NovelToon NovelToon

TEMPORARILY TURNS INTO PERMANENTLY (Completed)

TEMPORARILY TURNS INTO PERMANENTLY

...! WORK OF FICTION!...

DISCLAIMER

This is work of fiction.

Names, characters, businesses, locations, events and incidents are either made up by the author or used in fictitious manner.Any resemblance to real people, living or dead, or real events is entirely coincidental.

Do not destribute, publish,transmit, modify, display, or create derivative works based on,or exploit the contents of this story in any way.

Please ask the author for permission.

...NOTE !...

This book has not been edited,so expect typos, misspelled words,and incorrect grammar. Please excuse my grammatical errors as im not fluent in English. I'm giving it my all. I'm hoping you'll support it.

..." TEMPORARILY turns into PERMANENTLY "...

..." SIMULA "...

"Saan ka naman maghahanap ng trabaho ha?".tanong saakin ni Ate habang nagliligpit ng mga damit

Si Mama naman ayun sa kwarto nila, nauna nang matulog,

Oo nga pala..Kailangan ko kasing maghanap ng trabaho at makakuha ng pera para mapagamot si Mama

"Kung saan ang may naghahanap".saad ko

"Naku chin!kapag ikaw nag apply sa bar naku naku!malalagot ka sakin!".duro sakin ni Ate

"Ate..wala kabang tiwala?".Ani ko

"Oo wala".realtalk niya

Minsan iniisip ko..kapatid koba talaga siya?

"Aray".akting ko na kunwaring tinamaan

"Tumigil ka dyan sa kaka aray aray mong yan".kuha niya sa diyaryo sa mesa at pinalo saakin

"Grabe ka ate..sige na kasi ate pumayag kana..promise marangal lang na trabaho ang a-applayan ko".taas ko ng kanang kamay ko

"Aish!Oo na sige na nga basta siguraduhin mo lang!ayaw kong pati dignidad mo ibenta mo para magka-pera!".turo niya saakin

"Hindi naman ako ganoon eh!Oo inaamin ko minsan bastos ako magsalita,pero takot ibigay Ang pinaka importanteng parte ng aking katawan..like yuck!this important part of my body is only for my soon to be husband". maarteng sabi ko

"Oo na ang dami mong sinasabi..may pa english english kapang nalalaman!".Ani niya

"Hehehe..basta ate dito kana lang at bantayan si Mama..ako na bahala sa gastusin..nakakahiya naman kasi kung puro gala lang ako at wala man lang maitulong sainyo".lapit ko sakanya at hinawakan ang kamay niya

"Okay lang naman kahit gumala ka eh..oo alam namin nasa tamang edad kana pero dapat uuwi ka sa tamang oras".hawak niya pabalik sa kamay ko

"Naku po..ate stop na baka pumatak na ang luha ko".bitaw ko sa kamay niya at tumayo

"Ewan ko sayo!".tayo niya din

At dinala na niya ang mga linigpit niya sa kwarto nila

"Sige na ate goodnight tabihan mo na si Mama".Sabi ko

"Oum..goodnight too chinny ko!".asar niya saakin bago siya pumasok sa kwarto nila ni Mama

"Ate!!!!!".sigaw ko

Ewan koba!naiinis ako!

Ang pangit kaya! Chinny? like dzuh!?

"Oo na wag kang sumigaw tulog na ang mga kapitbahay natin..at saka nagbibiro lang eh hahahah".tawa niya

Hindi ko nalang siya pinansin at pumasok na din sa kwarto ko.

Ako ang bunso,dalawa lang kaming magkapatid ni Ate.

At tanging si Mama nalang ang kasama namin sa buhay.

Si Papa?ayun may bago ng pamilya..ayaw na naming guluhin pero dinadalaw niya parin kami.

Galit ako sakanya sobra!mas pinili niya pa kasi yung kabit niya kaysa sa amin na totoong pamilya niya.

Pero hindi na namin siya pinapakialaman pa magkakagulo lang.

Ako si Chinny Feliciano.

The one and only woman that will use your Apelyido(Tama ba? sumagot ka! ).

I'm 23 year old single and ready to mingle..also still fresh like a ahm.. fresh catch mangoes? HAHAHA

I'm from your Puso,

Representing our Barangay,

'Barangay Maraming Manloloko, Naniwala naman sayo,Purok No.143 but I don't love you' yiee galing ko ano?

At last naniniwala sa kasabihang!

"Kahit anong mangyari hinding-hindi puputi ang uwak and I thank you ehehehe".

Sorry na..seryoso nanga ako si Chinny Feliciano,

Bakit chinny?Ang cute kasi ng pisngi ko(kasing cute mo).

Ang pangit kasi ng pangalan ko!sa dinami dami ng pwede ipangalan sakin Chinny pa talaga?

' CHINNY like a CHICKYNINI? '

Si Mama kasi!mabuti pa yung pangalan niya maganda " Chelsea "..si ate " Jenny "

Tapos ako?"Chinny like a Chickynini!? '

Ang unfair!Grabe talaga si Mama!

So basta need ko ng job..not ano..yung ano ah..(green minded yarn?)

Syempre workjob hehe..(work na job pa saan kapa? magtrabaho kana! ) kidding

Oo nga pala..sige na babye na,matutulog na ako dahil maaga pa akong aalis bukas at maghahanap ng trabaho.

Wish me a good luck mwehehehhehe..

...*****...

..." HOSTESS KUNO? "...

Nagising ako dahil sa ingay ng Ate ko.

Katok siya ng katok sa pinto ng kwarto ko!nakakainis Ang sarap ng tulog ko eh!

...TOK! TOK! TOK! TOK! TOK!...

tingnan mo oh hindi pa tumitigil.

"Ano ba ate!!Ang ingay mo!".sigaw ko at lumapit sa pinto para buksan ito

"Tigilan mo ako! kanina pa ako katok ng katok dito sa pinto mo tapos hindi mo binubuksan?hoy ineng remember maghahanap kapa ng trabaho!".pitik niya sa noo ko

"Malamang tulog pa ako aishh!Oo na..psh alis na shupiiii!". maarte kong sabi

"Wag mo akong ginaganyan! ihagis kita dyan eh!".inis na ani ni Ate

"Kaya mo?kaya mo?".pang aasar ko

Kinuha niya ang Isa niyang tsinelas at

"Aba't!-Oo na po maliligo pa ako". akmang ibabato niya ito sakin ng dali dali kong sinara ang pinto

Akala mo ate hah.

aish!makapag ligo nanga.

Kinuha ko ang tuwalya ko at pumasok na sa banyo.

...*****...

Hindi ko na sinabi kong paano at ano ang ginawa ko habang naliligo malay ko bang puntahan mo ako kidding hahaha.

Tapos na ako maligo at nakapag-bihis na ako.inayos ko na ang resume ko,yung folder ko at ang bag ko.

Naglagay ako ng kaunting lipstick sa labi at pak!parang neneng B charr.

Nakasuot ako ng skirt na maikli..I don't have a long ahm.. basta!

Wala kasi akong formal na suot eh..Yung pantalon ko may butas sa may tuhod why? syempre umuso kaya ang ganoong pantalon.

Tapos yung mga damit ko naman puros pambahay kung Hindi pambahay yung mga up shoulder?

Laging ganoon kasi ang binibili ko bagay naman kasi sakin sexy ako higit sa lahat maganda pa (Oh saan kapa?sa buhay kona, nahiya kapa eh)

Nang Makita kong wala na akong nakalimutan na iba pang papel.

Binuksan ko na ang pinto ng kwarto ko at bumaba para kumain muna.

"MAGANDANG UMAGA pero mas maganda pa ako sa Umaga!".maligayang sigaw ko

"Tigilan mo nga ang kakasigaw mo!para kang speaker!"

"Grabe ka ate!ano yan".lapit ko sakanya

Nagpriprito kasi siya ng ano ba toh?

"Tosino malamang!"

"Ayy!bet ate!naka tosino tayo ah".

"Syempre naman! maghahanap ka ng trabaho diba?so dapat masarap ang ulam"

Ganiyan kami!

Kung sa iba kapag mayaman slice bread lang ayos na?tinapay?diet daw?

Kami nga siguro oo minsan nagda diet din pero..minsan lang kasi kami kumain ng masarap.. Kaya sobrang saya na namin tapos yung iba dyan sobrang mapili naku naku!

Hindi kasi kami mayaman.

Kaya magkaiba tayo.hindi tayo magkakapareho ng estado sa buhay.

Kaya kung mapera ka pwes swerte mo.

"Umupo kana doon at kumain..at maghahanap kapa ng trabaho"

"Opo sisteret!"

"Good Morning mga anak".bati ni Mama

"Ma good morning too po..upo kana po at sabayan akong kumain".Sabi ko habang sumusubo ng kanin

"Sige lang anak".Sabi naman ni Mama

"Ma may gamot pa ho ba kayo?". tanong ko

"Meron pa anak bakit?". sagot naman ni Mama

"Wala ma.. tinatanong ko lang baka kasi ubos na bibili ulit ako".saad ko

"Nako!napaka gastos ko na anak..baka nahihirapan na kayo".Ani ni Mama

"Ma..para din naman po yun sa kalusugan niyo..at saka malaki na kami at matanda kana ma..dapat kami naman ang nag aalaga at nagtratrabaho para saiyo".saad ko

"True..at saka ma puro gala lang naman yan si Chin kasama yung mga kaibigan niyang mga binabae". sabat ni ate

"Eh..at least bakla..eh kasi kapag babae minsan ang aarte!". maarte kong sabi

"Eh ikaw?Hindi kaba maarte?". tingnan mo itong si ate..rinerealtalk nanaman ako

"Tama na yan kumain na tayo at aalis pa iyang si Chin".saas ni Mama

"Oo nga..kumain nalang tayo".saad naman ni ate

"Sana makahanap kaagad ako ng trabaho".sabi ko habang nakahawak sa kutsara at tinidor

"Sana nga". Ani ni ate

...***...

"Tapos na po ako kumain".Sabi ko

"Aalis kana ba?". tanong ni Mama

"Opo iinom lang ako ng tubig".Saad ko at naglakad patungo sa ref at kumuha ng malamig na tubig

TTIP CHAPTER 2

...CHAPTER 2...

..." HOSTESS KUNO? "...

Nang matapos na akong uminom

"Ma mauna na po ako.. Ate".halik ko sa pisngi nina Mama at Ate

"Sige..sige mag iingat ka ha".sabi ni Mama

"Opo sige bye".kinuha ko na ang gamit ko at lumabas na ng bahay

...*****...

Sumakay ako ng tricycle kanina papunta sa terminal para maka biyahe papuntang San Andres.

Ang San Andres ang tawag sa bayan saamin.

...*****...

"Kuya pa abot po..bayad ko".abot ko ng bayad,kay kuyang nasa unahan ko

"San Andres..San Andres".sigaw ng kondoktor ng jeep na sinasakyan ko

"Manong dito ho..bababa na ho ako". Sabi ko

Tumigil naman ang sinakyan kong jeep kaya bumaba na ako.

Nang makababa na ako nagpakawala muna ako ng mahabang buntong hininga at nagsimulang maglakad para makapaghanap ng trabaho

...*****...

"Bawal ka dito iha".Sabi ng security sa a-applayan ko sanang restaurant

"Bakit naman ho?".takang tanong ko

"Eh iha..hanap namin waitress hindi mistress este hindi performer". sagot nito

"Grabe ka Manong!pasalamat ka matanda kana tsk".gigil kong sabi at naglakad paalis

"Aish!saan ba ako makakakuha ng trabaho?".padyak ko

Kanina pa ako kakatanong!kakahanap pero wala parin!bokya!

10:30 AM na pero wala parin akong makuhang trabaho!

Pang ilang tanong ko na.pero ni Isang kompanya hindi man lang ako pinapasa.

Bakit?Mas bagay daw akong performer sa bar kaysa mag apply sa kompanya nila!

"Manong may bakanteng trabaho pa po ba kayo?".tanong ko sa Isa pang security ng ibang kompanya

Tiningnan niya muna ako mula Ulo hanggang paa at nagsalita

"Wala na.. siguro sa bar..doon ka". walang prenong sabi nito

Aba't!Akala nila talaga sakin performer?

"Edi wow".inis na saad ko at umalis

T*ngina niya!doon ako nagtatanong sa building nila kung may trabaho pa.

Tapos sa bar?tsk!

"Hi Miss? naghahanap kaba ng trabaho?". biglang lapit sakin ng mala kapreng unggoy

"Oo bakit?". maarte kong sagot

"Sakin pwede kang magtrabaho".ngisi nito

"Oh paki ko?".irap ko

"Kapag saakin ka nagtrabaho..Hindi ka mapapagod masasarapan ka lang".ngisi nito sabay dila sa labi

Akala niya ba sakin pumapatol sa kapre?Mas gugustuhin ko pang manatili nalang sa bahay kaysa magtrabaho sakanya.

He's not my type!yuck!

"Psh..ayaw ko nga tabi nga dyan".aalis na sana ako ng humarang siya

"Saan ka pupunta?sa tingin mo makakaalis ka? Miss sumama kana sakin para masimulan na natin Ang trabaho mo".mala adik na saad nito

Eh kung ingudngud ko ang mukha niya sa semento?ng matuto siya?

"Aba't bastos ka eh noh?".inis kong sabi

Ngumisi lang ito at hinawakan ang braso ko at pilit hinila

"Ano yan!hoy bitiwan mo siya".sigaw ng kung sino

"Tulong".paghingi ko ng tulong sa gwapong lalaki

"Bitawan mo siya".sabi ng lalaking dumating

"Sino kaba ha?".tanong ni kapreng unggoy

"Eh ikaw sino ka para mamilit ng babae?".tanong pabalik ni pogi

Anong pogi?oo na gwapo naman talaga siya eh.Mas gugustuhin ko pang ito ang trabahuhan ko kaysa dito sa kapreng unggoy

"Boyfriend niya ako".sinungaling naman ni kapre

Yabang eh noh?Akala niya ba papatol ako sakanya?antayin niya munang pumuti ang uwak!

"Anong boyfriend..ibalibag kita dyan eh".galit na saad ko

"Eh hindi ka naman pala niya boyfriend".saad ni kuyang pogi

"Paki mo!wag kang mangingi-alam!".sigaw ni kapreng unggoy

"Aba't!bibitawan mo siya oh tatawag ako ng pulis?". seryosong sabi ni handsome guy

"Tss!!T*ngina oo na..epal".Dali daling binitawan ni kapreng unggoy ang braso ko at umalis

"Are you okay?".lapit sakin ni handsome guy

"Sa tingin mo?". kunwaring irap ko

"Tsk!Arte naman nito..siya na nga ang tinulungan". bulong nito

Yabang naman!nanakot lang naman siya eh

"Eh ano bang ginawa mo?". tanong ko

"Pinaalis ko yung mokong na yun".yabang niya

Gwapo sana kaso masyadong mahangin!

"Psh!..umalis siya kasi sinabi mo tatawag ka ng pulis..eh namula parin yung braso ko".tingin ko sa namumulang braso ko dahil sa higpit ng pagkakahawak kanina ng kapreng unggoy na yun

"Namula lang..Hindi ka naman na sugatan ah".sabi nito

"Aba't!bahala ka nga dyan". inis na saad ko

Tinalikuran ko siya at nagsimulang maglakad

"Hoy teka lang..wala man lang salamat?".habol nito saakin

"Welcome".sagot ko

"Sabi ko hindi ka man lang nagpasalamat". pangungulit nito

"Oo na nga welcome".inis na saad ko

"Tsk!magpapasalamat ka o Hindi?".biglang hawak nito sa balikat ko at dahan dahang hinarap ako sakanya

Tila nag slow motion ang paligid ng dahil doon.Nagkatitigan kami at sobrang bilis ng tibok ng Puso ko

Kakaiba toh..Hindi tulad ng magkakilala kami ng ex ko.

Am I Inlove again? Lord wag naman takot na akong masaktan.

Umiwas ako ng tingin at tumakbo paalis.

...Tug! dug! Tug! Dug! Tug! Dug!...

Nang malayo na ako sa kinaroroonan namin kanina.huminto ako sa isang iskinita at hinawakan ang aking dibdib

Sobrang bilis ng tibok ng Puso ko.

Inaatake ba ako?eh pero wala naman akong sakit sa Puso ah?o magkakaroon naba ako ng sakit sa Puso?

At saka bakit ganito? Nagkatitigan lang kami!pero hindi ko naman siya kilala bakit nararamdaman ko toh?

Ito naba ang sinasabi nilang 'love at first sight?'

Hindi pwede!oo nga pala pumunta ako dito para maghanap ng trabaho hindi para lumandi!

Inayos ko ang sarili ko at naglakad muli para maghanap ng trabaho.

...*****...

...SA BAHAY...

"Oh kamusta?".pasok ni ate sa kwarto ko

"Eto wala paring trabaho".saad ko habang inaalis ang heels ko

Oo nga pala nakalimutan kong sabihin na naka heels ako.

Sana'y na akong magsuot nito kaya hindi na ako natatapilok.

"Okay lang yan baka bukas makahanap kana ng trabahong para sayo..magbihis kana at tulungan akong magluto".pagpapagaan ni ate sa loob ko

"Opo..aishh malas naman oh!". tanging na sabi ko

Lumabas naman si ate sa kwarto ko.

...***...

Sobrang bilis ng Oras at ngayon ay Gabi na.kailangan ng kumain nanaman?

"Anak.. kamusta ka?nakakuha kana ba ng trabaho?". tanong ni Mama habang kumakain kami ng dinner

Oh diba sosyal! dinner ang peg mga sis!

"Hindi nga po Ma eh.. walang makuhang trabaho..Ang hirap maghanap".matamlay na ani ko

"Oh ngayon alam mo na?na sobrang hirap maghanap ng trabaho?pero masasanay karin sa ganiyan".sabat ni ate

"Eh hanggang kailan naman ako makakapaghanap ng trabaho?". tanong ko

"Kapag may kumuha na sayo". sagot naman niya

"Psh..kanina palang nga kumukulo na ang Ulo ko sa mga security ng ibat ibang kompanya at restaurant?tapos sa iba pa kaya?". iritang ani ko

"Bakit ano bang nangyari?". tanong ni Mama

"Sabihan ba naman ako Ma ng mga a-applayan ko na hindi daw sila tumatanggap ng performer?eh Hindi naman yun ang hanap kong trabaho?tapos may pangit na kapreng unggoy pa ang lumapit sa akin!".iritang kwento ko

"Hahahah..ano ba kasing klaseng suot yung suot mo kanina?konte nalang makita na ang ka anohan mo".Saad nito

"Ewan ko sayo ate! syempre wala naman akong Ibang pwedeng maisuot?".inis na ani ko

"Edi sana sinabi mo para napahiram kita o kaya naibili kita nung isang araw".Sabi ni ate

"Aishh!Ang ibibili mo nanaman kasi sakin yung mala ale ang suot!". tanging usal ko

"Mabuti nga yun..at maayos na suot ang suot mo!at saka hindi bale ng mala ale ang suot..at least mala Snow White ang Mukha!".Sabi ni ate

"Edi sanaoll haha".tawa ko

"Anak?"

"Po?".

"Eh iyong sinasabi mong kapreng unggoy anak?Anong ginawa niya sayo ng maupakan ko".gigil na sulpot ni Mama

"Naku naman si Mama..alam na ni Chin kung anong gagawin sa mga ganoon diba chin?at saka dapat?".sabat ni ate

"Oo naman..syempre!diba self detention yun?". proud na saad ko

"B*ba self defense kasi yun hahahaha".tawa ni ate

"Ayy ganon ba?Akala ko detention?".taka kong tanong

Defense pala iyon?

Hala bakit mali Ako? wait?Tama ba talaga si ate? defense ba talaga yun?aishh!

"Saan na punta ang utak mo at naging detention ang 'defense' huh?ano ka bata pa para ma detention? HAHAHA".tawa pa ni ate saakin

"Ma oh si ate..namali lang eh".kapit ko sa braso ni Mama

"Yen wag mo ngang tawanan ang kapatid mo..parang hindi ka rin namali nung inutusan kitang bigyan mo ako ng kape..tinimpla mo gatas". ngiti ni Mama

"Ma naman!matagal na yun..at saka mas good for health panga yung gatas eh kaysa sa kape".busangot ni ate

"HAHAHA sayo naman pala ako nagmana ate eh!tawa tawa kapa dyan!".asar ko

TTIP CHAPTER 3

...CHAPTER 3...

"Hee!!at least good for health pa din yung binigay ko kay Mama..eh ikaw? Yung 'defense' ginawang 'detention?amp*pu! hahahah".asar nito pabalik

"Bahala ka nga dyan!".maktol ko

Kapatid koba talaga siya?I hate her!

I hate you ate!

Ano? childish ako?paki mo? kidding

...*****...

...KINABUKASAN...

"Good Morning Everyone.. good morning Mama at Ate!". maligayang sigaw ko

"Good Morning din anak". ngiting bati din ni Mama

"Walang maganda sa Umaga kapag kasing lakas ng speaker ang maririnig mo sa Umaga".biro ni ate

"Heee!". tanging usal ko

"Sayo din po Aling Niña magandang Umaga!".tanaw ko sa bintana

"Magandang Umaga din Chin".balik na bati ni Aling Niña

"Mas maganda kapa po sa Umaga ate Chin". biglang saad ni Nathaniel

Hindi naman po sa pagmamayabang pero matagal na si Nathaniel na humahanga saakin.

Mas bata pa siya saakin ng apat o lima na taon ata ang agwat namin?

Basta 18 palang siya samantalang ako 23 na.Paano ko nalamang may gusto siya sa akin?well nagtapat siya saakin.

Palagi niya akong inaabangan kapag pauwi na ako.Minsan nga kahit kasama ko noon si Carlo ex ko nakaabang parin siya.

Kapag minsan naman kapag Valentine's o may celebration hindi nawawala ang regalo niya saakin.

He gaving me a roses/flowers and chocolates.and I found it sweet.

Pero never ko siyang nagustuhan.Oo maitsura naman si Nathaniel?mabait,palakaibigan at mayroon pa siyang ibat ibang katangian.Kaya minsan pinagseselosan siya ni Carlo.

Kasi parang mas bagay pa daw na boyfriend ko si Nathaniel kaysa sakanya.Siya kasi wala man lang mabigay na regalo.eh si Nathaniel ilang regalo na ang naibigay nun sakin.. sobrang dami na!

Hindi naman sa sinisiraan ko ang ex ko pero parang ganoon na nga..Isa siyang boyfriend na kuripot!babaero!malandi!puro barkada!minsan nga iniisip ko nagdra drugs din kaya si Carlo?like palaging may suot siyang hikaw..tapos wala naman siyang tattoo noon tapos nagpa tattoo?

Ni hindi man lang nagpaalam sakin na magpapa tattoo siya?pero sa bagay bakit ko pa ba binabalikan yun?past na siya!at kahit kailan hinding-hindi na siya magiging present!

Babaero!Akala mo naman gwapo?

So yun nanga kahit iba ang pakikitungo saakin ni Nathaniel?

Never akong nagkagusto sakanya..hello?baka ma child abuse pa ako! HAHAHA kidding

"Ikaw naman Nathaniel..ano ba hahahah".biro ko

"Naku naku nathaniel..wag mong subukang mangligaw dito sa Ate Chin mo..baka mapagkamalan siyang Nanay mo".epal ni ate

"Grabe ka naman Ate".Saad ko

"Biro lang..Nathaniel ha?sinasabihan lang kita wala namang masama sa paghanga..pero kung liligawan mo itong si Chin wag mong gagawin.. naiintindihan moba?".paalala ni ate kay Nathaniel

"Opo ate Jen..". sagot naman nito

"Si ate naman binati lang ako eh".sabat ko

"Kahit na ikaw Chin ha!mas bata pa yun sayo matanda kana dapat alam mo na kung ano ang dapat at hindi dapat".pangaral nito

"Oo na Ate".bored kong sabi

"Hali na kayo..at lalamig ang pagkain".tawag saamin ni Mama

"Opo ma".sabay naming ani ni ate

...*****...

Sumigla ang Mukha ko ng makakita ako ng poster sa isang building na naghahanap ng secretary.

Sana matanggap na ako

"Manong".tawag ko

"Oh bakit?". tanong nito

"Mag a-apply po bilang secretary". ngiti kong sabi

"Secretary?o sexytary?". tanong nito

Aba Loko din si manong!

"Secretary po kasi".mukhang mababad mood nanaman ako nito!

"Ay pasensya na..kung mag a-apply ka hindi ka qualified".deritsong sabi ni manong

"Bakit naman ho?". takang tanong ko

"Tingnan mo nga yang suot mo?pang secretary ba yan?".turo nito sa suot ko

Eh ano naman sa suot ko!

Tiningnan ko naman ang suot ko at

"Ano naman pong masama sa suot ko?". tanong ko

"Ayyy basta!umalis kana at hindi qualified".sungit nito saakin

"Tskk!Hindi naman ikaw yung boss guard kalang".bulong ko at tumalikod

"Gutom na ako..makabili nga muna ng burger at milktea".naglakad ako papunta sa milkteahan at burgeran

...*****...

Akmang kakainin ko na ang binili kong burger at

Palabas na sana ako ng pintuan ng biglang may bumangga saakin..kaya ang nakakabw*set nahulog ang milktea at burger ko!

P*nyawa naman oh!

Wala na..na sayang lang!

"Sorry hindi ko sinasadya".paumanhin ng walang h*yang nakabunggo ko

"Alam mo-Ikaw nanaman!? aba't!t*ngina mo ka! tingnan mo kung anong nangyari sa pagkain ko!".kumulo ang dugo ko ng Makita ko nanaman ang pagmumukha ng makulit at mayabang na lalaking lumigtas daw saakin KUNO*

"Kaya nga nagsosorry diba?"Ani nito

"Mababalik ba ng sorry mo ang pagkain ko?ha!".inis kong sabi

"Edi bumili ka ule ang high blood naman nito".pilosopo nito

"Aba! malamang satingin mo?sinong hindi magagalit kapag yung taong sobrang kulit na nakita mo kahapon ay makakabangga mo ngayon at mas malala gutom kana pero..siya ang dahilan kung bakit nahulog nalang bigla ang binili mong pagkain?".irita ko

"Bibilhan nalang kita ng bago..marami ng nakatingin saatin oh". mahinang saad nito

Dapat lang!Aba kasalanan niya eh!

"Wala akong pake!".sigaw ko

"Sir..Ma'am..mawalang galang na ho..nadidistorbo niyo ho ang mga costumer namin".sulpot ng Manager ata?

"Eh yan kasi!".turo ko kay mayabang

"Oo na.. sorry po aalis nalang ho kami".sabi naman ni mayabang

"Halika nga dito".hawak nito sa kamay ko

"Ano ba bitawan mo Ako".saad ko

"Alam mo ang ingay mo!pinanganak kabang may speaker sa lalamunan?".pang iinsulto nito

Syempre para saakin insulto na yun!

Pero kapag si ate o si Mama nagsabi eh bakit ako magagalit?mana ako sakanila noh!

"Aba!-Oo na tumigil kana!makakasira ng eardrums yang boses mo".hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita ng dumugtong na siya

"Tsk".tanging usal ko

"Gutom kana ba talaga?". tanong nito

"Hindi ba halata?".pilosopo ko este pilosopa

"Sabi ko nga..sundan mo ako".sabi nito

"At bakit naman?".naka cross arms kong tanong

"Ayaw mong kumain?". tanong nito

"Syempre gusto". sagot ko

Sino ba naman ang ayaw kumain diba?

"Gusto mo rin naman pala..Tara sumunod ka".Saad nito

...*****...

"Good Morning Sir Daniel and Mam?.. Welcome to 'Casa De Verde' restaurant".bati saamin ng security guard ng restaurant

Pagmamay Ari niya ba ito?

"Thank you".Ako lang ang nagpasalamat?

Aba bastos din itong lalaking ito?

"Saan si Aunt Mary?". tanong ni mayabang sa staff

"Ahm..nasa Managers Office po Sir Daniel". nakangiting sagot naman nito

Ahhhh..so tita niya ang may ari nito?

Sana all!

"Sige salamat".ayun marunong din naman pala magpasalamat

Tumango naman ang staff ng restaurant at umalis.

Restaurant?sosyal!tapos tita niya pa yung may ari?Sana lahat noh?

"Tara puntahan natin si auntie".Yaya nito

Tumango nalang ako at sumunod sakanya.habang patungo kami sa Managers Office..may mga paintings na nakadikit sa pader..Ang gaganda!

Mala hotel ang dating!tapos sobrang laki pa!

Nasubsob naman ang Mukha ko sa likod ng mayabang na lalaking nasa unahan ko ng tumigil ito sa paglalakad.

Yung ilong ko!

Hinimas ko ang ilong ko at nagsalita

"P*nyawa ka din noh! bakit kaba tumigil!Kita mong may tao sa likod mo!Yan tuloy..my tall nose huhu".

"Alangan naman dumeritso ako sa paglalakad eh nandito na tayo sa harap ng pinto ng Managers Office!at saka pango naman".Sabi nito

Nanlait pa!pero nandito na pala kami?

"Ayy porke matangos Ang ilong mo?..at malay ko ba!". sagot ko

Napa 'tsk' naman siya.

Kumatok siya at may nagsalita naman sa loob

"Come in"

Binuksan ni mayabang ang pinto at pumasok kami"

"Oh iho? what are you doing here?".tanong ng tansya ko nasa sengkwenta anyos na siya

Pero kahit mukhang matanda na siya napakaganda parin ng Mukha niya.. Yung mala Maria Clara ang pes?

Nakakainggit!sana pagtanda ko din ganiyan din ang faces ko!

"Nothing I just visiting my beautiful auntie". Sabi ni mayabang

Totoo naman! Maganda naman talaga siya

"Sus!nangbola nanaman ang inaanak ko".tawa naman ni tita,Mam?Lola?ay ang pangit pakinggan!Mam nalang

"Btw who's this girl beside you?".agaw pansin nito saakin

"She's just nothing.. you know she's hungry kaso nakabunggo ko sa milkteahan ayun nagkainitan kami.. hanggang sa umalis kami doon kasi galit na yung Manager doon". kwento ni mayabang

"Oh?Ganon ba?Akala ko girlfriend mo na ipapakilala mo saakin". ngisi ni Mam

"Hala hindi niya po ako girlfriend..ito pong mayabang na ito?naku po hinding-hindi ako papatol sa parang kabute na ito Mam".asar ko

"HAHAHA!iho? kabute ka daw? your so funny iha".tawa ni Mam

"How could you!".Hindi maipinta ang Mukha ni mayabang

how could you ka din?

Download MangaToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play