KABANATA 2
Lumipas ang ilang araw, bumalik na din ang buhay ko sa normal. Though meron pa ring matalim na matang tumitingin sa akin, pero konti nalang sila. Simula kasi noong pangyayaring iyon, hindi na ako kumakain sa cafeteria. But instead, bumibili na ako ng pagkain sa grocery store at sa unit ko nalang ako kumakain. At sa mga panahon ding iyon, ‘di ko na rin nakikita o nakakasabay si Treasure sa school o sa elevator. ‘Di man lang ako nakapagpasalamat sa kanya.
“Margaux, napasa mo na ba ang report mo kay Prof. Sanchez?” tanong ni Sly sa akin nang lumabas na sa chem lab ang last prof namin for today.
Tumango ako. “Oo, tapos na, ikaw ba?”
“Tapos na din.” Tumango nalang ulit ako at nagpatuloy lang sa pagsusulat sa lab book ko.
“Hmmm… Margaux?” lumingon ulit ako sa lalaking kanina pa ako kinakausap.
“Bakit?”
“Hmmm… gusto mo bang sumabay sa’kin mag-lunch kahit late na? Sa cafeteria lang naman bago tayo umuwi?” tanong nito na may pag-aalinlangan. Ano bang problema nito? ‘Tsaka matagal ko na ding kilala si Sly pero nahihimalaan ako dahil inimbitahan niya akong kumain. Sly is is a very neat and nice guy. May round glasses siyang laging suot. Matangkad, prominente ang ilong, at manipis ang labi.
Tumango ako. “Sige. Walang problema. Basta… libre mo?” I joked.
He nods then he smiled. “Oo ba. Sky is the limit. Tara?”
“Woaah! This is the first time you treat me to a meal, ha? Anong meron? Birthday mo ba?”
“Hindi. Gusto lang naman kitang ilibre. Ayaw mo ba?”
“Syempre, gusto!” then I fixed my things and put them in my bag. “Ready na nga ako, eh. Tara!” hinubad ko na ang suot kong lab coat at nilagay sa locker pagkadaan namin sa locker room.
Mabilis kaming nakarating sa cafeteria sa sentro ng university. Dahil ito ang mas malapit na cafeteria sa building namin. As usual, maraming estudyante sa loob pero may marami pa namang bakanteng mesa dahil malaki at malawak naman ang cafeteria dito.
Marami ang inorder kong pagkain dahil mapilit si Sly. ‘Di daw ako mabubusog ‘pag konti lang oorderin ko. Kaya…dinamihan ko na din. Siya rin naman ang magbabayad, eh.
Nag-order ako ng tig-isang order ng adobo, afritada, fried chicken, chicken curry, kanin, isang slice ng coffee cake at isang can ng sprite. Pagkatapos bayaran ni Sly ang mga pagkain ay sabay na kaming naglakad patungo sa pinakagilid ng cafeteria since wala namang kumakain doon.
Ng biglang…
“Araaaay!”
“Oppps! May tao pala. Hahahaha!”
Mga walang hiya! Natapon lahat ng inorder kong pagkain sa puting tiles nang natisod ako sa humarang na paa ng lalaking ‘di ko naman kilala na kumakain sa isang mahabang mesa na nadaanan namin ni Sly. May mga kasama itong 4 na lalaki at limang babae. At ang mga babaeng ito, ay ‘yong humarang sa akin noong nakaraang araw.
“Margaux… okay ka lang ba?” tanong ni Sly sa akin nang nilagay niya ang tray ng pagkain niya sa sahig at tinulungan akong tumayo. Buti nalang at ‘di ako natapunan ng pagkain. Pagkatapos niya akong tulungang tumayo ay hinarap ko ang lalaking nakaupo lang at parang walang nangyari.
“Ano bang problema mo sakin, ha? Lalaki ka ba talaga? Bakit mo ginawa ‘yon?” Di ko na mapigilan ang lakas at gigil ng boses ko. Sinamaan ko siya ng tingin.
“Hahaha! Ikaw ang hindi tumitingin sa dinadanan mo, whatever-your-name-is. Kaya sa susunod, tumingin ka naman sa dinadaanan mo.” Sabi ni Queenie kaya napatingin ako sa kanya. Bigla nalang nagtawanan ang lahat ng nakakarinig at nakakakita sa amin.
Kumukulo ang dugo ko sa galit! Gusto ko siyang sampalin pero alam kong ako lang ang matatalo. Ako ang kawawa sa huli. Naramdaman ko ang paghawak ni Sly sa braso ko at sinenyasan ako na ‘Ako na ang bahala’. Hinarap niya sila at tinago ako sa likod niya. Oh my gosh! Hindi ko aakalaing totoo nga ang knight in shining armour!
“Kayo ang may kasalanan kung bakit siya nadapa. Kaya bayaran ninyo ang mga natapong pagkain dahil kung hindi, ako ang makakalaban niyo.” Mapanghamong sabi ni Sly. Ang tapang!
Biglang hinampas ng lalaking naging rason kung bakit ako nadapa ang mesa at tumayo ito. Kita sa mukha niya ang gigil at galit. Nagulat kami sa ginawa niya. He smirked at Sly. “Gusto mong bayaran namin ‘yang dog food na ‘yan?” anito at dahan dahang lumapit kay Sly. Napa-atras naman si Sly kaya natapakan niya ang sapatos ko. Lumipat tuloy ako sa gilid niya at nakita ko ang takot sa mukha ni Sly.
Sly namaaaan! Akala ko ba matapang ka?! Pero titig palang napa atras ka na?
Atsaka, Dog food? Aba ginigigil ako ng unggoy na ‘to, ah!
“Kung suntok nalang kaya ang ibayad ko…” he said at akmang susuntukin na niya si Sly pero ‘di ‘yon natuloy dahil…
Bigla hinimatay si Sly!!!
“Slyyyyy! Gising!” agad kong linapitan si Sly na ngayon ay nakahiga na sa sahig. Oh my gosh! Akala ko ba matapang ka, Sly!
‘Di parin siya nagigising! Kailangan may gawin ako!
Tumayo ako mula sa pagkakaluhod. Hinarap ang lalaking tumisod sakin at tinulak siya ng malakas dahilan para maupo niya ang chocolate cake sa mesa nila.
“Pffffftttt… bro… may tae ka.” Pigil na tawang sabi ng mga kaibigan niya. Ha! ‘Yan ang nararapat sa’yo!
“What the! You bi—” akmang susuntukin niya na ako pero ‘di ‘yon natuloy dahil may humarang na kamay sa harap ko. Liningon ko ang may-ari ng kamay na iyon.
And then I froze.
“Di ko inaakalang papatol ka sa isang babae, Victor?”
Fighter!
Agad namang tinanggal ng Victor ang kamao niya at pumunta ng banyo. Lilinisin siguro ‘yong tae niya!
“Fighter! I can’t believe that you’re saving that girl!” sigaw na sabi ni Queenie. Tinitigan lang siya ni Fighter at ‘di na nagsalita pa. Lumapit ito sa kinaroroonan ni Sly at tinulungang makabangon. Ako naman ay sinundan lang siya ng tingin dahil di ko maigalaw ang kalamnan ko. What’s happening to me?!
“Miss, tatayo ka lang ba diyan o tutulungan mo ako? Wala atang planong tumulong ang mga tao dito sa paligid.” komando ni Fighter habang pinipilit parin na maitayo sa Sly. Dahil sa sinabi niyang ‘yon ay automatic na gumalaw ang katawan ko at tinulungan na siya sa pagtayo kay Sly.
“Pumunta tayo ng infirmary.” He commanded.
Tumango lang ako. Kinuha ko naman ang bag namin ni Sly pero kinuha agad ni Fighter ang mga bag sa akin.
“Ako na.” he commanded.
Tumango ulit ako at naglakad na kami palabas ng cafeteria.
Nasa left ni Sly si Fighter at ako naman sa right. Unconscious parin si Sly. Buti nalang talaga at medyo magaan lang siya.
Madali naming narating ang infirmary dahil malapit lang naman ito sa cafeteria.
“Oh! Anong nangyari?” bungad sa amin ng doktorang nasa mid 30’s palang at iginiya kami sa loob para pahigain si Sly sa hospital bed.
“He’s unconscious. Nahimatay dahil sa takot.” Cold na sagot ni Fighter nang maihiga na namin si Sly sa hospital bed.
“Okay. Diyan muna kayo sa receiving area as I check for some issues, okay?” malambing nitong saad. Lumabas naman kami pagkasabi niya noon.
“Hmmmm…Fight…” I said catching Fighter’s attention na kanina ay nakapikit habang nakahalukipkip. Halata sa mga mata niya ang pagod nang tiningnan niya ako.
“Salamat nga pala sa pagligtas mo sa amin kanina.” I said genuinely. To be honest, ‘di ko inaakalang may good side pala siya. All this time, ‘Beast’ ang turing ko sa kanya dahil gaya ng name niya, he’s really a modern gladiator. Marami na siyang nakaaway pero kahit isa, wala pang nakakatalo sa kanya. Isa pa, matalino din siya at mayaman. Graduating na siya this year at balita ko, candidate siya for Magna *** Laude sa kursong Business Administration.
“Napilitan lang naman akong gawin ‘yon.” Cold na tugon nito.
“H-ha?!” wait. Guys, binabawi ko na ang mga compliments ko sa kanya!!!
“Nakita kong walang tumutulong sa inyo tapos ang boyfriend mong duwag nahimatay pa. tsk.”
I hissed. “Una sa lahat ‘di ko naman hinihingi ang tulong mo. Kaya kung nasayang man ang oras mo dahil sa amin, sorry. Sorry, okay?” Di ko mapigilang mapiyok sa sinabi ko dahil feeling ko sooner or later iiyak na ako. “At pangalawa sa lahat, hindi ko siya boyfriend.”
He chuckled. “So, manliligaw mo?”
“Ano bang pakialam mo? Kaibigan ko lang siya at gusto niya lang akong ilibre ng lunch pero dahil sa mga mokong na’yon, kahit isang kutsara wala akong nakain! At ‘tsaka akala ko… akala ko matatahimik na ang buhay ko kapag lumayo na ako sa’yo pero hindi pala! Kasalanan mo—”
“At sino ba ang unang lumapit sa’kin sa mesa para makikain? Diba ikaw?”
Na-estatwa ako sa sinabi niya. Tama… ako pala ang naglagay sa sarili ko sa kapahamakan. Isa akong hangal!
“Kita mo? Di ka makasagot? Ang mahirap kasi sa inyo, sinisisi niyo sa ibang tao ang kasalanang kayo naman ang gumawa.”
‘Di na ako makasagot. Oo na! kasalanan ko na! yumuko nalang ako at tumingin sa sahig.
Narinig kong tumawa ng mahina si Fighter nang marinig ang kumakalam kong tiyan. Walangya! Naaalala ko na naman ‘yong ginawa ng lalaking ‘yon! Kumukulo ulit ang dugo ko!
“Classmate ba kayo ng pasyente?” mula sa pagkakayuko ay tumingala ako sa doktorang nag-aasikaso kay Sly.
“Ako po ang classmate niya, Doc.” I formally answered at tumayo na mula sa upuan. “Okay na po ba siya?” I added.
“Okay naman na siya. Wala namang complications. Dahil lang sa shock kaya siya unconscious. Hintayin lang natin na magising siya then kung ma confirm na okay na ang pakiramdam niya, pwede na siyang umuwi.” Literal na natanggalan ako ng tinik sa dibdib ko sa narinig. Buti nalang talaga walang ibang nangyari sa kanya…
“Pwede na po bang pumasok sa loob? Sasamahan ko po siya hanggang sa magising siya.” I asked. Tumango naman si doktora at umalis na para bumalik sa opisina niya.
Nilingon ko naman si Fighter na nakatayo na rin ngayon. “Salamat ulit, ah. At sorry din sa abala. Pwede mo na kaming iwan. Ako na ang mag-aalaga sa kanya.” Then I smiled at him.
Tumango lang siya at umalis na agad. Grabee! Wala man lang ba siyang sasabihin? Magkano ba ang bawat salita niya? Isang libo? Isang milyon?
Napailing nalang ako. Kinuha ko ang mga bag namin sa upuan at dumeretso na sa higaan ni Sly na hinaharangan ng berdeng kurtina.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagtulog nang may tumutusok sa pisngi ko. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at nakita ang isang pamilya na mukha. Anong ginagawa niya rito?
“F-Fighter? Anong ginagawa mo rito?” I asked curiously. Iniangat ko naman ang ulo ko mula sa pagsandal sa gilid ng higaan ni Sly at umupo ng maayos sa aking upuan.
“Hmm…” inabot niya sa akin ang isang supot na may lamang pagkain. Tiningnan ko lang ‘yon at tumingin ulit sa mukha niya showing him the ‘Ano ‘to?’ face. “Alam kong wala pa kayong kinakain ng boyfriend mo kaya binilhan ko nalang kayo.”
Binilhan nalang?!
“Correction. Hindi ko siya boyfriend. At ‘tsaka hindi kita sinabihan na bilhan kami ng pagkain. Baka kung anu-ano na naman ang sasabihin—”
“Kung ayaw mo edi—”
“Jokeee! Joke lang, Fight!” hinawakan ko ang laylayan ng uniporme niya para pigilan siya sa pag-alis. Lumingon naman siya sakin na may ngisi na sa mukha. “Sorry na. Akin na. Gutom na din ako, eh. Salamat, ah.” Kinuha ko na ang supot at namili ng kakainin. Tumingin ako sa kanya. “Umupo ka muna. Gutom ka na ba?”
Matagal pa bago siya nakasagot. “Hmm…yup.” Pagkatapos niyang sumagot ay inabot ko sa kanya ang katabi kong monobloc chair na bakante. Umupo naman siya at tumabi sa akin. Pumili na ako ng kakainin. Kinuha ko ang sliced cake at kinain na ‘yon. Sa wakas, my baby tummy, nakakain ka na rin sa wakas!
“Hanggang ngayon ‘di pa din nagigising si Sly.” Binasag ko na ang katahimikang bumabalot sa amin. Tulala lang kasi si Fighter sa kawalan.
“Nakikita ko nga.” Matigas na sagot nito.
Umiling nalang ako at nagpatuloy na lang sa pagkain. At tsaka… nahihimalaan ako sa sarili ko ngayon. Kapag palagi kong kasama ‘tong beast na ‘to, ako palagi ang unang nagsasalita. Weird!
Nakita ko sa peripheral vision ko ang paglingon ni Fighter sa direksyon ko. Ano bang tinitingin-tingin niya? Hindi pa naman ako komportable na may tumititig sa akin.
Tumagal pa ng ilang minuto ang pagtitig niya sakin kaya di na ako nakatiis at nilingon ko na siya. “Bakit?”
“May ano ka…” anito sabay turo sa may labi ko.
“May dumi ba? Saan banda?” I asked as I wiped my lips.
“No… here.” Nilapit niya ang kamay niya sakin at pinahid ang icing na nasa gilid ng labi ko. Nagulat ako sa ginawa niya at tiningnan lang siya. “You’re really a mess when you eat.” Matigas na ingles nito. Pinahid naman niya ang thumb finger niya sa panyo na nakalagay sa bulsa niya,
“Eheeeem…” napalingon ako sa source ng boses na iyon.
“Sly! Thank God gising ka na. Okay na ba ang pakiramdam mo?” tumayo ako at hinaplos ang ulo nito.
“Okay na ako. ‘Tsaka pano ako napunta—”
“Nahimatay ka dahil sa takot. Hindi pa nga dumapo yung suntok sa mukha mo nahimatay ka na— awwwww!”
Pinalo ko na ang braso ni Fighter para matigil siya sa pagsasalita niya at pinandilatan siya ng mata.
“Margaux, sorry kung ‘di man lang kita nilig—”
“Bakit ka ba kasi nanghamon ng away dun kung hihimatay— araaay! Ano ba?!”
“Tumigil ka na nga, Fight! Kung wala ka man lang sasabihing maganda mabuti pa umalis ka na lang!” galit na sabi ko. Pinalo ko na talaga siya ng mas malakas pa kesa kanina. Ang talas talaga ng dila ng lalaking ‘to!
Inirapan niya lang ako at tumahimik na. tsss. Ayaw palang umalis nito, eh.
Nabigla naman ako nang bigla hawakan ni Sly ang kamay ko.
“I’m sorry, Margaux, ah. Akala ko kasi hindi na ako hihimatayin kapag may gustong sumuntok sa akin pero hindi pa pala. Gusto ko lang namang iligtas ka pero hanggang ngayon, duwag pa rin ako. Sorry talaga.”
Pinatong ko ang isa kong kamay sa kamay niya. “Sly, ‘wag kang mag-sorry, okay? At lagi mong alalahanin na hindi ka duwag. Hindi porke’t madali kang himatayin kapag may gustong sumuntok sa’yo ay duwag ka na agad. Ang tunay na matapang, hindi sa suntukan o sa pakikipag-away binabase kundi sa kung paano mo hinaharap o nalalagpasan ang mga pagsubok mo sa buhay. Alam mo, kanina, ang astig mo talaga noong sinabi mo na ‘Kayo ang may kasalanan kung bakit siya nadapa! Bayaran niyo ang mga natapong pagkain dahil kung hindi, ako ang makakalaban niyo.’” I said imitating Sly’s voice. “Sobrang na amaze talaga ako dun.” I added.
“Nahimatay nga lang pagkatapos.” Biglang sabat ni Fighter. Papaluin ko ulit sana siya pero nakailag naman agad. Kainis!
“Salamat sa pagligtas mo kay Margaux, Fighter.” Sly said. Tango lang ang naisagot ng Beast. “At Margaux, salamat sa encouragement. Di ko ‘yon makakalimutan.” He said with a smile on his face.
“Good! Dahil kung hindi, malalagot ka talaga sa’kin. Hehehe. Ay! Anyways, alam kong gutom ka na kaya heto oh kain ka muna. Pagkatapos mong kumain, pwede na daw tayong umuwi sabi ni Doktora.” I said at binigay na ang pagkain sa kanya.
Buti nalang talaga same kami ng schedule ni Sly. And this afternoon, wala kaming class kaya pwede pa kaming magtagal dito sa infirmary.
And thanks to this beast… he really saved our day…
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments