KABANATA TATLO
“Margaux, salamat talaga ha. Sinamahan mo pa ako hanggang sa unit ko.” Sly said nang makarating na kami sa labas ng apartment niya.
“Wala ‘yon. Gusto ko lang makasigurado na safe ka. At tsaka… Sly… may itatanong sana ako sa’yo…”
“Oo, oo ang sagot ko.” sagot ni Sly.
“T-Teka! Di mo pa nga alam kung ano ang itatanong ko.” nakanguso kong sagot.
“Alam ko… na bakla ako? Na like ko ang mga boys, ganun ba?”
I slowly nod. “Tama ka. Pero hindi dahil sa nahimatay ka kaya ako nag conclude ng ganun, ah? It’s just that… noong tinanong mo kasi ako… parang nandidiri ka na tinanong mo akong kumain sa cafeteria?”
Bigla akong pinalo ng marahan ni Sly sa braso. “Grabe naman ‘yong nandidiri, bes! Hindi ‘no! siguro ‘yong tamang word ay napipilitan. Alam mo kasi gusto ko lang naman i-try kung kaya kong mag-ask ng babae na ‘di nila alam kung ano ang tunay kong kulay just like I did to you kanina pero ‘di ko pala kaya. ‘Tsaka… masyado pala akong halata kanina?” Nakanguso nitong sabi.
I slowly nod. “So napipilitan ka lang? Sa susunod ba… ‘di mo na ako iti-treat ng meal dahil babae ako?” I said teasingly.
“Of course I’ll treat you again! But it’s a friendly meal na. Wala nang halong ibang kulay. Hehehe.” Sly said with a smile.
I smiled also. “Buti naman inamin mo din sa’kin. Hehehe. Alam mo bang naghahanap ako ng hindi nakaka-offend na words para tanongin ka lang tungkol don?”
“Hindi ka ba… nandidiri or nagagalit sa’kin?”
“Hindi ‘no! masaya nga ako kasi inamin mo. ‘tsaka kung straight ka, rejected ka na sakin. Hehehe.”
“Prangka mo, besh! Pero anyway, friends na tayo, ah?”
“Friends!” then we shake hands.
“So… Pa’no? Pasok na ako. Paki sabi kay Fighter, salamat sa paghatid.”
“Naku! Sinabi mo na ‘yan kanina, diba? ‘Tsaka umalis na siguro ‘yon.”
“Hindi ‘yan. ‘Tsaka don’t worry, besh. Hindi ko aagawin si Fighter sa’yo.” Nagulat ako sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin?
“Ewan ko sa’yo. Wala naman akong pake doon.”
“Okaaay… sabi mo eh… bye besh! Salamat talaga, ah?”
“Bye!”
Pagkatapos isara ni Sly ang pintuan ay nagsimula na din akong umalis patungo sa elevator. Magtataxi nalang siguro ako pabalik ng apartment dahil pinaalis ko na rin naman si Fighter kanina pagkatungtong namin sa apartment building ni Sly.
Pagkalabas ko ng building ay may nakita akong pamilyar na kotse na naka park sa gilid ng kalsada. Pero…baka magkapareho lang sila ng kulay. Bakit naman ako hihintayin nun?
I agreed to myself mentally at nilagpasan ang sasakyang ‘yon at nagsimula nang maglakad. Siguro… magpasyal pasyal muna ako. Balita ko may seaside malapit dit—
“Ayyy! Unano!” Napatalon ako sa gulat nang may bumusina sa gilid ko. Nilingon ko ito at nakita ang sasakyang nilagpasan ko kanina. Sinusundan ba ako nito?!
Biglang bumukas ang bintana sa shot gun seat at iniluwa nito ang pamilyar na mukha. “Bakit ka naglalakad? Sakay ka na!” komando nito.
Pa’nong—
“Diba pinaalis na kita kanina? Ano pa bang gusto mo sa’kin?”
“Sakay ka muna at sasabihin ko sa’yo.” Haaay! Nananatili akong nakatayo sa pwestong ‘yon. “Ano?! Tatayo ka nalang ba diyan? Sakay na!” komando nito. I rolled my eyes at padabog akong sumakay sa kanyang itim na Jeep at sinarado ito.
Sinimulan niya nang patakbuhin ang sasakyan. “Treat me to a dinner.” He said with finality in his voice.
Napairap nalang ako sa ere. “Wala akong pera.” I coldly say.
“Then sa cafeteria nalang tayo kakain.” Nilingon ko siya at pinanliitan ng mata. Naka-focus lang siya sa pagmamaneho. Gusto na naman ba akong mapahamak nito?!
“A.yo.ko.” matigas kong sabi. “Ikaw naman ang pumipilit sa amin na sumakay sa sasakyan mo, eh! Bakit naman kita ililibre ng dinner?” tama, Margaux. Just like that.
“Niligtas ko kayo, Binilhan kayo ng pagkain, at hinatid ko pa kayo destinations niyo. You owe me. Dinner lang naman ang hinihingi ko, Miss.”
Aaaarggghh! Pakonsensya pa ‘to, eh! “Okay, fine! Pero ayoko na doon sa cafeteria. Baka bukas, malamig na bangkay na ako.” I said na nakatingin lang sa bintana.
“Saan mo ba gusto?”
“Ipagluluto nalang kita ng dinner sa apartment mo.” I said coldly.
“Wala akong pagkain sa apartment ko. Sa cafeteria lang ako kumakain.” nilingon ko siya ulit.
“Ano?! Haaay! Ano ba naman ‘yan. Kahit noodles, wala?”
“Sawa na ako sa noodles. Gusto ko naman ng ibang putahe.”
I rolled my eyes at nag-isip ng ibang paraan. Ayoko naman siyang i-treat sa labas dahil wala akong sapat na pera. Mukhang mapipilitan pa ata ako neto na sa…
“Sa Apartment ko nalang tayo mag dinner. May mga grocery pa naman ako dun. Ano bang gusto mong kainin?” walang gana kong tanong.
“hmmm…” tapos hinawakan niya ang labi niya na para bang may iniisip. “Tinola or adobo or afritada. Anything sa kanila.”
Grabe naman kung maka-command ‘tong halimaw na ‘to!
“Titingnan ko ang mga supplies doon sa apartment kung anong putahe ang pwede kong gawin.”
“Good girl.” I rolled my eyes at tiningnan ulit ang bintana.
So much happenings for todaaaaay!
“Pasok ka…” sabi ko kay Fighter nang makarating na kami sa kwarto ko. Pumasok naman siya at giniya ang mga mata sa palibot ng kwarto ko.
“Upo ka muna. Tingnan ko lang ang kitchen kung anong pwedeng lutuin.” Pagkatapos kong sabihin ‘yon ay dumeretso na ako ng kitchen at tiningnan ang mini ref. ng apartment.
“Okaay… may manok pa palang naiwan… may sayote… nako! Mukhang tinola lang ang maluluto ko.” bulong ko sa sarili. “Hmmm… Fight…tinola lang ang pwede sa supplies ko today, okay lang ba?” nilingon ko ang direksyon ni Fighter at nakita siyang tumitingin sa mga picture frames ko sa study table ko. Nilapitan ko siya agad at binawi sa kamay niya ang picture frame na may larawan ko. “Anong ginagawa mo?” kalmado kong tanong.
“Tiningnan ko lang naman. And yes. Pwede na sakin ang tinola.” He said coldly at umupo sa upuan sa study table ko. “Magluto ka na. Gutom na ako.”
“Yes, Master.” I said sarcastically and rolled my eyes to him.
I heared him chuckled when I turned my back on him.
Nagsaing muna ako sa maliit kong rice cooker. Pagkatapos, nagpakulo muna ng tubig sa heater. “You want some coffee?” nilingon ko ulit si Fighter na may tinitipa sa phone niya.
“Okay.” He said never looking at my direction.
I sighed. Narinig ko ang pag-tunog ng heater. Sign na kumukulo na ang tubig. Tinimplahan ko siya ng black coffee na gamit ‘yong kape na pinadala sa akin ni Treasure.
“Oh. Mag kape ka muna habang nagpapakulo pa ako ng tubig para sa tinola. Gusto mo ba ‘yong may creamer sa kape?” I asked as I give him a cup of coffee.
“No. okay na ‘to.” He coldly said.
Pinaupo ko na siya sa dining table dahil baka matapon pa ang kape sa study table ko. Makaperwesyo pa siya.
Nilagay ko na ang mga ingredients sa di pa kumukulong tubig na niluto ko gamit ang casserole na nakasalang sa portable gas stove at tinimplahan na ito. Umupo muna ako kaharap ni Fighter na ngayon ay busy sa paghihigop ng kape.
“Hmm… Fight, paki sabi nga pala sa pinsan mo salamat.”
“Salamat saan?”
“Sa pinadala niyang medicine at kape sa akin. ‘Di na kasi kami nagkikita kaya paki sabi nalang sa kanya.” I said with a smile on my face and I drinked the coffee.
“O-Okay.” Nabaguhan ako sa utal na sagot ni Fighter at tiningnan siya sa mukha. Nag-iigting ang kanyang panga niya na para bang may pinipigil siyang emosyon o sasabihin.
Pinasawalang-bahala ko nalang ‘yon at pinagpatuloy na ang pag-inom ng kape. Bumalik ako sa kusina para tingnan ang niluto ko.
“Oh ayan… kumain na tayo.” I said as I serve the cooked rice at tinola sa hapag-kainan. Sinimulan namang tikman ni Fighter ang ulam. Ako naman ay parang tangang nakasunod lang sa bawat galaw niya. Naghihintay sa sasabihin niya.
“Lasang… tinola.”
Literal na nalaglag ang panga ko sa narinig.
“Literal. Ano bang ini-expect mo? Lasang Adobo?”
“Exactly my point.” Matigas na ingles nito.
I rolled my eyes at nagsimula ng kumain.
“Masarap.” Dahan-dahan akong tumingala sa kanya. Hindi siya tumitingin sa’kin dahil naka-focus lang siya sa pagkain.
Hanggang sa ‘di ko namalayan… napangiti ako sa sinabi niya.
Tsss… isang salita lang naman ‘yon, Margaux. ‘Wag kang ngumiti! Masarap ka naman talagang magluto noong una pa lang.
“Ako na ang maghuhugas, Miss.” Akmang aagawin na ni Fighter ang platong hinuhugasan ko pero binawi ko din agad.
“My name’s Margaux. Hindi Miss. ‘Tsaka ako na ang maghuhugas. Bisita kita. Umuwi ka na lang. Tapos ka ng kumain, diba?”
“Ayoko.” Matigas na sagot nito.
Haaay! Kahit kailan talaga matigas ang ulo ng lalaking ‘to!!!
Binigay ko sa kanya ang dishwashing liquid at sponge. “Oh. Ikaw ang mag sabon, ako na ang magbabanlaw.”
Tumango lang siya at nagsimula ng magsabon. Natatawa ako sa paraan niya ng paghuhugas. Muntikan pang mabasag ‘yong plato.
“Marunong ka ba talagang maghugas ng plato sa buong buhay mo?” sarkastiko kong tanong. “Sabi ko sa’yo diba, ako na. Kaya umalis ka nalang. Ang mga nararapat sa’yo, sa opisina lang dapat.”
I heard him hissed. “Di ba pwedeng multi-tasking? Marunong sa opisina, marunong din sa kitchen sink? Well, I can do all actually.” he said with a smirk on his face.
Nakakaloko ang ngiti niya. Kinikilabutan tuloy ako.
“P-Pwede naman. Pero masyado kang pormal para maging dishwasher.”
Biglang linapit ni Fighter ang mukha niya sa’kin dahilan para mapaatras ako.
“So… sinasabi mo bang gwapo ako?” sabi niya na may nakakalokong ngiti sa labi.
“M-May sinabi ba ako? Ang sabi ko lang naman, masyado kang pormal. That’s all.” I said as I push him gently back to his position.
Tumawa naman siya at inirapan ko nalang siya.
“Thank you for tonight, Margaux. Sa susunod ulit.” He said as he exited my room.
“Bye…” wait… did he said… sa susunod ulit?!
May susunod ulit?!
Pahiga na sana ako ng higaan ng biglang may tumawag sa phone ko. I pressed the green button.
[“Beshyyyy!”] nagulat ako sa lakas ng boses ni Sly.
“Sly naman! Mabibingi na ako, eh. Anong meron?”
[“Beshyyyy! Tingnan mo ang student university page natin, daliiiii!!!”] pagmamadali nitong sabi.
“Oh… bakit? Anong meron?”
[“Basta…tingnan mo na!”]
Agad ko namang inoff ang tawag at pumunta sa study table ko para buksan ang laptop.
I entered the page at… OH MY GOOOOSH!
Admin Student University Page:
Another exclusive photos of Fighter and this girl named Margaux! Sender told me that magkasabay daw silang dalawang dumating sa apartment building sakay ang jeep ni Fighter! And kanina din daw sa Cafeteria, iniligtas mismo ni Fighter si Margaux from the group of Victor!
Are they in a relationship now?! Can someone enlighten me?!
Tiningnan ko ang mga photos na in-upload. Tatlo lahat ang pinost at ang mga litratong ito ay noong sabay kaming naglakad ni Fighter sa hallway ng ground floor, at sabay ding nag-abang sa elevator. Ang mga comments, puro masasakit na salita. LAHAT.
I can’t believe this! ‘Di ko inaakalang ganito na ka desperada ang babaeng ‘to! Nakakahiya!
^^^Diba siya din ‘yong nadapa kanina sa cafeteria? Atsaka si Fighter ang nagligtas sa kanya?^^^
^^^I hate her!^^^
^^^Humanda ka sa amin, Margaux! You’re such a gold digger!^^^
^^^Di na nahiya!^^^
Napa- face palm nalang ako sa mga nangyayari… akala ko ba makakatakas na ako sa mga mata nila?!
Bukas na bukas din, malamig na bangkay na ako!
Antok parin akong nagising kinabukasan dahil sa puyat. Hanggang ngayon, kinakabahan parin ako sa maaaring mangyari mamaya. Bibitayin ba nila ako? Bubugbugin? Susunugin? Papakainin sa buwaya?!
I shook my head for exaggerating the whole situation. Hindi ko aakalain malalagay na naman ako sa alanganin mamaya!
Pagkatapos mag-kape, maligo, at magbihis ay tulala muna akong nakatingin sa digitial clock ng kwarto. 8AM ang class ko today... ang oras ngayon ay 7:30 na. At dapat sa mga oras na ito, nasa school na ako. I sighed like my life depended on it. Nagdadalawang isip na ako kung papasok ba ako o hindi.
*Knock…knock…*
Nagulat ako nang biglang may kumatok sa pinto. Wala naman akong inaasahang bisita today. Sino kaya ‘to?
“S-Sino ‘yan?” I asked in assurance baka kasi dumugin ako nito agad ‘pag binuksan ko ang pinto.
“Margaux, si Treasure ‘to.” Literal na nakahinga ako ng maluwag sa pangalang narinig. ‘Tsaka… ano’ng ginagawa ni Treasure dito?
Binuksan ko naman agad ang pintuan at nakita si Treasure suot ang puting long sleeves at may lab gown na nakasabit sa kanyang braso.
My future Doctor Treasure is standing tall and handsome today.
“B-Bakit ka nandito?” I asked in confusion.
“Sinusundo ka.” He said and smiled at me. “Alam kong natatakot ka today dahil sa nag-viral na photos niyo ni Fighter kaya nandito ako para sunduin ka. Para samahan ka.”
“Naku! “Wag na! Okay lang ako. Ayokong madamay ka pa sa problema ko.” I said guiltly.
“So, anong gagawin mo? Don’t tell me aabsent ka today dahil lang sa problemang ‘yan? Kaya nga ako nandito para samahan ka. Kunin mo na ang bag mo. Tara na.” he said with finality. Tumango nalang ako at bumalik sa loob para kunin ng bag ko at sumabay na sa kanya pababa ng building.
“Hmm…Treash… salamat nga pala sa padala mong gamot at kape noong nakaraan, ah?” binasag ko na ang katahimikan na bumabalot sa amin ngayon ni Treasure sa loob ng kanyang sasakyan. Kanina pa kasi siya tahimik.
“Gamot at kape?” pag-uulit niya at parang may iniisip. “Oh! Gamot at kapeeee… yes. Hmmm… you’re welcome. Wala ‘yon.”
I just nod at tumingin ulit sa bintana. Nasa University na kami. Kinakabahan ulit ako sa kung anong pwedeng mangyari.
“Ihahatid na kita sa Chem Building para ‘di ka ma late.” Anito. Tumango ulit ako.
“Treash, salamat ah.” I said as I unfasten my seatbelt at binuksan na ang pintuan sa shot gun seat. Buti nalang talaga at wala nang masyadong tao sa Chem Building dahil nagsimula na ang klase ng ibang estudyante.
“Wala ‘yon.” He said at ngumiti sa akin. Pagkatapos isara ang pintuan ay tinawagan ko agad ang number ni Sly.
[Hello? Besh! Nas’an ka?]
“Sly? Nasa school ka na ba?”
[Oo. Actually nasa classroom na ako. Nasa school ka na? Lalabas ako para sunduin ka.]
“No. Sa classroom ka lang maghintay. Nasa building na rin naman ako.”
[No. papunta na ako diyan. Wait for me, okay?]
‘Di ko tuloy mapigilang ngumiti sa pagka-concern ni Sly sa akin. Buti nalang talaga at naging magkaibigan kami.
Nagtago ako sa gilid ng building kung saan may mga punong pwedeng pagtaguan. Sana nga walang makakita dito sa aki—
“Look who’s here!” literal na lumabas ang puso ko sa gulat nang may tumawag sa akin. Akala ko ba safe ako sa mga punong ‘to?! Dahan-dahan akong lumingon sa aking likuran at sa kasamaang palad, ‘yong 5 morons na naman ang nakakita sa akin.
Lord, help me!
“Hahahaha! Akala mo ba matataguan mo kami? Kahit gaano pa kalalim pa ang hukayin mo, Miss whatever-your-name-is—”
“Margaux.” I corrected her.
“What?” tsss. Moron nga…
“I said… my name is Margaux. Not Miss Whatever-your-name-is.”
“Okay, fine! As what I’ve said, kahit gaano pa kalalim ang hukayin mo—”
“Hindi naman ako naghuhukay ah.” Sarkastiko kong sabat. Kailangan kong labanan ‘tong devil disguised as angel na ‘to!
“Aba! Namimilosopo ka ba?!” akmang sasampalin na ako ni Queenie nang may pumigil sa kanya. Giniya ko ang aking mata sa may-ari ng kamay na iyon.
“Z-Zara?”
Agad naman binawi ni Queenie ang kamay niya at hinihilot ito. Mukhang napalakas ata ang hawak ni Zara sa wrist niya, ah.
“Oh! As usual! Nandito na naman ang ‘Perfect and Just’ na si Zara!” sarkastikong sabi ni Queenie. Tumawa naman ang mga babae sa likod niya.
“Wala na ba talaga kayong ibang magawa sa mga buhay niyo? Kailan niyo ba titigilan si Margaux?!” may galit na sa tonong sigaw ni Zara. Naramdaman ko ang gigil sa bawat pagbitaw niya ng mga salita. Pero diba dapat ako ang maggigigil?
“Kapag tinigilan niya na si Fighter.” Deretso nitong sagot.
“Sa inyo na si Fighter! Hindi ko naman siya inaagaw sa inyo!” ako na ang sumagot.
“Hindi mo nga inaagaw. Siniseduce mo naman. Anong ginawa mo para mapalapit mo si Fighter, ah? Ginayuma mo ba siya?” then she rolled her eyes on me and stared my body. “or… ‘wag mong sabihin binigay mo ang—”
“Kahit kailan wala akong ginawang kahit ano para mapalapit siya! Hindi ako tulad ng iniisip mo! At kayo! Kayo ang nagpalapit sa akin sa kanya!” duro kong sigaw sa kanila.
Tama naman ako! Inaamin ko noong first meeting namin, ako ang unang lumapit. Pero doon sa cafeteria? Hindi na ako ‘yon. Sila na mismo ang nagtulak kay Fighter sa akin! Tapos ngayon, kasalanan ko pa?
“Queenie, you know what? Tigilan mo na ang kahibangan mo kay Fighter dahil hinding-hindi siya magiging sa’yo!” si Zara na ang nagsalita.
“Sabi nga nila… daig ng malandi ang maganda.” And then Queenie looked at me. “Galingan mo ang paglalandi mo, Margaux. Siguraduhin mong ‘di ikaw ang iiyak sa huli. Dahil ‘pag nangyayari ‘yon, ituloy tuloy mo na. hanggang sa mamatay ka.” Tinaasan pa niya ako ng kilay at umalis na silang lima.
