TOPS 1: Hᴀɴᴄɪᴇʟ Rᴏᴍᴀɴ Rɪᴄʜᴀʀᴅsᴏɴ
...🌼...
"𝐌ommy, bakit po tayo nandito?" Tanong ng isang batang lalaki na sa itsura pa lang 'di mo aakalaing nagtatagalog.
Walang malay siyang binitbit ng Mommy niya sa kung saan.
Tulog kasi ito nung umalis sila kaya naman nakapajama pa ito at gulo-gulo ang buhok nito. Nagising nalang siya ng makarinig siya ng ingay sa paligid dahil sa isa-isang binababa ang mga bagahe nila.
His mom decided not to tell kung aalis ba sila or may lakad ba sila dahil alam nito na hindi siya sasama at mas gugustuhin pa niyang tumambay na lang sa garden nila o kaya makipaglaro na lang kay Venedict na kaibigan niya.
"Baby, we're here because it was your Auntie Ellaiza's Birthday." Nasa isang magandang villa sila ngayon na pag-aari ng may kaarawan na bestfriend ng Mommy niya dito sa Cavite.
"Mommy, can't we just celebrate it in Disneyland? Ang boring naman po dito.. I wanna see lots of toys and flowers." Pangungulit ng 7 years old na bata.
"Baby, kapupunta lang natin do'n last month ah, Don't worry you'll enjoy it here.. marami ring plants dito and we even gonna do some camping in here for a week that's why I want you to behave okay? For sure, marami kang bagong makikilala here." May mga kalapit din kasi itong mga bahay at para talaga siyang camping site na may nakatayo lang na magagandang bahay sa paligid.
"Ciella! My god! Finally, we see each other again.. I miss you so much!" Nilapitan sila ng isang ginang na halatang excited nung makita sila.
"Ellaiza! I miss you too! Ofcourse sis, ikaw pa ba? Happy Birthday! By the way, he's my son Hanciel Roman." Hinawakan ng Mommy niya ang ulo niya at bumaba naman ang ginang para magpantay sila.
"Hello sayo.. Nice to meet you dear, Ako nga pala ang bestfriend ng Mommy mo kasama ko rin ang anak ko, sana magkasundo kayo." Nakangiting bati nito sa kanya.
"Don't worry, good boy naman 'tong baby Hanciel ko." Nginitian din siya ng Mommy niya.
"O siya du'n na tayo sa loob at excited na akong makipagkwentuhan!"
Habang naglalakad sila palinga-linga naman ang batang si Hanciel sa bawat paligid ng kanilang dinadaanan at mukhang naghahanap ito ng pwedeng paglilibangan.
May sumalubong din sa kanilang lalaking maputi na mukhang artista at doon nalaman niyang asawa pala ito ni Auntie Ellaiza niya, si Uncle Dave.
Napatingin siya sa buong paligid nang tinutuluyan ng mga ito at talaga ngang maganda rito.
Walang sabi-sabing nilibot niya ang buong bahay nito. Isa-isang sinilip niya ang mga kwarto roon at manghang-mangha naman siya ng may matanaw siyang lake malapit dito pati na rin sa ibang bahay na naroon, mukha nga talagang masarap magcamping dito. Tanaw din niya ang mga halamanan sa paligid nito kaya naman ngayon pa lang pinaplano niya na mag-aadventure siya mamaya na parang si Diego.
"Nasaan na pala ang princess mo?" Biglang tanong ng Mommy niya na siya naman ay binuksan muli ang mga pinto sa taas at inisa-isang pasukin ang mga iyon.
"Iww. Pink." Nakakita kasi siya ng isang pink na pinto na halatang babae ang may-ari nun dahil sa desenyo pa lang nito, okay lang naman sa kanya ang bulaklak na pink pero pag mga gamit o kasuotan hindi siya nagagandahan.
Lalagpasan niya na sana ito ng makarinig siya ng boses na nakanta mula roon kaya naman dahan-dahan ay binuksan niya ang pinto na 'yon at paunti-unting sinilip ang loob nito.
"♩♪♬ Amazing grace.. How sweet the sou—" Napatigil naman ito bigla sa pagkanta nang makarinig ito ng kaluskos dahil sa pagbukas niya.
Pareho silang naestatwa at 'di kaagad nakagalaw sa kinatatayuan nila paano masyado siyang napokus at natulala sa batang babaeng kaharap niya para kasi itong isang manika. Kakaiba ang kulay ng buhok nito, maputi at napakaganda rin ng mata nito halos mapagkakamalan mo itong manikin lalo pa't wala man lang kaemo-emosyon sa mukha nito.. pero hindi sa mga mata ni Hanciel.
"Oh.. Siya ba ang princess niyo? Wow! Napakagandang bata!" Natauhan naman siya at bahagyang nagulat nang bigla na lang may nagsalita sa likod niya dahil naroon na rin pala ang mga ito sa likuran niya.
"Princess, come here." Dahan-dahan itong lumapit sa kanila.
"She's afraid." Biglang sabi niya na pareho namang napatingin ang mag-asawa sa kanya.
"You can tell? Princess, are you scared?" Lumuhod ang Mommy nito at hinawakan ang kaliwang kamay ng anak nito na tinanguan lang sila bilang pagsagot.
"Wow.. That's amazing.. Sis, how did your son knows?" Manghang tanong nito sa Mommy niya.
"I don't know sis, my baby has always been aloof but now I think it's really a good idea that I went here with him so both of them can be bff's like us!" Hindi niya na pinakinggan pa kung ano pa man ang sinasabi ng matatanda sa paligid niya bagkus pinagmasdan niya lang ng maigi itong batang babae na tinawag nilang princess.
"Don't be afraid.. I'm a good boy I can protect you." At hinawakan nito ang kabilang kamay ng batang babae.
Ang lambot.. Sa isip-isip niya.
Nakita niya naman sa mukha nito na naniniwala ito sa sinabi niya.
"Auntie, can we play?" Biglang tanong ni Hanciel na 'di binibitawan ang kamay ni princess.
"Sure dear, pero diyan lang muna kayo sa may backyard okay? Maya-maya kasi kakain na tayo." Mabilis siyang tumango at iginaya na ito pababa ng hagdan, nakita niya agad ang duyan kaya doon niya ito pinaupo.
"Ikaw ba 'yung kumakanta kanina?" Biglang tanong niya rito na umupo na rin sa tabi nito sabay bahagyang ginalaw ang duyan.
"Alam mo ba marunong akong tumugtog ng piano kung gusto mo itutugtog ko sayo 'yung kinanta mo kanina. Sayang.. wala dito si Venedict panigurado magkakasundo kayo nun dahil magaling din 'yon kumanta. Nakakita pala ako ng piano sa inyo kanina mamaya laro tayo doon ah, papakita ko sayo kung gaano ako kagaling magplay at tuturuan pa kita! Don't worry magaling akong teacher. Teka, kanina pa ko salita ng salita dito ayaw mo ba 'kong kausap?" Umiling ito bilang sagot sa kanya.
"P-para sa group play namin sa school 'yung kinakanta ko kanina.." Nakatingin lang siya sa labi nito habang nagsasalita ito, nagagandahan kasi siya sa hugis at kulay nun.
"Lagi ka bang ganyan? Parang robot ang mukha?" Nakita niyang yumuko ito at parang naiiyak bigla.
"A-aawayin mo rin ba ako?" Kahit wala sa itsura nitong batang babaeng kaharap niya alam niyang may takot at lungkot sa mga mata nito.
"Ayoko sa mga babae kasi maiingay sila pero ikaw okay lang sa akin kaya 'di kita aawayin."
"Lagi na lang ako inaaway sa school.. kasi ako raw 'yung nakuhang princess sa play t-tapos 'di naman daw ako marunong ngumiti at magaling kumanta." Hindi niya maalis ang mga mata niya rito para kasi siyang nakakita ng isang napakagandang toy na ayaw niyang ipakita or ipahawak sa iba.
"Inggit lang 'yung mga iyon kasi mukha ka naman talagang prinsesa kaya princess na lang din ang itatawag ko sayo.. Saan ba school mo? Sasabihin ko kay Mommy pareho na lang tayo ng school para wala ng mang-aaway sa'yo at ako na lang din palagi ang prinsipe kapag may play sa school para partner tayo." Nabasa niyang ngumiti ito at mukhang nagustuhan nito ang mga sinabi niya kaya hindi niya tuloy mapigilang kurutin ng mahina ang pisngi nito na mamula-mula.
"Thank you." Kiniss siya nito sa pisngi na ikinalaki ng mata niya, tuloy parang gusto niyang tumalon-talon sa tuwa.
"Uhmm.. Tara ikot-ikot tayo." Nauna siyang bumaba sa duyan sabay sumunod naman ito sa kanya na magkahawak kamay pa rin sila.
"Oh? saan kayo pupunta?" Tanong ng Mommy niya nang makita sila.
"Maglalakad-lakad lang po dito Mommy." Lumapit na ito sa kanila.
"Baby, bawal masyadong mapagod 'tong si princess huh, may hika kasi siya eh baka atakihin siya kaya bantayan mo siya tutal mas matanda ka naman sa kanya kaya dapat Kuya ka niy—.."
"No! Hindi niya ko kuya hindi naman kami magkapatid.. Akong bahala sa kanya Mommy, I'll protect her because I'm her Prince diba?" Tumango lang si princess sa sinabi niya habang ang Mommy naman niya nagulat sa mga sinabi niya at parang kinikilig pa.
"Sige, basta diyan lang kayo.. Takecare of her son." Nakangiting paalala muli nito sa kanila.
Mabilis lumipas ang araw at halos 'di mo mapaghiwalay ang dalawa, palagi pang magkaholding hands ang mga ito. Wala naman ito sa mga magulang nila dahil masaya rin ito sa mga nangyayari lalo pa't bawat reaksyon na 'di nila makita or mabasa sa prinsesa nila ay madaling nasasabi ni Hanciel sa kanila.
Paborito nilang gawing dalawa ay kapag kumakanta si princess at siya naman ay natugtog ng piano nang magkasama.
Sa ilang araw din na magkasama sila alam niyang 'di ganu'n kabuti ang lagay nitong si princess na mahina ang katawan nito dahil kung minsan ay basta na lang itong nilalagnat at nanghihina kaya hindi rin sila masyadong nakakapasyal or nakakalayo rito. Isa pa hindi niya na rin gustong makipaglaro pa sa iba lalo pa't nalaman niyang ilan sa mga taga rito ay 'yung umaaway din pala sa princess niya.
"Dapat paglaki natin gawin pa rin natin 'to, Ikaw kakanta ako naman ang tutugtog gusto mo maging singer diba? Gagalingan ko din para ako ang pianist mo." Magkatabi sila sa harap ng piano ngayon, kakatapos lang kasi nilang magpractice na dalawa.
"Promise." Kiniss siya nito ulit sa pisngi kaya kiniss niya rin ito.
Pababa na sila para sabihin sana na gusto nilang magkasama na lang sila sa school na papasukan sa mga magulang nila until marinig nila ng 'di sinasadya ang pag-uusap ng mga ito.
"Sure na ba ang alis niyo bukas?" Tanong ng Mommy niya.
"Ayoko man sana but we have to... Nakatanggap na ko ng tawag sa mga doctors ng anak ko, hindi na namin pwede i-delay pa 'yung flight namin dahil baka makaapekto pa lalo sa princess namin." Bakas ang pag-aalala sa mukha ng Auntie niya at kahit si Uncle Dave niya halatang nag-aalala na rin.
"Naiintindihan ko, sila lang din naman ang may pinakamagandang pasilidad para sa anak mo basta pag may kailangan ka sabihan mo lang ako agad kaya lang ang inaalala ko masyado ng napalapit 'yung dalawa sa isa't-isa kaya pa'no natin sasabihin sa kanila na—" Naramdaman ni Hanciel na bigla na lang bumitaw ng hawak sa kanya si princess at 'yon ay dahil sa bigla na lang pala itong nawalan ng malay.
"P-princess?! Mommy!! Uncle— Auntie! Si princess po...!" Mabilis na sabi niya na ikinatayo naman ng mga ito sa sala at mabilis tumakbo palapit sa kanila.
"Oh my god! Dave ang princess natin.. " Patakbong binuhat ng Daddy nito ang anak nila.
"M-mommy okay lang naman po siya diba?" Hinahagod naman ng Mommy niya ang likod niya para kumalma siya.
"She will be fine baby, don't worry.. Let's just pray."
Sa nakalipas na araw alam niya talagang may iniinda ito dahil madalas ay namumutla ito at nagsusuka lalo pa kapag magkasama sila pero ngayon niya lang ito nakitang nawalan ng malay.
Nag-aabang silang mag-ina sa labas ng kwarto nito ng dumating ang doctor nito na halos araw-araw ay napunta roon para kay princess, mabuti na lang at napakalapit lang ng bahay nito sa kanila.
Napatayo sila ng makitang lumabas na ang Auntie Ellaiza niya.
"Sis, ano daw..?" Tanong ng Mommy niya na kahit siya ay inaabangan ang sasabihin nito.
"She's fine now.. But we really have to go if hindi baka—"
"Aalis po kayo? Saan po? Sasama ako! I promised her that we will be together always." Lumapit siya sa ginang habang hawak ang isang regalo para sana kay princess.
"Hanciel Dear, diba gusto mong maging malusog at malakas ang princess natin? Sa pupuntahan kasi namin hindi ka pwedeng sumama masyadong malayo at bawal ka dun pero pangako magkikita kayo ulit." Maluha-luhang sabi nito sa kanya.
"No! Sasama po ko may promise kaming dalawa. Auntie.. Mommy.. please.."
"Hanciel baby listen, sa pupuntahan ni princess siguradong gagamutin siya roon kaya kailangan niyang umalis, you don't wanna see her suffer do you? Sabi mo ikaw ang prince niya and a prince will always do what's best for her princess in able to protect her baby." Kinagat niya ang babang labi niya para pigilan ang maiyak.
"K-Kapag po ba pinuntahan niya 'yung sinasabi niyo gagaling na po siya? Makakapasyal na po ba kami? Makakapaglaro? At makakaperform ng magkasama?" Puno ng pag-aalalang tanong niya. It was the first time he ever felt na parang may pumipitas sa puso niya.
"Yes, Hanciel gagaling siya.. Magpapalakas si princess ko para magkasama kayo, just be patient and don't forget her because I know you're very special for her."
"I won't forget her! Nagpromise ako sa kanya.." Hinawakan niya ng mahigpit ang regalo niya.
Bata man siya pero naiintindihan niya ang gusto nilang sabihin sa kanya, hindi man niya lubos na maunawaan ang mga nangyayari pero alam niyang para talaga iyon kay princess.
Meron pa sana silang 2 days na magkasama pero dahil sa nangyari mukhang ngayon niya na lang ito makikita.
"C-can I just see her bago po kayo umalis?" Paalam niya rito. Naninikip talaga ang dibdib niya na tila gusto niyang magmaktol at umiyak pero pinipigilan niyang gawin ang mga 'yon dahil gusto niyang cool at matapang siya lagi sa harap ni princess.
"Okay dear, go ahead.." Lumabas na rin ang doctor at papa nito sa kwarto ni princess.
Pinihit niya ng dahan-dahan ang pinto nito. Nakita niyang halos papikit na ang mga mata nito at nanghihina na talaga ito.
Ngayon ay may mga nakasapak na nakung ano-anung aparato sa katawan nito kaya 'di niya mapigilan makaramdam ng takot, nilapitan niya ito at agad na tumabi sa paghiga rito. Matagal niya na sanang gustong gawin ang ganito sadyang nahihiya lang siya sa Uncle at Auntie niya.
"Han.. ciel.." Mahinang tawag nito sa kanya.
"For you." Iniabot niya dito ang isang keychain na may bulaklak which reminds him of her.
"Thank you." Kahit hirap ito kita niyang inaabot nito ang pisngi niya kaya siya na rin mismo ang kusang lumapit dito para makiss siya nito sa pisngi niya.
"Magpagaling ka ro'n para magawa mo 'yung play pagbalik mo, panonoorin kita kapag magaling ka na.. Dadalhin ka raw nila sa malayo kaya 'di ako pwedeng sumama pero magpromise ako dadalawin kita, kukulitin ko sila Mommy at Daddy. 'Yung mga promises natin wag mong kakalimutan kasi ako 'di ko 'yun ifoforget magiging sikat kang singer at ako naman pianist.. Wag mo kong kakalimutan okay? princess.." Hinawakan nila ang kamay ng isa't-isa hanggang sa tuluyan na itong nakatulog habang hawak niya.
Si Hanciel naman ay pinagmasdan pa ang mukha nito na parang kinakabisado ito. Naniniwala siya na babalik din ito kaagad at makakapaglaro sila at sa susunod mamasyal sila. Dadalhin niya ito sa madaming lugar at makakapagperform sila pareho sa maraming tao, makikita nila kung gaano kaganda ang boses ni princess— Nang prinsesa niya.
Matapos ay kiniss niya ito sa lips.
"First kiss natin 'yan.. Ako lang ang prince mo forever." Bumukas na ang pinto at niyaya na siya ng Mommy niya na lumabas doon. Napahawak naman siya ng mahigpit sa kamay nito at muling kinagat ang babang labi niya para pigilan ang maiyak.
"C'mon baby, kailangan niya ng magpahinga." May mga pumasok na nurse sa loob ng kwarto nito at inilipat na ito sa isang stretcher.
Dahil 'di niya kayang makitang umalis si princess agad siyang napayakap sa binti ng Mommy niya at napasubsob doon. May luha ring nakatakas sa mga mata niya at kitang-kitang tumataas na rin ang balikat niya dahil sa pagpipigil ng paghagulgol niya. Natatakot siya para rito marami na kasi siyang nakikitang ganoong eksena gaya ng nasa ospital at puro 'di magaganda ang resulta.
Papa God, please heal her...
Bye princess..
Magkakasama pa ulit tayo.
...🌼🌼🌼🌼🌼...
Thanks for reading..٩(ˊᗜˋ*)
MARAMING ZANKYU! 👏👏👏🙌🙌🙌
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments
Helrich
mganda sya haha!
2024-09-20
0
Helrich
😢
2024-09-20
0
Helrich
luh sanaol nlang tlga 😬
2024-09-20
0