Prologue

Note: This is a work of fiction, names of characters, places and other business organizations are the product of the author’s imagination. Any resemblance to people and businesses are purely coincidental. Scenes that I imagine for all of the chapters of this book is from the Bible. I'm reading it so that I know what I am writing with regards to the Lord. Still, it is fictional, but my spiritual understanding is not.

*\~*\~*

When everything collapsed and the world has fallen, humanity must have courage to survive this entirely new planet. Everyone must be smart for them to not be deceived. In this new era, humans are left with one option where choosing is the only alternative for them to be alive.

Anong gagawin ko kung ako na ang susunod sa lista? Sana hindi na lang namin nakikita ang alagad ng Diyos at demonyo, edi sana mapayapa ang buhay namin ngayon. Pero kung hindi naman sila nagkatawang-tao ay masyadong nakakatakot ang activities ng demonyo. Okay lang samin kung hindi namin nakikita ang mga Anghel dahil ligtas kami sa kanila, pero kung hindi rin naman nagkaroon ng physical body ang mga demonyo ay hindi matatapos ang mga exorcism sa iba't ibang bansa.

Nagtatrabaho lang naman ako ng marangal at hindi nananakit ng kapwa, pero bakit ako ang napili ng GBC na paglaruan?! Sa pagkakatanda ko ay wala akong kahit na anong ginawa para mabaling sa akin ang atensyon nila. ****** pa naman ako, hindi ako nanonood ng porn o kahit na anong movie na may sexual intercourse. Cartoons lang ang pinapanood ko pero bakit!

I'm a good friend to my friends and a great friend to my best friend. Pero bakit ako? Lord bakit ako?

"We're here to help you, Mariela," malumanay na paliwanag sa akin ng isang anghel na naririto sa interrogation room.

Sila na ang nagsilbing police ng aming mundo, ang demonyo naman ang gumagawa ng krimen. Totoo, sila ang gumagawa nito, demonyo nga diba. Mga walang magawa sa buhay. Kung bakit ba naman kasi pumayag si Michael, ang Archangel of Greater Good Elites, na magkasabay sila ng mga demonyo na gawin ang trabahong matagal na nilang ginagawa, hindi sana magkakaganito ang mundo.

Hindi sana magkakaganito ang letcheng buhay ko!

Umismid ako at hindi siya pinansin. I know I'm rude, but I just want a peaceful life where God is the only one monitoring my actions. Hindi ko sila kailangan. I've been living my whole life without anyone interrupting nor controlling me or any of my decisions, isn't that obvious enough for God to not command His angels to disturb me?

Rinig ko ang pagbuntong hininga niya. Hindi ko siya pinansin at patuloy na nanahimik. Kapag hindi ako nagsalita they'll let me go right? Oras na hindi ko sila kausapin, lalo na ang demonyong humila sa akin dito ay sigurado akong pakakawalan nila ako. If I show them I'm not interested of them helping me on something, they will surely bug off.

Muntik na akong sumigaw nang may sumipa sa pintuan ng pagkalakas-lakas. Marahas itong bumukas dahil sa impact na kagagawan ng lalakeng maangas na nakatayo sa labas. Nakapamulsa ito at madilim ang kanyang mukha nang tingnan ko.

Inirapan ko siya at humalukipkip. Ayan na, magsisimula na ang totoong interrogation. Kapag hindi ko sila kinausap ay sigurado akong pakakawalan nila ako and I will go back to my old boring, but at the same time fun, life.

"I told you Elijah, she's not that good to handle unlike the others," says the demon as he walk towards us and stand beside the angel before crossing his arms.

Hindi ko siya pinansin. Ano ba kasi ang nagawa ko para maisama sa listahan nila? Hindi naman ako sumusuway sa 10 commandments dahil simula ng magbago ang patakaran sa Langit at Lupa ay hindi naging madali para sa iba ang hindi sumunod sa utos ng Diyos. Madami ang napunta sa Purgatory of Sinners, ang nagsisilbing presinto ng mundo, nang lumabag ang karamihan sa mga tao.

Oras na hindi ka sumunod, siguradong maghihirap ka para makabalik sa dati mong pamumuhay.

Everyone is scared to go to that prison, dahil iba ito sa normal na kulungan na nakasanayan ng mga tao. Hindi ito basta-bastang papasok ka lang sa isang selda at ikukulong ka lang for how many days or years depende sa kasalanan na nagawa mo. Sapagkat oras na magkaroon ka ng mabigat na kasalanan, mabigat din ang iyong parusa.

Ang ibang nakakalabas doon ay nagiging matino ngunit laging tahimik, hindi nagsasalita at walang kahit na sinong kinakausap. Sila ang mga taong tumatanda at namamatay mag-isa.

Habang ang karamihan naman na nakakalabas ay dumidiretso sa isang mental hospital. Hindi namin alam kung ano mang mayroon doon pero nang makita namin iyon ay hindi na muli nagtangkang sumuway pa ang iba.

Ngunit dahil nagkatawang-tao na ang mga demonyo, hindi na malaman ng iba kung isang tao ba ang kanilang kausap o hindi. Hindi na nila matukoy kung ang kaibigan ba nila o ang minamahal ng tapat ay isang tao o demonyo.

Nariyan ang anghel para gabayan kami, but they are always speaking in riddles. Kailangan mong i-decipher ang kanilang mga sinasabi para mapunta ka sa tamang daan dahil kung hindi, wala ka ng kawala oras na kumatok sa iyong pinto si Satan, ang Archenemy of Baseborn Bad Elites.

"Hello! Hell to Mariela."

Pinalo ko ang kamay ng demonyong ito at sinamaan ng tingin. "You go rot in hell demon."

Ngumising-aso siya na mas lalo kong ikinairita. "I've been rotting in hell all my dark life honey, but it got me good. See?", sabay turo niya sa pagmumukha niya.

"Wag kang feeling. Hiram lang 'yan kaya wag mong angkinin," inirapan ko siya.

He chuckled making me shiver. Demons chuckling in front of humans are dangerous, meaning, my life is in danger if I didn't stop—natigilan ako at naestatwa sa kinauupuan ko. I talked to them! Oh my God! I spoke! Paano kung hindi nila ako tigilan?

Mariela you fool! Malamang hindi ka na nila titigilan dahil nagsalita ka na.

"Eh paano kung hindi lang ito ang gusto kong angkinin?", makahulugang tanong niya habang nakatingin ang mga matang kulay itim sa akin.

Napalunok ako at agad na napaiwas. Demons, they really have a way of deceiving us humans. Kaya madaming krimen noon dahil sa kanila, and I will not fall for that freaking ugly charm.

If I know, katulad ng shineshare sa akin ng mga katrabaho ko kapag binabangungot sila, may mahahaba itong mga kuko, hugis toro ang kanilang ulo, mala-aswang ang kanilang pagmumukha at may katawan ng kambing ang totoo nilang anyo.

Ugh. Asa namang mahuhulog ako sa demonyong 'to. He's a demon and humans are only for humans. Demons are for demons. Angels, well, puro sila lalake kaya Angels are for God only.

"I can feel your insides screaming my name," hindi pa rin nawawala ang mga ngisi sa labi.

I glared at him. Kahit gustong-gusto ko siyang barahin ay kailangan kong pigilan ang sarili ko, hindi nila ako tatantanan kapag nagsalita ako.

"Mariela, we're going to help you. I am going to help you, you don't need to be afraid and build walls to block us."

Napatingin ako kay Elijah. At paano naman niya nalaman iyon? Does he read minds? Matagal na bang nababasa ng mga anghel ang isipan naming mga tao? Kung ganoon, I feel bad, really guilty.

Paano na lang kung nabasa niya, hindi lang ang iniisip ko ngayon, ang mga aksyon ko kundi pati na rin ang mga pinakatatago kong isip?

Ngunit nang magtagal ang mga mata ko sa kanya, hindi ko maiwasang mapatitig sa napaka-amo niyang mukha. Kulay gintong mga buhok gaya ng kanyang mga mata, ang pilikmatang pagkahaba-haba ay ang dahilan kung bakit pumupungay ang kaniyang paninitig. Ang maamo nitong mukha ay marahang nakangiti sa akin, giving off that good and holy vibes.

I had no doubt why I am this calm the first time I laid my foot on this room. Imbes kasi na kabahan ako ay parang may kapangyarihan ang anghel na ito para pakalmahin ang puso ko at balewala lang sa akin ang ipakita ang tunay kong pag-uugali.

Angels really are the greatest creations of God. The greatest definition of divinity of all times.

Masama akong napabaling sa taong hinampas ang mesa dahilan para masinok ako. Pinigilan ko ang sariling sigawan siya, mahirap na, baka hindi talaga nila ako tantanan. Okay lang naman sa akin kung si Elijah ang gumambala sa akin pero kung kasama siya, 'wag na lang.

Papayag ako kapag si Elijah lang ang tutulong sa akin. Being involved with a demon is the last thing that I'll ever do, and that's also at the very last of my list. Not.

I would never let myself get involved with a demon!

"Staring is rude you know, baka matunaw si Elijah. Sige ka, kukunin kita," he winked before leaning towards me.

"Beel, enough. You're not helping," hindi ang iritasyon sa boses ni Elijah ang nakakuha ng pansin sa akin kundi ang tinawag niya sa kasama niya.

Bahagyang namilog ang mga mata ko sa sinabi nito at muntik ng humagalpak sa tawa. Beel? That's his name?! What a joke! Hindi ba siya minahal ng parents niya kaya ganyan ang pangalan niya?

Right. Demons don't know how to love, they've completely forgotten that one specific knowledge God has given them after disobeying Him.

Nawala ang mapaglarong awra nito dahilan para mas lalo kong pigilan ang pagtawa. Nginuso ko ang aking mga labi nang makitang sumimangot ang kanyang pagmumukha at marahas na binalingan ang katabi.

Nagsukatan silang dalawa ng tingin, kita ko ang pag-igting ng panga ni Beel bago inirapan ang kaharap at mabilis na tumungo sa pintuan. Pinanood lamang siya ni Elijah na lumabas bago bumuntong hinginga at binigyan ako ng isang marahang ngiti.

Nang umupo si Elijah sa katapat na upuan ay siya ring pagkawala ng maamong awra nito. Sumeryoso ang gintong mga mata dahilan para mapalunok ako.

"There's no much time left Mariela, we are running out of time," a white folder appeared in front of us. "A reading from the book of Jeremiah, Chapter 50 verse 35. A double rebellion, a punishment for those who seek must be plundered. So help me now and I will help you discover your wonders."

Napatulala ako sa sinabi niya. Nakaramdam ako ng kilabot sa mga ito, hindi masamang kilabot kundi pagkamanghang kilabot dahil wala akong naintindihan!

But damn, I felt it struck my sanity. Kahit na hindi ko naintindihan ang mga sinabi niya, bigla-bigla ay unti-unting tumaas-baba ang aking ulo making him give me the most divine and knee-wrecking smile.

Lord, kasalanan po bang magkagusto sa anghel ninyo?

A/N: is it okay if I ask help for the translation of this book in the comments section?

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play