...🌼...
"𝐌ommy, bakit po tayo nandito?" Tanong ng isang batang lalaki na sa itsura pa lang 'di mo aakalaing nagtatagalog.
Walang malay siyang binitbit ng Mommy niya sa kung saan.
Tulog kasi ito nung umalis sila kaya naman nakapajama pa ito at gulo-gulo ang buhok nito. Nagising nalang siya ng makarinig siya ng ingay sa paligid dahil sa isa-isang binababa ang mga bagahe nila.
His mom decided not to tell kung aalis ba sila or may lakad ba sila dahil alam nito na hindi siya sasama at mas gugustuhin pa niyang tumambay na lang sa garden nila o kaya makipaglaro na lang kay Venedict na kaibigan niya.
"Baby, we're here because it was your Auntie Ellaiza's Birthday." Nasa isang magandang villa sila ngayon na pag-aari ng may kaarawan na bestfriend ng Mommy niya dito sa Cavite.
"Mommy, can't we just celebrate it in Disneyland? Ang boring naman po dito.. I wanna see lots of toys and flowers." Pangungulit ng 7 years old na bata.
"Baby, kapupunta lang natin do'n last month ah, Don't worry you'll enjoy it here.. marami ring plants dito and we even gonna do some camping in here for a week that's why I want you to behave okay? For sure, marami kang bagong makikilala here." May mga kalapit din kasi itong mga bahay at para talaga siyang camping site na may nakatayo lang na magagandang bahay sa paligid.
"Ciella! My god! Finally, we see each other again.. I miss you so much!" Nilapitan sila ng isang ginang na halatang excited nung makita sila.
"Ellaiza! I miss you too! Ofcourse sis, ikaw pa ba? Happy Birthday! By the way, he's my son Hanciel Roman." Hinawakan ng Mommy niya ang ulo niya at bumaba naman ang ginang para magpantay sila.
"Hello sayo.. Nice to meet you dear, Ako nga pala ang bestfriend ng Mommy mo kasama ko rin ang anak ko, sana magkasundo kayo." Nakangiting bati nito sa kanya.
"Don't worry, good boy naman 'tong baby Hanciel ko." Nginitian din siya ng Mommy niya.
"O siya du'n na tayo sa loob at excited na akong makipagkwentuhan!"
Habang naglalakad sila palinga-linga naman ang batang si Hanciel sa bawat paligid ng kanilang dinadaanan at mukhang naghahanap ito ng pwedeng paglilibangan.
May sumalubong din sa kanilang lalaking maputi na mukhang artista at doon nalaman niyang asawa pala ito ni Auntie Ellaiza niya, si Uncle Dave.
Napatingin siya sa buong paligid nang tinutuluyan ng mga ito at talaga ngang maganda rito.
Walang sabi-sabing nilibot niya ang buong bahay nito. Isa-isang sinilip niya ang mga kwarto roon at manghang-mangha naman siya ng may matanaw siyang lake malapit dito pati na rin sa ibang bahay na naroon, mukha nga talagang masarap magcamping dito. Tanaw din niya ang mga halamanan sa paligid nito kaya naman ngayon pa lang pinaplano niya na mag-aadventure siya mamaya na parang si Diego.
"Nasaan na pala ang princess mo?" Biglang tanong ng Mommy niya na siya naman ay binuksan muli ang mga pinto sa taas at inisa-isang pasukin ang mga iyon.
"Iww. Pink." Nakakita kasi siya ng isang pink na pinto na halatang babae ang may-ari nun dahil sa desenyo pa lang nito, okay lang naman sa kanya ang bulaklak na pink pero pag mga gamit o kasuotan hindi siya nagagandahan.
Lalagpasan niya na sana ito ng makarinig siya ng boses na nakanta mula roon kaya naman dahan-dahan ay binuksan niya ang pinto na 'yon at paunti-unting sinilip ang loob nito.
"♩♪♬ Amazing grace.. How sweet the sou—" Napatigil naman ito bigla sa pagkanta nang makarinig ito ng kaluskos dahil sa pagbukas niya.
Pareho silang naestatwa at 'di kaagad nakagalaw sa kinatatayuan nila paano masyado siyang napokus at natulala sa batang babaeng kaharap niya para kasi itong isang manika. Kakaiba ang kulay ng buhok nito, maputi at napakaganda rin ng mata nito halos mapagkakamalan mo itong manikin lalo pa't wala man lang kaemo-emosyon sa mukha nito.. pero hindi sa mga mata ni Hanciel.
"Oh.. Siya ba ang princess niyo? Wow! Napakagandang bata!" Natauhan naman siya at bahagyang nagulat nang bigla na lang may nagsalita sa likod niya dahil naroon na rin pala ang mga ito sa likuran niya.
"Princess, come here." Dahan-dahan itong lumapit sa kanila.
"She's afraid." Biglang sabi niya na pareho namang napatingin ang mag-asawa sa kanya.
"You can tell? Princess, are you scared?" Lumuhod ang Mommy nito at hinawakan ang kaliwang kamay ng anak nito na tinanguan lang sila bilang pagsagot.
"Wow.. That's amazing.. Sis, how did your son knows?" Manghang tanong nito sa Mommy niya.
"I don't know sis, my baby has always been aloof but now I think it's really a good idea that I went here with him so both of them can be bff's like us!" Hindi niya na pinakinggan pa kung ano pa man ang sinasabi ng matatanda sa paligid niya bagkus pinagmasdan niya lang ng maigi itong batang babae na tinawag nilang princess.
"Don't be afraid.. I'm a good boy I can protect you." At hinawakan nito ang kabilang kamay ng batang babae.
Ang lambot.. Sa isip-isip niya.
Nakita niya naman sa mukha nito na naniniwala ito sa sinabi niya.
"Auntie, can we play?" Biglang tanong ni Hanciel na 'di binibitawan ang kamay ni princess.
"Sure dear, pero diyan lang muna kayo sa may backyard okay? Maya-maya kasi kakain na tayo." Mabilis siyang tumango at iginaya na ito pababa ng hagdan, nakita niya agad ang duyan kaya doon niya ito pinaupo.
"Ikaw ba 'yung kumakanta kanina?" Biglang tanong niya rito na umupo na rin sa tabi nito sabay bahagyang ginalaw ang duyan.
"Alam mo ba marunong akong tumugtog ng piano kung gusto mo itutugtog ko sayo 'yung kinanta mo kanina. Sayang.. wala dito si Venedict panigurado magkakasundo kayo nun dahil magaling din 'yon kumanta. Nakakita pala ako ng piano sa inyo kanina mamaya laro tayo doon ah, papakita ko sayo kung gaano ako kagaling magplay at tuturuan pa kita! Don't worry magaling akong teacher. Teka, kanina pa ko salita ng salita dito ayaw mo ba 'kong kausap?" Umiling ito bilang sagot sa kanya.
"P-para sa group play namin sa school 'yung kinakanta ko kanina.." Nakatingin lang siya sa labi nito habang nagsasalita ito, nagagandahan kasi siya sa hugis at kulay nun.
"Lagi ka bang ganyan? Parang robot ang mukha?" Nakita niyang yumuko ito at parang naiiyak bigla.
"A-aawayin mo rin ba ako?" Kahit wala sa itsura nitong batang babaeng kaharap niya alam niyang may takot at lungkot sa mga mata nito.
"Ayoko sa mga babae kasi maiingay sila pero ikaw okay lang sa akin kaya 'di kita aawayin."
"Lagi na lang ako inaaway sa school.. kasi ako raw 'yung nakuhang princess sa play t-tapos 'di naman daw ako marunong ngumiti at magaling kumanta." Hindi niya maalis ang mga mata niya rito para kasi siyang nakakita ng isang napakagandang toy na ayaw niyang ipakita or ipahawak sa iba.
"Inggit lang 'yung mga iyon kasi mukha ka naman talagang prinsesa kaya princess na lang din ang itatawag ko sayo.. Saan ba school mo? Sasabihin ko kay Mommy pareho na lang tayo ng school para wala ng mang-aaway sa'yo at ako na lang din palagi ang prinsipe kapag may play sa school para partner tayo." Nabasa niyang ngumiti ito at mukhang nagustuhan nito ang mga sinabi niya kaya hindi niya tuloy mapigilang kurutin ng mahina ang pisngi nito na mamula-mula.
"Thank you." Kiniss siya nito sa pisngi na ikinalaki ng mata niya, tuloy parang gusto niyang tumalon-talon sa tuwa.
"Uhmm.. Tara ikot-ikot tayo." Nauna siyang bumaba sa duyan sabay sumunod naman ito sa kanya na magkahawak kamay pa rin sila.
"Oh? saan kayo pupunta?" Tanong ng Mommy niya nang makita sila.
"Maglalakad-lakad lang po dito Mommy." Lumapit na ito sa kanila.
"Baby, bawal masyadong mapagod 'tong si princess huh, may hika kasi siya eh baka atakihin siya kaya bantayan mo siya tutal mas matanda ka naman sa kanya kaya dapat Kuya ka niy—.."
"No! Hindi niya ko kuya hindi naman kami magkapatid.. Akong bahala sa kanya Mommy, I'll protect her because I'm her Prince diba?" Tumango lang si princess sa sinabi niya habang ang Mommy naman niya nagulat sa mga sinabi niya at parang kinikilig pa.
"Sige, basta diyan lang kayo.. Takecare of her son." Nakangiting paalala muli nito sa kanila.
Mabilis lumipas ang araw at halos 'di mo mapaghiwalay ang dalawa, palagi pang magkaholding hands ang mga ito. Wala naman ito sa mga magulang nila dahil masaya rin ito sa mga nangyayari lalo pa't bawat reaksyon na 'di nila makita or mabasa sa prinsesa nila ay madaling nasasabi ni Hanciel sa kanila.
Paborito nilang gawing dalawa ay kapag kumakanta si princess at siya naman ay natugtog ng piano nang magkasama.
Sa ilang araw din na magkasama sila alam niyang 'di ganu'n kabuti ang lagay nitong si princess na mahina ang katawan nito dahil kung minsan ay basta na lang itong nilalagnat at nanghihina kaya hindi rin sila masyadong nakakapasyal or nakakalayo rito. Isa pa hindi niya na rin gustong makipaglaro pa sa iba lalo pa't nalaman niyang ilan sa mga taga rito ay 'yung umaaway din pala sa princess niya.
"Dapat paglaki natin gawin pa rin natin 'to, Ikaw kakanta ako naman ang tutugtog gusto mo maging singer diba? Gagalingan ko din para ako ang pianist mo." Magkatabi sila sa harap ng piano ngayon, kakatapos lang kasi nilang magpractice na dalawa.
"Promise." Kiniss siya nito ulit sa pisngi kaya kiniss niya rin ito.
Pababa na sila para sabihin sana na gusto nilang magkasama na lang sila sa school na papasukan sa mga magulang nila until marinig nila ng 'di sinasadya ang pag-uusap ng mga ito.
"Sure na ba ang alis niyo bukas?" Tanong ng Mommy niya.
"Ayoko man sana but we have to... Nakatanggap na ko ng tawag sa mga doctors ng anak ko, hindi na namin pwede i-delay pa 'yung flight namin dahil baka makaapekto pa lalo sa princess namin." Bakas ang pag-aalala sa mukha ng Auntie niya at kahit si Uncle Dave niya halatang nag-aalala na rin.
"Naiintindihan ko, sila lang din naman ang may pinakamagandang pasilidad para sa anak mo basta pag may kailangan ka sabihan mo lang ako agad kaya lang ang inaalala ko masyado ng napalapit 'yung dalawa sa isa't-isa kaya pa'no natin sasabihin sa kanila na—" Naramdaman ni Hanciel na bigla na lang bumitaw ng hawak sa kanya si princess at 'yon ay dahil sa bigla na lang pala itong nawalan ng malay.
"P-princess?! Mommy!! Uncle— Auntie! Si princess po...!" Mabilis na sabi niya na ikinatayo naman ng mga ito sa sala at mabilis tumakbo palapit sa kanila.
"Oh my god! Dave ang princess natin.. " Patakbong binuhat ng Daddy nito ang anak nila.
"M-mommy okay lang naman po siya diba?" Hinahagod naman ng Mommy niya ang likod niya para kumalma siya.
"She will be fine baby, don't worry.. Let's just pray."
Sa nakalipas na araw alam niya talagang may iniinda ito dahil madalas ay namumutla ito at nagsusuka lalo pa kapag magkasama sila pero ngayon niya lang ito nakitang nawalan ng malay.
Nag-aabang silang mag-ina sa labas ng kwarto nito ng dumating ang doctor nito na halos araw-araw ay napunta roon para kay princess, mabuti na lang at napakalapit lang ng bahay nito sa kanila.
Napatayo sila ng makitang lumabas na ang Auntie Ellaiza niya.
"Sis, ano daw..?" Tanong ng Mommy niya na kahit siya ay inaabangan ang sasabihin nito.
"She's fine now.. But we really have to go if hindi baka—"
"Aalis po kayo? Saan po? Sasama ako! I promised her that we will be together always." Lumapit siya sa ginang habang hawak ang isang regalo para sana kay princess.
"Hanciel Dear, diba gusto mong maging malusog at malakas ang princess natin? Sa pupuntahan kasi namin hindi ka pwedeng sumama masyadong malayo at bawal ka dun pero pangako magkikita kayo ulit." Maluha-luhang sabi nito sa kanya.
"No! Sasama po ko may promise kaming dalawa. Auntie.. Mommy.. please.."
"Hanciel baby listen, sa pupuntahan ni princess siguradong gagamutin siya roon kaya kailangan niyang umalis, you don't wanna see her suffer do you? Sabi mo ikaw ang prince niya and a prince will always do what's best for her princess in able to protect her baby." Kinagat niya ang babang labi niya para pigilan ang maiyak.
"K-Kapag po ba pinuntahan niya 'yung sinasabi niyo gagaling na po siya? Makakapasyal na po ba kami? Makakapaglaro? At makakaperform ng magkasama?" Puno ng pag-aalalang tanong niya. It was the first time he ever felt na parang may pumipitas sa puso niya.
"Yes, Hanciel gagaling siya.. Magpapalakas si princess ko para magkasama kayo, just be patient and don't forget her because I know you're very special for her."
"I won't forget her! Nagpromise ako sa kanya.." Hinawakan niya ng mahigpit ang regalo niya.
Bata man siya pero naiintindihan niya ang gusto nilang sabihin sa kanya, hindi man niya lubos na maunawaan ang mga nangyayari pero alam niyang para talaga iyon kay princess.
Meron pa sana silang 2 days na magkasama pero dahil sa nangyari mukhang ngayon niya na lang ito makikita.
"C-can I just see her bago po kayo umalis?" Paalam niya rito. Naninikip talaga ang dibdib niya na tila gusto niyang magmaktol at umiyak pero pinipigilan niyang gawin ang mga 'yon dahil gusto niyang cool at matapang siya lagi sa harap ni princess.
"Okay dear, go ahead.." Lumabas na rin ang doctor at papa nito sa kwarto ni princess.
Pinihit niya ng dahan-dahan ang pinto nito. Nakita niyang halos papikit na ang mga mata nito at nanghihina na talaga ito.
Ngayon ay may mga nakasapak na nakung ano-anung aparato sa katawan nito kaya 'di niya mapigilan makaramdam ng takot, nilapitan niya ito at agad na tumabi sa paghiga rito. Matagal niya na sanang gustong gawin ang ganito sadyang nahihiya lang siya sa Uncle at Auntie niya.
"Han.. ciel.." Mahinang tawag nito sa kanya.
"For you." Iniabot niya dito ang isang keychain na may bulaklak which reminds him of her.
"Thank you." Kahit hirap ito kita niyang inaabot nito ang pisngi niya kaya siya na rin mismo ang kusang lumapit dito para makiss siya nito sa pisngi niya.
"Magpagaling ka ro'n para magawa mo 'yung play pagbalik mo, panonoorin kita kapag magaling ka na.. Dadalhin ka raw nila sa malayo kaya 'di ako pwedeng sumama pero magpromise ako dadalawin kita, kukulitin ko sila Mommy at Daddy. 'Yung mga promises natin wag mong kakalimutan kasi ako 'di ko 'yun ifoforget magiging sikat kang singer at ako naman pianist.. Wag mo kong kakalimutan okay? princess.." Hinawakan nila ang kamay ng isa't-isa hanggang sa tuluyan na itong nakatulog habang hawak niya.
Si Hanciel naman ay pinagmasdan pa ang mukha nito na parang kinakabisado ito. Naniniwala siya na babalik din ito kaagad at makakapaglaro sila at sa susunod mamasyal sila. Dadalhin niya ito sa madaming lugar at makakapagperform sila pareho sa maraming tao, makikita nila kung gaano kaganda ang boses ni princess— Nang prinsesa niya.
Matapos ay kiniss niya ito sa lips.
"First kiss natin 'yan.. Ako lang ang prince mo forever." Bumukas na ang pinto at niyaya na siya ng Mommy niya na lumabas doon. Napahawak naman siya ng mahigpit sa kamay nito at muling kinagat ang babang labi niya para pigilan ang maiyak.
"C'mon baby, kailangan niya ng magpahinga." May mga pumasok na nurse sa loob ng kwarto nito at inilipat na ito sa isang stretcher.
Dahil 'di niya kayang makitang umalis si princess agad siyang napayakap sa binti ng Mommy niya at napasubsob doon. May luha ring nakatakas sa mga mata niya at kitang-kitang tumataas na rin ang balikat niya dahil sa pagpipigil ng paghagulgol niya. Natatakot siya para rito marami na kasi siyang nakikitang ganoong eksena gaya ng nasa ospital at puro 'di magaganda ang resulta.
Papa God, please heal her...
Bye princess..
Magkakasama pa ulit tayo.
...🌼🌼🌼🌼🌼...
Thanks for reading..٩(ˊᗜˋ*)
MARAMING ZANKYU! 👏👏👏🙌🙌🙌
...🌼...
"𝐖ooaahhh!! Harris! I love youuu!!" Tilian ng mga tao pagkarating pa lang ng sasakyan nila.
▔□▔)/▔□▔)/▔□▔)/
"We're here, atlast." Sabi niya habang inaalis ang seatbelt niya.
This is it. Nakatanaw siya ngayon sa bintana ng van nila.
Hindi na talaga bago ang eksenang 'to sa amin since it's been 5 years simula ng mabuo ang grupo namin.
"Oh my gooosshh!! We love you Harris!!" Sinubukan ng ilan na makalapit agad sa sasakyan nila, mabuti nalang at tinted ang kotse nila. Mula rin doon kita nila kung pa'no kontrolin ng mga guards ang fans nila na excited ng makita sila.
ヽ('▽`)/(*^▽^)/((('♡‿♡'+)))。
"Showtime guys." As soon as makababa sila ng kotse lalo pang nagpumilit ang mga 'to na mahawakan sila at magkapagpicture sa kanila kaya madali silang naglakad papasok sa Exit hallway ng Starry Fame Arena kung saan diretso na ng backstage nila.
Ito kasi ngayon ang entrance theme ng banda nila habang may cameraman na kinukuhaan sila kaya live sa malaking screen 'tong ginagawa nila.
