Rose Petals
"WOW mommy! Ang pretty naman
here sa manila!" Sabi ni Carmeline.
"I know right. Dito nag-study ang oppa mo. He also became a chef sa school na papasukan mo. So you will kita kita him at school everyday" sabi ni Ashley, ang mommy ni Carmeline.
"So, chef po si Oppa sa school na i will go dalawa?" Tanong ni Carmeline.
Napatawa nalang si Ashley sa iniaasta ni Carmeline. Nagiging conyo kasi siya.
"Stop being conyo, Line HAHAHAHAHA! It doesn't suit you" sabi ni Ashley habang tumatawa.
Napanguso nalang si Carmeline pero tumawa na din.
Siya si Carmeline Angela Villarosa. Ang 16 years old na babaeng may sakit sa puso. Since birth ay dala na niya ang sakit na yon. Meron siyang kuya na 24 years old. Si Cameron Angelo Villarosa. At tulad ng sabi ni Ashley, chef sa papasukas na school ni Carmeline si Cameron.
Oppa ang tawag ni Carmeline kay Cameron dahil lumaki siya sa Korea. Sanay na siyang mag-korean pero mas sanay siyang mag-tagalog. Ngunit si Cameron ay lumaki sa pilipinas. Nag-divorce kasi si Ashley at Ashton, ang mga magulang nila.
Take note ha, hindi magkapatid sina Ashley at Ashton.
Lumaki si Carmeline sa side ng mommy niya. At si Cameron ay sa daddy niya. 6 years old kasi si Carmeline nung nag-divorce sina Ashley at Ashton. At 14 si Cameron nun. Hindi nila alam ang dahilan kung bakit naghiwalay ang mga magulang nila. Ang alam lang nila, pilit iyon.
Nang marating na nina Carmeline ang bahay nila sa Maynila, hindi nila alam na kapitbahay lang nila ang oppa at daddy niya. Pagkababa nila ng kotse, di nila inaasahang lalabas ng bahay sina Cameron at Ashton.
"Oppa!" Sigaw ni Carmeline at tumakbo papunta sakanyang oppa.
"Carmeline! Namiss kita ah!" Sigaw ni Cameron at niyakap pabalik ang kapatid.
"Oppa! Chef ka na daw sabi ni mommy" sabi ni Carmeline nang humiwalay siya sa pagkakayakap.
"Yup! That's me" tila nagmamayabang na sabi ni Cameron.
"Eh si appa, di mo yayakapin?" Sabi ni Ashton.
"Tempre yayakapin!" sabi ni Carmeline tsaka niyakap ang tatay niya.
Niyakap naman ni Cameron ang ina ngunit hindi nagyakapan ang dalawang Ash.
"C'mon mom and dad. Magyakapan naman kayo" sabi ni Cameron ng may pang-aasar na tono.
Ngunit nag-iwasan lang ng tingin ang dalawa.
"Nakuuu alam naman namin na na-miss nyo ang isa't isa kaya sige na magyakapan lang kami at mauuna na kami ni Oppa sa loob seeya!" Tila nagrarap si Carmeline.
Agad nyang hinila ang kuya papasok ng mansion at iniwan ang mga magulang sa labas.
MULA sa kanilang bahay ay lumabas si Ethan at ang kanyang kambal na si Evan. Sasamahan ni Ethan si Evan na pumunta sa bahay ng nobya nito na si Zavanah.
Sa hindi kalayuan ay isang matandang naka-balabal na itim. Sa sobrang tanda na nito ay kulubot na ang balat niya at kuba na.
"Nalalapit na ang pagkikita nila" sabi ng matanda habang hawak ang libro niyang napaka-tanda na rin.
Binuksan niya ito at nalipat sa isang pahina kung saan may dalawang magkasintahan. Si Carmeline at Ethan.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments