TEMPORARILY TURNS INTO PERMANENTLY (Completed)

TEMPORARILY TURNS INTO PERMANENTLY (Completed)

TEMPORARILY TURNS INTO PERMANENTLY

...! WORK OF FICTION!...

DISCLAIMER

This is work of fiction.

Names, characters, businesses, locations, events and incidents are either made up by the author or used in fictitious manner.Any resemblance to real people, living or dead, or real events is entirely coincidental.

Do not destribute, publish,transmit, modify, display, or create derivative works based on,or exploit the contents of this story in any way.

Please ask the author for permission.

...NOTE !...

This book has not been edited,so expect typos, misspelled words,and incorrect grammar. Please excuse my grammatical errors as im not fluent in English. I'm giving it my all. I'm hoping you'll support it.

..." TEMPORARILY turns into PERMANENTLY "...

..." SIMULA "...

"Saan ka naman maghahanap ng trabaho ha?".tanong saakin ni Ate habang nagliligpit ng mga damit

Si Mama naman ayun sa kwarto nila, nauna nang matulog,

Oo nga pala..Kailangan ko kasing maghanap ng trabaho at makakuha ng pera para mapagamot si Mama

"Kung saan ang may naghahanap".saad ko

"Naku chin!kapag ikaw nag apply sa bar naku naku!malalagot ka sakin!".duro sakin ni Ate

"Ate..wala kabang tiwala?".Ani ko

"Oo wala".realtalk niya

Minsan iniisip ko..kapatid koba talaga siya?

"Aray".akting ko na kunwaring tinamaan

"Tumigil ka dyan sa kaka aray aray mong yan".kuha niya sa diyaryo sa mesa at pinalo saakin

"Grabe ka ate..sige na kasi ate pumayag kana..promise marangal lang na trabaho ang a-applayan ko".taas ko ng kanang kamay ko

"Aish!Oo na sige na nga basta siguraduhin mo lang!ayaw kong pati dignidad mo ibenta mo para magka-pera!".turo niya saakin

"Hindi naman ako ganoon eh!Oo inaamin ko minsan bastos ako magsalita,pero takot ibigay Ang pinaka importanteng parte ng aking katawan..like yuck!this important part of my body is only for my soon to be husband". maarteng sabi ko

"Oo na ang dami mong sinasabi..may pa english english kapang nalalaman!".Ani niya

"Hehehe..basta ate dito kana lang at bantayan si Mama..ako na bahala sa gastusin..nakakahiya naman kasi kung puro gala lang ako at wala man lang maitulong sainyo".lapit ko sakanya at hinawakan ang kamay niya

"Okay lang naman kahit gumala ka eh..oo alam namin nasa tamang edad kana pero dapat uuwi ka sa tamang oras".hawak niya pabalik sa kamay ko

"Naku po..ate stop na baka pumatak na ang luha ko".bitaw ko sa kamay niya at tumayo

"Ewan ko sayo!".tayo niya din

At dinala na niya ang mga linigpit niya sa kwarto nila

"Sige na ate goodnight tabihan mo na si Mama".Sabi ko

"Oum..goodnight too chinny ko!".asar niya saakin bago siya pumasok sa kwarto nila ni Mama

"Ate!!!!!".sigaw ko

Ewan koba!naiinis ako!

Ang pangit kaya! Chinny? like dzuh!?

"Oo na wag kang sumigaw tulog na ang mga kapitbahay natin..at saka nagbibiro lang eh hahahah".tawa niya

Hindi ko nalang siya pinansin at pumasok na din sa kwarto ko.

Ako ang bunso,dalawa lang kaming magkapatid ni Ate.

At tanging si Mama nalang ang kasama namin sa buhay.

Si Papa?ayun may bago ng pamilya..ayaw na naming guluhin pero dinadalaw niya parin kami.

Galit ako sakanya sobra!mas pinili niya pa kasi yung kabit niya kaysa sa amin na totoong pamilya niya.

Pero hindi na namin siya pinapakialaman pa magkakagulo lang.

Ako si Chinny Feliciano.

The one and only woman that will use your Apelyido(Tama ba? sumagot ka! ).

I'm 23 year old single and ready to mingle..also still fresh like a ahm.. fresh catch mangoes? HAHAHA

I'm from your Puso,

Representing our Barangay,

'Barangay Maraming Manloloko, Naniwala naman sayo,Purok No.143 but I don't love you' yiee galing ko ano?

At last naniniwala sa kasabihang!

"Kahit anong mangyari hinding-hindi puputi ang uwak and I thank you ehehehe".

Sorry na..seryoso nanga ako si Chinny Feliciano,

Bakit chinny?Ang cute kasi ng pisngi ko(kasing cute mo).

Ang pangit kasi ng pangalan ko!sa dinami dami ng pwede ipangalan sakin Chinny pa talaga?

' CHINNY like a CHICKYNINI? '

Si Mama kasi!mabuti pa yung pangalan niya maganda " Chelsea "..si ate " Jenny "

Tapos ako?"Chinny like a Chickynini!? '

Ang unfair!Grabe talaga si Mama!

So basta need ko ng job..not ano..yung ano ah..(green minded yarn?)

Syempre workjob hehe..(work na job pa saan kapa? magtrabaho kana! ) kidding

Oo nga pala..sige na babye na,matutulog na ako dahil maaga pa akong aalis bukas at maghahanap ng trabaho.

Wish me a good luck mwehehehhehe..

...*****...

..." HOSTESS KUNO? "...

Nagising ako dahil sa ingay ng Ate ko.

Katok siya ng katok sa pinto ng kwarto ko!nakakainis Ang sarap ng tulog ko eh!

...TOK! TOK! TOK! TOK! TOK!...

tingnan mo oh hindi pa tumitigil.

"Ano ba ate!!Ang ingay mo!".sigaw ko at lumapit sa pinto para buksan ito

"Tigilan mo ako! kanina pa ako katok ng katok dito sa pinto mo tapos hindi mo binubuksan?hoy ineng remember maghahanap kapa ng trabaho!".pitik niya sa noo ko

"Malamang tulog pa ako aishh!Oo na..psh alis na shupiiii!". maarte kong sabi

"Wag mo akong ginaganyan! ihagis kita dyan eh!".inis na ani ni Ate

"Kaya mo?kaya mo?".pang aasar ko

Kinuha niya ang Isa niyang tsinelas at

"Aba't!-Oo na po maliligo pa ako". akmang ibabato niya ito sakin ng dali dali kong sinara ang pinto

Akala mo ate hah.

aish!makapag ligo nanga.

Kinuha ko ang tuwalya ko at pumasok na sa banyo.

...*****...

Hindi ko na sinabi kong paano at ano ang ginawa ko habang naliligo malay ko bang puntahan mo ako kidding hahaha.

Tapos na ako maligo at nakapag-bihis na ako.inayos ko na ang resume ko,yung folder ko at ang bag ko.

Naglagay ako ng kaunting lipstick sa labi at pak!parang neneng B charr.

Nakasuot ako ng skirt na maikli..I don't have a long ahm.. basta!

Wala kasi akong formal na suot eh..Yung pantalon ko may butas sa may tuhod why? syempre umuso kaya ang ganoong pantalon.

Tapos yung mga damit ko naman puros pambahay kung Hindi pambahay yung mga up shoulder?

Laging ganoon kasi ang binibili ko bagay naman kasi sakin sexy ako higit sa lahat maganda pa (Oh saan kapa?sa buhay kona, nahiya kapa eh)

Nang Makita kong wala na akong nakalimutan na iba pang papel.

Binuksan ko na ang pinto ng kwarto ko at bumaba para kumain muna.

"MAGANDANG UMAGA pero mas maganda pa ako sa Umaga!".maligayang sigaw ko

"Tigilan mo nga ang kakasigaw mo!para kang speaker!"

"Grabe ka ate!ano yan".lapit ko sakanya

Nagpriprito kasi siya ng ano ba toh?

"Tosino malamang!"

"Ayy!bet ate!naka tosino tayo ah".

"Syempre naman! maghahanap ka ng trabaho diba?so dapat masarap ang ulam"

Ganiyan kami!

Kung sa iba kapag mayaman slice bread lang ayos na?tinapay?diet daw?

Kami nga siguro oo minsan nagda diet din pero..minsan lang kasi kami kumain ng masarap.. Kaya sobrang saya na namin tapos yung iba dyan sobrang mapili naku naku!

Hindi kasi kami mayaman.

Kaya magkaiba tayo.hindi tayo magkakapareho ng estado sa buhay.

Kaya kung mapera ka pwes swerte mo.

"Umupo kana doon at kumain..at maghahanap kapa ng trabaho"

"Opo sisteret!"

"Good Morning mga anak".bati ni Mama

"Ma good morning too po..upo kana po at sabayan akong kumain".Sabi ko habang sumusubo ng kanin

"Sige lang anak".Sabi naman ni Mama

"Ma may gamot pa ho ba kayo?". tanong ko

"Meron pa anak bakit?". sagot naman ni Mama

"Wala ma.. tinatanong ko lang baka kasi ubos na bibili ulit ako".saad ko

"Nako!napaka gastos ko na anak..baka nahihirapan na kayo".Ani ni Mama

"Ma..para din naman po yun sa kalusugan niyo..at saka malaki na kami at matanda kana ma..dapat kami naman ang nag aalaga at nagtratrabaho para saiyo".saad ko

"True..at saka ma puro gala lang naman yan si Chin kasama yung mga kaibigan niyang mga binabae". sabat ni ate

"Eh..at least bakla..eh kasi kapag babae minsan ang aarte!". maarte kong sabi

"Eh ikaw?Hindi kaba maarte?". tingnan mo itong si ate..rinerealtalk nanaman ako

"Tama na yan kumain na tayo at aalis pa iyang si Chin".saas ni Mama

"Oo nga..kumain nalang tayo".saad naman ni ate

"Sana makahanap kaagad ako ng trabaho".sabi ko habang nakahawak sa kutsara at tinidor

"Sana nga". Ani ni ate

...***...

"Tapos na po ako kumain".Sabi ko

"Aalis kana ba?". tanong ni Mama

"Opo iinom lang ako ng tubig".Saad ko at naglakad patungo sa ref at kumuha ng malamig na tubig

Hot

Comments

Khalix

Khalix

your new story again?

2022-06-06

5

Goddess_OfWisdom

Goddess_OfWisdom

hi all

2022-06-04

6

See all
Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play