"XNOTE!! XNOTE!! XNOTE!!" Rinig nilang sigaw ng mga ito habang hinihintay silang makarating sa mismong stage nila.
ㄟ(≧◇≦)\(゜ロ\)\(*T▽T*)/
Hwuh! A'right.. Let's get this done. He silently breathe out while tilting his neck.
You might be wondering.. Who am I? And why are these people yelling names?
Well, I'm a member of Pinoy Rock band called X-Note or mas tamang sabihin na Wrong Note. We have 5 members in the group and I'm incharge in Keyboard.
And HARRIS is my stage name.
As a band it's really cool, exciting, enjoying and great but ofcourse we are not just like any other boy band group..
How?
&
Why?
Being in a band is just one of our many sides. We all have different reason kung bakit pati ang magulong mundo ng showbiz ay pinasok namin but ofcourse, may mga kondisyon bago nila kami nakumbinsi rito. Isa na ro'n ang proteksyon ng pagkatao namin that behind these mask hindi madadamay ang other side ng mundo namin.. That only our friends, the agency and us the member of XNote knows.
"Everyone gather around." Their leader announce and in just a second nakapabilog na silang lahat.
"What can I say? Just enjoy Weirdos!" Lahat sila'y napangisi at nagpatong-patong na ang kamay.
"1-2-3! Go SUCKERS!!" Sabay-sabay nilang sigaw bilang cheer.
At nagtilian na ang lahat ng lumabas sila para sa kanilang 'CONCERT'.
...✖✖✖✖...
"Oww Shit.. I'm so tired.." Bagsak siyang humiga sa sofa bed niya pagkapasok niya sa penthouse niya.
"Sir, dito ko na lang po 'to iiwan." Sabi ng P.A niya na nilapag ang iba't-ibang size ng paper bag galing sa mga fans niya at dahil sa dala ng matinding pagod kaya pagkaway na lang sa ere ang naisagot niya.
It's 3 o'clock in the morning and his really tired right now.
"Thanks Kuya Rodel, You can go now." Tango na lang ang isinagot nito at isinara na ang kanyang pinto.
"Finally.." Natapos na rin ang concert tour nila sa bansa at may time na siya kahit ilang araw lang para makapagpahinga at asikasuhin naman ang iba pang pinagkakaabalahan niya.
Agad namang napansin niya ang makakapal na kumpol ng papel na nakapatong sa mesang katapat niya.
"Yeah right. It's goodbye Harris, hello Hanciel again tch." Naiiling na lang na sabi niya.
If your wondering who's Hanciel? It's him, His real name is..
HAnciel Roman RIchardSon
"Tomorrow is another hectic day." Kahit tamad na tamad man ay nagbihis pa rin siya bago dumiretso sa pagtulog niya.
On the other side ▸▸▸
She was staring at her garden for a long time especially her favorite flower, White Rose. She can't help herself but to smile.
"My princess, You have to get inside it's not good for you to be outside here." A man in his mid 60's with a rose gold hair cover her shoulder with a pink thin comforter.
She just nod.
Ilang oras na lang at kailangan niya ng umalis, she was hoping that his Dad will keep his promise to her.
Sana bigyan mo po ko ng sapat na oras para magawa ko ang mga gusto ko.. taimtim na hiling niya.
After a long time, ngayon lang siya makapupunta ulit sa malayong lugar. She wants to do a lot of things but at the same time she can't.
Matagal niyang iningatan ang isang bagay na importante sa kanya but now she had to let go and atleast bago pa man niya ito tuluyang bitawan kailangan niya munang tuparin ang matagal niya ng pangako.
"Iha, Narito na ang sakay mo.. Hindi na sasama ang Daddy mo at baka raw magbago pa ang isip niya." Her dad has always been the most caring and loving person she ever have, kaya okay lang sa kanya kung 'di na ito sumama sa kanya paghatid sa airport dahil alam naman niyang 'di madali 'tong hinihiling niya but still pinagbigyan pa rin siya nito.
Niyakap niya na ang kanyang Nanny na naging nanay-nanayan niya simula ng mawala ang Mommy niya at pumasok na sasakyan nila.
This is it. Let's make it the best time of my life!
×××××
"Sir, Eto na po 'yung last batch na pipirmahan niyo and may dinner meeting po kayo ng 7:00 pm sa parents niyo." Her secretary informed him habang inisa-isa niyang buklatin ang huling piraso ng folders na iniabot nito sa kanya atsaka biglang napatingin sa may wall clock niya.
"Shit.." Mura niya.
It's already 6 pm, Tch. Traffic pa naman, Mom will kill me. If there's one thing kasi na pinakaayaw ng Mommy niya is 'yung hindi dumadating sa takdang oras ng usapan dahil for sure katakot-takot na sermon ang aabutin niya. Hindi kasi ito titigil kasasalita for two hours just to explain the importance of time.
Kaya naman agad niyang tinapos ang natitirang papeles na binabasa niya.
"Sir, here's your coat." Mabilis na isinuot niya ang coat niya at tinanggap ang susi ng kotseng iniabot nito sa kanya.
Habang naglalakad siya palapit sa kotse niya sa may parking lot his phone suddenly ring.
Shingaling Ngaling Calling.... 🔈))
Ano naman kayang kailangan ng isang 'to? Isip-isip niya.
"Hey bud!" Bungad nito sa kanya.
"Ano na naman ba? Make it quick." Diretso na tonong tanong niya sabay pasok na sa kotse niya at kinabit ang seatbelt niya.
"Chill bud, maka na naman ka.. wala pa nga kong sinasabi—"
"Just say it." Putol niya sa kung ano pa mang sasabihin nito dahil for sure kung san-san na naman lilipad ang usapan nila.
"May nakapagpareserve kasi sa Grandeur Garden the same day that I need it for my University's Acquaintance party, they need your approval first bago raw mai-cancel 'yung nauna, I'll triple the rent." Determinadong sabi nito.
"Deal." Simpleng sagot niya rito at mabilis na binaba ang call nito.
Agad din siyang nakareceive ng text galing dito.
Shingaling Ngaling;
Fuck you bud. 🤯🖕😚
Natawa nalang siya ng mabasa niya ito.
"Psh." He smirked. That buddy of mine for sure gusto na naman no'n magpakitang gilas sa University niya.
Well, he knows money isn't a big problem with him he just helping him out ika nga 'What our friends for.'
Pagparada niya ng sasakyan niya ay agad naman siyang pumasok sa 'Pearl of the East Restaurant' kung saan paboritong sea food resto ng Mommy niya.
"Hanciel, my baby!" Bahagyang napaismid siya ng niyakap siya nito.
"Stop the baby Mom, I'm old enough." Inayos niya ang coat niya dahil medyo napalakas ata ang pagbati nito sa kanya kaya pinagtinginan tuloy sila ng iba na may ilang ngumiti pa sa kanya.
Si Mommy talaga.. Tch. His Dad also gave a hug and a shoulder pat.
"How are you? How's your business son?" Tanong ng Daddy niya ng makaupo sila.
He owned some Lands and Hotels but his business is more focus on Flower farms na nagkalat sa iba't-ibang panig ng bansa at ngayon pati na rin sa Asya, That's why aside from being an Xnote member isa rin siyang makisig, gwapo at masipag na business man.
"I'm good and my business is doing great, I have a lot of plans especially expanding in U.S.. How about the two of you? Saan na naman kayo naghoneymoon ni Mommy?" 'Di na siya nagtaka nang walang lumapit na waiter sa kanila dahil paniguradong kanina pa nakaorder ang parents niya.
Lingid din sa kaalaman ng iba kasama rin siya sa listahan ng 'The Young Princes of the Phil.' dahil ito lang naman ang nag-iisang tagapagmana ng Richardson Corp. na pagmamay-ari ng parents niya pero gumagawa siya ng sariling pangalan niya pagdating sa negosyo nila. Nagtayo kasi siya ng sariling kompanya niya iba sa family business nila sa sariling pagsisikap niya.
"Galing kaming Istanbul and it was really a romantic place baby, Nakakatampo ka kasi 'di ka na sumasama sa trip namin after mong magcollege.. I miss my baby.. Hmn.." Kinurot-kurot pa nito ang pisngi niya.
"Mom stop." Hindi niya tuloy mapigilang paikutin ang mga mata niya dahil masyadong nakakahiya talaga ang ginagawa nito sa kanya. Lagi na lang itong ganito lalo na kapag may pagsasalo-salo sa kanila, masyado kasi siyang binibaby nito pagnakikita siya kaya grabeng pang-aalaska rin ang inaabot niya.
"Anyway, this month may importante kaming lakad ng Daddy mo." Dumating na ang set of food na order nila na daig pa ang pafiesta sa dami ng seafood sa harap niya. Hinintay muna niyang mailagay lahat ng pagkain sa mesa bago siya muling nagsalita.
"So.. maghohoneymoon ulit kayo?" Tanong niya sa mga ito.
I hope so.. mas okay sa 'kin pagwala sila rito para 'di nila ako palaging hinahanap at pinupuntahan sa bahay or sa office bigla.
"No Hanciel, it's a family matter." May bahid ng lungkot na sabi ng Mommy niya.
"Actually son may dahilan talaga kaya gusto ka naming makausap." Napatigil siya sa pagkain dahil alam niya ang tono na'to ng Daddy niya.
"Alright, ano po 'yun?" Pinunasan niya ng tissue ang bibig niya atsaka naghandang makinig sa sasabihin nila.
"We're going to Seattle a week from now to visit your Grandpa because of his health." Hindi siya nakapagreact sa sinabi nito sa kanya but later on he suddenly give a quick sighed.
Ang Lolo nito sa mother side niya ang tinutukoy nila. It's his mom's father and actually all of his life he was never given a chance to see his Grandpa kahit pa sinasadya nila itong bisitahin noon pa, ni minsan talaga ay 'di ito nagpakita sa kanya.
The family of his Mom is one of those old families na masyadong strict at may mga paninindigang estado sa buhay and he think that their old man doesn't like him because tuwing may sasabihin ito sa kanya laging ang kanang kamay lang nito humaharap sa kanya magmula sa mga pagbati, pag-abot ng regalo or kapag may pinapagawa man ito sa kanya until he was about to graduate in high school and for the first time in his life he heard his Grandpa's voice. Naalala niya pa ang sinabi nito over the phone sa kanya.
"Be a proud man that have the rights to face me.. young squirt." Malamig na sabi nito sa kanya.
And because of that naging seryoso siya sa mga gusto niyang gawin. It's not like gusto niyang makilala siya or makita ang Lolo niya but what pissed him off is 'yong mayayabang na kamag-anak nila na every single time pinagmamalaki ng mga ito sa pamilya nila na nakakasama nila sa special occassions and gatherings ang Grandpa nila and he hates to see her Mom looks envy and sad everytime because of that.
"Is he okay?" Bahagyang kumuyom ang kamao niya sa tanong niyang 'yon. Hindi pa marahil sapat ang achievements niya kaya puro padala pa rin ito sa kanya at kung totoo ngang sumasama ang kalagayan nito he needs to move fast, mas mabibigo kasi siya para sa pangarap ng Mommy niya at baka mamaya niyan wala na siyang chance para makita nito kung gaano siya kasuccessful ngayon kung gayong sumasama na nga ang kondisyon nito.
"Oh son, he's okay but these past few weeks madalas na 'yung reklamo niya sa sakit sa katawan niya and your Grandpa is really getting old. He always want us to think that he's okay being alone kahit 'di man niya aminin I know he's sad pero ayaw niya namang iwan 'yung bahay nila sa Seattle ni Mamá kaya we decided to stay there for a while kaya baka medyo magtagal kami do'n para maalagaan namin siya at mabantayan.. matigas pa naman ulo nu'n." Nakahinga naman siya ng mabuti sa sinabi nito but not because nag-aalala siya rito.
"Kailangan po bang sumama ako sa inyo I mean I can—"
"No, hindi 'yun ang gusto naming sabihin sayo at kabilin-bilinan ng Grandpa mo is to make sure that you handle your businesses very well dahil may plano siyang i-surprise visit ka para makita niya raw how you grow as a man." He was stunned by what her mom said. Natawa pa ito dahil sa reaction niya, hindi niya alam na may plano palang ganu'n ang Grandpa niya and it only means na malapit na siya sa goal niya.
Is he finally acknowledging me? Palihim siyang napangisi ng maisip 'yon. He have to get ready if ever mangyari nga iyon lalo pa if magkataong nakaleave pala siya dahil sa band life niya. He needs a plan.
"Okay, What's the problem then? Please tell me straight." Nagkatinginan pa ang Mommy at Daddy niya bago muli sa kanya.
"May importante kasi kaming trabaho na maiiwan dito and we want you to personally handle it. Hindi namin 'yon pwedeng iasa kay Felipe dahil masyadong personal at importante 'to kaya ikaw lang talaga ang maaasahan namin sa bagay na'to my son." Seryosong sabi ng Daddy niya.
I see.. It must be an important transaction sa kompanya nila na kahit sa secretary nila 'di nila magawang ipagawa huh well, I don't really mind as long as 'di magugulo ang mga schedule ko for this month then I guess it's no problem.
"Tungkol po ba 'yon saan? Atleast I need to know the details about th—."
"Malalaman mo rin 'yon Hanciel baby sa oras na umalis kami next week, iiwan namin 'to sa penthouse mo so you have to get home early on that day as soon as you can, keep that in mind, okay?" Nagtaka naman siya bigla sa sinabi nito sa kanya.
What? That was weird. If it's important documents pwede naman na nilang iabot na lang sa 'kin iyon ng personal why on my penthouse?
"Wh—"
"Just follow our instructions son and you have to promise that you will takecare of this because we really trust you on these.. even your Grandpa is expecting some good news from it." Agad na putol naman ng Daddy niya sa kung ano pa man sana ang itatanong niya pero kalaunan napatango-tango na lang din siya. Hearing that old man is involve hindi man niya pinahalata sa parents niya but his determine to accomplish it whatever it is, wala naman na siyang magagawa lalo pa't ang ama na rin niya ang nakiusap sa kanya.
"Fine, just send it to my penthouse and I promise to take care of it." Parehong ngumiti ang mga magulang niya at pinagpatuloy na nila ang dinner nila.
A week later..
"Okay everyone, only 5 minutes left!" Dahil sa announcement na 'yon lalong lumakas ang hiyawan at sigawan ng mga fans nila na tinawag nilang Xzone.
Kanya-kanya na ring cheer ang mga ito ng bias nila.
"Wow, dapat ata sa isang arena natin ginanap ang fan signing natin.., right?" Manghang sabi ni Sky.
Currently they're here at the backstage kaya kitang-kita nila at rinig na rinig nila ang mga Xzone na mukhang excited na talagang makita sila.
"Excited na ako sa mga gifts!" Masayang sabi naman ni Peril na pinakabata sa grupo nila habang ang iba naman ay abala pa rin sa pag-aayos ng outfit nila para maging perfectly good looking sila.
"Everyone! Goodddd Eveenniinngg! Alam kong sobrang excited niyo na kaya naman mga ka-Xzone hindi ko na kayo bibitinin pa.. Let us all welcome the... XNote!"
On cue, Isa-isa silang lumabas na limang members ng banda.
"Let us all welcome Vlad, Gavin, Harris, Peril & Sky!" Sobrang naghiyawan na ang lahat at nagkanya-kanya na ring taas ng mga phones at cameras ang mga 'to para lang makuhaan sila.
Hell. This is insane.. Although magcecelebrate na kami ng 6th year anniversary ng grupo I can't believe na palagi pa rin kaming nasusurprise sa ganitong dagsa ng tao na gusto kaming makita. Just wow! Mas kita na kasi nila ngayon kung ga'no kadami pala talaga ang tao sa paligid nila ngayon.
Lalong nagtulakan ang mga fans nila para lang makalapit sa kanila at talagang puno mula ground hanggang 4th floor ang mall ngayon dahil sa kanila at lalo pang nagsigawan ang mga ito ng nagkanya-kanyang kaway na sila sa mga fans nila at ang iba naman ay may pa flying kiss pa.
Tch. Tch. Tch. Mga loko talaga alam na nga nilang lalong magwawala mga fans namin sige pa rin sa pagflying kiss ang mga kups, Geez.. Hindi niya tuloy mapailing sa mga ito dahil kita niya kung paano hirap na kontrolin ng mga security ang fans nila.
"Everyone we are the.. XNote." Sabay-sabay nilang bati.
Nakahawak ang kanang kamay nila sa kaliwang dibdib at ang kaliwang paa naman ay nasa likod ng kanang paa habang bahagyang yumukod sila sa mga ito. Ito kasi ang signature pose ng grupo tuwing mag-iintro na ang leader nilang si Vlad. Para bang yuko ito ng pangprinsipe. Ika nga nila mukha mang super badass silang tingnan gentlemen pa rin sila.
Nagkaroon muna ng unting interview at pagpapacute sa mga fans nila matapos ay ang fan signing na mismo nila.
At the airport ▸▸▸
"Ma'am, Good Afternoon. I'm Miguel Ferrer your escort for today." A man just approach her.
She knew that he was telling the truth because his Dad told her that as soon as she arrived there will be a man in a tux, forest green neck tie and a familiar embroider on the left side of his collar will approach her.
Inasikaso nito ang maletang bibit niya at saka sila nag-umpisang bumyahe na habang naandar ang sasakyan nila ay tinuturo naman ni Mr. Miguel ang magagandang structure na nadadaanan nila at ipinapaliwanag kung ano ito kaya naman 'di siya nabagot sa buong byahe nila.
Later on, huminto na sila sa isang mataas na building. Pagbaba niya roon ay agad ding kinuha ng escort niya ang maleta niya at nang makarating na sila sa top floor ay bigla itong may inabot sa kanya.
"Ma'am here's your keycard and this.. I was also instructed to give these to you." Bukod sa susi, may phone itong kasama at isang maliit na nakatuping papel ang binigay nito sa kanya.
[ 𝒞𝒶𝓁𝓁 𝓂ℯ 𝒶𝓈 𝓈ℴℴ𝓃 𝒶𝓈 𝓎ℴ𝓊 𝒶𝓇𝓇𝒾𝓋ℯ 𝒶𝓃𝒹 𝓌𝒽ℯ𝓃ℯ𝓋ℯ𝓇 𝓎ℴ𝓊 𝓃ℯℯ𝒹 𝒶𝓃𝓎𝓉𝒽𝒾𝓃ℊ. –ℳ.ℛ ]
*** Call me as soon as you arrive and whenever you need anything. –M.R ***
Kilala niya na agad kung sino ang nagpabigay nito sa kanya.
So this place is.. Nakaramdam siya ng unting kaba pero ganu'n pa man lakas loob parin siyang pumasok dito. Gamit ang card na ibinigay sa kanya ay binuksan niya na ang pinto roon at dahan-dahan niyang tinanaw ang loob nito.
Wow.. This is nice.
The curtains are fully open, glass wall kasi ang nagsisilbing pinakabintana at dingding ng unit na ito and it's already 7:00 pm that's why magandang night view na ang nakikita niya sa buong lugar. 'Di niya na rin namalayang nakasunod lang pala si Mr. Miguel sa kanya dala ang bagahe niya.
"Ma'am, That will be your room.. I will take your baggage there and after that I should take my leave." Tumango na lang siya rito at pinagmasdan ang kilos nito hanggang sa makalabas ito ng room na magiging kwarto niya rito.
"Enjoy your stay." Yumukod pa ito sa kanya bago ito tuluyang umalis.
And now she's really all alone.
Lumapit siya sa glass wall na halos kalahati ng space ng buong unit kaya naman full view niya kung makita ang magandang city lights doon.
This place has a calming scent.. And the view, Wow. I hope.. I can explore this whole place..
Saka lang niya naisipan na libutin ang buong unit na 'to na medyo may kalakihan. It has 4 rooms. Upstair, there's at least 4 doors, one on the left is locked, a bathroom on the edge then on the right is her room and a music room. Downstairs there is a small door that is also locked, must be a storage room she guess.
Then she went to the kitchen. It was also beautifully modeled like it was never been touch, kaharap lang nito ang may kalakihang couch na may flat screen tv sa tapat at mula sa kitchen kita pa rin ang magandang view sa labas lalo na pagbinuksan mo ng malapad ang kurtinang humaharang dito.
May maliit na may kataasang pahabang table kung saan pwede rin kumain at stool na upuan doon but her eyes now was looking at the small brown envelope.
[ 𝒯ℴ𝒾𝓁ℯ𝓉𝓇𝒾ℯ𝓈 𝒻ℴ𝓇 𝓎ℴ𝓊 𝒹ℯ𝒶𝓇... 𝒴ℴ𝓊 𝒸𝒶𝓃 𝒶𝓁𝓈ℴ ℯ𝒶𝓉 𝓌𝒽𝒶𝓉ℯ𝓋ℯ𝓇 𝒾𝓈 ℴ𝓃 𝓉𝒽ℯ 𝒻𝓇𝒾𝒹ℊℯ! ℰ𝓃𝒿ℴ𝓎 𝓎ℴ𝓊𝓇 𝓈𝓉𝒶𝓎! ]
*** Toiletries for you dear... You can also eat whatever is on the fridge! Enjoy your stay! ***
Hindi niya na muna ito binuksan para tingnan bagkus tumungo siya sa ref at sinilip ang laman nito, Napakarami ngang laman nu'n at mukhang 'di niya muna kailangang magluto ngayon because may cooked food din dito na nakatabi.
I need to eat, it's almost time for my medicine. Napagdesisyunan niyang kumain na lang muna bago mag-asikaso ng gamit niya.
After a long day..
Hanciel feels tired but at the same time fulfilling.
Pagdating nila sa LD Entertainment na company building nila ay nagpahinga na lang muna sila habang ang ilan sa kanila ay maya-maya rin pinagbubuksan na ang mga regalong natanggap nila galing sa fans nila, meron ding nagbasa naman ng letter nila at dahil pagod talaga siya nanatiling nagpahinga na lang muna siya.
May mga kanya-kanya namang P.A sila kaya pinapasok niya nalang sa kotse 'yong sa kanya.
Shit. I'm too sleepy... But heck, sinong mag-aakala na 'yung dating bonding at pampalipas oras lang naming magtotropa magiging career na rin namin now. Geez.. Never been in my imagination that i'll be in this industry right now. He just suddenly thought while lazing around.
In this kind of lifestyle pinaghihiwalay talaga nila ang business at showbiz world nila dahil sa mundo ng pagiging Band Idol madaming pwedeng sumira sayo at sakaling magkaproblema paniguradong damay-damay na lahat ng patungkol sa kanila at 'yon ang iniiwasan nila. Being a band is just for fun, mga hidden talent kung saan 'di nila kayang ipakita at ipaalam sa other side nila.
Biglang pumasok sa room nila ang manager nila at gaya ng nakagawian sinabi nito ang magiging schedule nila for a whole month.
"Okay great! Let's have some fun at the Wrong Turn Club tonight, who's in?" It was Gavin.
"Sure, game ako." Pagsang-ayon naman ni Vlad.
"Sorry mga budds pass muna ako." Pagkasabi ni Hanciel nu'n ay lumakad na ito papuntang dressing room para makapagpalit ito.
I still have something to take care of. Kaninang umaga ay tinawagan na lang siya ng Mommy niya bago ang flight ng mga ito that's why he was reminded to get home early as soon as he can and so far it was already 10pm but for them it's still too early and the night was just starting.
×××××
"Good thing no traffic at all..." He was already in the front door of his penthouse. 'Di na siya nagpahatid pa sa P.A niya dahil kaya pa naman niyang magdrive and beside may importanteng package sa bahay niya ngayon which might be too confidential.
"I'm home."
Silly me.. Ba't ko nga ba binabati sarili ko? Iling na lang niya.
Agad siyang humilata sa sofa bed niya at sa 'di kalayuan tanaw niya ang kitchen table niya kung saan may nakalapag na box at envelope sa ibabaw nito pero dahil napasarap na ang paghiga niya mas inuna niya na lang muna ang cellphone niya atsaka sumilip sa mga IG's posts at tweets sa wall niya.
He knows na importante ang pinapagawa ng parents niya pero ramdam niya na ang antok at pagod niya kaya hindi niya na rin namalayang unti-unti na palang pumipikit ang mga mata niya hanggang sa tuluyan na siyang nakatulog doon.
Nakaramdam na lang siya ng bahagyang init na tumatama sa mukha niya kaya naman dahan-dahang minulat niya ang mata niya at 'yun pala ay dahil sa sikat ng araw sa may pwesto niya. Napagtanto niyang dito na pala siya nakatulog sa sofa bed niya kagabi pagkarating niya at napansin niyang ni hindi man lang niya nagawang makapagpalit man lang.
"Shit... Anong oras na ba?" Dahil tamad pa siyang bumangon kinapa-kapa niya na lang ang gilid ng higaan niya para hanapin ang phone niya pero ng maramdaman niyang wala roon ang hinahanap niya ay tumagilid siya at do'n nakita niyang nahulog na pala ito sa sofa.
Umupo na rin siya atsaka dinampot ang phone niya at dahil naiinitan na talaga siya ay isa-isa niya ng tinanggal ang butones ng polong suot niya pero bago pa man niya ito tuluyang matapos ay nakaamoy siya bigla ng kung anong mabango sa paligid niya at hindi 'yon isang pabango, sa halip amoy pagkain iyon kaya mabilis siyang tumingin sa direksyon ng kusina niya.
"Huh—?" Wala na kasi ang box at envelope na nakita niya roon kagabi pagdating niya.
Tumayo siya at tumungo sa kusina niya pero lalo lang kumunot ang noo niya ng makalapit siya sa stove niya dahil may kaldero na roon na nakatakip pa at bahagyang umuusok pa na mukhang katatapos lang nu'n maluto kaya naman mabilis siyang napalinga-linga sa paligid niya.
Fuck! Sinong nakapasok sa bahay?
Hindi naman kasi basta-basta nalang pumapasok dito ang P.A niya, imposible rin naman ang Mommy niya dahil kahapon pa ito nakaalis at higit sa lahat siya lang naman at unfortunately ang Mommy niya na kumuha ng duplicate keycard niya ang meron nitong access sa penthouse niya.
Napatigil siya sa pag-iisip niya ng makarinig siya bigla ng musika sa kabilang kwarto kung saan katabi ng guest room niya kaya naman mabilis na tinungo niya ang music room niya atsaka walang takot o pag-aalinlangan na binuksan niya ito.
Nadatnan niyang may isang tao roon na abala ngayon sa pagtipa ng piano niya pero imbes na sugurin ito ay natulos lang siya sa kinatatayuan niya.
Mukhang 'di siya nito napansin at patuloy lang ito sa pagtugtog doon pero ang mas nakaagaw pansin sa kanya ay ang makintab at hanggang beywang na buhok nito na kulay rosegold.
Sa 'di malamang dahilan hinintay niyang matapos ang pyesang tinutugtog nito at nanatiling nakatayo lang siya roon hanggang sa matapos ito at tuluyang tumayo na atsaka pumihit na paharap sa kanya.
"You.... " Hindi makapaniwalang tinitigan niya itong taong nasa harap niya.
...🌼...
𝐒eryoso ang lahat ng biglang magsalita ang Manager nila.
"Guys, 10 minutes break!👏👏👏"
Nandito sila sa practice room ngayon kung saan tagaktak na ang mga pawis nila.
Ang iba naman ay umupo na at meron ding nagsipaghiga na.
May TV guesting kasi silang pinaghahandaan at kailangan nilang magpakita ng dalawang set of performance with a total of 6 songs.
Being a band is really tough.
Hindi man sila dumaan sa isang audition pero mula sa training, practice at performance ay talagang pinagbubutihan nila.
"Wuuh! What a life." Kanina pa talaga nanunuyo ang lalamunan niya kaya mabilis niya lang din naubos ang isang bote ng tubig na binigay sa kanya.
Who would've thought that before they're just normal group of friends who loves music not until kinontrata sila ng pamilya ni Vlad.
In his case, During that time nakumbinsi siya ng family ni Vlad ng malaki at mabilis na kita which he really needed noong nag-uumpisa pa lang siyang itayo ang company niya kaya agad siyang napapayag pumasok dito and without knowing it naging parte na rin ito ng routine niya and he can say na nag-eenjoy siya.
"Hey, kamusta 'yung chicks mo? Kailan mo siya ipapakilala sa'min bud?" Biglang tanong ni Zi-Em na ikinakunot noo niya.
He's not one of his bandmate but he's the composer of their group.
"Don't deny it man.. sinabi na sa'min ng P.A mo na may isinabay kang babae papunta rito kanina at sa penthouse mo pa kayo sinundo." It was Gavin this time na natuon na ngayon lahat ang atensyon sa kanya.
Tch. Si Kuya Rodel talaga sinabi pa. Shit! Siguradong hindi ako basta tatantanan ng mga baliw na 'to..
"She's our guest, inaanak ni Mommy." Walang ganang sabi na lang niya.
"Oh, maganda ba? Can I date her?" Masamang tingin agad ang pinukol niya kay Sky na mukhang 'di naman tinablan at halatang iniinis lang siya pero kahit biro pa 'yun hindi pa rin maganda sa pandinig niya.
"Fuck off bud, baka 'di kita matansya. She's off limit pinababantayan sa akin 'yon." Siya man ay nagtataka kung bakit tila naiirita siya.
What am I getting mad for? Psh. 'Di niya tuloy mapigilang mapailing sa tanong niya.
"Ano ka yayo? The Invincible pianist of Xnote isa na ring babysitter ngayon? Nalulugi na ba ang business mo?" Gavin teases him too.
"Sexy siguro kaya pumayag siya." Vlad continue.
"Ewan ko sa inyo." Alam niyang gusto lang siyang asarin ng mga kaibigan niya palibhasa kasi siya talaga madalas mang-asar sa mga ito.
"Wow..? Hanciel is guarding a woman dapat na ba kaming kabahan baka iba na 'yan." Binato niya lang ng towel si Sky na mabilis naman nitong nailagan.
"Moron. Baka ikaw I heard about your arrange marriage." May pagkaisip bata kasi ang kaibigan niyang ito pero pagkasalan ang usapan ay agad nagiging seryoso ang mukha nito at makalipas lang ng ilang segundo ngingiti na ulit ito at babalik ulit sa dati.
"Sabi sa inyo eh talagang sumusunod lang 'yang si Hanciel sa Mommy niya, Diba bud?" Biglang pagsang-ayon nito sa kanya kaya naman nagkanya-kanyang iling na lang ang mga kasama nila.
Weirdo talaga ang puts.. Natigil lang ang pag-uusap nila ng may pumasok muli sa practice room nila.
"Okay everyone from the top!" Sigaw ng Manager nila kaya bumalik na sila sa pagpapractice.
Fuck. Pagnaaalala ko pa rin 'yung nangyari 2 days ago sumasakit talaga ang batok ko.
◂◂◂ REWIND
2 days ago...
"You.... " Hindi makapaniwalang tinitigan niya ang taong nasa harap niya.
Hindi niya pa agad nasundan ang sasabihin niya dahil masyado siyang nadadala sa magandang mukha nito.
Is she real..? She looks like a doll.
And he's wondering why do he feel like this? She feels familiar, like he knows her.. There this kind of excited feeling na makita ang babaeng nasa harap niya but why?
Bahagyang iniling niya ang ulo niya para makapag-isip ng tama pero pagtingin niya ulit dito ay mas lalo lang niyang naobserbahan pa ang mukha nito.
Napakakinis kasi nito at maputi rin. She also have those kissable lips, a red lips that looks savoring and delicious and her eyes is pretty as well it's somehow look grayish for him and then her cheeks with a flushed is very fascinating to look at, at sigurado siyang walang gamit na make up ang babaeng ito ngayon.
Damn! A natural beauty indeed.
It's nothing new whenever he sees a stunning, elegant & beautiful girls around but this woman in front of him right now is definitely different, she's simply but super gorgeous.
Saka lang siya natauhan ng lumakad ito palapit sa kanya pero hindi niya pa rin inalis ang mga mata niya rito.
Kahit 'di ito kalapitan sa kanya ay amoy niya ang mabangong scent nito but then he suddenly stilled and slightly frown because he knows that smell, pamilyar ang amoy na iyon sa kanya at 'yun ang pinakagusto niyang scent ng babae that's why he can't help himself but to feel alive.
Crap! Get a hold of yourself Hanciel. 'Di niya napansing nakakuyom na pala ang kamay niya na para bang pinipigilan niya ang sarili na humakbang palapit dito dahil baka kung anong magawa niya.
For fucksake I just met her.
"Who are you? Do I know you? What are you doing here in my penthouse?" Pinalamig na boses niyang tanong dito.
Don't let your guard down.. Hindi niya pa rin kasi kilala ang taong nasa harap niya ngayon at pa'no na lang ito nakapasok ng ganu'n sa penthouse niya? Hindi siya pwedeng magpadala dahil lang sa maamong mukha nito pero 'di rin nakaligtas sa mga mata niya ng makitang may saya at takot sa mga mata nito.
Lumipas ang ilang segundo pero hindi pa rin ito nagsasalita.
"So what now? I'm asking you.. trying to be nice in here Miss, before I drag you out in my penthouse or should I just call a police." Hindi niya alam kung bakit pero hindi siya kumportable na titig na titig ito sa kanya na para bang manghang-mangha ito sa kaniya.
Oh Shit, wait. Is she a a fan? May nakaalam na ba na ako at si Harris ay iisa? But no.. It can't be, tight ang security dito sa building ko.. How? Could it be that my security team in here failed? Fuck no..! I will really fire them if they did. Hindi na rin kasi bago sa kanila na may mga babaeng nakakagawa ng kabaliwan dahil sa sobrang paghanga at pagkagusto sa kanila.
But she's too beautiful to be a stalker. Think Hanciel.. Imposible rin naman na isa siya sa mga naging babae ko dahil for sure I would never forget that kind of face or If ever I met someone like her.. Hell, I'll probably never let go of her.. Then bigla siyang natauhan sa naisip niya at pasimpleng inalog ang ulo niya.
Wait— What? Damn. What the hell am I saying?? Shit. Did I really say that? No. No. No I'm just fucking tired kaya kung anu-anong pumapasok sa utak ko. Then narealize niya na para na siyang sira sa pakikipag-usap sa sarili niya.
Nang hindi pa rin ito sumagot sa kanya ay bigla na lang itong may dinukot sa bulsa nito atsaka iniabot sa kanya bahagya ring umawang ang bibig nito na parang may gustong sabihin ito sa kanya pero wala namang salitang lumalabas dito and yet, what worst iba ang pumapasok sa isip niya patungkol sa labing 'yon.
"What the... Ano sa tingin mong ginagawa mo?" Napakunot noo siya ng makailang ulit nitong inaabot ang phone nito sa kanya at tila mas lumapit pa ito ngayon sa kanya.
The fuck is she doing?
"Hanciel!" Narinig niya bigla ang boses ng Mommy niya sa phone nito kaya kahit ayaw man niya ay napilitan siyang kunin ito sa kanya at doon napansin niyang tila nakahinga ito ng maluwag dahil sa ginawa niyang 'yon matapos ay bahagyang umatras ito ng kaunti palayo sa kanya.
"Mommy? Is that you? Ho—"
"Yes, it's me anak. Ngayon ka lang ba umuwe? I was waiting for your call yesterday atsaka bakit ngayon lang ako tinawagan ni Elise? Kahapon pa siya nandyan ah.." Lalo siyang naguluhan sa sinabi nito.
Say what? Kahapon pa ang babaeng 'to dito? As far as I remember package or document ang inaasahan kong dumating dito at 'yun lang ang nakita ko pag-uwi ko. What is this now?
"Mom, can you please explain what's happening.. It's early in the morning here at sumasakit ang ulo ko." May halong iritasyon na pagkakasabi niya rito habang patingin-tingin sa kaharap niya.
So her name is Elise..
"Okay, but first pwedeng lumayo ka muna kay Elise pumunta ka sa ibang lugar ayokong marinig niya kung ano man ang sasabihin ko sayo. Please.. my Hanciel baby.." Tiningnan niya ang dalaga na 'di pa rin nagbabago ang posisyon nito kanina at mukhang binabasa ang bawat reaksyon niya kaya naman walang sabi-sabi lumabas siya ng music room niya at dumiretso na sa kwarto niya.
"Done. so can you explain now Mom?" Ngayon niya lang din narealize na kanina pa pala niya pinipigilan ang paghinga niya.
"Listen Hanciel, Remember sinabi namin ng Daddy mo na may importante kaming iiwan sayo so there she is.. it's her. She's Elise Stella James, she's my bestfriend's daughter remember your Tita Ellaiza and my promised?" He remembered it palagi kasing nababanggit ito noon sa kanya but still it doesn't make sense wala naman siyang kinalaman do'n ni hindi niya pa nga ito nakikita in person.
"But Mommy hindi ba pwedeng sa hotel na lang siya mag stay or 'di kaya doon sa bahay natin sa village why with me? for sure mas may mag aasikaso pa sa kanya ro'n." Napaupo nalang siya sa paanang bahagi ng kama niya habang napapahilot sa batok niya.
I can't stay so close to her or shit will happen!
"Because we can't just trust her to someone else.. Elise has a different story baby, okay? Hindi ko siya pwedeng iwan na lang dun sa bahay lalo pa't nagtiwala sa akin ang Daddy niya na 'di ko pababayaan ang anak niya that's why pinayagan 'yang makapunta rito sa Pilipinas at ayokong mapahiya baby. Nagkataon lang na kailangan din kami dito ngayon sa Seattle. Isa pa, malapit sila sa pamilya natin lalo na sa Grandpa mo kaya ayaw niyang may masabing masama sila sa pamilya natin." Paliwanag nito sa kanya.
Shit no. What about my fucking privacy?! Mahirap na baka mamaya may malaman pa 'to sa akin.. These place is where I can be Hanciel & Harris at the same time and what if kinasabwat pa 'to ni Grandpa para maging spy sa'kin. Arghh! Halos sabunutan niya na ang sarili niya dahil sa gustong ipagawa sa kanya ng Mommy niya.
"But Mom—"
"You promise me Hanciel. You don't want me to get mad at you right? Unfortunately wala ako riyan para alalayan at bantayan siya at dahil ikaw ang nandyan baby I trust you on her. You said yes to us remember?" May halong pagbabanta nito sa kanya and he knows her Mom very well masama itong magalit.
"And you think pag dito siya sa'kin mas magiging okay siya? I'm still a man Mommy 'di ba mas nakakailang 'yun?" Nauubusan na siya ng idadahilan dito.
Naisip niyang pwede naman sigurong punta-puntahan na lang niya ito sa house nila but not staying here in his place. Just thinking about only him & her in one place in one house? That's not very like him kaya nga siya bumukod dahil mas trip niyang mapag-isa na kahit katulong ay wala siya and now what?
Kung 'di lang talaga dawit ang pangalan ng Lolo niya.
"Just for a month Hanciel, that's all she need.. Ipasyal mo siya make her see the world. Tingin namin mas mag-oopen up siya sayo at mas maiintindihan mo siya kesa sa amin, can't you do that baby?" May bakas ng lungkot pero seryosong sabi ng Mommy niya.
"How—?" May halong frustration na sabi niya.
I can't stand having a woman in my house.. Dugtong niya sa isip niya.
Even his exes lalo na 'yung mga naka one night stand lang niya ay 'di talaga siya nagdadala ng babae sa tinutuluyan niya. He lives alone for a very long time and he loves it but there she is suddenly invading his private life.
Can I really do it? For one month..
Just for fucking one month.. But staying with someone that long in here.. Tch. It feels like a punishment.
"Hanciel baby, Anong napansin mo sa kanya kanina?" Biglang tanong na lang ng Mommy niya.
"What? Ano bang tan—"
"Just answer me, Hanciel." His mother cut him off again.
"Tch. Nothing, Basta pagpasok ko kanina tinanong ko kung sino siya but then she doesn't answer me nor talk to me. She just keep staring at me like a robot but I can see that she's afraid of me.. Bakit ba Mommy?" Hindi niya talaga ito maintindihan kung minsan.
Ayaw niyang sabihin na nagagandahan siya dito that he finds her attractive baka mamaya kung ano pang gawin at maisip ng Mommy niya bigla. Hell no. Hindi niya hahayaang mangyari 'yun walang pwedeng makialam kung sino ang gugustuhin niyang makasama in the future. Not even today not even tommorow as in not now.
"Oh my God! Hindi talaga kami nagkamali ng Daddy mo baby! That's what were talking about.. We can't read her face at all, for us she's just emotionless girl but ikaw nakikita mo 'yun! I can't believe this." Tuwang-tuwa ito at halatang nasiyahan talaga sa sinabi niya.
Emotionless? Really? Ba't hindi naman ganu'n 'yong nakita ko kanina, Are my eyes playing tricks on me? Biglang nagreplay sa utak niya 'yung mukha ni Elise kanina.
"Mommy tingin ko lang 'yun I can't say that it's what she really feels you know.." Naiiling na sabi niya rito.
"Just keep her safe Hanciel, if magkasakit man siya tawagan mo kami kaagad you promise me baby at talagang magagalit ako sa iyo pagpinabayaan mo siya. Treat our guest very well. Sige na, I have to end this call na I love you, okay?" Hindi na siya nakapagpaalam pa dahil bigla na lang nitong binaba ang call sa kanya, mukhang iniiwasan talaga ng Mommy niya na magtanong pa siya or magdahilan pa siya.
And now what?.. Tumayo na siya at naglakad palabas ng kwarto niya pero ganu'n na lang ang gulat niya ng makitang nasa labas na ng pinto niya si Elise.
"Here. Thanks." Tatalikuran niya na sana ito ng may maalala siya.
He may not be very kind, sociable and friendly guy to a woman but oh well, he still have manners.
"I'm Hanciel Roman Richardson pasensiya na kanina. I don't know if you already knew about this but yeah your staying here in my place.. What else.. then kung may kailangan ka just say it. Oh Hell, I forgot you may not understand everything i've just said but whatever." Nilahad niya ang kamay niya without expecting na tatanggapin 'yun ng dalaga kaya naman bahagyang napasinghap siya ng makipagkamay din ito sa kanya lalo na ng maglapat ang palad nila kaya agad niya rin itong binawi na para bang napaso siya.
And that feeling again...
She just smile right? Or guni-guni ko lang? Damn. This is crazy.. Nakita niyang bahagya itong umiling na mukhang naintindihan nito lahat ng sinabi niya pero dahil sa 'di siya sigurado ro'n kaya naman tinanong niya ito ng makasiguro.
"Naintindihan mo ako?" May pagkamanghang tanong niya kay Elise.
Isang tango naman ang tugon nito.
That's cool. Nakakaintindi pala siya ng tagalog well, kahit sa'ng anggulo mo kasi siyang tingnan mukha talaga siyang may lahi.. But what about her talking? Why wouldn't she speak at all? Is she..
"Why aren't saying anything? Ahm.. Sorry to ask this pero pipe ka ba?" He tried to sound nice. He just wanna know kung bakit simula pa kanina 'di niya pa ito naririnig na magsalita.
Napatingin na lang ito sa ibaba at nahalata niyang nalungkot nalang ito bigla ganu'n pa man iling lang ang sinagot nito sa kanya.
"So you can talk? but you just don't want to talk to me." Nakita niyang bahagyang binuka nito ang bibig nito na para bang may sasabihin sa kanya ngunit wala namang lumabas na kahit anong salita rito, napansin din niya ang pag-aalinlangan sa mukha nito.
He was waiting for her to say something pero titig na titig lang itong muli sa kanya.
Damn. Forget it, the hell I care.. I should be glad right? Dahil ayoko sa maingay..
Sino ba ako para iparinig 'yung boses niya? Tch. Never mind. He don't want to admit it but he was so curious pero ayaw niya rin namang pilitin ito.
Naalala niyang kailangan pa pala niyang ayusin ang schedule niya and also maghanap ng pasyalan para rito.
Oh yeah and I need to hide all those gifts from my fans mahirap na. Napabuga na lang siya ng hangin sa dagdag na trabaho niya.
"Okay then feel free to knock if you need anything." Naglakad na siya pabalik sa kwarto niya.
"Hanciel." Natigilan siya bigla sa paghakbang dahil sa narinig niya at sa 'di malamang dahilan nakaramdam siya ng sobrang kaba nung oras na iyon.
What the— Did she just call my name? Dahan-dahan siyang umikot paharap dito para kumpirmahin na ito nga 'yung narinig niya pero hindi na lang ito ngayon basta nakatayo sa harap niya dahil may hawak na itong note pad na may nakasulat na...
[ Let's eat breakfast together. 。^‿^。 ] walang kaemo-emosyong mukha nito.
Nagpasalit-salit ang tingin niya sa hawak nito pati na sa mukha ni Elise.
Pfft! What the hell? She really looks like a freaking robot.. And that emoticon.. He tried not to laugh baka kasi maoffend ito but for some reason he finds that funny and unique.
"Ikaw ba 'yung nagsalita kanina?" Hindi niya napigilang magtanong dito pero hindi ito sumagot at nakatitig lang sa kanya.
Guni-guni ko lang siguro. Shit. Now I'm hearing things.. Kulang pa ata talaga ako sa tulog.
Mukhang hindi na ito makapaghintay sa sagot niya kaya naman ng makitang malalim ang iniisip niya ay basta na lang siya nitong hinawakan sa pulsuhan atsaka sabay nilang tinungo ang kusina.
Habang siya naman ngayon ang parang naging robot na sunud-sunuran rito. Bumalik lang sa kasalukuyan ang utak niya ng binitawan na siya ni Elise at inaayos na ang kakainan nila.
Wow. This girl is full of surprises.
[ END OF FLASHBACK ]
"Guys, pa'no ba 'yan mauna na ako may gagawin pa ako." Nauna ng nagpaalam si Gavin na sumunod naman ang iba gaya nila Sky at Vlad.
"Here.. Ito na 'yong mga pinapahanap mo." May iniabot itong folder sa kanya.
"Thanks Peril bud, don't worry I already send it to your account." 'Di na siya nag-abalang silipin pa ang nasa loob ng inabot nito at ngayon tanging tatlo na lang silang naroon.
"Tch. Are you sure that nothing is between you two? You have it bad ma' friend." Zi-Em give him a teasing look.
"Whatever." Ayaw niya ng ipagtanggol ang sarili niya sa pang-aasar ng mga ito dahil siguradong hindi naman siya paniniwalaan ng mga 'to ano mang sabihin niya.
"Well, I have to go. Adiós suckers!" Paalam ni Zi-Em sa kanila.
Until naiwan na lang siyang mag-isa roon, ayaw niya naman pumunta agad kung saan hinihintay siya ni Elise dahil medyo iniiwasan niya talaga itong makita kumportable kasi siyang kasama ito at hindi 'yun normal para sa kanya lalo pa't kakikilala niya palang dito at sa babae pa.
Then his mind where somewhere else again. Pa'no after kasi ng pag-aalmusal nila ni Elise nung araw na iyon ay nasundan pa ito ng mga kakaibang tagpo at masyado ata itong naging attach sa kanya dahil kung asan siya nandun din ito, how?
Halimbawa, Pagnaghuhugas siya ng pinggan inaagaw agad ng dilag ang hawak niya at ito na ang nagpapatuloy nun, madalas din ang pagsunod nito sa kanya na para bang buntot niya. Minsan nga nagugulat na lang siya kasi akala niya wala dun ang dalaga at sa ilang beses niyang pagpasok sa kwarto niya lagi niya ring naabutan ito sa labas ng pinto niya pero wala naman itong sinasabi na kahit ano sa kanya.
The Hell. Hindi man lang ako makaramdam ng inis or pagkairita sa ginagawa niya. Tch. Why? He thinks he's getting crazy that's why he really wants to keep a distance from her.
"Ang lalim ng iniisip huh.. Is it your girl?" It was Russel na umupo sa kabilang side ng couch na inuupuan niya kung saan nagpapalipas oras siya.
Russel Arcenal, one of his buddies. Madalas talaga ay pumapasok ito rito sa LDE at nanonood sa jamming session nila.
"Remind me why shouldn't I punch you right now. She's not my girl, okay?" Sumandal siya sa couch at ipinilig ang ulo niya.
"It's because I'm your friend and so handsome that my clients will kill you.. Ohkay then, any problem?" Sinulyapan niya ang katabi na busy na ngayon sa pagtipa ng phone nito.
"You're a doctor but I don't think what's in my mind is within your field bud. "
"Try me, Anong malay mo naiintindihan ko pala." Nakatingin na ito ngayon sa kanya kaya naman napaisip siya kung sasabihin ba niya kung ano man 'tong gumugulo sa isip niya dahil sa grupo nila hindi naman talaga siya ganu'n kaopen sa kanila kungbaga siya 'yung madalas tagapakinig lang sa kanila kaya nagdadalawang-isip siya kung magkukwento ba siya.
Maybe I just let it out.
"Fine. I'm just confused.. You know that girl.. Elise, she's living with me right now and guess what I'm okay with it." Halatang naweweirduhan na siya sa sarili niya.
"Hahaha! Okay? Interesting. Knowing you bud.. Ako man sa kalagayan mo magtataka nga ako, I'd like to meet her. Anong meron sa kanya at ganyan nalang niya makuha ang atensyon mo? Now I kinda get it why you're like this."
"Psh. May mas malala pa 'kong iniisip about her. My Mom told me that she's always expressionless nor doesn't have any emotion on her face at all but then I can see it.. That's hella confusing bud. 'Di ko alam kung gumagawa lang ba ng imahinasyon 'yung utak ko para paniwalain 'yong sarili ko na 'yun nga talaga 'yung nararamdaman niya or kung totoo man 'yong mga nakikita ko sa kanya and what worse, she doesn't talk at all as in mute kaya mas lalo akong naguguluhan." Halatang gulong-gulo na talaga siya sa mga nangyayari sa kanya.
It's the first time for Russel to see Hanciel act like this.
And that's one more thing bakit hindi ito nagsasalita? Is it a trauma, stutter or anything? He tried calling her Mom to ask about it but it won't get through at all it was always on a voicemail.
Idagdag mo pa na mabilis nakakaramdam ng init ang katawan ko sa kanya. Fuck you lust!
"I think because you're dealing something new on her. I mean ngayon ka lang siguro naka-encounter ng gaya niya that's why she caught your eyes and can't help yourself to be nice on her. Hanciel bud, you're only nice to a woman if it's a family hindi naman siguro dahil naawa ka sa kanya?" Napaisip siya sa tanong ni Russel pero ang huling sinabi nito ang mas pumukaw sa atensyon niya.
"No. It's not pity bud, hindi awa ang nararamdaman ko sa kanya." That's so bullshit I don't pity her.
"Then maybe you finally met t— Ahum! No, I mean mas maganda siguro sabihing that you're attractive to her kaya 'di mo magawang mainis o pagsupladuhan siya. I bet she's that angelic, right?" May halong panunuksong tingin nito sa kanya but he didn't answer him.
"You should be thankful bud because 'yung ayaw mong ginagawa ng isang babae hindi ginagawa ni Elise, right? Kaya ka siguro komportable kahit pa may kasama kang babae ngayon sa bahay mo." Hindi siya nakasagot dito at kahit siya napaisip sa sinabi nito.
Russel is right. Why am I too concern with her.. ? I should be glad right? Dahil tahimik itong kasama at hindi mareklamo. It might be the reason why I'm comfortable around her pero may kulang.. may iba talaga.
"Yeah, I get what you mean but morethan that unlike sa ibang tao kung galit sila galit talaga if masaya makikita mo rin na masaya talaga but with her? Feeling ko nagiging manghuhula ako and it makes me crazy and insane!" Napasuklay na siya sa buhok niya.
"Hahahaha! Bud, you've always been crazy at nakakapagtakang ngayon mo lang nalaman 'yun. Diba you've always been a plants and flowers lover?" Napakunot noo siya sa tanong nito.
"Now what about it? What's the connection?"
"Hahhaha! Really? Doesn't she reminded of you of something? Naki creepyhan nga sila sayo minsan pagkinakausap mo at sinasabi mong naiintindihan mo 'yung bulaklak ito pa kayang si Elise na tao." For a second, it feels like everything he asked has been answer.
"Then you think na kung ano man 'yung nakikita kong reaction sa kanya 'yun talaga 'yung ipinahihiwatig niya?" Feeling niya talaga may naalala siya kay Elise pero hindi naman pala ito kung sino kundi ano.
Well, she really reminds me of a flower.
"Nope, but there's only one way to find out.. Ask her, para 'di mo isiping nababaliw ka na nga." Naparolyo tuloy siya ng mata sa sagot nito kanina lang convince na siya ngayon 'di na siya ulit sure, as if matatanong niya 'yun kay Elise eh iniiwasan niya nga na magkalapit sila ng matagal.
"Ya right, as if I coul— Shit! Anong oras na ba? Fuck. I need to go! Thanks bud keep your mouth shut about this." Nagmamadali niyang ipinasok ang mga gamit niya sa bag niya.
"Really.. You have it bad, man.. Goodluck." Nakita niyang mukhang may gustong itong iparating sa kanya but ofcourse 'di niya na ito inintindi pa.
"Whatever, I really have to go." Paalam niya rito.
"Sure, you owe me a drink." Pahabol na sabi ni Russel at patakbo siyang umalis roon atsaka diretso sa parking lot nila para kunin ang kotse niya.
Sinabi niya kasi kay Elise na doon na lang siya sa isang cafe hintayin nito na kasama ngayon ni Kuya Rodel para magbantay dito masyado atang napahaba ang usapan nila ni Russel kaya baka sobrang nainip na ito.
Ipapasyal niya kasi ito ngayon dahil 'yun ang bilin sa kanya at sa pagkakaalala niya nakita niyang excited ito.
"Fine, I will ask her. I can't believe it she actually reminds me of the flowers ba't 'di ko naisip 'yon?" Nagmaneho na ito sa lugar kung saan sila magkikita ni Elise.
Hindi niya alam pero 'di niya mapigilang ngumiti.
Hmn.. Yeah right, Magkasing ganda rin naman sila ng bulaklak.. Oh Shit. Did I say some cheesy words?
Sa totoo lang 'di niya talaga ito magawang iwan mag-isa sa penthouse niya dahil paniguradong mabobored ito at malulungkot lang doon lalo pa't wala rin naman siyang maid doon.
Meanwhile ▸▸▸
She was having her latte at Rosie cafe at the moment. Dito kasi siya dinala ng assistant ni Hanciel.
I wonder ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Kanina kasi ay nagstop by sila sa tapat ng 'di kataasang building malapit dito and the way Hanciel looks and dress up mukhang hindi naman office ang pinuntahan nito kanina.
I still can't believe that he was never bothered by my facial reaction and my voice.. Tita was right.. He never changed.
Hanciel was very good looking person from head to toe, she just want to see that face as much as she can although she knew that he might be creeping out by her behavior for these past few days.
That night, when she saw Hanciel sleeping in the couch makes her very emotional but at the same time her heart beats really fast just like the first time they met at talagang matagal niya itong tinitigan.
It feels like a dream, akala niya noon wala na talagang kapag-a pag-asa na makita niyang muli ito after what happened to the both of them.
Umiyak din siya ng gabing iyon habang pinagmasmasdan ito dala marahil ng sobrang saya, lungkot at takot nang makita niya ulit ito. She even kissed his cheeks like the old days, unti lang ang panahon na makakasama niya ito kaya naman susulitin niya talaga iyon.
He looks matured now.. She remembered again the jet black hair, thick lashes and eyebrows, define nose, kissable lips na kahit sino pagkakamalang isa itong prinsipe na tahimik na natutulog ng gabing iyon at nang magkaharap nga sila kinabukasan with his blue eyes malalaman mo talagang may lahi rin ito and he looks manly now. His muscles looks good on him and the smell, like she thought the whole place has his scent. Refreshing and calming.
Pakiramdam niya bigla nalang namula ang pisngi niya because she never look to a man that way before. Yes, she still watch television, magazine and even get updated in the internet especially if it's about Hanciel and yet may mga naging other guy friend din naman siya pero iba pa rin talaga pag-in person 'yung taong iniistalk mo.
Hindi rin niya napigilan magsalita ng isang beses ng banggitin niya ang pangalan nito dahil kahit papano munting hiling niya na sana ay maalala siya nito kahit pa sabihing may pagkaselfish 'yung ginawa niyang iyon.
Actually halos maiyak talaga siya nung araw na magtagpo sila sa music room nito at sobrang pagpipigil talaga ang ginawa niya.
I just hope na hindi siya masyadong magtanong, if something happens I must contact Tita immediately. Nawala siya sa pag-iisip niya nang biglang may tumikhim sa harap niya.
She knows very well that her face doesn't give any reaction at all but right now? she was really shock. It's been a long time since she saw him and he looks different right now that's why she can't help herself but to be stunned to his appearance.
"It was really you.. I can't believe this, Elise Stella James."
Download MangaToon APP on App Store and Google Play