CHAPTER 4.

🍀🍀🍀

KAKASHI'S POV.

Sino kaya ang babaeng iyun? Hindi ko talaga sya matandaan na kakilala siya nina Itachi at Izumi.

Kakaiba rin ang istilo niya sa pananalita at naninibago ako sa aura ng kanyang pagmumukha.

Ipagpalagay na maganda siya lalo na nu'ng natitigan ko ng malapitan ang kanyang mukha. Ngunit hindi ko talaga siya kilala. Wala rin akong maramdaman na kahit anong chakra sa kanya.

"Sumosobra ka naman yata sa sinabi mo sa kanya, Itachi!" Tinig ni Izumi sa kabilang kwarto.

"Kahit pa hindi mo na siya kailangan ay hindi mo na dapat sinabi iyun sa kanya!" Bulalas pa rin ni Izumi.

"Sige, babalikan ko siya!" Sabi ni Itachi at nagsalubong kami sa labas ng kanilang kwarto.

"Mukhang may hindi kayo pagkaka unawaan ni Izumi tungkol sa babaeng iyun?" Taas kilay ko sa kanya.

"Inaaway na ako ni Izumi ngayon dahil lang sa babae na iyun!" Singhap niya ng hangin.

"Hindi sya basta babae lang! Pinsan ko na sya simula nu'ng ipinakilala mo sya sa'kin sa bayan ng Uchiha!" Narinig pala ni Izumi ang pag uusap namin.

"Oo na! Pupuntahan ko na sya para makaalis na tayo dito!" Saad ni Itachi.

"Samahan na kita!" Prisintable ko naman.

"Si Senji, nasaan sya?" Baling nya sa'kin.

"Nag aayos ng gamit nya na dadalhin sa konoha! Teka, gaano ba ka-importante sa'yo ang babae na iyun huh?" Nagtataka kase ako dahil lumalambot na yata ang puso niya pagdating sa ibang babae. Inakala ko kase na kay Izumi lang sya nag aalala.

"Malalaman mo rin sa takdang panahon!" Seryosong tugon niya.

Takdang panahon? Ibang klase talaga itong si Itachi, may sinasabi pa syang ganito sa kabila ng pagdududa ko sa babaeng iyun.

"Baka naman kabit mo sya?" Baling ko sa kanya at tiningnan nya lang ako ng masama.

"Joke lang! Masyado ka kaseng concerned sa kanya, e sigurado naman ako na isa syang malakas na babae!" Pilyong sabi ko pa.

"Normal lang sya! Hindi sya marunong makipag laban!" Paliwanag nya.

"Kaya pala wala akong maramdaman na chakra sa kanya!" Kamot ko sa aking ulo at nagpatuloy na kami sa papunta sa sapa.

Nang makarating na kami sa sapa ay isang patak ng dugo na lamang ang aming nadatnan.

"Nasa kapahamakan na naman sya!" Agad sinuri ni Itachi ang dugo na aming nakita.

At sa hindi kalayuan ay isang matinis na tinig ang aming napakinggan.

"Hindi pa sila nakakalayo!" Usal ko at sinuyod na namin ang kagubatan.

Nadatnan namin siya na nakatali ang kanyang paa at kamay, may busal rin ang kanyang bibig.

"Patibong!" Bulalas ni Itachi at kaagad pinatamaan ang babae ng kanyang sandata.

Nahati ito sa gitna at naging isang magitas na kahoy.

"Rasingan!" Ginamit ko ito para gumawa ng isang malakas na pagsabog sa kalagitnaan ng bundok.

Bumagsak sa aming harapan ang mga kalalakihan na tinamaan ng aking kapangyarihan.

Nasalo naman ni Itachi ang babae mula sa taas ng puno. Nakatali nga ang mga kamay nito at…

"Bakit naman ganyan ang pananamit niya?" Nanghihina ako sa nakikita ko sa babaeng ito.

"Dalhin mo na siya sa bahay, ako na ang bahala rito!" Pagbibigay sa'kin ni Itachi sa babae. Wala na itong malay.

"Sa tingin nyo ba ay hahayaan ko na lang na makatakas kayo!" Tinig ni

"Obito!" Sabay namin reaksyon ni Itachi.

"Muli tayong nagkita, Kakashi!" Bumaba siya sa tapat ng aming kinapupuwestuhan.

"Ililigtas mo rin ba ang walang kwentang babae na iyan?" Natatawang tanong niya.

"Wala pala syang kwenta sa iyo, bakit kailangan nyong gawin ito sa kanya?" Naiinis kong usal sa kanya dahil hindi pa rin nagkakamalay ang babaeng ito.

"Dahil alam kong sa kanya ko malalaman ang katotohanan kung bakit tinalikuran ni Itachi ang aming angkan para pakasalan lang si Izumi at sa bayan pa ng konoha? Naniniwala ako na handa nyong gawin ang lahat para lang sa babae na iyan!" Panduduro pa niya sa'min.

"Umalis ka na! Dalhin mo na sya sa ligtas na lugar! Ako na ang bahala sa kanya!" Baling sa'kin ni Itachi.

Dahil wala naman akong ibang pagpipilian ay sinunod ko ang kanyang sinabi. Nagtataka lang ako dahil hinayaan kami ng tauhan ni Obito na mas makalayo sa kanila.

Kung sa ganu'n ay maiiligtas ko nga ang babaeng ito sa kapahamakan.

Unang bases na may iniligtas akong babae pagkatapos ng masamang nakaraan sa pagitan namin ni Rin.

"Kakashi! Anong nangyari sa kanya?" Bulalas ni Izumi.

"Ah, may—" Paano ko ba ipaliliwanag ang nangyari kanina.

"Naisip nyang umalis na dito kaya may nakakita sa kanya at pinagdiskitahan lamang sya!" Mabilis na tugon ni Itachi.

Hindi ko na sya kinonpronta kung bakit ganu'n na lang kabilis ang kanyang pagdating.

Ang ibig sabihin ko ay baka may pinagkasunduan sila ni Obito tungkol sa misteryosong babaeng ito.

Gumagabi na naman at hindi na kami nakalakbay pa papunta sa bayan ng konoha.

Magaling manggamot si Izumi kaya siya na ang aming pinag asikaso kay Babae, maging sa pagsusuot ng damit nito.

"Hali'kayo!" Pagtawag ni Izumi sa'min mula sa loob ng kwarto.

"May kakaibang marka siya sa dibdib!" At binuksan ni Izumi ang itinatago nitong hinaharap.

Napatalikod na lang kami ni Itachi dahil masyado itong maselan kung tititigan.

"Ang marka ni Obito!" Kahit hindi makita ni Itachi ang hinaharap nito ay alam niya ang kanyang tinutukoy.

"Hindi! Sa tingin ko, sa ibang lugar nya ito nakuha!" Paglilinaw ni Izumi.

"Ano naman kung may ganyan klase sya ng marka? Baka naman nilagay nya lang yan kanina! Haysss! Inaantok na ako! Tara na matulog!" Humihikab kong sabi at mas pinili kong matulog sa salas tutal naroon din naman si Senji na natutulog na.

🖤 ITACHI'S POV.🖤

🍀🍀🍀

"Sige na, matulog ka na rin mahal ko! Hindi mo kailangan magpaka puyat ngayon!" Tapik ko sa balikat ni Izumi. Balak ko na ako ang magbabantay sa babaeng ito nang sa gayun ay mapanatili ko ang kanyang kaligtasan.

"Ngunit baka magising sya at magutom!" Baling niya sa'kin.

"Ako na muna ang bahala sa kanya!" Mariin kong saad at hinagilap ko ang kanyang noo para mahalikan ito.

"Hmmm, Sige!" Tanging tugon niya bago pumasok sa aming kwarto.

May nakahanda na hapunan para sa babaeng ito kung sakali na magugutom siya kung kaya't nakamasid lang ako malapit sa may bintana.

"Sandali! Wag— wag mo akong iwan!" Mariin niyang sambit. Napakahina ng tono niya at sadyang hindi magmaliw sa kanyang kinahihigaan.

Kalmado akong nilapitan siya at hinawakan ang kanyang kamay hanggang sa nagising na siya ng tuluyan.

Laking gulat ko nang yakapin niya ang aking balakang. Umiiyak siya. Wala akong magawa dahil mas lalo nya pang isinubsub ang kanyang sarili sa akin.

Para syang si Izumi kung umiyak. Ibinubuhos niya ang lahat ng sakit na kanyang pinagdaanan sa pamamagitan ng pagluha.

"Tama na!" Tanging sambit ko at aking hinaplos haplos ang kanyang likuran.

"Hindi ko kaya!" Usal pa niya.

"Panaginip lang iyun! Nananaginip ka lang, Inuki!" Paglilinaw ko sa kanya upang siya'y kumalma.

Hinayaan ko syang tapusin ang kung ano man ang kanyang dinaramdam hanggang sa bumalik siya sa normal na sitwasyon.

"Su–sumbatan mo na naman ba ako dahil muntik na akong mamatay kanina?" Nahihiya niyang tanong.

"Hindi na mahalaga kung ano ang nangyari kanina, mas mahalaga na ligtas ka na!" Sabay bigay ko sa kanya ng maari niyang kainin.

"Niluto ni Izumi 'yan para sa'yo kaya kainin mo!" Dugtong ko pa.

Sinimulan na nga niya itong kainin.

"Hindi ko alam kung paano nalaman ni Obito ang halaga mo sa'kin ngunit ipinapangako ko na hinding hindi ka nya masasaktan!" Hindi ko alam kung saan nagbuhat ang aking sinabi sa kanya ngunit kasabay nito ay hindi ko napigilan na haplusin ang namumula niyang pisngi.

"May sakit ka!" Kaya pala mainit ang pakiramdam ko sa kanya.

"Nababad kase ako sa tubig kaya inabot na ako ng lamig doon!" Bumahing siya kaya tumilapon ang kinakain niya sa aking pagmumukha.

"Hay ano ba?" Reklamo ko naman ngunit tinawanan nya lang ako.

"So–rry!" Utal niya at nilinis niya ng kanyang damit ang aking pagmumukha.

Nakita ko na naman ang markang iyun sa aking kinapupuwestuhan.

"Aray!" Tinakpan ko ang kaliwa kong mata na naapektuhan ng markang iyun sa kanya.

"Itachi! Ayus ka lang ba?" Pag aalala niya at kaagad ko syang tinalikuran.

"Ah, pasensya na!" Saka lang niya napansin na wala syang suot na panloob kundi ang manipis na pantulog lamang ni Izumi ang pananamit niya.

"Matulog ka na! Maaga pa tayo bukas!" Tumayo na ako at balak ko na syang iwan sa kwartong iyun.

"Itachi!" Mahinang sambit niya sa aking pangalan kung kaya't gumilid ang aking paningin sa kanya.

"Sinabi sa'kin ni Izumi na kailangan mo ako dahil kaya kong baguhin ang kapalaran nyong dalawa! Alam rin ba niya na mamatay siya? Alam mo ba na ikaw talaga ang tatapos sa buhay nya?" Nangingilid ang kanyang mga luha.

Lumunok lang ako ng sarili kong laway. Hindi ko alam kung paano ko sya sasagutin.

"Kimkimin mo ang lahat ng nalalaman mo kung ayaw mong mapahamak!" Tanging tugon ko at hindi na siya nilingon pa hanggang sa makalabas ako ng kwarto iyun.

Napasandal na lang ako sa giliran ng dingding. Kailangan na namin makarating sa konoha, bukas na bukas.

Hot

Comments

Yoi Lindra

Yoi Lindra

Wow, just wow! I didn't see that plot twist coming!

2023-08-25

1

Faadhilah Fauziyyah

Faadhilah Fauziyyah

This is easily one of the best novels I've read in a long time. Highly recommend!

2023-08-25

1

See all
Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play