bell.

Mabilis na nag mulat ang mata nito gumapang ang kaba sakin dahil naka tingin ito sa aking kamay na nakahawak na ngayon sa kanyang muka mabilis kong inalis ang aking kamay at nag iwas sa kanya ng tingin sa kanya.

"g-gisingin s-sana kita" Pag sisinungaling ko dito.

Sobrang bilis ng tibok ng aking puso na animoy may nag kakarera sa aking dibdib.Tumayo ito mula sa pag kakaupo nagulat na lang ako at napatingin sa kanya ng makita ko ang kamay nyang naka lahad ngayon sa aking harap.

Nag aalangan akong inabot iyon.

Nang maka tayo ako ay pinag pagan ko ang aking pang upo.

Gumapang ang sobrang bilis na kaba sakin ng hawakan nito ang aking buhok akala ko kung ano ang gagawin nya tinanggal nya lang pala ang dahon na nasa aking buhok.Napayuko na lang ako at pinilit itago ang aking pamumula.

"tara na" Yaya nito at nag simulang mag lakad.Napahawak na lang ako sa aking labi ng mapangiti ako hindi ko mapigilang mapangiti.

Mabilis ko itong hinabol at sinabayan sa pag lalakad.

"galit ka pa ba" Tanong ko dito.Hindi ito sumagot at hindi man lang ako tinapunan ng tingin diretso lang itong naka tingin sa daan.

"Sorry talaga alam mo naman na ikaw l-" Hindi kona na tapos ang aking sa sabihin ng putulin nya iyon.

"Stop.gusto ko ng tahimik" Sabi nito na hindi parin ako tinatapunan ng tingin.Napabuntong na lang ako ng hininga at nag lakad na lang ng tahimik.parang may kumukurot sa aking dibdib.Alam ko at sanay na talaga ako sa ugali nya pero syempre gusto ko sya kahit naman sino pag gusto mo ang isang tao ay ayaw mo ng malamig na treatment mula sa kanya.

Hanggang sa makarating na lang kami sa room wala pa ang aming Profesor pero kumpleto na kami.Na upo ako sa aking upuan at ganon din sya idinukmo nito ang kanyang ulo at alam ko kung bakit ayaw na ayaw nyang tinitigan sya katulad ng ginagawa ng iba kong kaklase na ngayon ay nakatingin sa kanya.

Hanggang sa pumasok na ang P.E teacher namin.Agad namin itong binati nagulat ako ng tumayo si Arys at naki bati din sa aming guro pero mukang pilit at tamad na tamad pa ito.

"Good morning Prof " Kaming lahat.

"Goodmorning din Class.Before we start gusto ko lang sabihin sa inyo na bukas ay mag baon kayo ng P.E uniform at bago mag simula ang klase natin ay dapat suot nyo na ang P.E uniform nyo dahil bukas ay susukatin natin Physical strenght nyo mag kakaroon din ng by partner at alam nyo naman siguro na ayoko ng babae sa lalaki ang partner kaya gumawa na ako ng list ng mag kakapartner at bawat grupo ay tatlo " Si Ma'am.

Napatingin naman ako kay Arys na naka tingin lang kay Ma'am kinakabahan ako para kay arys ayaw nya pa man din sa ibang tao at baka mamaya hindi sila mag kasundo ng magiging kapartner nya.

Maya maya ay binanggit na ni Ma'am ang bawat grupo.Thankfull naman ako dahil hindi ako na punta sa grupo nila Tiffany kaya lang yung dalawa kong partner ay diko bet si Veron ang isa may pag katomboy ito si Nicole naman ang isa ang lamya pa man din nito at ang payat pa.

"Next group.Gray,Lucien at hhmmmm...Arys"

Halos lahat kami ay napasinghap duon si Gray at Lucien partner.Sa bagay pag dating naman sa basketball ay nag kakasundo sila bilang team kahit hindi mag kasundo ang grupo nila ay pag dating naman sa sport or sa basketball ay nag kakasundo sila isinasantabi nila ang away nila pero si Arys i don't think so kahapon lang ay nakaaway nila si Arys tapos ngayon partner pa silang tatlo.

LUCIEN POINT OF VIEW.

WHAT THE HELL bakit sya pa yung scholar pa nayon okay na sakin si Gray wag lang ang hambog nayon.Kahit papano naman ay nag kakasundo parin kami ni Gray pero ang maka partner ang hambog nayon baka mamaya ay mag karoon lang kami ng rambol.

"Prof pwede bang kahit sino na lang wag lang yang tao nayan" Si Gray at tinuro ang scholar.

Pareho pala kaming hindi gusto ang tao nayan.

"Oo nga po Prof palitan nyo na lang po " Singit ko din dito.

"Bakit ba ayaw nyo kay Mr Arys meron ba kayong hindi pinag kakasunduan" Tanong ni Prof.

"Opo ang dami" Halos sabay na sagot namin ni Gray sabay din kaming napatingin sa scholar na ngayon ay naka tingin lang kay Prof na parang walang paki.

Nakakainis talaga ang hambog na ito.

"edi mas maganda pala na kayo ang mag kagrupo baka dito ay maayos ang samahan nin nyo" Si Prof.

"Pero Prof" Pagre-reklamo ko pasana.Umiling iling naman si Prof samin.

No hindi ako papayag na kagrupo ko ang hambog nayon.

"That's Final kung ayaw nyo sya maging partner ay mabuti pa ay lumabas na lang kayo" Si Prof kaya wala kaming nagawa kundi ang umupo sa aming upuan at masamang tinignan ang scholar.

Nagulat naman ako ng iripan lang kami nito at humarap ulit kay Prof

"Bakla " Pag paparinig ko.Pero hindi man lang ako nito tinignan.

"okay na ba lahat may Partner na so lets start ididiscuss ko kung ano ano ang gagawin natin bukas dalawang oras ang P.E natin dahil hinaram ko sa last period nyo ang oras nya" Si Prof.

kahit badtrip na badtrip ako ay pinilit ko na lang makinig kay prof

GRAY POINT OF VIEW.

Nakakainis naman iniisip ko palang ang bukas na kasama namin ang walang galang na scholar nayon nag iinit agad ang ulo ko.

"Okay Class thats all for today,See you tomorrow bye Class" si Prof at lumabas ng aming silid.

Hindi ko alam pero nag katinginan kami ni Lucien at parang pareho ng iniisip na pa ngiti na lang kaming dalawa at tumingin ngayon sa scholar na naka dukmo.

"Anong plano" Tanong ko dito kay Lucien.Akala ko sa sport lang kami mag kakasundo pati pala dito ay pwede.

"Kailangan ay maging masirable ang pakikipag partner nya satin hindi pwedeng hindi sya susuko" Si lucien.Pareho kaming napangiti ulit at umayos ng upo ng pumasok ang aming guro

"Goodmorning class aware naman siguro kayo na wala tayong klase bukas dahil hiniram ng Prof nyo sa P.E ang oras ko bukas sa inyo.Dapat ay bukas ako mag papatest pero tulad nga nang sabi ko ay hiniram ng guro nyo ang oras ko bukas kaya ngayon na lang." Si Prof Castañeda. Profesor namin sa Statistic

"get your yellow pad may ipapasagot ako sa inyong ilang problem" Si Prof at sinimulang mag sulat sa Whiteboard.

"Meron kayong 30 minutes para sagutan yan Limang problem lang yan kaya alam kong matatapos nyo agad yan pwede na kayong mag sagot" Si Prof at na upo sa harap na table

"Each number ay katumbas ang 10 points kaya ayusin nyo malaki din ang hatak nyan sa grade nyo" si Prof nanag papaliwag sa harap habang nag sasagot kami.

Mahirap yung ibang problem.Napansin ko naman ang iba kong kaklase na kinuha ang mga cellphone nila ng palihim alam kong mag Cacalculator sila kaya ginaya ko sila wala naman makakahuli.

"Alam nyo naman na ayoko ng madaya nag babagsak ako class kaya wag nyo ako subukan." Pag babanta ni Prof kaya wala akong nagawa kundi itago ang aking cellphone sa aking bulsa.

Halos twenty minutes na akong nag sa sagot isa na lang ay matatapos na ako.

"Mr Arys are you already finish? " Tanong ni Prof sa scholar.Kaya napatingin ako dito nagulat ako ng naka dukmo ito at unti unting nag angat ng tingin kay Prof.

"yes Prof" Walang kabuhay buhay na sagot nito.

"Bakit hindi mo review-hin ang sagot mo " Si Prof.

"Hindi na po kailangan Prof" Sagot nito.

Ang yabang talaga nakakainis ganyan ba talaga sya

"sigurado ka ba baka mamaya mali ang sagot mo" Si Prof.

"Pano nyo naman na sabi Prof." Sagot nito.Bastos talaga hindi nya ba alam na Profesor ang kausap nya.

"h-hindi" Sagot ni Prof habang naka kunot ang nuo.

" Hindi naman pala ." Sagot nito at muling dumukmo.Nanlaki naman ang mata ni Prof dito at napailing iling na lang.

Bastos walang galang ganyan ba sya pinalaki ng magulang nya.

Napaka walang respeto

.Nakakainis ang tao na to dapat lang talaga na pahirapan sya bukas.

LUCIEN POIT OF VIEW.

Hambog walang galang mayabang dapat lang talaga na pahirapan to bukas naka limutan nya bang Profesor ang kausap nya.

tskk

"exchange change paper " si Prof agad naman akong nakipag palit sa katabi ko na si Akih.

"alam mo na pre huh" Pg bulong ko pa dito.Tumango naman ito bilang sagot ngiti ngiti naman ako.

"Alam ko kapag nandaya kayo kilala nyo ako" Banta ni Prof.

naman oh napabusangot na lang ako.

" Okay dahil ikaw naman ang unang natapos Mr arys bakit hindi na lang ikaw ang mag sagot dito " Si Prof agad naman na tumayo ito sa harap at sinimulang sagutan ang problem sa Whiteboard.

Nag sosolve solve pa ito sa harap habang nag sa sagot tanga ba sya bakit hindi nya na lang kopyahin ang nasa papel na hawak nya duon ay matatapos agad sya.

pasikat hambog talaga.

Nang matapos ito ay umupo agad itong na upo sa kanyang upuan ang yabang talaga.tignan natin bukas kung maka ganyan kapa.

"Lets Check kung tama ba yang mga sagot nyo" Si Prof at sinumulang icheck ang sinagutan ni Hambog.

Nanlaki na lang ang mata ko ng lahat ng sagot nya ay tama.Puta ako nga hirap na hirap gusto ko na ngang gumamit ng calculator na maitama ko lang lahat ng sagot ko.

"ilan ako pre" Tanong ni Akih at dumangaw pa sa papel nyang chine-chekan ko.

"isa tanga kaba" Sagot ko dito.

"ewan ko sayo" Sabi nito at inagaw ang papel nya sakin.

"puta bakit 20 lang to" Mura nya habang napapailing iling pa.

Ako naman ay kinuha ko din ang papel ko at tinignan kung ilan ang score ko puta bakit 30 lang to.Hindi ako papayag dapat perfect ang score ko.

Akmang buburahin ko ang mga mali ng agawin ni Prof ang papel ko.

"Minus 10 ka" Sabi nito at kinuha din ang papel ng katabi ko na si Akih naka salukuyang nag bubura ng mali.

"Minus 10 kadin" Sabi nito at pinag kukuha ang papel ng mga nandadaya.

"puta naman oh 30 na kanina nabawasan pa ng 10 points 20 na lang tuloy" Pag mamaktol ko.

"eh ano pa ko 20 kanina 10 na lang putang score yan" Si akih.

Okay narin ang score ko yung iba nga walang makain.Hala anong conect.?

"Bigyan naman natin si Mr Arys ng palak-pakan na nakakuha ng perfect score" Si Prof na naka tayo na ngayon sa harap.Nag palakpakan naman ang iba kong kaklase.

Hindi ako pumalakpak hambog ang tao nayan.

"Pero Minus 10 dahil sinagot nya ako kanina kaya 40 na lang " Sabi ni Prof.

Natawa naman kami dito habang yung arys ay naka poker face lang na naka tingin kay Prof.

"Bawi ko lang yon." Si Prof "okay lang din yan ikaw parin naman ang highest" Sabi pa ni Prof dito.

Hambog naman

"thats will be all for today class.GoodBye " Paalam ni Prof at tuluyan ng lumabas ng Room.

-itutuloy-

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play