🍀🍀🍀
INUKI'S POV.
SA BAYAN NG KONOHA. (THE HIDDEN LEAF VILLAGE)
Makaraan ang isang araw. May isang malakas na huni mula sa bintana kaya irritable na akong makatulog ulit.
Nabibingi na ako sa huni nito kung kaya't nagtalukbong na lang ako ng aking kumot.
"Hoy babae! Gising na! Ano bang akala mo huh, prinsesa ka dito? Sinusuwerte ka naman yata dyan!" Hinila nito ang kumot ko ngunit wala akong sa mood makipag usap sa kanya.
Paano ba naman kase, pumayag si Itachi na dito ako kay Kakashi manirahan ng pansamantala. Paano ko sila mababantayan? I mean, paano kung hindi ko mabago ang kapalaran nilang dalawa ni Izumi kung narito ako sa bahay ni Kakashi.
Tapos ganito pala ang ugali ni Kakashi kaya naman pala hindi sya nagka asawa.
Naiinis pa rin ako sa naging desisyon ni Itachi.
"Hoy! Babae, Ano ba? Naririnig mo ba ako! Tirik na ang araw pero naka buog ka pa rin dyan!" Pinipilit nyang hilahin pa rin ang aking kumot kaya binitawan ko na ito at natumba siya na nakabalot dito.
"Ano ba naman, Kakashi? Ang aga aga!" Parang may amats ata ako sa pakikipag inuman ko kay Senji kagabi.
Tama, kaya siguro pumayag si Itachi na dito na ako matulog dahil lasing ako kagabi.
"Ikaw!!!! Huh?" Pagkatayo niya ay bigla syang napahiya sa'king harapan.
Saka ko lang napansin kung saan sya nakatingin.
"Ahhh!!!!" Malakas na aking hiyaw dahil wala akong kahit na anong saplot sa aking katawan.
"Ikaw kase e! Pakalasing ka ng pakalasing!" Tumalikod siya sabay kamot sa kanyang ulo.
"Kakashi!!! Anong ginawa mo sa'kin?" Naiiyak kong hiyaw sa kanya ngunit sa aking palagay ay wala naman masamang nangyari sa'kin kagabi habang kasama sya.
"Aba malay ko! Lasing din ako kagabi, basta ang natatandaan ko, Ibinilin ka sa'kin ni Itachi!" Pag iisip rin niya sa ilan oras na nakalipas.
"Ibinilin?" Nagtataka ako dahil mukhang nababago ko na ang pagiging masungit ni Itachi pagdating sa'kin.
"Ako na daw ang bahala sa'yo!" Dugtong na sabi niya at inihagis sa'kin ang kumot na gamit ko sa pagtulog.
"Ano??? Hayop ka! Papatayin kita sa ginawa mo sa'kin!" Bulyaw ko sa kanya at kaagad kong ibinalot sa aking sarili ang kumot.
Nakahagilap ako ng isang kunai at sinubukan ko syang atakihin kaya lang maalala ko na isa nga pala syang ninja.
Isa sa pinaka magaling na ninja.
"Sinunod ko lang naman ang ibinilin ni Itachi kaya relax ka lang!" Pang aasar pa nya.
"Pinagsamantalahan mo ang kahinaan ko!" Panggagalaiti ko sa kanya at pilit ko syang inaataki ngunit mabilis rin syang nakaka iwas.
"Pwede ba, relax ka lang!" Sa huling atake ko sa kanya ay napigilan na nya ako. Mahigpit niyang nahawakan ang aking kamay at hinatak nya ako papunta sa kanya kung kaya't tumama ang noo ko sa kanyang matigas na dibdib dahil manipis na sando lang naman ang kasuotan niya.
"Relax? Sa ginawa mo sa'kin, hinding hindi ko ito palalampasin!" Sumbat ko pa sa kanya at tinunghayan ko siya.
Nagsalubong ang mga tingin namin. Nakakainis lang dahil lalo pa syang nang aasar.
"Akala mo naman ang lakas lakas mo!" Mas lalo pa niyang inilapit ang kanyang pagmumukha sa'kin, halos mahalikan na nya ako.
"Pakawalan mo ako para malaman mo!" Pakikipag talo ko pa rin sa kanya at pilit akong kumakawala sa kinapupuwestuhan namin dalawa.
"Okay! Sabi mo e!" Bigla nyang binitawan ang aking kamay at dahil nawalan na ako ng balanse sa salabid ng kumot ay napahawak ako sa kanyang facemask.
Napa pikit na lang ako at naghihintay na bumagsak sa sahig ngunit pagmulat ng aking mga mata ay bumungad sa'kin ang napaka among mukha nitong si Kakashi.
Natanggal ko ang kanyang facemask kaya lumantad ang kanyang kagwapuhan.
Sadyang tunay nga na magandang lalaki siya at may nunal ito sa bandang ibaba ng kanyang labi, malapit sa baba. Nakaalalay sa aking ulo ang kanyang kanang kamay para siguro pigilan na tumama ito sa matigas na sahig.
"Ano ba?" Nailang ako at agad ko syang itinulak palayo sa'kin.
"Ang kulit mo!" Pagtayo niya at kaagad itinago ang kunai sa kanyang waist pocket.
"Wala bang—" Putol na aking sasabihin.
"Hindi ko pagsasamantalahan ang isang katulad mo kaya kung anuman ang iniisip mo, nagkakamali ka!" Usal niya habang inaayos pabalik sa kanyang bibig ang facemask niya.
"Pumayag ako sa pabor ni Itachi na patirahin ka rito dahil sa isang kondisyon na bibisitahin niya si Sasuke sa Academy kaya hindi ka prinsesa dito! Magluto ka na pagkaligo mo para naman may pakinabang ka sa'kin!" Matigas niyang sabi at pinagsarahan ako ng pinto.
Galit pa yata sya? Bakit? Masama ba na ipagtanggol ko ang sarili ko sa isang katulad nya. Alam ko naman na nasa illusion world ako ni Itachi at kakaiba ang nangyayari dito kumpara sa kung ano ang naisulat ni Kishimoto sa Animation nito ngunit alam ko rin na hindi ako magiging ligtas rito.
Ninja silang lahat. May iba't iba silang kapangyarihan at habang ako ay isang normal na babae lang.
"Hoy babae! Gutom na ako! Ano pa bang inaatupag mo dyan?" Katok nito sa pinto.
"Oo na! Magbibihis lang!" Wala akong ibang pagpipilian kundi ang sundin sya.
🖤IZUMI'S POV.🖤
🍀🍀🍀
Nauna na akong maligo kay Itachi dahil magluluto daw siya ng aming umagahan. Plano namin na bumili ng aming gagamitin na pangkasal sa palengke. Balak ko rin na dumaan kay Sasuke para maimbitahan ito sa aming nalalapit kasal.
Nagbibihis na ako ng aking marinig ang mahihinang tawa ni Itachi mula sa kusina.
Hindi ko akalain na mahilig pala syang magluto. Nu'ng mga bata pa kase kami ay madalas ako ang nagbibigay sa kanya ng pagkain na niluluto namin ng Mama ko.
Malakas na ang tawa niya nang nasa kusina na rin ako. Sinundan ko ng aking tingin ang kanyang tinatawanan sa niluluto nito.
Napapalakas na ang mga tawa niya at sadyang napapahawak siya sa kanyang tyan. Napatingin siya sa'kin kaya bigla syang nanahimik at seryosong inusisa ang niluluto niya.
"Ehem! Gutom ka na ba?" Sabay tighim niya.
"Sino bang tinatawanan mo?" Nilapitan ko siya at tiningnan ko amg kanyang niluluto.
"Ah si Inuki kase—" Pigil na kanyang pagtawa.
"Pinababantayan mo pala sya sa uwak mo tapos pinapanood mo ang ginagawa nya habang kasama si Kakashi!" Pagtutukoy ko.
"Ah.. oo!" Paglilinaw niya at hinayinan na nya ako ng kanyang niluto.
Ngayon ko lang sya nakitang maging masaya ng ganito.
"Pagkabili natin ng damit, pwedi bang puntahan natin si Sasuke!" Pagbabago ko ng usapan.
"Ayoko syang makita!" Agad niyang pagtanggi at para bang nawalan siya ng gana kumain.
"Itachi naman!" Pagpigil ko sa kanyang kamay nang dumaan siya sa'kin.
"Mamaya na lang tayo mamili ng damit sa palengke, may aasikasuhin lang ako sa labas!" Tuluyan na syang umalis.
Gusto ko syang habulin kaya lang ayokong maaksaya ang pagod niya sa niluto niya para sa'kin.
Bakit bigla syang nagbago ng pakikitungo sa'kin simula nu'ng mapunta kami dito sa konoha.
Bakit? Itachi.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 6 Episodes
Comments