"CARMELINE, bili ka nga ng magic sarap diyan sa tindahan malapit" sabi ni oppa.
"Alasseo" sabi ko tsaka inilahad ang kamay ko na para bang naghihingi. (Ok i get it)
Tinignan nya ang kamay ko at tumingin sakin. "Wae? wae? mwo? mwoya?" tanong ni oppa. (Why? why? what? what is it)
"Alangan namang ako ang magbayad diba" sabi ko. Umikot ang eyes nya tsaka dumukot ng 10 pesos sa bulsa niya.
"Alam mo ba kung ano ang magic sarap?" tanong niya.
Ye, i saw in on the commercial
"Oh sige. Bumili ka ng dalawa" sabi ni Oppa.
Tumango nalang ako at kinuha ang 10 pesos sa kamay nya tsaka tumakbo palabas. Yes! Bibili nalang ako ng dalawang magic sarap tsaka bibili ng dalawang mik-mik. Atleast may sukli.
Malapit na ako sa tindahan pero may bumibili pa don. Tatlo sila. Dalawang lalaki at isang babae. Kambal yung dalawang lalaki. Halata naman eh.
Lumakad ako papunta sa likod nila at hinintay silang matapos. Sanaol may kambal. Well, okay na din ang pagkakaroon ng kuya tulad ni oppa. I lab my brader.
Hmm, parang familiar din sakin yung lalaking naka-white na damit.
"Ikaw, Ethan? Anong gusto mo?" tanong nung nakablue.
Tinuro naman nung nakawhite yung mik-mik. Nagtanong ulit yung nakablue at tinanong nya kung ilan. 10 ang sagot nung naka white. Pero hindi niya sinabi, inano lang nya yung daliri nya.
Moleugessda (I don't know), baka di nakakapag-salita. Oh well, Carmeline. Don't judge a book by its cover daw sabi ni Mommy.
So bumili sila ng Tatlong zesto, tatlong cream-o, limang happy, tatlong pintura, at sampung mik-mik. Aba, dami ah.
Sumakit sana tyan nyo
Nang umalis na sila, ako naman ang bumili. Ok ok, so dalawang magic sarap at dalawang mik-mik.
"Dalawang magic sarap nga po" sabi ko tsaka inabot ang sampung piso. "Tsaka dalawang mik-mik po" dagdag ko.
"Limang piso ang magic sarap dito hija"
...
...
...
...
...
ANDWAAAAEEEEEEE!!!!! ANDWAE ANDWAE ANDWAAAEEE!!!!
"A-ah...ok po" ang tanging nasabi ko.
Huhu...pano na mik-mik ko?! Huhu!
Binigay na ng tindera sakin yung magic sarap tsaka ako umalis. Sana meron din akong zesto tulad nung tatlo kanina. Tas sana meron din akong mik-mik, cream-o, happy, at pintura. Sana talaga. Huhu.
Ngayon nagsisisi na ako na hindi ko dinala ang wallet ko. Nakabili sana ako ng gusto ko. Nakakainis naman.
Naglakad na ako pauwi hawak ang dalawang magic sarap. Ang aking nararamdaman ay puno ng kalungkutan. Hindi ko maintindihan kung bakit ginawa nilang limang piso ang magic sarap samantalang four pesos ang sa commercial.
Pag-uwi ko ay napakalungkot ng aking mukha. Hindi ko nabili ang gusto kong bilhin. Napaka-daya ng mundo. Pero mas madaya ang tindera kanina.
Ay ang lalim ng tagalog mo Carmeline ha
"Oh, bat nakasimangot ka diyan?" Tanong ni oppa nang makapasok ako ng mansion.
"Oppa, yeogiseo masul sala peuga wae geuleohge bissanayo?" Tanong ko. (Bro, Why is magic sarap so expensive here?)
"Ganyan talaga ang buuuuhay~" pagkanta ng aking kuya.
...
...
,
...
...
...
"OPPA!!!!!!!" sigaw ko. Tsaka tinapon sakanya ang tubig sa baso.
Napapikit siya at naging...oh no...
"Carmeline Angela VILLAROSA!!!!"
"WAHHHHHHHH!!!"
To be continued
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments