Chapter 1

The incident in Mariela’s Town

A few days before the interrogation…

Sweats forming, knees weakening, visions slowly getting blurry, breathings hitching, I continued running. Hindi ako tumitigil. Even though darkness is following me, I kept on running away and did not bother to look back. Kahit pa ilang beses akong tinatawag ng Mama at Papa.

Pilit akong lumalayo. Pilit akong tumatakas. The surroundings are engulfed in pitch-black light. If there is really a black light. Darkness keeps coming. I can hear that devilish laugh closing in on me. The voices of my parents are no longer in reach of me. Nawala ito na parang bula.

It’s as if that deafening wicked growl ate their voices. I want to shout for help, but I know no one’s gonna hear me. I am all alone. I can feel it. I can feel loneliness slowly embracing my fragile soul. My heart’s beating loud and fast. Fear crept in me as I felt the evil creature’s presence behind me.

“Boo.”

Nagising akong sumisigaw at pawis na pawis. Habol ko ang hininga ko habang nakatingin sa pitch black Shadow na ngayon ay mala-demonyo kung tumawa.

“You should’ve seen your face!”, and he continued his cold and lifeless howl making me irritated.

Isang malalim na bumuntong hininga ang pinakawalan ko bago ko ito sinamaan ng tingin at bumalik sa pagkakahiga. I saw the horrible face of the creature following me. Wala itong mukha, bibig, ilong o kahit na ano. Pero nakapagsalita iyon and inflict fear in me.

Masamang panaginip man iyon gawa ng Shadow na hanggang ngayon hindi pa rin natatapos kakahalakhak, alam kong masamang pangitain ito. I glanced at my clock placed on the bedside table. 3:07am in the morning. Napabuntong hininga ako.

“Bakit ba kasi sinet mo ang alarm clock mo at exact 3am? Alam mo namang aktibo kami dahil Devil’s hour, diba?”, naramdaman kong umuga ang higaan ko.

Tinalikuran ko lang siya at hindi pinansin. Nakakainis! Why did I have that kind of dream?

‘The light of your Halo is slowly weakening, Mariela.’ Boses ng Halo ko ito ah?

Narinig kaya niya ang nasa isip ko?

‘Yes. I can hear your thoughts, nakalimutan mo na naman ba? Don’t worry, I still have my powers but for now, I can only protect your worries from him.’

Him?

‘The Shadow.’

Ah. Oo nga pala, silang dalawa lang naman ang kasama ko dito sa bahay. Bakit ko pa ba siya tatanungin kung sino yung him? Pero nagpapasalamat ako dahil nandito si Halo, bahagyang gumaan ang pakiramdam ko.

‘Is something bothering you?’

Wala. Protektahan mo na lang ang isip ko sa Shadow na ‘yan.

‘Okay.’

Hindi na nga siya nagsalita at naramdaman kong may kung anong warmth na pumalibot sa ulo ko.

“Oy, oy, madaya ka Halo! Bakit mo nilalagyan ng shield ang ulo niyan? Hindi na uso ang Ceelin Plus sa matatanda!”

Bumangon na ako sa pagkakahiga at sinimulanv itupi ang kumot. Matapos ayusin ang higaan ay kinuha ko ang tuwalya na nakasabit sa footboard ng kama ko at dumiretso na sa banyo.

“Teka! Hindi pa nga kita natatanong kung ayos ba yung—!”

Padabog long sinira ang pinto dahilan para hindi ko na siya marinig pa. Habang hinuhubad ko ang damit para makaligo na ay nagsalita si Halo.

“Pasensiya na Mariela, kung hanggang ganito lang ang kaya kong gawin para maprotektahan ka sa Shadow.”

“Ayos lang..” yun lang at sinimulan ko ng linisin ang katawan ko.

Another day, another hellish moment. Kailangan kong agahan ang paggising ko dahil baka ma-late ako sa trabaho. Mabagal kasi akong kumilos. Tahimik lang si Halo hanggang sa matapos ako sa pagliligo.

Nakatapis ako ng tuwalya na lumabas ng banyo para kumuha ng damit. Nakalimutan ko na naman kasi eh.

I found Shadow lying on my bed as he whistled when he saw me.

“It would be better if that towel is off, you know.”

Nakaramdam ako ng iritasyon nung bahagyang nilipad ang dulo ng tuwalya ko. Sarado ang bintana ng kwarto ko kaya alam kong siya ang gumawa nun. Binato ko sa kanya ang hinubad kong damit kanina. Pero wala itong epekto dahil tumagos lang ang damit ko sa katawan niya.

Mala-demonyo siyang humalakhak. “Hindi mo ako masasaktan sa ganyan.”

Right. He’s just a shadow. A pitch black shadow that doesn’t have any specific features and just plain dark mist hovering around the house. Following me anywhere I go. Kahit pa wala siyang mukha o kung ano, nai-imagine ko na ang nakakairita niyang ngisi.

“Kainis!”

Tinungo ko ang tokador sa corner ng kwarto. Matapos kong makuha ang mga damit na kakailanganin ko para sa trabaho at naglakad ulit ako patungo sa banyo.

“Hindi mo man lang ba kukunin ang panty mong basa?”, the Shadow sneered.

Naramdaman kong uminit ang pisngi ko pero pinanindigan kong talikuran ang damit na ibinato ko kanina.

“Saksak mo sa baga mo kung gusto mo!”

“‘Kay. Thanks— Aray!”, inda niya when Halo tasered him with his blazing holy ray.

Yan lang naman ang lagi kong nadadatnan paggising sa umaga. Shadow would always tease me, but Halo would always be there above me protecting me from him. Alam kong lalake sila dahil sa kanilang mga boses.

That’s the only clue they can give us humans so that we may properly address them. And it’s only been 40 years since they’ve introduced themselves to us humans. It’s been 40 years, and I wasn’t even made yet at the time they showed themselves to humanity. It’s been 40 years, and this is what had become of our future.

Eksaktong 6am ay natapos akong mag-ayos ng sarili at makapagluto ng agahan. Nakaupo ako ngayon katapat si Shadow. Feeling tao, akala mo naman makakaupo siya.

“You know, I can smell your faith slowly fading,” panimula niya.

Wala sana akong balak pansinin si Shadow dahil kanina pa siya maingay, kung anu-ano ang mga pinagsasasabi, pero nung matahimik siya at ‘yan agad ang lumabas sa bibig niya, kinabahan ako.

“I may be black but I can feel myself glowing darkly,” makahulugan niyang pagpapatuloy.

I know, idiot. So shut up!

‘Mariela, that’s not nice.’

Eh bakit? Evil being naman siya ha? He’s a demon to be exact!

‘He may be a demon, but he’s different from the demons still locked up in hell. Demons like him who have been tasked to escort humans for the rest of their lives, are chosen for it because of how they behave.’

Hindi ko kailangan ang isang tulad niya. I’m fine with being with you! Simula pagkabata, I will always be okay with just one celestial being beside me.

‘Mariela, that’s not how the world works—‘

I don’t care! Basta, ayoko sa kanya! Tinuro sa amin sa Garden of Eden na masama ang mga demonyo. We should avoid them completely, but why are humans stuck with them?!

“Ehem! Kanina pa ako dito nagsasalita at mukhang kayong dalawa lang ang naguusap... care to share, Mariela?”, Shadow remarked.

Inirapan ko lang siya at hinintay na lang pumatak ang 7am. 6:48 na pagkatingin ko sa wall clock na nakasabit sa itaas ng bintana dito sa dining room. Maliit lang ang bahay ko, tama lang sa isang tulad ko na mag-isang tinataguyod ang sarili para mabuhay.

“Aw, Mariela you’re hurting my feelings. Napa-pout tuloy ako,” biglang nag-expand patungo sa akin ang itaas na parte ni Shadow.

The scent of mint and garbage attacked my nose.

“Ew! Ang baho mo!”, sinubukan kong tanggalin ang itim na usok na kadugtong ng katawan niya pero walang epekto.

“You’re really pouching my heart, Ms. Mariela. Akala ko pa naman friends tayo, uwaa!”, is he sniffing? “Hindi mo na ba naaalala yung panahon na niligtas kita sa bangin?”

Nagpantig ang tenga ko sa narinig sa kanya. Hindi ako agad nakapagsalita dahil kay Halo.

“Shadow, enough. Hindi magandang simulan ang pag-aaway sa harap ng hapag-kaininan,” pansin ko ang lamig sa boses niya.

“Eh hindi naman ako nang-aaway ah? Si Mariela kaya! She’s giving me the cold treatment again!”

Nagsalubong ang kilay ko.

“Ang arte mo! Ang childish mo pa! Wag mo nga akong kausapin dahil hindi ka marunong umintindi!”

“Bakit? Ano ba ang hindi ko maintindihan? Kahit Shadow lang ako ay may utak at puso pa rin ako!”

“Wala akong pakealam!”

“See?! Narinig mo Halo? Wala siyang pakealam sa feelings ko? Uwaa!”

“Tumigil ka sa kakangawa mo dahil sinisira mo ang araw ko!”

“Did you hear that, Halo? Ako pa ang sinisisi niya. Uwaa! My feelings, it’s slowly breaking!”

“I said, enough!”

Doon lang kami napatigil nung nayanig ang buong bahay dahil sa boses ni Halo. Shadow stopped faking his cries but continued sniffing as if throwing his phlegm back in his nose. Ew! Disgusting.

“Shadow, I have already discussed everything to you. Hindi mo pwedeng asarin ang isang tao kapag bagong gising..”

Napatango-tango ako sa sinabi niya.

“The state of feelings of humans is very crucial when it comes to waking up in the morning, specifically if they have only a few hours of sleep—“

“Eh anong magagawa ko? I hate quiet mornings. I hate it when Mariela is silent..”

Iniwas ko ang tingin sa kanya. Ano naman ngayon? Tss.

“Mariela has always been silent—“

“But not before,” Shadow cut Halo off. “Nung bata pa siya, sobrang kulit niya. Tapos ngayon, lagi na niya akong iniiwasan! Tapos lagi na lang siyang may golden helmet sa ulo katulad dun sa old commercial ng Ceelin Plus. She’s always asking you to protect her thoughts from me—“

“Kasi puro kabastusan ang pinapasok mo sa utak ko!”, sabat ko.

“Anong bastos dun? Eh wala naman eh!”

I wanted to speak my thoughts, voice out everything. Pero hindi ko nagawa dahil uminit ang pisngi ko. I don’t know if I should be thankful for Halo blurring those rated SPG memories in my mind, but I could still vaguely remember the ***** man winking at me.

“Oh ba’t nagiging pula yang mukha mo? Are you sick?!”

I groaned in annoyance.

“I am sick of you!”

Kasabay ng pagsigaw ko ay ang tunog ng kampana. We were quarrelling for almost 30 minutes?! Nonetheless, I stopped talking to Shadow and focused on calming myself. Hindi pwedeng may bahid ng galit ang puso ko habang nag-darasal, masama raw iyon sabi ng Anghel na teacher ko noon. Nung bata pa ako ay hindi ko pa naiintindihan, pero ngayon ay alam ko na.

Praying while evil is hovering around your heart is very dangerous to humans.

“Let us all pray,” as soon as Halo spoke, Shadow got up and float out of the house.

Somehow, I felt guilty. The kind of guilt that should only be given to humans, and not to demons.

Nag-sign of the cross ako before bowing my head.

“Dear Lord, thank you for another beautiful sunrise to enjoy. Thank you for not always forgetting to wake me up. I pray that You would give me the strength to overcome any obstacle. I pray that You would help me strengthen my faith in You. I praise You for giving me a family, a life in this world. The job that I have, the job that You have given me. I pray that You will constantly remind me to be content with what I have and in all my circumstances…

“You are a wonderful God. A loving and understanding God. With this prayer, I praise You, my God. And for this meal, I thank You for blessing my home and always providing me with food and water. Father, in all that I do. I praise Your Holy Name. Amen,” nag-sign of the cross ulit ako at sinimulan na ang kumain.

I hope God hears my prayers.

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play