CHAPTER 4

...BoysLoveStories||B.L.S...

THIRD PERSON POINT OF VIEW.

Tanghali na ng magising si Arys halos absent na sya sa una nyang subject.Kaya nag mamadali syang naligo para makarating sa school hindi nya narin binalak mag almusal at mabilis na sumakay sa kanyang mutor.

Kasalukuyan naman na nag di-discuss ang Prof nila Elcy nang biglang mag bukas ang pinto nang kanilang room na kanina lang ay naka sarado.

Sabay sabay silang napatingin sa tao ngayong naka tayo sa pinto wala itong imusyon at seryoso lang na naka tingin sa kanilang Prof.Medyo gulo din ang buhok nito na bumagay sa kanya.

"Sorry Prof I'm late " pag hingi ng paumanhin ni Arys pero sa seryosong pag kakasabi hindi man lang nito inantay ang sagot ng guro at bigla na lang pumasok.

"Hambog"bulong ni Lucien mula sa kanyang kinauupuan

Nag kaibit balikat na lang ang kanilang Prof kahit na hindi nya nagustuhan ang inasal ni Arys Nag tuloy ito sa kaninang naputol na diskasyon.

Nang matapos ang ikalawa nilang klase ay agad na nag paalam ang kanilang Prof mabilis naman na nag tayuan ang iba para pumunta ng Cafeteria kasama na don ang grupo nila Gray at Lucien.habang si Arys naman ay nakadukmo parin.L

alapit palang sana si Elcy ng agad itong nag angat ng tingin.

"Akala ko na tutulog ka naman " Sabi ni elcy dito.

"oo nga.istorbo ka lang talaga" Sagot ni Arys dito seryoso lang itong naka tingin kay elcy.Kung hindi lang ito kilala ni Elcy ay matatakot na sya sa mga tingin nito napaka seryoso at walang imusyon.

" Ganon ikaw na nga tong yayain sa Cafeteria" Si Elcy.Napairap naman dito si Arys kasabay ng pag tayo nito at na unang maglakad kay Elcy.

Agad naman itong hinabol ni Elcy at sinabayan. Nung una ay tahimik lang silang nagla-lakad ng Basagin iyon ni Elcy.

"Bakit naman Late ka Arys " Tanong nito dito.

"tinanghali ako ng gising" Tipid na sagot ni Arys at seryoso lang na naka tingin sa daan.

"Hoy Arys baka nakakalimutan mo kaya ka nag aral dito ay dahil gusto mong maging normal na ang buhay mo" Paalala ni Elcy dito.

"Alam ko" Walang buhay na sagot ni Arys dito.

Nag salubong naman ang kilay ni Elcy dito dahil sa sobrang tipid lang ang sina sagot ni arys sa kanya.

"At sana bawasan mo ang pagiging maangas mo.Kung gusto mo talagang maging normal ang buhay mo ay simulan mo sa pakikipag kaibigan" Sabi ni Elcy dito.pero wala syang natanggap na sagot dito.

"Tsaka matuto karin gumalang sa mga nakakatanda sayo bawasan mo rin ang pagiging hambog mo arys." Dugtong pa ni Elcy dito.

Medyo naiirita narin si Arys kaya binilisan nya ang pag lalakad para agad makarating sa Cafeteria.

Autonatiko naman na tahimik ang Cafateria na kanina lang ay maingay ng sila ay pumasok lahat ng tao ay nasa kanila ang tingin na nag pairita kay arys.

"I hate staring" Bulong ni Arys.Rinig naman iyon ni Elcy dahil na sa tabi nya lang ito.

"wag mo na lang pansinin" Sagot ni Elcy dito.

"ako na lang ang oorder ulit mag hanap kana lang nang upuan natin.sana lang ay wala ng gulong mangyari" Dugtong pa ni Elcy bago tuluyan na umalis at umorder.

Agad naman na nakahanap si Arys nang table.ito lang din ang inupuan nya kahapon habang nag iintay ay dumukmo na lang sya para mabawasan ang Pag-kairita nya sa mga taong naka tingin ngayon sa kanya.

"Alam nyo pakiramdam ko may nililihim talaga ang tao nayan.Pansin nyo ba mga pre ang pagiging misteryoso nya" Si Jerico isa sa mga kaibigan ni Gray.

Hindi naman maiwasan na marinig ito ng grupo nila Lucien.Mag katabi lang ang kanilang table pero lahat sila ay nakatingin kay Arys na ngayon ay naka dukmo na animoy walang paki sa mga tao sa paligid nya

" pre ako din " Sagot ni Naethan dito.Habang nakatingin sila dito ay ang pag lapit naman ng grupo ni troy kay Arys.Sa sapakin sana ng isa sa kagrupo ni troy si Arys ng walang kahirap hirap nya itong pinigilan gamit ang isang kamay at dahan dahan nag angat ng tingin.

Marami naman ang napasinghap dito ang iba naman ay tutok na tutok sa pagitan ng grupo ni troy at ni Arys.

"Ayoko ng gulo" Walang imusyon na sabi ni arys sa grupo ni Troy na ngayon ay naka tayo sa harap nya.hawak nya parin ang kamay ng nag balak sa kanyang sumapak habang naka dukmo.

"Talaga ayaw mo ng gulo.edi kung ayaw mo ng gulo ay sana hindi ka nakiilam sa gulo kahapon" Sagot ni troy dito.Bakas parin sa kanya ang pambubugbog ni Arys kahapon.

"Ngayon mo kami angasan tara dito sa gitna" Pag yaya ng isa pang kagrupo ni Troy.Mabilis naman na gumapang ang inis ni Arys sa mga ito pero pinili nyang wag ipahalata.Sa pamamagitan ng pag hawak nya sa isa sa mga kasama ni troy ay piniga nya ang kamao nito.

"AAAARRRAAAYYYYY PUUUUTTAAAA AARRAAYYY"

Malakas na hiyaw nito.

Na alarma naman ang mga kasama ni Troy at sya.Pabato na binitawan ni Arys ang kamao nito.

"Ngayon gusto nyo pa ba ng gulo" Walang imusyon parin na sabi ni Arys.

Kitang kita ng ibang mga istudyante kung pano nama-malipit sa sakit ang isa sa kagrupo ni Troy.

"M-mag babayad ka dito AAAGHHH" Sa sapakin pa sana nya si Arys ng walang kahirap hirap ni Arys na tinuhod ito sa tsan.

"AAHHHH" Daing nito at napahiga sa lapag ng Cafeteria namamalipit ito sa sakit at hirap huminga.Isa isa tinignan ni Arys ang grupo ni Troy na nan lalaki ang mata sa kanya.

"uulitin ko gusto nyo pa ba ng gulo?" Tanong ulit ni arys sa mga ito na may halong pamba-banta.

"ARYS" Si Elcy at mabilis na pumagitna sa kanila.

"Troy please ayaw namin ng gulo umalis na kayo dito" Pakiusap ni elcy sa mga ito.Masama naman syang tinignan ng grupo ni Troy.

Tuloy parin ang mga tao sa panonood sa kanila walang nagbalak umawat sa mga ito.

"Hindi pa tayo tapos" Banta ni Troy dito sabay sabay na umalis ang grupo ni troy sa harap ni Arys.

"Arys ano na naman to kakapa-alala ko lang sayo na wag kang makikipa-" Hindi na naituloy ni Elcy ang kanyang sa sabihin ng putulin iyon ni arys.

"sila ang nauna" Walang buhay na sagot ni Arys dito.Napabuntong hininga naman ng malalim dito si Elcy.

"Kahit na dapat hindi mo parin sila pinatulan" Pang babara pa ni Elcy dito.

"so anong gusto mo mag pabubug ako dito" Mas seryosong pagka-kasabi ni Arys dito.

"Hindi naman sa ganon" Sagot ni Elcy dito.

"sa ganon yon Elcy na una sila malamang ay ipag tatagol ko ang sarili ko." Sabi ni Arys dito bakas ang galit sa kanyang tono.rinig na rinig din ng mga tao sa cafeteria ang kanilang pagsa-sagutan.

"Parang hindi mo naman ako kilala" Si Arys.

Mas lalong hindi naka pag salita si Elcy dito at napaiwas ng tingin kay Arys.

"hindi na ako gutom" Sabi ni Arys dito at nag lakad palabas ng Cafeteria.Mabilis naman na hinabol ito ni Elcy.

"ARYS" Tawag pa ni Elcy dito.

-itutuloy-

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play