Falling Game

Falling Game

FALLING GAME

NAIINIS na niligpit niya ang mga bote ng alak sa sahig. Naglalasing na naman ang kaniyang ina. Simula nang namatay ang kaniyang ama sa sakit ay nagbago na ang kaniyang ina. Naging lasingga na ito at naadik sa sugal. Nakatulog na ito sa sahig sa subrang kalasingan nito.

"Ma,tumayo kana." Bulong niya sa kaniyang ina. Subalit tinulak siya ng kaniyang ina kung kaya ay napaupo siya sa sahig. Napailing na lang siya habang sinusubukan niya itong patayuin. Muli na naman siya nitong tinulak palayo. Huminga siya ng malalim bago tumayo at pumasok sa kwarto ng kaniyang ina para kumuha ng kumot at nilagyan na lang niya ito ng kumot. Pumasok na siya sa kaniyang kwarto at naligo. Kailangan niya pang pumasok sa kaniyang trabaho. Kahit pagod na pagod na siya ay hindi parin siya tumigil sa pagtatrabaho. Siya na lang ang kumikita para sa pamilya niya. Kaagad na pumara siya ng taxi.

Kaagad na pumasok siya sa kaniyang dressing room at nagpalit ng damit.

"Kamusta na ang mommy mo?" Napatingin siya sa kaniyang kaibigan at kaniyang katrabaho.

"Maayos naman siya." Sagot niya.

"Lasing na naman ba?" Malungkot na napatingin siya sa kaibigan.

"Kailangan ko ng magtrabaho." Lumabas na siya at nakangiting hinarap ang mga lasing na mga costumer niya.

"Magkano ang isang gabi mo?" Napailing siya habang nakatingin sa isang gwapong lalaki.

"I'm not for sale." Nakangiting sagot niya. Bumalik na siya sa counter at nilapag ang basong walang laman.

"Juelliana." Napalingon siya sa lalaking tumawag sa kaniyang pangalan. Kaagad na lumapit siya sa kaniyang boss.

"Yes boss?" Nakangiting tanong niya.

"May naghahanap sayo." Sagot nito. Kaagad siyang sumama sa kaniyang boss. Pumasok sila sa VIP room. Nagtataka man ay pumasok na lang siya. Naabutan nila ng isang napaka gwapong lalaki na busy sa paglalagay ng alak sa dalawang wine glass. Tumikhim ang kaniyang boss para kunin ang presenya ng lalaki at kaagad naman itong lumingon sa kanila.

"Maupo ka." Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng kaba habang umuupo sa mahabang couch. Lalong nadagdagan ang kaba niya nang lumabas ang kaniyang boss.

"May kailangan po ba kayo?" Kinakabahang tanong niya sa lalaki. Tumayo ang lalaki at lumapit ito sa kaniya.

"Christian Xzyroz Velasquez." Pagpapakilala nito sa kaniya. Nakangiting tinanggap niya ang pakikipag kamay ng lalaki sa kaniya.

"Juelliana Maxine Smith." Pagpapakilala niya.

"Nice to meet you, Maxine. Alam mo ba kung bakit kita pinatawag?"

"No, sir." Seryosong sagot niya.

"Pinatawag kita para pag-usapan ang halaga ng inutang ng iyong ina." Napatayo siya sa narinig.

"Magkano na naman ang utang niya?" Kinakabahang tanong niya. Hindi na bago sa kaniya na may taong lumalapit sa kaniya para maningil ng utang ng kaniyang ina.

"10 million pesos." Sagot nito.

"Paanong umabot ng 10 million ang utang niya?" Hindi makapaniwalang tanong niya. May kinuhang folder ang lalaki at binigay sa kaniya. Kaagad niya iyong binasa. Nanlaki ang mata niya nang makita ang malalaking halagang inutang ng kaniyang ina at may perma pa nito iyon. Bagsak ang balikat na ibinalik niya ang folder sa lalaki.

"Mababayaran mo ba ang utang ng iyong ina?" Tanong nito sa kaniya.

"Maliit lang ang sahod ko dito, Sir. Sabihin niyo po sa akin kung paano po ako makakabayad." Pagod na siya at wala na siyang perang naipon.

"Play with me." Seryosong sagot nito sa kaniya.

"Sorry sir, pero hindi po ako marunong sumugal." Sagot niya.

"Hindi iyan ang ibig kung sabihin na laro." Napakunot ang kaniyang nuo.

"What kind of play, Sir?" Nagtatakang tanong niya.

"Falling Game." Sagot nito. " Only one rules " don't ever falling in love with me."

"What kind of game are we talking about, Sir?"

"Be my girlfriend." Seryosong sagot nito sa kaniya.

"What?"

"Be my girlfriend within 365 days. If you win this game without falling in love with me I will give you 50 million pesos at makakabayad kana sa utang ng ina mo."

"Pag-iisipan ko muna." Tanging sagot niya.

"Tawagan mo na lang ako kapag nakapag decide kana." Tinanggap niya ang calling card ng lalaki bago lumabas. Huminga muna siya ng malalim bago pumasok sa kaniyang dressing room. Tapos na ang kaniyang trabaho at kailangan niya ng umuwi. Kaagad siyang sumakay sa taxi na pinara niya.

Mabilis siyang pumasok sa bahay nila at hinanap ang kaniyang ina. Nanlaki ang mata niya nang makita ang kaniyang ina na walang malay at bumubula ang bibig.

"Mom." Sigaw niya. Mabilis niyang tinawagan ang ambulance. Kaagad na kinarga sa ambulance ang kaniyang ina at isinugod ito sa hospital. Sumasakit na ang kaniyang ulo. Wala na siyang pera pambayad ng hospital. Kinuha niya ang number na binigay sa kaniya ni Xzyroz at kaagad na tinawagan niya ito.

"I need your help." Kaagad na sabi niya ng sinagot na nito ang tawag niya. Sinabi niya sa lalaki ang problema niya at pupuntahan daw siya nito. Mabilis siyang lumapit sa doctor ng kaniyang ina.

"Kamusta na po siya?" Naiiyak na tanong niya sa doctor.

"Okay na siya ngayon Ms. Smith, kailangan niya lang magpahinga." Sagot sa kaniya ng doctor.

"Maraming salamat po." Kaagad siyang pumasok sa kwarto ng kaniyang ina. Nadatnan niya itong umiiyak.

"Mom." Maingat itong lumingon sa kaniya.

"I'm sorry, anak." Naiiyak na sabi nito sa kaniya. Nilapitan niya ito at niyakap.

"Okay lang po mom, nandito lang po ako." Bulong niya sa kaniyang ina. Bumukas ang pinto at pumasok ang lalaking tinawagan niya.

"Ms. Smith." Tawag nito sa kaniya. Nanlaki din ang mata ng kaniyang ina ng makita ito.

"Mr. Velasquez." Mahinang bulong ng kaniyang ina. Nilapitan niya ang lalaki at kinausap sa labas.

"Nabayaran ko na ang bill ng ina mo, Ms. Smith. So,are you now welling to play with me?"

"Yes, pero meron pa akong katanungan sayo." Mahinanong sagot niya.

"Sure, pag-uusapan natin iyan kapag okay na ang ina mo."

"Salamat sa tulong mo."

"Tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka." Sabi nito sa kaniya bago ito umalis. Bumalik na siya sa kwarto ng kaniyang ina.

"Hindi mo ito kailangang gawin." Naiiyak na sabi sa kaniya ng kaniyang ina.

"Paano natin mababayaran ang utang mo, mom?"

"I'm sorry anak." Kahit anong ginawa ng kaniyang ina ay hindi niya magawang magalit.

"I love you mom, magpa galing na po kayo. Kailangan ko nang umalis para magtrabaho." Hinalikan muna niya ang kaniyang ina bago lumabas. Kaagad niyang pinadalhan ng mensahe si Mr. Velasquez kung saan sila magkikita.

Inayos niya muna ang kaniyang sarili bago umupo sa bakanteng mesa. Mayamaya ay dumating din ang lalaking hinihintay niya. Umupo ito sa bakanteng upuan.

"Ask anything." Kaagad na sabi nito sa kaniya. Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita.

"We pretend like girlfriend and boyfriend right?" Tumango lang ito bilang sagot.

"Magiging loyal ako sayo at ikaw din sa akin at sa mansion ka titira kasama ako."

"Okay, how about sexual activities?" Naiilang na tanong niya. Mahina itong natawa.

"Yes." Sagot nito. Hindi na siya nagtanong pa.

"Kailangan ko munang kunin ang mga damit ko bago ako sumama sayo." Tanging sabi niya.

"No need, ang kailangan mong gawin ay magpaalam sa mama mo bago tayo umalis." Tamango lang siya bilang sagot. Kumain muna sila bago siya nito hinatid sa hospital.

"Tawagan mo ako kung tapos na kayong mag-usap." Sabi nito bago siya iniwan. Kaagad siyang pumasok sa kwarto ng kaniyang ina.

"Kamusta ka anak?" Tanong nito sa kaniya.

"I'm fine mom, kailangan ko lang pong magpaalam sayo. Kailangan kong magtrabaho para mabuhay tayo. Kaya simula bukas ay hindi muna ako makakauwi sa bahay. But promise me hindi mo ulit ito gagawin." Naiiyak na sabi niya sa kaniyang ina.

"Dadalawin mo naman ako diba?" Naiiyak na tanong sa kaniya ng kaniyang ina.

"Promise, pagkatapos nito magiging okay na ang lahat." Hinalikan niya muna ang kaniyang ina bago lumabas sa kwarto nito. Kaagad na tinawagan niya si Xzyroz.

Sumakay siya sa magarang sasakyan nito at kaagad na umalis na sila. Tahimik lang sila habang nasa biyahe. Hanggang sa pumasok sila sa napakataas na gate na kulay itim hanggang sa huminto ang sasakyan nito sa mismong harap ng napakalaking mansion. Naunang itong bumaba sa kaniya at kaagad na pinagbuksan siya nito.

"Such a gentleman." Komento niya sa ginawa nito sa kaniyang isip. Inalalayan siya nitong pumara. Masasabi niyang talagang napaka mayaman ng lalaking kasama niya.

"Ihahatid kita sa kwarto natin." Tumango lang siya bilang sagot. Kaagad na sumama siya. Umakyat sila hanggang sa pang-apat na palapag at binuksan ang nag -iisang pintuan. Bumuluga sa kaniya ang malawak na kwarto nito. Black and white ang motif ng kwarto nito. Amoy niya ang panglalaking cologne nito at napapikit siya sa subrang bango.

"Magpahinga ka muna, ako na ang bahala sa mama. Hanggang sa paglabas nito sa hospital." Sabi nito sa kaniya bago ito lumabas ng kwarto nila. Binuksan niya ang kulay itim na cabinet at mga damit pambabae ang laman kumuha siya na pampatulog at binuksan muli ang dalawang cabinet na may lamang underwear niya. Kaagad na pumasok siya sa banyo upang maligo. Complete din ang mga gagamitin niya sa banyo. Nakahubad lang siya habang naliligo. Pagkatapos niyang maligo ay inayos niya muna ang kaniyang sarili bago humiga hanggang sa nakatulog na siya.

PAGKATAPOS niyang ihatid sa kwarto ang babae ay pumunta siya sa hospital para bisitahin ang ina nito. Matagal na siyang umiibig sa babae. Kaya palagi siyang pumupunta sa bar na pinagtatrabahuan nito. Kaagad niyang pinuntahan ang ina nito. Pwedi na itong makalabas kung Kaya ay binayaran niya muna ang bill nito bago niya ito tunulungan sa mga gamit nito. Inalalayan niya itong sumakay ng kaniyang sasakyan.

"Mabait ang anak ko Mr. Velasquez, alam kung nagtatrabaho siya sayo bilang kabayaran ng malaking utang ko."

"Kaya simula ngayon ay wag mo na siyang bigyan ng sakit sa ulo Mrs. Smith. Bibigyan kita ng pera para makapagsimula kang muli. And don't worry about your daughter, she is in good hand."

"Thank you, please don't hurt my daughter. Mahal na Mahal ko ang anak ko."

"Of course." Sagot niya. Tunulungan niya muna ito at bibigyan ng checkque na may nakasulat na malaking halaga bago umalis. Sisiguraduhin niya ding may 24/7 na magbabantay sa ginang. Tinawagan niya ang trusted bodyguard niya na magbabantay sa ginang.

Kaagad na pumasok siya sa kaniyang kwarto at naabutan niyang natutulog ang babae. Lumapit siya at hinalikan muna Ito sa nuo bago siya pumasok sa banyo para maligo. Pagkatapos niyang maligo ay nagbihis siya bago humiga sa tabi nito.

NAGISING siyang at nakangiti ng makita ang lalaking katabi niya na mahimbing paring natutulog. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at tinawagan ang kaniyang ina.

"Kamusta ka na, mom?" Nag-aalala siya kung ano na ang nangyayari sa kaniyang ina.

"Okay lang ako anak, nakauwi na ako dito sa bahay at kasama ko dito ang dalawang kasambahay at isang bodyguard."

"Are you serious,mom?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Yes anak, ako din mismo ay nagulat ng bigla na lang silang dumating sa bahay at utos daw sa kanila ni Mr. Velasquez na bantayan ako at alagaan." Napangiti na lang siya. Hindi nga nito pinabayaan ang kaniyang ina. Kaya gagawin niya ang lahat para mabayaran niya lang ito.

"Mag-iingat po kayo mom, dadalawin po kita pangako."

"Salamat anak, mag- iingat ka din." Pinutol niya na ang tawag at nilapag sa mesa ang kaniyang cellphone at lumabas. Dumiritso siya sa kusina para magluto. Napatigil siya sa pagluluto ng bigla na lang humalik sa kaniyang leeg. Muntik niya ng mabitawan ang hawak niyang plato.

"Good morning." Bati nito sa kaniya.

"Good morning." Nakangiting sagot naman niya. Hinanda na niya ang kaniyang niluto at sabay na silang kumain.

"Kamusta ang tulog mo?"

"Maayos naman, salamat nga pala dahil hindi mo pinabayaan si mommy." Nahihiyang sabi niya.

"Gaya ng sabi ko, simula ngayon ay hindi kana magta trabaho." Tumango lang siya bilang sagot.

"Ano naman ang gagawin ko dito sa loob ng mansion kung hindi ako magta trabaho?" Nakangiting tanong niya.

"Okay, magbubukas ako ng flower shop para sayo para may paglilibangan ka."

"Thank you, Sir."

"Xzyroz, just call me Xzyroz."

"Okay, Xzyroz." Tahimik na silang kumain. Ang mga katulong na ang nag hugas ng pinagkainan nila at sabay na silang bumalik sa kwarto nila. Nauna siyang naligo dahil pupuntahan na nila ang flower shop. Masaya at excited na siya sa bagong trabaho niya. Ang magagawa nga ng pera.

Masaya siyang pumasok sa flower shop niya. Marami na ang mga bulaklak na naka display at may dalawa siyang kasama.

"Good morning, Ms. Smith." Bati ng dalawang babae.

"Good morning." Bati niya din sa dalawa.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong sa kaniya ni Xzyroz.

"Yes, maraming salamat."

"Your welcome, susunduin Kita mamaya, tawagan mo ako kapag may problema." Tumango siya bilang sagot. Nagulat siya ng bigla na lang siya nitong halikan sa labi bago ito umalis. Napahawak na lang siya sa kaniyang labi hanggang sa pumasok siya sa kaniyang opisina. Medyo marami ng bumibili ng kanilang bulaklak. Mabuti na lang at mababait ang mga kasama niya. Masasabi niyang maswerte siya, sana nga.

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play