Kinikilabutan ako sa mga sinasabi niya. How can she… how can she talk about death to me? Hanggang kamatayan ba talaga ang kabaliwan niya kay Fighter?
Dinamayan ako agad ni Zara. “Hey. Okay ka lang?”
Tumango lang ako.
“Margaux?” napalingon ako sa tumawag sa akin.
“Sly…” nanginginig bigla ang boses ko.
Linapitan agad ako ni Sly at tumingin sa kasama ko. “Oh my gosh. Zara Nicole Mondeguido?!”
Tumango lang si Zara at ngumisi.
Binaling ni Sly ang tingin sa akin. “Bakit ‘di mo sinabi sa akin na friend mo pala si Zara?” nginitian ko lang siya. Binaling niya ulit ang mata niya sa katabi ko. “Hi, Zara! Sobrang ganda mo talaga sa malapitan! I’m a big fan of yours! Hmm.. by the way ako nga pala si Sylvester Llones. But you can call me Sly. Beshy ako ni Margaux.” He said as he offer his hand to Zara to shake hands.
“Ohhh…. Beshy?” she said habang tumatango. Hindi siguro siya makapaniwala na beshy itong si Sly. May itsura naman kasi! She accepted his hands. “Nice to meet you, Pretty Sly.” She said as she smiles at him.
Para namang batang nabigyan ng kendi si Sly sa narinig. Pretty, huh?
“Margauuuux! Sobrang happy ko talaga ngayon! ‘Di ko talaga aakalain na savior slash friend mo si Zara. Ahhh!!!” bulong na sabi nito.
“At friend mo na din siya, Sly.” I answered. Nasa classroom kami ngayon at busy sa pagleleksyon ang prof namin ng biglang chumika si Sly. Hanggang ngayon ‘di parin siya makapaniwala sa nangyari kanina with Zara.
“By the way, Margaux. I bought lunch today. ‘Wag na tayong kumain sa cafeteria baka may umaway na naman sa’yo.” Bulong niya ulit sa akin.
“Sa akin ba talaga ang concern mo, Sly?” I whispered back.
“Hmm… ‘wag na nating ibalik ‘yon, okay? ‘Tsaka ako nagluto nitong lunch natin. Hanap nalang tayo ng peaceful place na pwedeng pagkainan.”
I just nod. “Doon nalang kaya tayo sa tapat ng abandoned building sa likod? Diba may mga table dun sa labas?”
I suggested.
He nods. “G!”
“Beshy, you should eat a lot, okay? Masarap ang pagkakaluto ko diyan.” Sly said as he gives me the plate na halos mapuno na ng pagkain. “I will, Sly. Konti lang din kasi kinain ko kaninang umaga.”
Late ang naging lunch namin ni Sly dahil matagal naming natapos ang narrative report na ipapasa agad ng 1 o’clock. Pagkatapos naming pinasa ‘yong report ay dumeretso na kami sa harap ng abandoned building na malapit lang sa Chem Building. May cement tables na nakahilera dito and thankfully, walang tao kahit isa!
Maraming ulam na niluto si Sly para sa amin. May omellete, garlic shrimp, black bean noodles, pork adobo at kanin. Tinikman ko ang mga iyon. At tama nga si Sly. Ang sarap!
“Oy! Kung sineswerte ka nga naman!” nagulat kami nang may lumapit sa amin.
Haaaaays! Kailan ba kami magkakaroon ng kapayapaan?!
“Oy! Kasama niya din pala ‘yong takot sa suntok, oh. Hahaha!” dagdag pa nito.
“Hoy! Victor… ‘wag mong sasabihin ‘yan sa harap ng kaibigan ko.” sabi ko na may pagbabanta.
“Ohh… matapang ka na ngayon? Dahil ba nasa panig mo si Fighter? Hahaha! Mabuti na nga at dito kayo kumain para Malaya namin kayong magugulpi.”
Aba!
“Victor tumigil ka na nga!” nagulat ako nang biglang sumigaw si Sly.
“Bakit, ha? Magpapasuntok ka na naman bang duwag ka?” mapang-hamong tanong ni Victor.
‘Di ko na talaga kaya ‘to! Tumayo na ako mula sa pagkaka-upo at hinarap si Victor. Insultuhin mo na ako ‘wag lang ang kaibigan ko!
“Bakit, Miss? Gusto mo ikaw nalang ang sun—”
‘Di ko na siya pinatapos pa sa pagsasalita niya…dahil inunahan ko na siya. Sa lakas ng suntok ko ay natumba pa siya sa apat na kasama niya kaya natumba silang lahat.
“Margaux!!!” lumapit si Sly sa akin.
Wala na akong inaksayang panahon at kinuha na ang kamay ni Sly para tumakbo papalayo.
“Habulin niyo!” narinig kong sigaw ni Victor sa ‘di kalayuan.
“Margaux sa abandoned building tayo dali!” komando ni Sly. Agad naman kaming lumiko sa may pathway at tumakbo na papasok roon. May nakita pa akong pamilyar na sasakyan sa parking lot noong papasok kami. Pero pinasawalang-bahala ko nalang ‘yon. Ang mahalaga makatasan namin ‘yong mga unggoy na ‘yon!
“Margaux, maghiwalay tayo. Sa kanan ka, sa kaliwa ako.” sabi ni Sly nang mapahinto kami sa intersection ng building.
“No! Ayokong maghiwalay tayo, Sly. Pa’no kung makita ka ng mga—”
“Ikaw ang hahabulin nila, Margaux at hindi ako. Kaya sige na magtago ka na doon. Ako na ang bahala..”
“Pero Sly…”
“Margaux… alam kong concern ka sa akin. At dahil pinaghiganti mo na ako sa Victor na ‘yon, ako naman ang tutulong sa’yo. Sige na, bilis baka maabutan pa tayo… dali na!”
‘Di na ako naka-angal pa at tumakbo sa kanan na labag sa loob ko. Ayokong iwang mag-isa si Sly dahil baka kung anong mangyari sa kanya… pero may tiwala ako sa kanya…
Umakyat ako ng hagdanan at lumiko sa mga intersections ng second floor. Hinihingal na ako pero kailangan kong makahanap ng mapagtataguan!
“Ahhh—”
May humablot sa braso ko papasok sa isang silid.
“Hmmmm!!!!” ‘Di na ako makapagsalita dahil tinakpan niya ang bibig ko.
“Wag kang maingay. Gusto mo bang makita ka nila?” husky na pagkasabi nito. Hindi na ako nagsalita pa pero malakas parin ang tibok ng puso ko sa kaba.
‘Di ko makita ang mukha niya dahil nakadikit ang mukha niya sa gilid ng mukha ko. Naririnig ko ang bawat paghinga niya. ‘Di ko alam pero kinukuryente ako sa bawat paghinga niya. His scent permeates my nostril— and he smells like… strawberry…
Unti-unti niyang iniangat ang kanyang ulo at isang pamilyar na mukha ang bumungad sa akin…
Fighter…
Nanginginig ang aking mga mata nang makita ang mukha niya. Feeling ko iiyak na ako sooner or later. Nanginginig ang aking mga kamay. Naalala ko na naman ang mga nangyari kanina... ‘yong mga masasakit na comments, mga pambubully sa akin at ang mga sinabi ni Queenie. Ang ugat ng lahat ng problema ko ay dahil sa lalaking ‘to… hanggang kailan ba kami magkakalayo ng lalaking ‘to?! Bakit parang sa tuwing may umaaway sa akin, siya palagi ang nagliligtas sa’kin?
Nakarinig kami ng mga paang tumatakbo sa paligid. Malapit lang sila sa pwesto namin. Nandito kami ngayon ni Fighter sa isang silid na may mga karton sa paligid. Nakadikit ang likod ko sa dingding ng silid at nasa harap ko naman si Fighter na nakasandal ang kanang kamay sa dingding. Pinakikinggan niya ang mga lalaking tumatakbo… na dahan-dahang lumakad…biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil pinasok niya ang silid kung saan kami nagtatago!
Kinakabahan na ako… parang lalabas na ang puso ko sa kaba! Nagsimula ng nanginig ang mga kamay ko. oh no! Hindi ‘to nerve damage… dahil sa kaba ‘to!
Narinig namin ang pag-ingay ng mga kartong nahulog sa sahig. No, no, no! Papalapit na siya sa kinatatayuan namin…
Papalapit…
Papalapit…
Dug…dug…
Dug…dug…
AHHHHHHH!!!!!
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments